Epilogue
Epilogue has few more twists in preparation for the Part 2. I italicized few words which are important to understand and make it obvious. I'll post a chapter for FAQs and few announcements. So, stay tuned.
• • •
I was walking alone in the street reaching the place where it all started. It's still the same. Maingay pa rin sa gabi. It's been two decades since the last time that I went here. Because the last time was the night I lost everything. I lost my Mom, friends, loved ones. Even I have regained my memories back I never thought that I'd prefer not to go back to this place. Ngayon lang.
Naupo ako sa eksaktong bench na katapat ng maliit na ferris wheel na sobrang kong in-admire noon. The same place where I met a kid. The place where he offered his ube ice cream flavor so I could stop crying.
Naputol ang pagkakatulala ko nang may maramdaman akong bagay na malapit sa'kin. Nang lingunin ko 'yon, a kid with an ice cream on his hand is offering it to me. Napangiti ako nang bahagya nang makita tumutulo na 'yon sa kamay nito. Mukhang kanina pa gusto akong lapitan kaya natunaw na ang ice cream na hawak.
"P-Para sa'yo po." Nahihiya nitong tanong sa'kin habang namumula ang pisngi.
Kinuha ko ang dalang panyo ko sa aking bulsa at bahagyang hinila ang bata. Kinuha ko ang ice cream na hawak nito tapos ay ibinigay ko sa kanya ang panyo. "Salamat, punasan mo ang kamay mo."
Mas lalo kong nakita ang pamumula ng pisngi nito na ngayo'y umabot na sa tainga n'ya. Gusto kong pisilin ang matambok nitong pisngi dahil sa ka-cute-an. Mabilis na kinuha ng batang lalaki ang panyo at nagtatakbo na palayo. Bahagya akong natawa pero kapagkuwa'y tumayo na rin upang makaalis.
I'm eating the ice cream while I'm walking up on the mountain para puntahan ang lugar kung sa'n talaga ako nakatira. Nang matanaw ko ang bahay namin na tila napabayaan na ng panahon ay doon ako nakadama ng, "I'm home at last" na pakiramdam.
I opened the door at nilibot ang lugar kung saan ako lumaki. Kung sa'n ako pinanganak. This will remain a sanctuary for me and I'll do my best to preserve this place. Maalikabok ang looban but it didn't diminish the feels when I'm re-imagining the time where I'm playing here with my Mamma. Kapag nagtatakbuhan kami nina Claude at Austin sa sala.
When I reached my room, I slowly opened the door. The nostalgic feeling became aggressive and I can't seem to explain it anymore pero agad na nagtubig ang aking mata. I've seen a scenario where my Mom was trying to make me sleep but I'm just pretending that I was and playing around with her. Napangisi ako sa alang-ala na 'yon.
Nang tunguhin ko ang kwarto ng aking ina, doon na nagsimulang umagos ang luha ko sa aking mata. Lalong lalo na ang nag-iisang larawan na nakataob sa gilid ng kama. Napaupo ako sa matress nang tuluyang makita ang larawan namin ni Mamma. We're both smiling there while she's hugging me tightly. I traced my hand on her face in the picture at hindi ko naiwasang tuluan 'yon ng luha ko.
I really miss you, Mamma. I love you.
I wiped off the tears on my cheeks and even on the photo. Muli ko 'yong ibinalik sa drawer na nasa gilid ng kama and this time, itinayo ko na 'yon mula sa pagkakataob nito.
Muli ko 'yon tiningnan but this time, I traced my eyes on her neck. Sa kwintas na suot nito. Tapos ay may kinuha ako sa bulsa ng suot kong leather jacket. My Mamma's bracelet. The one she gave me.
Sunod kong pinuntahan ang basement kung saan kinulong noon ang mga bata. Ang mga Enhanced na normal na ngayon.
Kada daan ko sa pasilyo ay nanunumbalik muli ang mga alaala kung paano ko ito noon pinasok nang hindi nahuhuli. Napatawa ako ng mahina upon realizing how good I was in sneaking. Sa kada daan ko sa kwarto ay natitigilan ako. Lalo na ang dalawang kwarto na s'yang pinagkulungan noon ng mga bata.
My heart ached once again upon remembering their pain. Their wound is my scar, and their scars are my nightmare. It will always be engraved on my heart at wala nang makakapagpawala no'n kung 'di ang alalahanin na lamang.
They say pain demands to be felt. Yes, it is, we should all feel it. The pain was created for us to feel that we are not always strong. That we could be vulnerable in a few circumstances that we can no longer take the heavy burden inside our chest. It will always be a reminder that we are still normal. That we are still human. And that what makes us as a human. Pain completes us.
Diniretso ko ng punta ang kwarto o opisina ni Mamma sa basement na 'to. It's still classy kahit puno na 'yon ng alikabok. Ilang taon na hindi nalinisan. I traced my hand on the edges of my Mamma's table. Dito s'ya nagtatrabaho. Dito n'ya noon inaayos ang mundo ng Privus.
Tiningnan ko ang dingding na may nakaukit na painting. Dahil ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa opisina ni Mamma sa basement, ito rin ang unang pagkakataong nakita ko 'to.
