CHAPTER 4

CHAPTER 4

MAAGANG pumasok si Kendra kinabukasan dahil ayaw niyang may masabi na naman ang masungit niyang boss. At syempre, kailangan din niyang magpasalamat ulit kay Vladimir sa pag hatid nito sa kanya kahapon. Sa kasamaang palad, pagpasok niya sa opisina, naroon na ang boss niyang masungit at mukhang hinihintay siyang dumating dahil nakasandal ito sa gilid ng mesa niya.

“Good morning, Sir Lachlain.” Bati niya sa boss niyang masungit.

 Agad itong umayos ng tayo ng marinig ang boses niya.

“Mabuti at narito ka na.” Wika nito sa pormal na boses. “I want you in my office, now. May pag-uusapan tayo.” Pagkasabi niyon ay pumasok ito sa loob ng opisina nito ng hindi man lang hinihintay ang sagot niya.

Binundol ng kakaibang kaba ang dibdib niya sa uri ng boses na gamit nito. Parang may nagawa siyang kasalanan at kailangan niyang magpaliwanag dito.

She took a deep breath before walking towards Lachlain office.

Kinakabahang pumasok siya sa opisina ni Sir Lachlain at akmang uupo siya sa visitor’s chair ng iminuwestra nito ang kamay sa sofa.

“Let’s talk there.” Wika nito.

“Okay.” Aniya at umupo sa pang-isahang sofa. Si Lachlain naman ay umupo sa mahabang sofa na kaharap niya.

“Bakit niyo ho ako gustong maka-usap?” Tanong niya. Ayaw niyang magpaligoy-ligoy pa.  Mas dadagdagan lang ang kaba na nararamdaman niya.

Lachlain took a deep breath then open his mouth to talk. “Vladimir told me something yesterday. That something is about you.”

Her eyes widen in confusion and she started getting nervous. “About me? Ano naman ho ‘yon?”

Lachlain looked deep into her eyes like he was reading her. “Vladimir told me that you were talking to Adeline Madrigal yesterday after he dropped you off in Sunshine Ray Subdivision. You see, Adeline Madrigal is a very well known person in business world and she only talk to someone important to her. Are you related to her in some way?”

She quickly shook her head. “Hindi ho, Sir.”

Tumaas ang isang kilay nito. “You mean to say, kinausap ka lang ni Adeline kahapon dahil wala lang?”

Tumango siya. “Opo.” I have to give him a valid reason why I was talking to Grandma Adeline yesterday. “I was doing some errands for her. Ahm, ako ang nag-aalaga sa garden niya. Another income para mabayaran ko ang upa sa apartment na inuukupa ko.

Is that so?

“Yes.” She said with a smile on her lips. “Kailangan kong kumayod ng kumayod para mabuhay ako.” She’s lying but it’s partly true. “Ako nalang mag-isa. My father abandoned me when I was in college. Sabi niya pabigat daw ako sa kanya.” I’m so sorry, Daddy. “Nagta-trabaho ako sa gabi para masuportahan ko ang aking pag-aaral. Fortunately, I graduated. And here I am, working.”

Tumango-tango ito. May munting ngiti sa mga labi nito. “Your kind of person amaze me. You still push even though it’s difficult for you. You amazed me.”

Kendra felt bad all of the sudden. It bothered her that she’s lying? Kailan pa siya nakonsensiya sa pagsisinungaling niya? Even his father didn’t make her feel that way when she lied to him over and over again.

Why does Lachlain can make her felt bad for lying? That’s just so weird!

 “You can go back to work now.” Wika ni Lachlain kapagkuwan.

“Okay ho, Sir.” Aniya at tumayo para lumabas ng opisina.

Pinihit niya ang door knob ng pinto at akmang lalabas na ng pigilan siya ni Lachlain.

“Wait up.”

Nilingon niya ang binata. “Yes, Sir?”

Lachlain smiled, making her heart beat insanely wild and says, “Good morning, Kendra. Have a nice day.”

