Philippines.
MY Mom is doing something suspicious. Magmula nang makabalik kami mula sa Italy, she became too serious and secretive. Kung dati, she can still attend on my needs, ngayon, she hired a nanny to take care of me. Lagi nalang s'yang wala sa bahay.
Kung wala lang sina Claude and Austin dito, siguro bagut na bagot na ako sa kakalaro mag-isa. It's already summer and both of my friends are here for their vacation. Lagi silang naririto kapag summer tapos babalik sa lugar nila kapag opening na ng klase.
"Asia, can you try this on?" napatingin ako kay Claude when she's asking me to wear... like seriously? My Mom's lingerie?
"Claudette put it back!" sigaw ko rito. "And why are you wearing my Mom's undergarment?"
Claude pouted at but she posed like a model and said, "It's bagay naman. I look prettier."
"No, you're not. You looked like a hanger wearing those." Pang-asar ni Austin habang naka-poker face itong nakatingin kay Claudette.
Inirapan ni Claude si Austin tapos ay nagdadabog na bumalik sa kwarto upang magbihis.
Napailing iling na lamang ako at muling nagbalik sa ginagawang card castle. Nasa ikatlong layer palang ako when I heard someone arrived.
It might be my Mom!
Mabilis akong tumayo at pinuntahan si Mom. I ordered Austin to stay and then I started running again.
"Mamma—" natigilan ako when I saw few people na kasama ng aking ina.
Maulan sa labas habang seryosong naglakad sa loob ang mga taong kasama ni Mama. Nasa Teresa ako ng hagdanan nang tumingala si Mama sa'kin. She probably felt my presence.
I smiled widely but it was quickly erased when my mother ordered my Nanny about something.
"Halika, let's play sa loob ng room mo." Sabi ng yaya ko pero nananatili ang mata ko sa aking ina na seryosong naglalakad pagpasok ng aming bahay.
Nagpumiglas ako sa yaya ko at naiiyak na tumakbo pabalik ng aking kwarto. Mabilis akong dumukwang sa kama ko at doon tinuloy ang aking pag-iyak.
Bakit ba gano'n si Mamma? She's... too cold towards me. Hindi naman s'ya gano'n. Kahit busy s'ya ay nagagawa pa rin n'ya akong alagaan. Pero nag-iba s'ya nang makabalik kami ng Italy.
I need to find out what's happening.
"Are you okay, A-Asia?" naramdaman ko ang pagtapik ni Claude sa aking balikat. Sinilip ko s'ya sa ilalim ng aking unan. Claude is looking sadly at me and Austin is somehow curious why am I crying.
"I'm fine." I replied then sniffed.
No, I shouldn't cry like a baby here. I need to find out what's happening to Mom. Baka nasa panganib s'ya. She might need my help.
Napatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa aking kwarto. It's already eleven in the evening, Claude and Austin are now sleeping soundly beside me. Maingat akong umalis sa aking kama at iniwasan ang makagawa na kahit na anong ingay.
I started walking on our hall. Una kong pinuntahan ang kwarto ng aking ina pero wala s'ya ro'n. Dapat mga ganitong oras ay natutulog na 'yon. Ni hindi rin naman n'ya napansin na umalis ito maging ang mga kasama kanina. I checked the garage at gaya ng inaasahan, nando'n ang mga kotse na ginamit ng kaibigan ng kan'yang ina at maging ang sarili nilang kotse.
Maingat akong lumabas ng bahay. Hindi naman ganoong kalaki ang aming bahay pero sapat na para mapagod ang kahit sino kung sinuman ang nanaising galain 'yon. Sinubukan kong igala ang aking mata sa garden namin. Wala namang kakaiba. Tahimik ang paligid.
I look at the sky. The sky is clearer than I expected. The moon even shines so brightly. Maalinsangan pero hindi ganoong kainit. Sa tahimik ng paligid, napapitlag ako nang makarinig ng isang kalampog ng bakal.
