26 | Return Of The New Green

CHAPTER 26

GREEN LEMON

Kinaumagahan ay pinayagan na akong umalis sa palasyo, at bumalik na sa Royal Academy upang maghanda sa nalalapit na Potrabilities (Power Training Abilities).

Marami ang mga nagtaka sa bigla kong pagkawala ng isang linggo. Tanging sina Yazenth at Scarlet lang ang nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa akin, at bakit ngayon lang ako nakabalik dito.

Hindi na rin lingid sa kaalaman ng lahat na ako ang susi sa nakaraan at katotohanan sa likod ng pagkawala ni Infinity. Kung kaya ay iniisip ng iba na iyon ang dahilan kung bakit ako nawala bigla. Pero hindi rin naman ako makakatakas sa negatibo nilang mga komento tungkol sa tungkulin na iniatang sa akin. At hindi ko sila masisisi dahil araw-araw silang nagsasanay para sa katungkulan nilang ninanais. Habang ako ay nakakayanang lumabas mula sa eskuwelahang ito para gampanan ang aking misyon; ang tuklasin ang katotohanan sa pagkawala ni Infinity.

Kung ako rin lang naman ang nasa katayuan nila'y gano'n din ang iisipin ko—kapag wala akong alam sa misyong ibinigay sa kung sinuman ang nasa katayuan ko ngayon. Pero dahil ako ang nasa katayuang iyon, at alam ko ang posibleng hirap na aking dadanasin ay hindi ko masasabi na hindi ito patas sa kanila.

Ngunit batid naming lahat ang panuntunan na wala nang maaaring lumabas pa ng Royal Academy sa ayaw at sa gusto namin hangga't hindi pa nagaganap ang labanan para sa pagpili sa susunod na uupo sa trono ng Utopia. Ito marahi ang isa sa dahilan nila kung bakit sinasabi nila na hindi ito patas.

Wala na pang ibang paraan upang lumabas, gustuhun mo man o hindi, maliban na lang kung may misyon din silang gaya ko na kailangang gawin sa labas ng Royal Academy o kung may umupo nang bagong hari o reyna sa trono. Pero ang kinakatakutan ko ay baka magkatotoo ang sinasabi nilang "darkest secret of the academyna isa lang ang mabubuhay sa labanan para gampanan ang tungkuling naghihintay sa kaniya. At ang lahat ng matatalo sa labanan ay mamamatay at hindi na pa maaalala".

Hindi ba't iyon ang mas masasabi na hindi patas dahil kasabay ng iyong kamatayan ay ang pagkawala naman ng alaala ng kung sinumang nakakakilala sa iyo?

Lahat kami ay walang kaalam-alam sa bagay na iyon bago kami pumasok sa eskuwelahang ito. Pero tunay ngang mautak ang mga namamahala rito. Hindi nila iyon pinaalam sa lahat upang marami ang pumasok dito. Gayunpaman ay binigyan din naman kami ng pagkakataon na umalis kung tutol kami sa patakarang iyon. Kaya nasa amin pa rin ang huling pasya. Pero ito ang pinili nila o naming kapalaran. Kung kaya ay hindi dapat masasabi na hindi patas sa kanila ang gagawin ko dahil buhay ko rin ang nakasalalay sa napaka-delikado kong gagawin. At una rin sa lahat ay hindi ako naparito para sa trono na kanilang pinag-aagawan. Naparito ako para pagbayarin ang mga nilalang na sumira sa buhay ko.

"Green, mas mabuti kung manatili ka na lang muna sa silid natin upang makapagpahinga ka nang maayos," pagwasak ni Scarlet sa katahimikan.

Alam kong sinasabi lamang niya iyon upang makatakas ako sa mga mata at bunganga ng mga judgemental na nilalang sa paligid.

Ngumiti ako nang pilit. "It's fine, Scarlet. That won't affect me anymore. As long as they can't hurt me physically, you don't have to worry about me," I said, full of assurance that she wouldn't have to worry about me anymore.

Kung may isang bagay man akong natutunan sa mga naganap sa akin ay ang pagkakaroon ng lakas ng loob. Habang tumatagal ay hindi na pa ako masyadong naaapektuhan sa mga ganitong pangyayari. Unti-unti ko nang natutunan ang pakikipaglaro sa hindi patas na mundong ito.

Scarlet held my left hand and caressed it as she smiled at me. "That's the Green I want to see," she said, almost whispering.

I nodded. She is right. This is the new Green. This is the Green that was formed from the anger and pain they inflict on me.

I clenched my fist as I looked at Celeste who's on my right side. I'm aware that she is the one who shoot me with an arrow with a poison, ngunit wala akong nararamdamang galit sa kaniya, bagkus ay nagtataka lamang ako kung bakit niya iyon ginawa sa akin.

