Curse Thirty Nine: Project Apollo Part 3
"DARLING, I hope you understand why we need to do this." Itinaboy ko ang kamay ni Mamma nang subukan nitong hawakan ang aking buhok. I know I'm being rude but I just can't believe what she's been doing with those kids!
"I don't know, Mamma. All I know is that you're becoming a monster. Like those who want to kill us! Bata man ako sa paningin mo pero ang makita silang nakakulong do'n at iyak ng iyak dahil gusto na nilang umuwi? I can still judge it as bad! It's really bad, Mamma! And you should stop it!" hindi ko na napigilan ang sigawan s'ya.
Hindi ito nakasagot sa akin kahit na kitang kita ko ang pagpipigil nitong patigilin ako sa pagwawala at pagsigaw sa kanya. She knows that she's at fault. Dapat lang!
"This is for your safety as well, Darling." Mahinahon at malambing n'yang sagot sa akin.
Pero sunud-sunod na iling ang ibinigay ko sa kanya. No, it doesn't justify the problem she created. It doesn't change the fact that they're all ruining their lives!
"Kapag 'di ko 'to ginawa, Asia. Ikaw na mismo ang pipiliin n'ya." Wika n'ya na hindi ko naintindihan. Maybe this is the limitation of my understanding. Hindi ko lubos maiintindihan ang Apollo na 'yan. All I know is that it ruins their lives. Sinisira nito maging ang pagtingin ko sa aking ina!
"I k-know you w-wouldn't understand everything, b-but... please, trust me. T-Trust me, Anastasia." Hindi na napigilan ni Mamma na ako'y yakapin ng mahigpit. I'm resisting her hug pero dahil mas malaki si Mamma ay nananatili na lang akong nakatingin ng seryoso sa malayo.
Pinauwi na muna sina Claude at Austin matapos ang gabing sinubukan kong iligtas ang mga bihag kagabi. Gusto man ako tanungin ng dalawa kinabukasan ay hindi naman nila ako makausap ng maayos dahil matapos ang nangyari ay lagi na lamang akong nakatulala sa malayo. Sa t'wing ako'y tutulala sa taas ng aming bahay at natatanaw ang luntiang kulay ng kagubatan na nakapalibot sa amin ay naalala ko bigla ang mga bihag na nasa baba pa rin hanggang ngayon.
Hindi ko sila magawang balikan man lang dahil nahihiya na akong ipakita ang pagmumukha ko dahil sa kapalpalakan ng aking ginawa para lang mailigtas kahit man lang ang dalawang kambal na may pangalang Aarav at Oliver.
Sa t'wing naalala ko sila, hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na maluha.
I feel so sorry for them. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao dahil hindi ko sila mailigtas man lang. Hindi ko alam kung totoo man ang aking panaginip gabi gabi na sumisigaw sila sa sakit. Umiiyak ng todo dahil sa Apollo na 'yon. Maisip ko pa lamang 'yon ay hindi ko na maiwasang sisihin ang sarili ko.
Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil anak ako ng taong nagpapasakit sa kanila ngayon. Gusto kong sisihin ang aking sarili dahil wala akong magawa para lang maligtas sila sa kinasasadlakan nila ngayon. Nasasaktan ako kapag na-i-imagine ko ang sakit na nararamdaman nila but what's hurting me the most was the fact that my mother was the one causing them to be hurt.
Bakit si Mamma pa ang kailangang gumawa at planuhin ang gano'ng klaseng krimen?
Isang gabi ay nagpasya akong bisitahin ang mga kinidnap sa baba. Medyo mas naging mahigpit ang sekuridad ng mga kasama ni Mamma sa lungga nila kung kaya't medyo nahirapan akong makapasok muli. Pero dahil pursigido akong makita silang ay nagawan ko ng paraan ang lahat.
Kakaalis lang ng mga kasabwat ni Mamma nang mag-decide akong pasukin muli ang lugar na 'to. Mabuti na lamang at hinatid ni mom ang mga ito sa baba ng bundok. Ibig sabihin, may isang oras ako para makausap silang muli bago ito makabalik.
"Ano pa ang ginagawa mo rito? Umalis ka na! Hindi ka namin kailangan!" napatakip ako ng aking bibig nang makita ako ni Nikkadorpha na nakasilip sa kanilang kwarto.