It's a painting of a woman in the center. Sa magkabilang kamay nito'y nakalahad sa magkabilang gilid habang may isang bato ang nakalutang sa ulo nito. May pitong nakapalibot na light dots sa paligid ng babae habang ang kulay ng mata nito'y asul at pula. Katulad ng mata ng Diaperno Maticum.
"The first vision of the Clairvoyant holds the truth and the answer."
I don't know why that thought came back from my mind. Unconsciously, I put my two fingers on the eyes of the woman in the painting.
Nagulat ako nang bigla iyong lumubong when I pushed it. Sa gilid ng painting, doon lumitaw ang isang maliit na korteng box na may lubog na pigura sa ibabaw.
A crescent-moon shape.
Mabilis kong inilabas ang kwintas na nabawi ko at inilagay 'yon sa lumitaw na box. Napaatras ako nang biglang gumalaw ang dingding kung sa'n nakapinta ang painting. The blocks are creating a hole na itsurang pintuan. Doon ko na-realize that it's a passage way somewhere.
Kaagad ko 'yon pinasok at nilabas ako nito sa kabilang bahagi ng bundok.
Sa paglabas ko ay bumungad sa akin ang dalawang rebulto ng babae sa magkabilang gilid ng daanan. They're both facing each other. Their arms are raised in the center as if they're reaching something.
The figures are wearing an unusual warrior outfit with a crown on their heads. Ang isa ay may hawak na mahabang sibat sa kabila nitong kamay habang ang isa naman ay may hawak na pana.
Ang may hawak ng sibat ay may buhok na kulot kulot na halos takpan ang mukha niya. Habang ang babaeng may hawak ng pana naman ay may mahaba at straight na kulotbsa dulo. If you're going to see what they're doing? You would notice na magkaaway sila. Ang isa galit na galit at ang isa ay walang emosyon ang pinapakita.
"Nandito ka lang pala."
My eyes immediately turned into oceanic blue when I tilted my head to figure out who are the intruders.
"Alam naming dito ka didiretso matapos ang lahat ng nangyari." Wika ng isa pa nitong kasama.
"Anastasia failed to kill the chosen Descendant." Iyon ang namutawi sa labi ko nang tuluyan nang makalapit ang dalawang babae.
"Do you want us to do the honor?" wika ng isang babaeng may natural na normal na boses. Her voice is monotonous but it always spits venom. Just like her mother, Leonna.
The other one scoffed with arrogance. "We are always ready to move. Pinaasa n'ya si Asia at sinaktan kaya dapat lang sa kanya ang mawala." Her bitchy tone never failed to amaze me. Kahit walang habas ang pagiging straightforward niya. Most of it ay laging may punto, lahat kaya n'yang totohanin. Just like her mother, Althea.
I grinned while I'm looking at the statue who's holding a bow. "You don't have to. Alam kong 'yon ang gagawin ni Asia ng mga oras na 'yon. She just killed the entire guards for them to escape with ease."
"If you know na 'yon ang gagawin ni Asia. Bakit mo pa s'ya binigyan ng option na akala n'ya ay iyon nalang ang natatanging paraan?"
Nilingon ko na ang dalawang babaeng kausap ko at pinakatitigan ang nagtanong. I made her see my usual grin.
"Asia won't be declared as a child prodigy if she's not using her head, Goddess. She's smarter than me. She outwits her own destiny. S'ya ang kusang umukit ng mga susunod na mangyayari." I explained.
"Ibig mong sabihin, you're just waiting for her not to do it?"
"Yes, Empress. It's part of my plan." I gently replied then I walked a few inches at them.
"Since you got everything on your hand... what do you plan next?" Goddess asked.
Muli akong lumingon sa dalawang rebultong nakatayo sa dulo ng pasilyo ng kagubatan.
"We will finish what we started here. It's also her plan after all. She's just waiting for the right moment to move." Wika ko habang nanlilisik na nakatingin sa rebulto ng babaeng may kulot na buhok at may hawak ng sibat.
"What do you mean?" they both asked.
"She already chose her own vessel." Pertaining to the ones I'm glaring at. "Hindi n'ya 'yon sinabi kay Lucilla nang ipakita ng Apollo ang mangyayaring sakuna. She chose someone that we need to find out who. She has the soul of my beloved sister."
Naramdaman ko ang pag-atras ng dalawa sa naging pagsisiwalat ko.
"Alam n'yang hindi stable ang bato nang bumagsak kami rito sa mundo ninyo. At kapag hindi 'yon stable, hindi n'ya kayang makawala na s'yang pinipigilan ko. The only way for the Apollo stone to be stabled ay ang pakawalan ang sumpang mayro'n ang kapatid ko. When she chose her vessel, napalitan na akong piliin ang katawan ni Anastasia na gawing sisidlan para mapaghandaan ang gagawin n'ya. She will get her revenge in any other way. At idadamay n'ya ang Earth sa kanyang galit."
