detention room

Bumangon ako at pinunasan koi yung mukha ko gamit ang panyo ko at hinarap siya.

Sinampal ko siya. Tumayo din siya at sinampal ako. Sinabunutan niya ako at ginaya ko rin siya.

"Lagot ka." Sabi ni Anna at umiling iling pa.

"Bakit mo sinampal. "Sabi ni Jen.

Ngumiti lang ako at pinilit kong tanggalin at pagkakasabunot nya at itinulak siya pahiga, Napa aray siya sa sakit.

Marami nang tao ang nakikichismis.

"Atensyon ang gusto mo diba, ayan ibinibigay ko na sa iyo, pasalamat ka libre 'yan." Sabi ko sa kanya at kinuwelyuhan ko siya at itinaas at.......

Sinuntok ko siya. Hindi pa ako nakuntento at inulit ko.

Pumutok ang labi niya at may lumalabas na mga dugo sa labi niya at sa ilong niya.

Kinuha ko yung cake na binili nya at isinalampak ko sa mukha nya.

Oh, nasa iyo na lahat ng atensyon. Natutuwa ka ba kasi ako natutuwa. Sabi ko at tumalikod na at kinuha ko yung extra uniform ko at pumunta na sa restroom

Kaming tatlo nila Jen ang nasa loob at inilock namin yung pintuan.

Pumasok ako sa isang cubicle.

"Girl, nakita mo ba yung feslak nung linta wahaha." Sabi ni Anna

"Baka ma detention ka best."

"Madali lang naman magpalusot ehh."

"Sige tara na girl."

Lumabas na kami ng c.r at dumeretso na sa classroom.

May two subjects pa kami kaya may time pa kaming gumala.

-------------------------

Nandito na kami sa classroom at nagtuturo si ma'am robon.

May kumatok sa pintuan.

"Excuse me po. Pwede po bang ma excuse si Ms. Reyes, pupunta po siya sa detention room."

Napangiti na ako dahil sobrang boring dito sa classroom.

Inayos ko ang bag ko at sumunod sa isang guidance officer na nagsusundo sa akin.

Bago pa ako makalabas tinignan ko sila Jen at nagnod lang sila at ngumiti ako.

Alam kong nakita iyon nila Kenneth.

Naglakad ako papuntang detention room at umupo. Lumabas na yung guidance officer at inilabas ko yung phone ko .

(Buksan mo yung phone mo may nagtext 'wag seenzone.)

From: Jen

Uy girl ang hirap magpalusot hahaha. Charot.

Hinintay ko nalang sila.

Kenneth's pov

Nandito kami sa classroom at ang boring ng itinuturo.

Naalala ko lang ang lakas pala ni Macy. Akala ko magpapa api lang siya dun sa babeng linta kung makakapit sa akin kala niya close kami hindi ko nga alam ang pangalan nya.

May kumatok.

Pumunta sa detention room si Macy pero bago iyon nakita ko siyang ngumiti.

May binabalak sya masundan nga.

Nakita ko yung mga kaibigan nyang pinapadulas yung mga bag nila papunta sa pintuan habang hindi nakatingin si Ma'am.

Nakita kong nagtetext si Jen sa baba ng desk nya at pagkatapos non nagtaas sya ng kamay at nagtanong kung pwede mag cr.

"Ma'am can i go to the restroom." Sabi niya at umaacting na para bang naiihi na.

"Okay." sabi ni ma'am at nagpatuloy magsulat.

Tiningnan ko si Jen palabas at kinuha yung bag niya at yung bag ni Anna.

"Ma'am can i go to the clinic."

"Why?" Tanong ni ma'am.

Parang kinabahan si Anna pero nawala agad iyon.

"Ma'am masakit po ulo ko."

"Ok sige."

"Leo, samahan mo. Susundan natin sila." Sabi ko sumunod naman siya at inilagay sa sulok yung bag niya at nagtaas ng kamay.

"Pwede ko po ba siyang samahan papuntang clinic si Anna dahil baka mahilo po kasi siya." Sabi ni Leo.

"Ok. Sige pwede mo siyang samahan." Sabi ni Ma'am.

Sinipa ni leo yung bag nya palabas at sinama na nya yung bag namin ni Tyler.

Nagtaas naman ng kamay si Tyler.

"Ma'am can i go to the
c.r."sabi niya at parang susuka.

"Sige.pumunta ka na sa c.r baka dito ka pa sumuka."