'Di tulad no'ng huli ko silang makita, nasa isang maayos na silang kwarto. Nakakadena pa rin ang mga kamay nila na may kahabaan at nakakabit 'yon sa dulo ng kanilang kama.
Nikkadorpha is crying while looking at me with rage. Galit na galit ang tingin nito sa akin at hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak ng tahimik habang hawak ng dalawa kong kamay ang aking bibig.
I failed them!
"I-It's not h-her fault, Nikka." Rinig kong wika ni Alastair habang ang tono nito'y hirap na hirap. Napagdesisyunan kong pumasok. Dahan dahan ang ginawa kong paglalakad sa loob habang patuloy pa rin ang pag-iyak ko.
Una kong nakita ang nahihirapang itsura ni Alastair. May sugat ang palapulsuhan nito at ang binti na pinagkakabitan ng shackles. Nakabenda lahat ng 'yon maging ang iba pang mga bata. Una ko 'tong nilapitan. Sa kanilang pito, masasabi kong mas close ko s'ya.
"T-Thank you." Nahihirapang usal ni Alastair habang papikit pikit na nakatingin sa'kin.
Umiling iling ako. No, hindi dapat s'ya magpasalamat sa'kin because I failed them all.
"You s-still saved, Oliver." Anas nito at napatingin sa isang batang lalaki na tulog na tulog. Katabi nito ang kambal na masama rin ang tingin sa akin.
"H-Hindi ko k-kayo nailigtas l-lahat." Naiiyak kong wika sa kanya.
"Mabuti alam mo!" sigaw sa'kin ni Nikkadorpha.
"Ang sama sama mo!" napatingin kami kay Archilliah na masama ang tingin kay Nikkadorpha. "Ni-help naman n'ya tayo! Mabuti nga may tumutulong sa'tin!"
"Hoy, bata! Manahimik ka d'yan kung ayaw mong masapok kita d'yan!" suway ni Nikkadorpha kay Archilliah.
"Don't shout at her!" rinig naman ng isa pang batang lalaki na kasing-edad marahil ni Archilliah. If I remember it right, si Arnold Chiu 'to. "You might scare her po."
Nikkadorpha rolled her eyes on them. "Crush mo kasi s'ya, batang uhugin. Kaya mo s'ya pinagtatanggol."
Nakita namin kung paano pinamulahan ng mukha si Arnold. "I-I'm just protecting her!"
"Sabi mo 'eh." Balewalang wika ni Nikkadorpha tapos ay muling tumingin sa'kin. "Wala kang kwenta! Simple lang naman ang hinihingi namin sa'yo pero hindi mo pa magawa ng ayos! Nanay mo naman ang lider na nang-kidnap sa'min 'di ba? Bakit hindi mo pakiusapan 'yang masama mong ina!"
"Hindi 'yon papayag." Napalingon kami kay Jake na seryosong nakatulala sa mga kamay nito habang nakaupo sa kama. "Nagawa na nila ang gusto sa'tin. They're just waiting for the reaction of our body do'n sa sinaksak sa'tin, kaya nakakasiguro akong mas lalo silang magiging mahigpit."
"Pero nandito s'ya." My eyes lingered to Aarav. Nakatingin pa rin 'to sa kambal na mahimbing ang tulog nang ito'y magsalita. "Nakapasok ka nga uli rito nang hindi napapansin ng manloloko mong nanay."
Napaatras ako nang tingnan n'ya ako ng masama. Kita at ramdam ko ang galit n'ya sa'kin. "Mapagpanggap s'ya! Akala namin talagang nawawala kami sa gubat pero sinadya pala 'yon ng nanay mo kasama ng mga kaibigan n'ya! They lured us here para kidnap-in kami. Masahol pa sa monsters ang nanay mo! Manloloko!"
Mas lalo akong napaiyak sa galit na binuhos n'ya sa'kin. Mas napahigpit ang hawak ko sa'king bibig habang naiyak.
"I'll f-find a w-way. Ilalabas k-ko kayo—" I was interrupted.
"Nako, h'wag na! Nahiya naman kami sa'yo. Maglaro ka nalang ng mga barbie doll mo." Nakairap na wika ni Nikkadorpha sa'kin.