I don't remember anything that happened that night, even her, so we were on good terms again as if nothing had happened. Nag-aalala lamang ako na baka kapag sumapit na ang gabi ay hindi naman kami maayos at mangyari na naman ulit ang naganap sa amin sa Genesis Forest.

I can only let out a small, sincere smile to her before I nodded to say that I'm fine, and she has nothing to worry about me also.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa malawak na kapatagan kung saan nagsasanay ang iba naming kasama. Hindi rin nakawala sa paningin ko si Yazenth mula sa malayo na nagsasanay ding mag-isa gamit ang kaniyang kapangyarihan. Abala siya kaya hindi niya napansin ang pagdating naming apat nina Celeste.

"Good morning, Green!" Nagulat naman ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Harmony na malawak ang mga ngiti.

Tulad pa rin no'ng una ko siyang makita ay may kakaiba pa rin sa kaniya na hindi ko mawari kung ano. Nagtataka lamang ako kung bakit ko iyon nararamdaman mula kaniya. Sa pakiwari ko ay hindi iyon pangkaraniwan, at hindi ko maiwasan ang mabahala rito. Ngunit ang pagiging palangiti niya ay hindi nawala, kaya kahit papa'no ay nawawala ang pangambang nararamdaman ko.

"It's been a week, Green. How are you now? It's nice to see you again here. Labis akong nag-alala, akala ko na kung ano ang nangyari sa iyo. Bigla ka na lang kasi nawala ng isang linggo. But when I heard that you were the one we had been waiting for, I no longer wondered why," sabi niya habang malawak na nakangiti. I also could feel the sincerity in his voice-that he really cared for me.

Tanging tango at maliit lamang na ngiti ang iginawad ko sa kaniya bago ako napayuko, pero nagulat na lamang ako when he suddenly hugged me tight which made me froze for a while. Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang paggalaw ng oras dahil sa ginawa niya.

My eyes widened as I scanned the place without moving my head. Some of the students stopped what they are doing just to look at what is happening between us. Maging si Yazenth ay gano'n din. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa amin na para bang anumang sandali ay huhugot siya ng kidlat patungo sa amin ni Harmony.

"H-Harmony . . . " nauutal kong sambit sa pangalan niya.

Pilit at nag-aalangan akong ngumiti sa lahat ng nakatingin sa amin. Sinubukan ko ring kumawala sa mga braso niya pero hindi ko magawa. Masyado siyang malakas at mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Napalunok ako ng laway ko. "Marami nang nakatitig sa atin, Harmony." I tried to push him, but I still failed to do it.

"It's fine, Green. Wala namang magagalit 'di ba?" he calmly asked.

What the hell, paano niya nagagawang maging kalmado sa ganitong pangyayari?

Napansin kong biglang nawala si Yazenth sa kinatatayuan niya kanina, at hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

"Inuulit ko . . . Wala namang magagalit 'di ba?" he asked once again.

Mariin akong napapikit dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya kahit sigurado naman ako na wala talagang magagalit.

"W-Wala-" Para lang pakawalan niya ako ay sinabi ko ang salitang iyon, but I was wrong. He just let out a deep sigh, and he tightened his hug with me even more.

"I-I can't breathe anymore, Harmony," halos pabulong ko nang sabi dahilan upang pakawalan na niya ako.

Nakahinga ako nang maluwag, pero hindi ako nakatakas sa mapanuksong mga salita at tingin mula kina Celeste, at mga kambal.

"Green . . . What's the meaning of that, ha? May kailangan ka bang ipaliwanag sa amin?" Scarlet asked while giggling.

Sinundot naman ako ni Celeste sa tagiliran ko, habang si Starlet ay binigyan ako ng mapanuksong tingin.

Tiningnan ko sila nang masama para tigilan ang kanilang mga ginagawa bago ako napatingin kay Harmony na pinukulan lamang ako ng malanding tingin.

Naningkit ang mga mata ko. Sinusubukan kong maging seryoso para sindakin siya, pero hindi rin siya makuha sa titig. "Wala akong kailangang ipaliwanag sa inyo . . . " mariin kong sabi sa kanilang lahat bago ko iwasan ang mapanuksong tingin ni Harmony at naglakad palayo.

Bumalik naman agad sa rati nilang ginagawa ang lahat ng nakatingin sa amin kanina, kaya nakahinga ako nang maluwag.

Sinubukan kong hanapin si Yazenth sa paligid upang kausapin sana siya, pero bigo akong gawin iyon. Hindi ko na talaga siya makita, at hindi ko na rin maramdaman ang presensya niya.