Isang naiilang na ngiti ang ginawad niya sa binata at mabilis na lumabas ng opisina nito. Parang nakikipag-karera ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok. My heart beat racing has nothing to do with his smile, right?

Wala sa sariling bumalik siya sa mesa niya at umupo.

Nasa gitna pa rin siya ng pag-iisip sa pag-iiba ng mode ng bosing niyang masungit ng may kumatok sa mesa niya. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Vladimir na nakangiti sa kanya.

“Good morning, Sir Vladimir.” Bati niya sa binata.

“I told you to call me Vladimir.”

“Yes, you did but I don’t want to call you that inside the office.”

Vladimir just smiled then pinched her cheek. Nagulat siya sa ginawa nito. “You’re so cute.” Anito at pumasok sa opisina nito.

Nagugulumihan pa rin siya sa ginawa nito ng nakita niyang papalapit sa mesa niya si Sir Lachlain. Akala niya may ipapagawa ito sa kanya kaya laking gulat niya ng ilapat nito ang panyo na hawak sa pisngi niya na pinanggigilan ni Vladimir at parang may tinanggal na dumi.

“May germs.” Wika nito at naglakad patungo sa elevator at sumakay doon.

Naguguluhang nanalamin siya at tiningnan kung may dumi pero wala naman. Kunot ang nuong tumingin siya sa kakasara palang na elevator.

“Ano kaya ang problema ng lalaking ‘yon?” Tanong niya sa sarili.

“Mukhang nakakain ng jelly ace iyang si Lachlain.”

Napaigtad siya ng marinig ang boses ni Vladimir sa likuran niya. Agad siyang humarap sa binata. “Sir, kanina pa ba kayo riyan?”

Sa halip na sagutin ang tanong niya, mahinang tumawa ang binata. “Mukhang palaging nakakakain ng jelly ace si Lachlain.”

Jelly ace? If she’s not mistakes, it’s a food for kids. Bakit naman kakain ‘non is Lachlain.

“Oh well, sinong hindi kakain ng jelly ace. Masarap ‘yon, matamis pa.” Kinindatan siya ni Vladimir bago pumasok sa opisina nito.

Naguguluhang tumingin siya sa pintong pinasukan ni Vladimir. Ano kaya ang ibig sabihin ng lalaking yon? Parang may ibang ibig sabihin ang jelly ace na ‘yon.

Ang we’weird naman ng boss ko.

Nagkibit-balikat siya at nagumpisa ng magtrabaho.

Ilang minuto palang ang nakakalipas bago siya nag-umpisang magtrabaho ng marinig niyang bumukas ang elevator. Seconds later, Lachlain walked to her table then drop a medium-size paper bag.

“Tira ko. Sayo na. Sayang naman.” Wika ni Lachlain at nagtuloy-tuloy nang maglakad at pumasok sa opisina nito.

Confusion was visible on her eyes as she looked at the medium-size paper bag. Ano naman kaya ang laman ng paper bag na ito. Tira daw niya? Grabe naman! Kahit wala siyang allowance mula sa ama niya, hindi naman siya kumakain ng tira!

Pero ano kaya ang laman nitong paper bag? Na-curious siya bigla. Only one way to find out.

Binuksan niya ang paper bag.

Isang malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi niya ng makita ang laman niyon. Two pieces of cake and one java latte from starbucks. Mukha namang hindi tira iyon. Ang cake ay nakalagay sa isang see through plastic container at ang latte naman at hindi pa nabubuksan.

A small laugh came out from her mouth. Hindi nito tira ang nasa paper bag. She’s sure as hell that he bought it in the store.

Ano naman kaya ang nakain ng masungit niyang boss at binigyan siya nito ng cake at latte? Siguro bayad ito sa pang-aalipin nito sa kanya sa mga nakaraang araw.

NASAPO ni Lachlain ang nuo ng makapasok siya sa opisina niya. Tira? Really? Wala na ba siyang ibang maisip na alibi para tanggapin nito ang pagkain na binili niya?

Pero kung hindi iyon ang sinabi niya, tatanggapin kaya nito iyon?