"Just leave. Hindi ka namin kailangan dito." Segunda naman ni Aarav. "'Di namin kayo mapapatawad sa ginawa ninyo sa amin."
Hindi ko na nakayanan pa ang sakit na nararamdaman at guilt. Tumakbo ako palabas ng kwarto at nagtatakbo paakyat upang makalabas.
Sa aking pagtakbo ay ang aking pagkakadapa. Napangudngod ako sa basang lupa. Umulan pala. Naabutan pa ako ng aking ina.
"Anastasia! W-What happened? Why are you crying? Are you okay, darling?" she asked me and helped me to stand up. Nakatakip pa rin ang aking kamay sa aking mukha habang patuloy ang pag-iyak.
"Darling, galing ka na naman ba do'n? 'Di ba sabi ko 'wag na—" pinutol ko ang sasabihin n'ya nang hindi ko napigilan pa ang sarili ko.
"This is all your fault! They all hate me! Galit na galit sila sa'kin! Hindi ko sila natulungan! Hindi ko sila naligtas laban sa'yo, Mamma! At ang sakit sakit kasi ang sinisisi nila ay walang iba kung'di ang taong idol na idol ko! Ang taong mahal ko! Galit ako sa'yo kasi bakit mo pa kailangang manira ng buhay ng iba? Hindi pa ba sapat na tayong dalawa nalang? Mahal naman kita, Mamma! Bakit?!"
My mother hugged tight while I'm screaming all my frustration from what's happening. Paulit ulit n'yang sinasabi ang salitang sorry pero hindi ko 'yon matanggap lalo na't naalala ko ang mga kinidnap nila. Nagpumiglas ako ng yakap sa kanya tapos ay mabilis akong tumakbo palabas ng bahay.
Kailangan kong umalis rito. Ayoko muna sa bahay. The house suffocates me. My mother suffocates me the most. I need to unwind. I need a moment for myself.
Hindi ko na alam baka iba pa ang masabi ko kay Mamma. I might hurt her even though I hate her more.
She's just calling me pero hindi n'ya ako sinundan o pinasundan. Lalo na ng may nagmamadaling kotse ang dumating habang umaalis ako palabas ng compound. Lumingon ako saglit upang makita kung sino 'yon. Bahagya akong nagulat dahil si Tito Calixto 'yon. Ang tatay ni Alastair. Nandito ba s'ya para iligtas ang anak n'ya?
Pero nang maalala ko ang usapan nila ng nanay ko ay nagbago bigla ang pagtingin ko rito. He's part of their plan. Ibig sabihin, pumayag itong kidnapin ang sarili nitong anak.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo at pagbaba sa bundok hanggang sa makarating ako sa isang Amusement Park. Bukas pa 'yon kahit gabi na. Hindi na masyadong maraming tao pero tama lang para maging buhay na buhay ang buong lugar.
Pasinghot singhot akong pumasok roon. This place might help me to calm and escape from what's happening there.
Tumigil ako sa harap ng isang carousel. Napapangiti ako sa t'wing may nakikita akong pamilya na inaalalayan ang kanilang mga anak at bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Hindi ko maiwasan ang mainggit. I only have my mother with me. I never saw my father. Kahit picture man lang ay wala. Sabi ni Mamma ay maagang nawala sa'min ang aking ama. She didn't elaborate it though. Sa t'wing nagtatanong ako kung nasaan ito o buhay pa ba 'to ay umiiwas ito lagi sa topic.
Nagawi ako sa tapat ng isang magandang Ferris wheel. Maliit ito kumpara sa mga nakikita ko but what caught my eyes and heart was the design. It was design like a fairy-tale story— Snow White. May pitong sakayan ang Ferris wheel with the faces of the dwarfs each cabin. Mukha naman ni Snow White ang nakakabit sa pinakagitnang parte ng Ferris Wheel.
Nalibang ako sa ilaw at napapangiti sa ganda n'yon. Nagitla lang ako nang biglang may tumapik sa akin.
Nang ako'y lumingon ay do'n ko nakita ang isang bata kagaya ko. Mas matangkad lang 'to ng kaunti sa akin. Nakangiti 'to sa akin habang may hawak hawak na ube ice cream flavor. Nakasuot ito ng isang sombrero na may nakasulat. It might be his name?