It's coming from the garden room. Gawa lamang 'yon sa kahoy at do'n namin nilalagay ang mga kagamitan na pang-garden.
Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko. It's normal naman right? Somehow, I still believe in ghost. I'm just a mere nine years old naman. Yeah, I think it's reasonable.
Nang makarating garden house equipment room, I slowly opened the door. Narinig ko pa ang paglangitngit ng kahoy. Nakadagdag pa 'yon sa pagiging creepy no'n. Nang tuluyang makapasok, bahagya akong napapitlag nang biglang nagsara ang pintuan. That's when I realized that the door has a spring to automatically close the door.
Ang bata bata ko pa pero sobrang kabado na ako. 'Di naman ako nagkakape.
Napairit pa ako lalo when I heard a sound of a cat. Gulat na gulat ang reaksyon ng mukha ko na kung siguro makita ako nina Claude ngayon at Austin, they will tease me non-stop.
"Ikaw lang pala, kuting. Pinakaba mo ako." Wika ko sa pusa nang buhatin ko 'yon. Bigla kong napansin na may suot 'tong maliit na kwintas na may maliit na susi. Oh, yeah. I remember this cat. Ito 'yong madalas na nandito na akala mo ay tagabantay mismo ng kwartong ito.
I removed the key on its neck and I tried to roam my eyes. Good thing that I brought a flashlight. Sa paghahanap ko, I found something suspicious to one of the items placed inside. Ito lang kasi ang naiiba maliban sa pusa.
Paano napunta ang isang lucky charm cat device at nakapatong sa isang lamesa. It's seems irrelevant.
Tiningnan ko ang susi na hawak ko at binusisi ang lucky charm cat. Nakita kong may butas ang gitnang bahagi ng t'yan nito na s'yang kasyang kasya ang susi na hawak ko. When I put it inside and twisted it clockwise, something happened.
Umuga ang lupang tinatapakan ko. Akala ko at lumilindol pero mukhang hindi naman. The ground deepened and a downstairs showed few inches from me.
Tumalon palayo sa'kin ang pusa at nahiga ito sa higaan nito sa isang sulok. Akalain mo nga namang may higaan ang tagabantay na pusang 'to.
I slowly went downstairs. Nang makarating sa ibaba ay itinapat ko ang hawak na flashlight and I saw a metallic door.
I tried opening it but it doesn't budge. It's locked. I saw a mini-device attached on it. It has a keypad and a mini-screen for password purposes.
I typed my Mamma's birthday but it showed an error prompt. Hindi naman siguro n'ya pinahirapan ang paglalagay ng password 'di ba? Sa pag-iisip niyon ay tinipa ko ang buwan at ang araw ng birthday ko. When I clicked enter, the prompt says Access Granted.
Biglang nagbukas ang metallic door. I slowly went inside and I saw that there's a long hall and each side has doors to open. Dahan dahan akong pumasok at nakayukong naglakad sa loob. I can't afford to be seen by anyone inside. I reached this far. Kung nasa loob nito ang dahilan kung bakit sobrang busy na ng aking ina then I should at least see what that is and I provide help... child's help if in case. I want to help her in any way I can.
Sa pagsilip sa mga kwarto ay gano'n na lamang ang aking pagkagimbal when I'm seeing blood splurged on the walls and on the floor. Napasinghap pa ako when I saw a person lying on a metal bed, naked. Having a hard time to breathe. As much as I want to help the person, hindi ko kinaya ang nakikita ko. I'm beyond disgusted.
Does my Mom using people for her scientist innuendos? Kung oo, ay hindi ko 'yon matanggap at masikmura. Why does she have to do this disgusting experimentation?
I walk more and every time I'm seeing that man inside, almost lifeless, I can't help myself to be teary-eyed. No, I'm now crying for his life.
Gawa ba 'to ng narinig kong pag-uusap nina Mamma at Tito Calixto na tungkol sa Apollo? Is this about the one Alastair has been asking for?
Napahawak ako sa aking bibig when I remembered how I ignored the boy last two weeks ago. Sa hindi ko malamang dahilan at hindi ko matanggap sa mga narinig ay hindi ko s'ya nagawang bigyan ng sagot.