He remembered Kendra when he saw the cake on one of the pastries near starbucks. Pinarisan na rin niya ng latte para kompleto ang breakfast ng sekretarya niya.

Wala naman yatang masama kung papakainin niya ang sekretarya niya na napakasipag. Ni minsan hindi niya ito narinig na nagreklamo kahit nakabusangot na ang mukha nito habang nagta-trabaho.

Kakaupo palang niya sa swivel chair ng mg kumatok sa pintuan ng opisina niya at pumasok doon ang sekretarya niya. May dala itong isang tasa ng kape na umuusok pa at inilapag nito iyon sa ibabaw ng mesa niya.

“Para po sa inyo, Sir.” Anito.

“Para sa ano naman ‘yan?”

“Thank you ho.” Wika nito at nginitian siya.

“Thanks you sa?”

“Sa cake at sa latte. Salamat ng marami.”

“Don’t mention it. That’s your reward for being a hardworking secretary.”

Lumapad ang ngiti nito. “Dapat pala mas sipagan ko pa para palagi akong may reward araw-araw.”

That made him chuckle lightly. “That would never happen. Minsan lang ako tupakin na magbigay ng reward.”

Hinintay niya ang sagot nito pero nawalan ito ng imik. Nakatingin ito sa kanya na parang may isang foreign object sa mukha niya.

“Is there something wrong with my face?” Kunot-nuong tanong niya sa sekretarya niya.

“Nothing, Sir. It’s just that,” She paused, “You’re smiling. Medyo naninibago lang. Hindi kasi kayo palangiti.”

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. “Huwag kang manibago. Minsan lang akong ngumiti. You can leave now.” He dismissed her and he felt bad but that’s the right thing to do. Right?

Tumalikod ang babae at naglakad patungo sa pintuan ng opisina niya. Akmang lalabas na ito ng opisina niya ng bumaling ito sa kanya.

“I would give a one hundred peso just to see you smile like that again, Sir.” Anito.

“One hundred peso?” He can’t stop himself from smiling. “That’s cheap.”

“Would you rather like a penny for your smile, Sir?”

“A penny? That’s cheaper.”

“Yes.” His secretary smiled. “Iyon lang ang kaya ko. Ang hirap kaya kumita ng pera ngayon.”

“Kung alam mo naman palang mahirap kumita ng pera, bakit ka pa magbibigay ng penny para sa ngiti ko.”

“Because even a penny is worth something for me, it’s the same as your smile. That would be worth my penny.” Wika nito at tuluyan ng lumabas sa opisina niya.

Napatanga siya sa sinabi ng sekretarya niya.

Same as your smile. That would be worth my penny.

Napailing-iling siya. “That woman is something else.”

PAGKALABAS ni Kendra sa opisina ni Lachlain, agad siyang dumeretso sa powder room para kastiguhin ang sarili.

Her heart was beating so fast!

Paano niya nagawa iyon? She was flirting with her boss! Anyone who can see it could tell that she was really flirting with him! That’s not right! Kapag nalaman ito ng lola niya siguradong pagsasabihan na naman siya nito. O kaya pag-resign-nin siya nito.

Sayang naman. Hindi ko na makikita si Lachlain kapag nagkataon— Marahas niyang ipinilig ang ulo. She shouldn’t think like that! She should think of herself and what will happen to her if she loss this job. Mag-aaway na naman sila ng Daddy niya at may posibilidad na magtagal pa siya rito sa bansang ito.

She looked at herself in the mirror. “Keep yourself together, Kendra!” Pagkausap niya sa sarili. “You’re a secretary here, not a princess! Hindi ka puwedeng basta-basta nalang makipag-flirt ng ganoon-ganoon lang. It’s not right!”

Huminga siya ng malalim at kinalma ang puso na parang naghaharakiri sa sobrang kaba.

“Kung sa Bathory, flirting is just your game, ibahin mo rito.” Pagkausap pa rin niya sa sarili. “Dito sa pilipinas, isa kang sekretarya at hindi nararapat na makipag-flirt ka sa boss mo ng ganoon. Okay? Understand?”