RAJA ALISTAIR
"Gusto mo?" alok niya sa akin tapos ay nginitian ako ng matamis. I stare at him for a while because I can see someone in him. Parang nakita ko na ang mukha n'ya na parang hindi.
Suminghot muna ako ng dalawang beses bago ko kinuha ang ice cream na inaalok n'ya. I was about to lick it when his hand with a scarf touched my cheeks. He's wiping my dried tears then she wiped off something on my nose.
Medyo nahiya ako na kaunti. Jusko, baka isipin n'ya na batang uhugin ako. Nakakahiya. Ang gwapo pa man din ni Kuya.
"S-Salamat." Wika ko matapos n'yang tanggalin ang scarf sa pagkakapunas sa ilong ko.
I started licking the ice cream that he gave me. Medyo nawala ang dinadala kong pag-aalburuto dahil sa pagkain ng ice cream and somehow he uplifted my spirit by saying, "Kung anuman 'yang iniiyak mo, lilipas din 'yan. Ikain mo lang."
His tagalog is actually good for someone like him who looked foreign to me. May lahi siguro si Kuya pero ang galing n'yang managalog. Though I can still hear some accent on the way he spoke tagalog that concludes that he's not really a pure-Filipino.
Naupo kami sa isang mahabang bench katapat ng Ferris Wheel na pinagmamasdan ko. He's just looking at me while I'm finishing the ice cream that he gave. Nang matapos ay may iniabot s'yang ilang piraso ng tissue na mabilis ko naman kinuha pero muli niyang inagaw sa'kin.
He volunteered to wipe off the smudges of ice cream left on the sides of my lips. Medyo makalat kasi ako kumain because I love ice cream so much. I'm not really picky with the flavor, basta ice cream 'yan? Kakainin ko 'yan.
Nang matapos n'ya akong linisan ay napatitig ako sa kanya ng mariin. My heart is swelling with both pain and thankfulness. Pain because I can still remember the reason why I'm here. Thankfulness because this boy took care of me by just simply offering my comfort food. Kahit papaano'y nabawasan ang sakit, galit at tampong nararamdaman ko sa aking ina.
"Are you feeling okay?" he asked me with his mother language. The accent was really clear but a bit strong and heavy. It somehow the same with Europeans of how they pronounce words with sophistication. "I saw you crying in front of the carousel then you stopped here then cried again. I bought you an ice cream because it makes me feel calm. I hope it helped?"
Sunud-sunod ang naging tango ko sa kanya. Partly admiring the way he speaks. "Thank you." Mahina kong usal na sinuklian naman n'ya ng isang matamis na tingin.
"Good, akala ko hindi 'eh. Ano nga pala ang pangalan mo?" he asked while he's removing something on my shoulders.
"A-Anastasia." I shyly replied then I looked on my feet while I'm wiggling it.
"Classic name. It suits you." Feeling ko namula 'ata ang pisngi ko dahil sa sinabi n'ya. "Can I call you, Tasia, instead?"
Mabilis ang naging tango ko sa kanya. Gustong gusto ang binigay n'yang nickname para sa'kin.
"How 'bout you? A-Ano'ng pangalan mo?" It's me who asked this time.
Tapang mo, girl!
"Raja Alistair. My parents usually call me Alistair but for you...? Just Ali. Just call me Ali? Okay?"
I pursed my lips then I nodded. Nagulat ako when he presented his right hand to me.
"Nice to meet you, Tasia." He greeted formally. Sinuklian ko naman ang naging ngiti nito.
"Nice to meet you too, Ali." Then I took his hand then we shook it. I gained a friend? A stranger friend? Not bad naman 'di ba? Gwapo pa.
Bahagya 'tong tumawa na pinagtakhan ko. I creased my forehead in which he saw. "Sorry, naalala ko lang ang kapatid ko. He's younger than me. I'm already twelve then he's only nine." Tapos ay napatingin ito sa malayo at naging malungkot ang mukha.
"Bakit?" I asked shyly. Tama bang tanungin ko 'yon?
He smiled curtly. "For sure he will like you too. You're his type. If nandito 'yon at nakilala ka n'ya na mas una sa'kin? He would be very jealous and territorial."
Nagtaka ako. Magkasing-edad lang kami ng kapatid n'ya. Ta's sabi n'ya magugustuhan n'ya ako. So, lalaki ang kapatid n'ya 'di ba?