Ako naman.

"Ma'am pwede po bang pumunta sa guidance. Naalala ko po may ibibigay daw sa akin si miss president."

'Sige. Baka importante yan."

Lumabas na ako at pumunta sa detention room. Nakita ko sila Leo na nagtatago at sumisilip sa bintana.

"Officer, masakit na po ang puson ko. Kailangan ko na po umuwi." Pagmamaka awa ni Macy.

"Sige sige sige. Uwi na."

Lumabas na si Macy at sinalubong siya nang mga kaibigan niya at naglakad na papalayo.

Ang galing din magpalusot ng mga babae na ito.

Sinundan lang namin sila at pumunta sila sa main gate at napaatras dahil may guard. Pumunta sila sa likod ng school at umakyat sa pader na bakod nang school.

"Jen, 'wag mo tapakan yung uniform ko. Dudumi." Inis na sabi ni Anna.

" 'Wag ka nga maarte kung gusto mo makalabas dito."Kontra ni Jen

"Kayo ang 'wag maingay mahuhuli tayo nito eh." Sabat naman ni Macy sa kanilang tatlo.

Umakyat na sila sa bakod kaya umakyat din kami.

Nakababa na kami sa kabilang side nung pader.

Nagtaxi sila. Pumunta kami sa parking lot at pumasok sa kotse ni Leo ng dahan-dahan at sinundan yung taxi hanggang sa.......

Mall!

Bakit sila nandito.

"Uy, p're bakit ba natin sila sinusundan?" Tanong ni Leo

"Kenneth stalker ka ba ni Macy?" Tanong ni Tyler.

"Tch. Hindi noh at hindi ko sya type". Sabi ko.

Hindi ko nga siya type pero parang kakaiba yung appeal niya parang kilala ko na siya dati.

"Wehh? Hahaha."Sabi ni Tyler at tumawa silang dalawa.

"Tch. Kakaiba yung ngiti niya kanina kaya sinundan ko siya."sabi ko.

"Ahh. Oo yung ngumiti siya bago lumabas ng kwarto. Yung ngiti na parang gagawa sila ng kalokohan." Sabi ni Leo

"Tama. Buti may utak ka pa at na-isip mo pa iyon." Sabi ko at dinuro siya.

"Hoy! May utak ako noh." Sabi niya

"Hahaha. Defensive masyado." Sabi ko.

"Tara na nga." Sabi ni Leo

Sumuko rin siya.

Sinundan namin sila Macy at pumunta sila sa isang restaurant at umupo si macy at jen at si Anna ang pumili.

Umupo kami sa tagong lugar at si Tyler ang pinapila namin. Kinuha niya yung cap niya at nagjacket na may hood para hindi siya makita ni Anna.

Pagkatapos nilang kumain pumunta sila sa isang boutique.

Nasa labas lang kami at pinagmamasdan kung ano sunod nilang gagawin.

Bumili sila ng mga damit.

"Jen, anong oras na?" Tanong ni Macy.

"5:00 na. Bakit?" Tanong ni Jen.

"Uwi na tayo. Punta muna tayo sa school may susunduin lang ako."

"Sino?" Tanong anna

"Bukas na tara na."

'Oh sige babayaran ko lang tong mga ipinamili natin." Sabi ni Jen na halatang natataranta.

"Leo, punta na tayo sa school may magsusundo kasi sa akin." Sabi ko

"Sige tara na." Sabi ni Leo at naglakad na papuntang parking lot.

"Sino susundo sa iyo?"
"Sino susundo sa iyo?"
"Sino susundo sa iyo?"
"Sino susundo sa iyo?"

Paulit ulit na tanong ni Tyler.

"Ang kulit." Sabi ko. Naiinis na ako sa lalaking ito ahh.

"Sino nga?"

"Oo na, oo na."

"Sino?"

"Si........... Macy." Sabi ko at tumingin sa labas ng bintana.

"Weh? Bakit hindi ka nagpakita sa kanya kanina para naka-uwi na kayo?"

"Ehh kasi nga baka malaman niya na sinusundan natin siya at baka isipin pa non stalker ako."

"Oo nga noh." Sabi niya

"Kaya bilisan mo mag-drive dahil baka maabutan tayo."

Binilisan na ni Leo ang pagdrive at nakarating kami sa school ng 5:20.

Bumaba na ako sa kotse at hinintay si Macy sa Main gate.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top