airport
Saturday
Maaga akong nagising dahil sabi ni manang ngayon daw uuwi sila madame at yung pamilya nila kaya nandito ako dun sa kwarto na nilinis ko nung unang araw ko dito.
Nagpatugtog ako ng kanta sa cellphone ko at nilakasan yung volume non at nag ipit ako ng buhok at naglinis na.
Walis dito, walis doon.
Mop dito, mop doon.
Punas dito, punas doon.
Nilinis ko yung kwarto hanggang sa makakaya ko.
Pagkatapos kong linisin yun nagbukas ako ng pabango sa kwarto.
Pagkatapos ko doon sa kwarto bumaba ako sa sala at iyon ang nilinis.
Pinunas ko yung center table at
Inayos ko yung mga magazines at newspapers doon at pinunas ko yung mga vase at nilagyan ng tubig yung roses na nasa vase at Nag mop ako sa buong sala.
Inayos ko yung mga painting at gumamit ako ng feather duster para sa mga ibang figurines at sa mga photo frames na nakadesign sa cabinet kung saan nakalagay yung malaking flat screen tv.
Nakuha nung isang photo na nakaframe yung atensyon ko dahil isang masayang pamilya ang nakita ko sa picture na nagpipicnic sa park at napakaganda ng backround may malinis at malinaw na ilog at maraming naglalarong mga bata sa park na iyon at marami ding pamilya ang nagpipicnic pero hindi naman masyadong poluted yung lugar.
Dalawang bata na hawak hawak ang tig-isa nilang lobo na kulay pula. At yung kanilang magulang ay tuwang-tuwa na naka-upo habang tinitignan nila ang kanilang anak.
-------------------------
Nagtungo ako sa garden.
Wow ngayon lang ako nakapunta dito ang ganda at ang linis maraming klase ng bulaklak at iba-iba ang kulay ng mga ito.
At may isang malaking fountain.
Parang nasa isang paraiso ka dahil sa ganda nito. Pwede mo ilabas lahat ng mga nararamdaman mo diyo dahil kapag nakatingin ka dito parang wala kang kaproble-problema sa buhay mo.
Pumunta ako sa fountain at umupo sa tabi non at masaya akong tumitingin sa tubig na parang walang problema.
Nagpahinga ako saglit at naligo na ako dahil pawis pawisan na ako.
---------------------
Tapos na akong maligo at aayusin ko yung higaan ko at yung mga damit at gamit ko.
Pinalitan ko ng bedsheet yung kama ko ng kulay pink at yung punda ay pink din.
Nilagay ko yung bedsheet at yung punda sa labahan at bumilik sa kwarto.
Inilagay ko yung black box ko sa ilalim ng kama ko at inilabas ko lahat ng damit ko sa maleta na dala ko at itinupi iyon ng maayos at inilagay dun sa maliit na cabinet at yung mga photo fame ko inilagay ko sa taas ng maliit kong cabinet at may painting na iniregalo sa akin si nanay isinabit ko iyon sa taas ng wall ng kama ko.
Kenneth's pov
Nandito na kami sa airport at malapit na kaming sumakay ng eroplano.
"Kenneth tara na at sasakay na tayo sa eroplano." Sabi ni mom
"Sige po, tara na." Sagot ko naman.
Tinext ko yung dalawa kong kaibigan- sina Leo at Tyler
To: Leo
Hoy! Leo malapit na kami dyan. Maghintay ka at babatukan kita palagi nalang akong na-si-seen zone sa hah.
-------------------------
To: Tyler
P're malapit na kami dyan sa pilipinas. Text ko nalang kayong dalawa kung nasa mansion na kami.
----------------------
Nandito na kami sa eroplano at malapit na itong lumipad kaya umayos ako ng upo at matutulog.
Kenneth tulungan mo a-ako! Sigaw ni helena sa akin
Abutin mo ang kamay ko. Sigaw ko kay helena.
Mom, dad tulungan nyo kami ni Helena. Sigaw ko pero hindi parin nila naririnig.
Bumili kasi sila mom ng pagkain namin. Sabi ni Dad 'wag daw kami tatakbo malapit sa ilog dahil baka malunod ka.
Hinabol namin yung lobo ni Helena at hindi niya nakita malapit na siyang mahulog sa ilog. Nung malapit na niyang maabot yung lobo nahulog siya sa ilog.
Helena, konting hintay lang. Abutin mo kamay ko.
Hindi parin niya maabot yung kamay ko.
Hindi na niya kaya, kaya tumalon na ako sa ilog.
Hindi rin ako marunong lumangoy pero kailangan ko iligtas ang kapatid ko kahit mamatay ako.
Mom, dad nasaan na kayo kailan namin kayo! Sigaw ko habang hinahanap si Helena.
Hindi ko na nakita si Helena at lumubog narin ang katawan ko.
Kenneth! Helena!
Sigaw ni Dad yun. Sana mailigtas niya kami.
Napapapikit na ako at hindi ko na kaya athindi na ako humihinga.
May nag ahon sa akin sa tubig at nakita ko si Dad.
Dad, hanapin nuo si helena. Sana okay lang siya. Sabi ko kay dad at pumikit na ako ng tuluyan.
--------------------------
Napabalikwas ako ng upo.
"Kenneth, ok ka lang ba?" Tanong ni mom.
"Ok lang po ako." Sagot ko
Bakit bumabalik nanaman yung mga ala-ala na pilit ko nang kinalilimutan.
Ako ang may kasalanan kung bakit siya namatay. Hindi ko siya iniligtas at hindi ko siya binantayan.
Masama akong kapatid.
Hanggang ngayon hindi parin namin nakikita ang bangkay ni Helena.
Ang sabi nila baka inanod na ang kanyang bangkay sa kung saang lugar at natabunan na ng buhangin.
Miss ko na ang kapatid ko dahil siya lang iisang tao na nakakapagpasaya sa akin maliban sa magulang namin.
Kaya kami pumunta sa ibang bansa para makalimutan na ang mga nakaraan na bumabagabag sa amin.
Ngayon babalik kami sa pilipinas at doon ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko.
"kenneth, nandito na tayo."
Bumaba na kami sa airplane at sinundo kami ng driver namin at binantayan kami ng mga bodyguard.
--------------------------
Please support my story
Like. Share. Comment
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top