Umaga na.
Time check 4:30
Bumangon na ako at naligo.
Tapos na akong maligo kaya nagbihis na ako ng school uniform.
Inayos ko yung sarili ko at nagtext ako kay jen.
To: Jen
Uyy! Jen may good news ako sa iyo. Papasok na ako ngayon.
At isinend ko na. Buti may load pa ako.
Pagkasend ko nun. Pumunta na ako sa kwarto ni Kenneth para gisingin siya.
"Tok..tok.."
"Sino yan?"
"Si Macy toh, bilisan mo kumilos may pasok ka pa."
"Tapos na ako baba na rin ako."
"Sige, bilisan mo."
Bumaba na ako at pumunta sa kusina at kumuha ng isang bread na naka pack at kumuha ng bottledwater sa ref nila.
(Buksan mo yung phone mo may nagtext 'wag seenzone.)
Ring tone ko iyan. Ang cute.
Binuksan ko yung message ni .Jen.
From: Jen
As in. Omg best miss kana namin.
Kitakits nalang tayo sa school. Love you. Mwah.
----------------------------
Sweet talaga ni Best.
"Hoy! Sabi mo malelate ka na sa school bakit nandyan ka pa tara na alis na tayo." Inis na sabi ni Kenneth.
Inirapan ko lang siya at sumunod na ako sa kanya palabas.
Nakita ko yung sasakyan niya na nakaparada at pinatunog nya iyon at akala ko sasakay din ako yun pala..........hindi.
"Uyy, pasakay naman oh." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Ang layo kaya ng school dito sa bahay nila. Wala akong pamasahe dahil hindi pa ako nakakasweldo at yung laman ng wallet ko pangbili ko mamaya ng pagkain ko.
"Tss." Ayun lang ang sinabi niya at pinaandar na yung kotse niya.
Wala akong nagawa kung hindi maglakad.
Habang naglalakad ako kinakain ko yung tinapay na nakuha ko sa kusina at tumawag kay Anna.
(Buksan mo yung phone mo may nagtext 'wag seenzone.)
Bakit?
Wala lang
Tse, nagsasayang kalang ng load.
Uy, alam mo ba papasok na ako ngayon.
Wehh, OMG i'm excited na hintayin ka namin niJen sa school ha. Bye mwah.
Bye.
Inilagay ko sa pocket ng palda ko yung cellphone ko at naglakad papuntang school.
-------------------------
Bakit ang dami ng tao ngayon, may artista bang dumating?
Nakipagsiksikan ako sa mga tao at nakita ko si Kenneth na kasama yung dalawa niyang kaibigan.
Sikat pala siya, hindi ko alam yun ah.
Dumeretso na ako sa classroom at wala akong nakitang mga tao wala rin sila best.
To: Anna
Uyy, nasan na kayo?
-------------------------
Ilang sandaling paghihintay nagtext din ang bruhang si Anna
(Buksan mo yung phone mo may nagtext 'wag seenzone.)
From: Anna
Nandito kami sa school grounds. Omg ang gwapo ni Kenneth. Siya yung sinasabi ko sayong transferee galing ibang bansa.
------------------------------
To:Anna
Sige hintayin ko nalang kayo dito sa classroom.
----------------------------
From: Anna
Okiiee. Thanks best. Wait mo kami dyan.
--------------------------
Inirapan ko nalang siya kahit gindi niya nakikita. Ang wierd ko today.
Inayos ko nalang yung magulong seats at inayos ko yung bookshelves at nagwalis.
Pagkatapos ko umupo nalang muna ako at uminom ng tubig.
"BEST!" sigaw ni Anna at tumakbo papunta saakin at niyakap ako.
"Musta ka na, tagal mong hindi nagparamdam ahh." Sabi ni Jen at yumakap narin saakin.
"Ito haggard wahaha." Sabi ko at tumawa.
Nagtawanan lang kami at nagkwentuhan natigil lang iyon ng may tatlong lalaki ang pumasok at kasunod nilang lahat ang mga estudyante sa Royalton.
Wow ganon talaga siya kasikat. Alam ko namang sikat na sila Leo at Tyler pero siya Wow.
Umupo na kami ng maayos at ako ang sa gitna.
Umupo sa tapat namin sila Kenneth.
Dumating na yung prof. Kaya tumigil na yung pagtitili at paghihiyaw nung mga babae at umayos na kami ng upo at binati namin si Prof. Mekan.
"Students you have a new classmate.
Please introduce yourself here infront."
Tumayo si kenneth at punta sa platform.
"Kenneth Martin Chang." Sabi niya at bumalik sa upuan niya.
Nagsitilian naman yung mga babae.
"Quiet class." Sabi ni prof.
"Let's start the discussion."
Hindi ako nakinig kay ma'am dahil parang inaantok ako.
Ipinikit ko ang aking mata at nangalumbaba.
Abutin mo kamay ko. Sigaw nung batang lalaki sa akin at pilit inaabot ang aking kamay.
Tumalon siya sa tubig at pilit akong tinutulungan pero hindi rin siya marunong lumangoy.
Tulong..tulungan nyo ako! Sigaw ko pero wala parin nakakarinig sa akin
Tulungan nyo ako Diyos ko. Iligtas nyo ako sa kapahamakan. Sabi ko sa sarili habang palubog na ako ng palubog at tinatangay ng alon. Hindi ko na kaya, kaya napapapikit na ako .
Macy! Macy! Macy!
Napa balikwas ako ng upo sa upuan ko.
Panaginip lang pala.
"Ano nangyayari sa iyo,Bakit ka humihingi ng tulong?"
"W-wala."
"Nananaginip ka ba?"
"O-Oo."
"Tara na kain na tayo sa canteen ibibili kita ng tubig tara na." Sabi ni Jen at hinila ako palabas.
Nakakapit si Anna sa kanang braso ko at nakakapit naman si Jen sa kaliwang braso ko.
Nandito kami sa canteen as usual maraming tao.
Pumila na kami. Ang haba ng pila.
Matayaga kaming pumila at aba sumingit ang tatlo. Binigyan sila ng daan patungo sa counter.
"Tss. Singit. Arrgghh!' Sigaw ko.
Humarap lang si Kenneth at ngumisi.
Sheezz.. nakakairita.
Pumila kami tapos siya- este sila sumingit lang. Nakakahigh blood.
Nakaalis na sila at biglang may nakasalubong silang isang babae na parang linta kung makakapit kay Kenneth.
Nagkatinginan kami at inirapan niya lang ako.
Arrgghh. Nahahigh blood ako.
Nahalata na yata nila Jen na naiirita ako kaya nagsalita na si Anna.
"Uyy, that girl is so landi." Sabi ni Anna.
"Oo nga, ang landi. Ang sarap lang ilublob sa gasolina at sindihan ng lighter ang mukha kala nya maganda siya. Sheezz." Sabi naman ni Jen
"Pero infairness ang ganda niya kamukha niya yung kalyo ko sa paa." Sabi ni Anna at tumawa.
Kami na ang sunod na umorder at naglakad kami papunta doon sa vacant seat at malalagpasan namin sila Kenneth.
Naglakad na kami ng biglang......
"Booogggsshhh.."
Natisod ako at sumubsob yung mukha ko sa pagkain ko.
"Opppss. Sorry.." sabi niya at tumawa pa.
Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Namula na ako sa kahihiyan at sa galit.
Hindi lang siya panget papansin pa hah. Bibigyan ko siya ng pansin. Ito ang expert ko dahil sa dati kong school nakick-out ako kaya nagscholar ship ako dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top