Dapat siyang dumestansiya kay Lachlain. Sa dalawang boss niya, mas safe siya kay Vladimir dahil alam niya sa sarili na wala siyang nararamdaman dito. Kay Lachlain, hindi siya safe. She’s attracted to him, she won’t deny it. And attraction can lead to deeper emotion if given time, at iyon ang iniiwasan niya. Hindi iyon puwedeng mangyari.

She took a deep breath before returning to her table to work.

PAGLABAS ni Kendra sa trabaho kinahapunan, tinahak niya ang daan patungo sa kung saan may dadaan na jeep patungong Sunshine Ray Subdivision.

She was waiting for a Jeepney when a car stopped in front of her. It has tinted window so she can’t see who the driver is.

The window rolled down, showing a smiling Vladimir.

“Vladimir!” Nagulat siya na makita ito. “Anong ginagawa mo rito?”

Hindi nito sinagot ang tanong niya. “Sumakay ka na. The cloud is getting darker every passing second. Maabutan ka ng ulan kapag matagal ka pang naghintay ng Jeep.” Wika nito. “Ihahatid na kita sa Sunshine Ray Subdivision. Mukhang matatagalan pa bago may dumaan na jeep e.”

She was about to accept Vladimir’s offer when she remembered what Lachlain told her in the morning. Vladimir saw her talking to Granny Adeline. Hindi nito iyon dapat makita. Kapag hinatid siya nito, baka kung ano pa ang makita nito.

“Okay lang ako, Vladimir. Nakakahiya naman sa’yo.” Aniya. “Maghihintay nalang ako ng jeep.” Tumingin siya sa kalangitan. “Mukhang matatagalan pa naman bago bumagsak ang ulan.”

Vladimir smiled. “Okay. Whatever you say, Kendra.”

Humarurot ang sasakyan ni Vladimir paalis. Napaubo siya sa usok na iniwan ng sasakyan nito.

Nang mawala ang usok, humugot siya ng isang malalim na hininga at akmang ibubuga iyon ng biglang bumagsak ang malakas na ulan. She stands still and didn’t move a muscle. Saan naman siya pupunta? Wala namang malapit na masisilungan.

Now she’s regretting why she didn’t accept Vladimir’s offer. To hell with her secret!

May darating pa kaya na jeep? May darating na jeep. May darating na jeep. May darating na jeep. She keeps on chanting silently as the rain started to soak her clothes. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at niyakap ang sarili na basang-basa na ng makaramdam ng lamig.

“Pesteng jeep naman kasi ‘yon, e!” Naiinis na sabi niya, “Nasaan na ba kasi ang jeep na ‘yon!”

Ilang minuto na siyang nasa gilid ng kalsada at naghihintay ng jeep ng may tumigil na kotse sa harapan niya. Lumabas sa sasakyan ang boss niyang masungit na may hawak-hawak na payong. Lumapit ito sa kanya at pinayongan siya.

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” Pagalit na sabi nito. “Alam mo bang puwede kang magkasakit sa ginagawa mo?” Umiling-iling ito, halatang hindi nagustuhan ang ginawa niyang pagtayo sa ulan. “Para kang basang sisiw sa gilid ng daan.”

Mas humigpit pa lalo ang pagkayakap niya sa sarili. “N-Naghihinatay ako ng jeep.” Aniya.

“Naghihintay ka ng jeep sa ilalim ng ulan? Baliw.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa kotse nito.

Lachlain opened the passenger-side door. “Sakay na. Ihahatid kita.”

Umiling siya. “I’m going to soak your leather seat and—”

“Just get in, dammit!” Pilit siyang pinasakay nito at malakas na isinara ang pinto ng kotse.

Umikot ang binata patungo sa driver seat at sumakay. Agad na binuhay nito ang makina ng sasakyan ang pinaharurot iyon paalis.

“It’s f-freezing in h-here.” Nanginginig ang boses na wika niya habang nasa daan sila.

“Shit!” Lachlain cursed then hurriedly off the air conditioner.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top