Gwapo kaya? Siguro. Gwapo ang kuya 'eh.
"We're just kids. Nine lang din ako." I replied with a glint of confusion with what he has said.
"Oh?" nagulat s'ya na nine palang ako. "Nako, mas lalo he won't let you go." Then Ali laughed hard with his meaningful remark.
Hindi ko na napigilan ang magtanong uli. He... sounds sad.
"Nasa'n na s'ya?" I asked. Trying not to sound I'm interested in his brother.
"Dad told me that he was here. Naglayas kasi sa bahay namin. Dad told me to wait here. Sabi n'ya maglaro nalang daw muna ako then he would try to look for my brother kasi dito raw ang huling balita na nakita ang kapatid ko." Malungkot nitong wika tapos ay napatingin sa Ferris Wheel. "We used to like Amusement Park before, Tasia. No'ng mga nasa five palang s'ya, I forced my parents to play here. We decided to ride on that thing."
Napalingon ako sa Ferris Wheel na tinitingnan nito. "But accident happened. Muntik ko na s'yang mahulog d'yan and it brought traumatic experience to him. Sa t'wing nagpupunta kami sa isang Ferris Wheel? Bigla s'yang nagwawala at natatakot."
I tapped his shoulder and said, "It's an accident Kuya Ali. It's not your fault."
Ito naman ngayon ang napatingin sa lupa at malungkot na nagsalita. "It was my fault, Tasia. Since then, father is always mad at me. Kapag sa harap ng mga mayayamang tao, he's proud to present me as his Heir, but after that? He would ignore me as if I don't exist."
Hindi ko alam if paano s'ya mapapasaya o mapapangiti. Kinapa ko ang damit ko pati ang buhok para maghanap ng bagay na pwede kong ibigay sa kanya. Nang mahawakan ang hairpin ko ay mabilis ko 'yon tinanggal at inabot sa kanya.
Nilingon n'ya ang inabot ko at tiningnan ako ng may tanong sa mata. I smiled at him. "I don't have an ice cream kasi wala rin akong money. I hope this will help?" I innocently offered.
Napangiti ako nang ngumiti rin s'ya at inabot 'yon. Tiningnan n'ya muna 'yon bago ako muling tiningnan ng may ngiti rin sa labi. "Thank you. And yes, it comforted me."
"Ikaw? Bakit ka nandito? Mag-isa ka pa? Baka mawala ka. Bakit nga pala umiyak?" sunud-sunod n'yang tanong sa akin.
Ako naman ang napatingin sa Ferris Wheel. I smiled sadly. "I'm just hurt because Mom is doing something horrible. I can't help it anymore that's why I ran away to unwind. I need to breathe because it's suffocating."
"You know what? Kung 'di mo sinabi na nine years old ka lang? I would suspect that you have a grown lady inside you. You speak like an adult."
Namula ang pisngi ko sa narinig na papuri. Aside from my mother, s'ya lang ang namuri sa'kin nang gano'n.
"T-Thank you." Nahihiya kong tugon sa kanya.
"Anyways, kung anuman 'yan? Please, don't run away. You should face and take charge if you think that it's the right thing to do. Running away from your problems won't solve anything, you will only make it worst." Payo nito sa akin.
Am I running away because I don't want to solve it? I think not. I'm just running away right now just to breathe. Kasi masakit sa pakiramdam ang mga nangyayari. I'm blaming myself because Mom did something wrong. Pakiramdam ko kasalanan ko rin ang kasalanan ni Mamma. Isang bagay na kailangan kong solusyunan.
Running away from your problems won't solve anything, you will only make it worst.
If I'm running away, ibig sabihin ba no'n mas nanganganib sila?
A sudden image of Tito Calixto enshrouded my thoughts.
Hindi kaya... since nando'n ang lalaking 'yon ay may ipagawa pa s'ya kay Mamma na mas malala pa sa ginawa ng aking ina?
I consciously held Kuya Ali's arm upon realizing the consequences of staying here.
He looked at me with curiosity.
S'ya nalang ang tanging pag-asa ko. Sana pumayag s'ya.
"You have to help me. We need to save the kids. C'mon!" then I pulled him while we're running.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top