Besides, ano ba ang pupwedeng kong maitulong? I'm only a nine years old kid. Yes, my brain is working like an adult but I'm definitely weak outside. If he's asking for me to fight, then technically, I can't.
Sa pagsuka ko sa may gilid ay may narinig akong nagsalita sa isa sa mga kwarto. Pagkatapos kong mapunasan ang aking bibig at ang aking luha dahil sa pag-iyak, I followed the voice where I've heard.
"Hello? Is there anyone outside?" I heard a girl asking on top of her lungs.
I tried opening the door but it's also locked.
Sinubukan kong ilagay ang birthdate ko sa keypad but it's not working anymore. Maging ang birthdate ni Mamma ay hindi rin gumana.
Sa pag-iisip ko kung ano ang maaaring kombinasyon ang kailangan ay bigla kong naaalala ang isang kombinasyon ng numero na lagi kong nakikita sa mga gamit ni Mamma.
APX49
I don't even know what does it mean but it worked like magic.
Nang makapasok ako at tiningnan sa pamamagitan ng flashlight ang looban ay doon ako binulaga ng mga higanteng containers. It's a container like those boxes in a Sea port.
May pitong higanteng containers ang nakapaloob sa kwartong 'to. Sa mga boxes na nakita ko, apat palang ang may ilaw sa loob.
Nilapitan ko isa-isa ang mga container. Sa bawat container ay may salamin na pupwedeng pagsilipan ang looban. Sinilip ko 'yong may mga ilaw. Gayon na lamang ang aking pagkagulat nang may makita akong bata sa unang container na nakita ko.
She's a girl with a Tutu costume. Hindi na maayos ang pagkakapuyod ng buhok niya at medyo marungis na ang batang nasa loob. She's playing with a doll but I can definitely see how sad her eyes are.
Mabilis akong nagtago sa gilid nang maramdaman ko ang kanyang paglingon sa akin. Doon ko nakita sa gilid ang pangalan ng isang tao na marahil ay sa batang nasa loob.
Second: Archilliah Mendoza
Age: 6 years old
"Hello!" napapitlag ako nang nakadukwang na ito sa salamin at nakangiting tinitingnan ako. "Ikaw ba ang mag-uuwi sa'min ngayon?" inosente nitong tanong.
"Someone is there," napalingon s'ya sa isang container. "Kung sino ka man, utang na loob pakawalan mo kami rito!"
Nilapitan n'ya ang babaeng sumigaw. Tiningnan n'ya ang pangalan ng nasa isa pang container na hindi nalalayo sa container ni Archilliah.
Third: Nikkadorpha Taluyot
Age: 14 years old
Kumpara sa batang si Archilliah, Nikkadorpha is chained inside of her container. Nakaluhod ito roon habang ang dalawang kamay ay magkakrus na nakatali sa baba. She's trying to loosen it but the chain was tangled perfectly. I can see few gauzes around her, katibayan na ang dumukot rito ay sinusubukang gamutin ang nagsugat nang palapulsuan ng dalaga.
"Release us here, bitch!" sigaw nito sa akin.
Napahawak naman ako sa aking dibdib. Bakit na-bitch pa'ko? Nag-a-ask na nga lang ng help, kailangang maging judger?
"I know you," napapitlag ako nang mabosesan ang isa pang bihag na nasa katabing container mismo ni Archilliah. Nilapitan ko ang batang 'yon tapos ay hindi ko naiwasang ipakita rito ang nagtataka kong mukha.
First: King Alastair Aldeguer
Age: 9 years old
"A-Alastair?" I uttered silently while looking at him inside of his cage. Nakakadena rin ang dalawang kamay nito pero compare mo sa nag-bitchesa sa aking babae, mahaba ang kadena ni Alastair at kahit paano ay nagagawa pa nitong makaikot sa buong lugar ng container. "H-How come t-that y-you are here?"