Hanggang sa mahuli ko si Psalm na nakatingin sa akin mula sa malayo. Nang mapansin ko ito ay agad niyang iniwas ang tingin sa akin, at naglakad palayo.

Hindi ko nakakalimutan ang ginawa niyang pagbibigay sa akin ng babala sa mangyayari sa akin sa Genesis Forest. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung paano niya nalaman na may naka-ambang panganib sa akin do'n. Posible kayang may nagsabi sa kaniya? Pero sino sa mga miyembro ng Clandestine? As far as I know, all the Clandestine were angry with him, except me the moment he warned me that night, because he is trying to invade us.

Bigla kong naisip na sundan siya upang kausapin, pero gaya ni Yazenth ay hindi ko na rin siya makita sa paligid.

Gusto kong alamin kung sino ang nagsabi sa kaniya ang tungkol do'n, at kung sino tinutukoy niya no'ng gabing iyon na magbabalik. May ginagawa bang masama ang nilalang na iyon sa kaniya? He is so scared that time, kaya siguradong mayro'n ngang ginagawa ng kung sinumang nilalang na iyon sa kaniya.

Akmang maglalakad na sana ako upang hanapin siya nang biglang may humawak sa pulsuhan ko, si Virgo na punong-puno ng pagtataka ang mukha niya.

"Green, ano't kanina ko pa napapansing balisa ka? Sino ang hinahanap mo?" he worriedly asked. His face is a mixed of shock and confusion.

Kapatid siya ni Hearlet; ang kilala ng lahat na Ina ko, at paniguradong ang turing niya sa akin ay isang pamangkin, kaya ganiyan ang reaksyon niya.

"A-Ah . . . W-Wala naman." Ngumiti ako nang pilit upang mas kapani-paniwala ang pagsisinungaling ko. "N-Naghahanap lang ako ng magandang puwesto pagsasanayan. Ikaw, tapos ka na bang magsanay?"

Binitawan niya ang pulsuhan ko. "Kararating ko lang. Hinahanap ko nga sina Scarlet at Starlet. Magkakasama ba kayong pumunta rito?" tanong niya habang iginagala pa rin ang paningin sa paligid.

"Yes, but I left them with Harmony and Celeste on the north side. Maybe they're still there, so why don't you go to them," I honestly said, probably because I want him to go where they are so I can do what I want.

Napangiti siya sa sagot ko. "Mabuti naman kung gano'n. Pero sasamahan na lang kitang magsanay rito para naman matulungan ko ang anak ng isa ko pang kapatid lalo na't bali-balita na sa buong kampus na ikaw ang daw ang susi sa nakaraan at katotohanan sa nangyari kay Infinity. Tama ba ang nalaman ko?"

Ngumiti ako, "Tama ang iyong nalaman, and I'm so grateful with your offer. Pero . . . mas makakabuti sana kung hahayaan mo na lang ako na mag-isang magsanay sa aking sarili upang masanay din ako dahil mag-isa rin lang akong gagawa sa misyong binigay sa akin."

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa aking sinabi. "If that's what you want, well I can't do anything to it already, right?" he sarcastically laughed, and so am I. "Pero binabati kita, and I'm so proud of you. The blood of a brave and powerful God of Time is really flowing in your body. You really came from to him," aniya nang may malawak na ngiti. I could feel the sincerity in his voice, pero nagkakamali siya kaniyang sinabi na galing ako o dumadaloy sa katawan ko ang dugo ng kung sinumang nilalang na tinutukoy niya.

Hindi ako tunay na anak ng kaniyang kapatid na si Hearlet. Anak ako nina Greven at Phoenix Lemon. Sa kanila lang ako galing-sa Earth ako nanggaling at hindi sa komplikado at napakagulong mundong ito. Pero sa kabilang banda ay alam kong niloloko ko lamang ang sarili ko sa mga iniisip na iyon. Gayunpaman ay iyon ang gusto kong paniwalaan, at hindi ang sinasabi ni Hearlet na ito ang pinanggalingan kong mundo-na ang tunay kong pinagmulang mga pamilya ay nandito sa mundong ito.

"Kung gano'n ay maiiwan na kita, Green. Kung kailangan mo ng tulong ko ay sabihan mo lamang ako at maluwag ang loob kong tulungan ka," sabi niya sabay tapik ang kaliwa kong balikat bago siya naglakad palayo sa akin.

Hindi ko na pa ako sumagot sa kaniyang sinabi upang hindi na pa madagdagan pa ang pag-uusap namin. May mas kailangan akong gawin kaysa makipag-kuwentuhan sa kaniya. Kaya nang tuluyan siyang makalayo ay naglakad na rin ako patungo sa kung saan ko nakita kanina si Psalm.

~ginisamyxx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top