"Nagkamali s'ya sa prosesong pinili. Sa ginawa niyang pagpili, humiwalay sa kanya ang pito n'yang sumpa dahilan para manatili s'yang tulog sa katawan ng batang napili. She's just waiting for someone to put back all her curses to the stone at doon na s'ya gagalaw. Pero gagalaw lang s'ya... kung may muling bubuo sa Apollo."
"B-Bubuo? T-Teka, ang ibig mong sabihin..." mahinang wika ni Empress.
"The Apollo stone is the heart of my world— of the other dimension. It holds the eternal life na s'yang gusto nang sinuman. Kaakibat ng walang hanggang pagkabuhay ay ang taglay nitong panganib dahil sa enerhiyang nilalabas no'n. Kung sino ang may hawak sa Apollo, s'ya ang may hawak ng buong multiverse and other dimensions."
Umupo ako sa estatwa na s'yang wangis ko. "Ang Apollo mismo ang pumipili kung sino ang hahawak sa kanya. Kung sino ang napili n'ya. S'ya ang may karapatang gumamit sa potensyal niyon."
Sa dalawang kasama ko ngayon, alam kong nahihinuha na ng isa kanila ang gusto kong ipunto. It was the Goddess who continue it.
"Pero dahil hindi ang kapatid mo ang napili na nasa katawan ng isang bata noon, ang tanging paraan para muling pumili ang Apollo ay ang mawala ang kasalukuyang Descendant o... kailangang masira at mabuo muli ang Apollo."
Ngisian ko silang dalawa at umigkas ang isa kong kilay para ipahalata ang silbi nila sa larong 'to.
Parehas silang napaatras na may napagtanto.
"I planned everything with Lucilla, Leonna at Althea. Kung hindi papatayin ni Asia si Alastair ay kailangang madaliin ang lahat. From destroying it... to its recreation."
Napaupo ang dalawa sa magkabilang gilid ng pasilyo. "Kayong dalawa ang piniling gawin 'yon. You both need to do it as soon as possible."
"At sa oras na mabuong muli ang Apollo?" Empress asked and probed.
"Kailangang mahanap kaagad ang taong napili ng bagong-buong Apollo na Descendant. And Asia needs to kill that person this time bago gamitin ng kapatid ko ang taong 'yon at pakawalan ang katawang lupa nito."
"Kung kailangang patayin ang susunod na descendant, paniguradong pipili muli ang Apollo ng susunod na tao. It will be like a rotating scenario. Walang katapusan." Goddess concluded.
Muli ko silang nginisian.
"Essentially, that's one of the options. Ang patayin ang napili. Pero tama ka, hindi matatapos ang labang ito sa gano'ng paraan."
"So, paano mapipigilan ang Apollo sa pagpili muli?" Empress asked.
"Do we need to destroy it?" Goddess tried to answer it but I shook my head as an answer.
"H'wag niyong kalimutan ang silbi ng Clairvoyant." Iyon lamang ang tanging kong sinabi at muling tumayo. "Sa t'wing may pinipili na Descendant ang Apollo, may pinipili rin s'yang susunod na makakakita ng hinaharap."
Sabay na nagsalita ang dalawa sa likuran ko nang makuha ang ibig kong ipunto. "Dahil sa unang vision makikita ang katotohanan at sagot sa katanungan."
"Archilliah's first vision only gave the answer of killing the chosen Descendant was the only way. Pero alam kong nakuha ni Asia ang totoong ibig sabihin no'n."
"What do you mean?"
Mabilis kong hinarap ang dalawa at pinakita sa kanila ang vision ni Archilliah.
"Asia saw something strange sa vision. Three cracks from the Descendant's punch made the world destroyed. Apollo loves riddles. Apollo loves reading between the lines. The three cracks symbolize the answer. At kayo 'yon. Sa dulo ng tatlong cracks, nakatayo kayong tatlo. Kayong tatlo ang sagot sa unang vision. Dahil kung hindi napansin 'yon ni Asia at napatay n'ya ang Descendant, magtatagumpay ang kapatid ko at iyon ang kapalit sa pagkakamaling 'yon. Nang makuha ni Asia ang ibig sabihin ng mensahe, kailangan n'yong masikatuparan ang pagsira at pagbuo sa Apollo. From there, the new Clairvoyant will see the way to stop the Apollo from choosing."
"P-Pero, paano? The Privus became stronger matapos ang gabing namatay si Supremo. Hindi nila kami hahayaang makuha 'yon ng gano'ng kadali ngayon." Tanong ni Empress.
"I will orchestrate everything." Napatingin sila sa akin nang may kunot sa noo.
"You will what?" Goddess asked.
Nginisian ko lang silang dalawa. "Asia will manipulate everything. Sa kung paano n'yo masisira ang Apollo stone? Hanggang sa paano n'yo iyon mabubuo."
Pare-parehas kaming napatingin sa kalangitan at pinakititigan ang buwan. They're both trying to digest every information that I revealed.
"This is just the beginning..." Empress uttered.
"We're just only in the middle of the storm," Goddess commented.
Napakuyom ako ng kamao nang maramdaman kong tumigil na ang cosmic energy na kumokontrol sa katawan ko.
"My curse won't just stop here. Everything will end... in the Battle of Apollo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top