"Hoy! H'wag nga kayong mag-reunion d'yan kung kilala mo 'yang bata! Ano? Chika chika muna tayo? You need to help us here, Bitch! Get us out of here first."
Hindi ko na napigilan pa ang sariling puntahan muli ang container ni Nikkadorpha tapos ay hinampas ang bintana ng kulungan nito. "Kapag hindi ka tumigil d'yan sa kakasigaw, baka ikaw ang iwanan ko rito, Ale.."
Nagulat ko yata 'to sa aking sinabi dahil bigla itong natulili sa inis na pinakita ko sa kanya. Lalo na ang sarkasmong pagkakabigkas ko sa salitang ale. Clearly, she's older than us here.
Tutulong ako ate girl. H'wag atat. Pogi ang kausap ko, h'wag kang istorbo d'yan. Baka bunganga mo ang sunod kong kadenahin.
Binalikan ko si Alastair na medyo nakangisi sa'kin. Hindi ko alam if natuwa ba 'to dahil sinabi kong tutulungan ko silang makalabas o dahil sa biglaang outburst ko sa kasama nila.
"You have a bad temper."
"Ang daldal 'eh. Bubusalan ko na 'yan." Nakairap kong tugon sa komento ni Alastair.
"Just understand her, Asia. We've been here for almost a week already and it's traumatic for all of us."
Traumatic? Si Nikkadorpha, halatang halata. Pero s'ya at si Archilliah? I don't know but I think they're not. Mukhang nabasa n'ya ang nasa isip ko.
"I'm expecting this to happen. Archilliah, the kid over there. She believed that she's just here because she knows she's sick. Archilliah believes that the people who kidnapped us will treat her sickness." Alastair explained.
"How 'bout Nikkadorpha?" I asked, hindi napigilang umirap.
"I think she's really like that. Loquacious but she's the most affected amongst us."
Ayoko mang isipin o tanungin but I somehow know who kidnapped them. Halata masyado but I just can't accept why and for what reason? Is this about the Apollo? The Apollo again? Ano ba kasi 'yon para gawin 'to ng mga kumidnap sa kanila?
"They started the experiment, Asia. If you still remember what we heard two weeks ago on our house, your mother suggested that they need seven people to distribute the content of what they called Apollo." Alastair refreshed it.
"But why kids? Ba't hindi yung—" do'n ko naalala ang isang lalaking nag-aagaw buhay sa isang kwartong aking nakita.
"You must have seen it too." Nagawi ang aking tingin kay Alastair nang magsalita ito. "We've seen that as well. And it only means one thing. That thing? The stone that they're keeping and the tool for this experimentation? It's not working to an adult. It only kills them." Mas lalo pa akong napalunok nang mariin sa sinabi nito.
"That's why you need to help us." Napapitlag ako nang biglang may magsalita sa katabing container ni Nikkadorpha. Nakasilip roon ang isang bata. Nakadantay ang braso nito sa salamin ng container nito habang seryoso ang mga matang nakatingin sa'kin.
For a kid like him, he seems too intimidating to talk with.
I narrowed down my eyesight to read his name on his container module.
Fourth: Jake Dela Cruz
Age: 9 years old
"Kapag hindi mo kami magawang maitakas rito. You have to save us or we will die." Komento pa ni Jake and I can sense his plead on his eyes.
Tumango tango ako sa kanila. I may not know what happened here and why they were kidnapped for an unknown reason, isa lang ang alam ko, this is inhumane! More so, for a kids like them! Hindi tama ang ginagawa nila. Hindi tama ang ginagawa ni Mamma. I have to release them before I confront my Mom about these. Doon umusbong ang galit ko. Hindi ko alam pero nagagalit ako sa ginawa nila sa kanila. They're ruining their lives! For what? For a certain stone? Para sa isang bato, nakakaya nilang mang-kidnap ng bata para pag-eksperimentuhan?!
Nine years old palang ako, yes! But I know enough that this shouldn't be happening for people with the same age of mine or even younger than me! More so, older!
Sinubukan ko lahat ang numerong alam ko na related sa akin at sa Mamma ko para mabuksan ang kanilang mga containers. Pero kahit anong numero ang aking gamitin ay hindi 'yon nagana. And it irritates me bigtime. Mauubusan na ako ng oras.
"Make it fast, idiot!"
Tinaliman ko ng tingin si Nikkadorpha sa sigaw nito.
Susunugin ko ang pinagkukulungan n'ya 'pag ako hindi nakapagtimpi.
We heard people chatting and their footsteps. Mas lalong umusbong ang kaba sa aking dibdib nang mapagtanto na dito papunta ang mga taong 'yon.
"Hide, Asia! Quick!" pabulong na sigaw ni Alastair sa'kin nang maging sila ay naramdaman na may paparating.
Kinakabahan akong nagtago sa pinakadulong parte ng huling container sa loob ng malaking kwartong 'to. Tahip ko ang aking bibig habang pinipigilan ang sariling humingal ng may tunog.
"Wala sa usapan natin Thomas na sasaktan ang mga bata!" rinig kong sigaw ng aking ina sa isang lalaking may buhat na parang sako.
"I have no choice, Lucilla! He's too loud! I just did a safety precaution." Thomas defended himself.
"But, Love. Again, it's against our protocol. They're still kids." Wika ng isang ginang na katabi ng tinatawag na Thomas.
"Sorry, Love. Promise, I won't. Will you forgive me?" Thomas replied sweetly.
I saw how my Mamma rolled her eyes. "Oh goodness, saka na kayo maglambingan. Nasa harapan kayo ng mga bata. Ang haharot!"
"Maharot ka rin, Lucilla. Sa ating tatlo ni Althea, I know na nasa loob ang kulo mo minsan." The woman commented.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Mamma sa sinabi ng kausap na babae and I saw how her face turned red. "Leonna! I'm not! Don't accuse me like that! Ang tatanda na natin para d'yan."
"I'm not accusing you without any evidence. Why don't you show us your laptop with your collection of hunks on a certain folder? Or your poster of hunk collections under your bed?" The one named Leonna said while teasing my mother.
"Oh no you didn't hack my private files and ransacked my room, Leonna!" medyo naiinis na sabi ni Mamma pero kita sa mukha nito ang pagkapahiya.
Leonna just smirked at her. "That's how you want to blackmail your friends in the future. Pero hindi nga, Leonna? Kumpleto ka ng mga hunks na sikat ngayon. Paano ka nakakuha ng kopya?"
"Ladies, I'm here. Don't talk other men while I'm here. Especially you, my wife. You don't want me to be jealous, right?" Thomas commented when he's done placing the kid inside of its cell.
"Ugh!" Mamma reacted when Leonna kissed his husband. "Get a room! And by the way, huwag na huwag kayong magtatangkang magpakita kay Calixto or sa kahit sino maliban sa akin, kay Althea at sa asawa nito. Everyone already knew that both of you were dead."
Magkasabay na napayuko ang mag-asawa sa sahig. As if they remembered someone. Thomas hugged his wife when she uttered something.
"I missed our daughter, Thomas."
"Me too, Love. I miss her more. I miss our angel." Thomas agreed.
Paalis na silang tatlo nang biglang natigilan ang kanyang ina. She just stopped there. Mas lalo akong nagsikap na huwag marinig na kahit na sino. Malakas ang pandama ng ni Mamma so I need to be more quiet.
Nang makalabas ito ay doon lamang s'ya nakahinga ng maluwag. Sinigurado ko munang nakalabas na sila bago ko sinilip ang sunod nilang kinidnap. I looked on his name tag before staring at him with sadness.
Fifth: Arnold Chiu
Age: 6 years old
"I'm sorry." Wika ko sa batang natutulog tapos ay isa isa kong tinanaw ang iba pang bihag. I can see their hopeful eyes that I will save them.
And yes, I'll do my best to release you all. I'll do whatever it takes to save your lives. This is wrong. This is all wrong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top