03 | Class Clandestine
CHAPTER 3
GREEN LEMON
BIGLA AKONG nagising dahil sa malakas na tinig na narinig ko mula sa aking isipan. Umupo ako sa aking kama at hinilamos ang dalawa kong palad sa mukha para tuluyang magising ang aking diwa.
"A nightmare . . ." bulong ko bago abutin at tingnan ang oras sa alarm clock na nakapatong sa lamesitang nasa tabi ng higaan ko.
I took a deep breath when I saw the time. It was only midnight, and I still had a lot of time to sleep and rest.
Hihiga na sana akong muli nang bigla kong narinig ulit ang tinig sa aking isipan. Isa itong sigaw na hindi masakit sa ulo. Ang sarap nitong pakinggan. Para niya akong tinatawag.
"Isn't it a nightmare?" I asked curiously while holding my blanket.
A few moments later, I heard that voice again that caused my heartbeat to accelerate even more.
"Who are you?" I mentally asked out of curiosity.
I suddenly felt nervous, but I had to show that I was brave and strong. This might be the beginning of our training. And I should be prepared like what Hearlet told me. Pero parang ang aga naman yata masyado?
Then I suddenly remembered Celeste. "Celeste?"
I immediately turned my gaze to Celeste's bed and was surprised to see that she wasn't there. She was the only one I knew who could enter others' minds effortlessly.
Ibinaling ko rin ang tingin sa dalawa pa naming kasama dito sa silid, sina Scarlet at Starlet, iyong kambal. Pareho silang tulog at humihilik pa.
Agad akong bumaba sa kama, at lumapit sa kama ni Celeste.
"Celeste, where are you?" I mentally asked dahil baka siya nga ang sumisigaw sa isip ko. Baka nasa panganib siya!
Akmang gigisingin ko sana ang kambal nang bigla ko ulit marinig ang sigaw na iyon. Pero parang hindi naman siya humihingi ng tulong. It was cold yet sweet to hear. I couldn't sense any danger from it.
Pero dali-dali pa rin akong lumabas ng silid namin upang hanapin siya. Nang nasa labas na ako ng dormitory ay bigla kong napayakap sa sarili dahil sa malamig na hampas ng hangin sa balat ko. Masyado itong malamig. Ilang sandali pa ay narinig kong muli ang sigaw na iyon, ngunit hindi na iyon mula sa isip ko, sa mismong tainga ko na iyon narinig ngayon.
Bigla akong kinabahan. Lalo pang nakapagdagdag sa kaba ko ang malamig na hanging na patuloy sa paghampas sa balat ko. Madilim at tahimik ang buong akdemya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng ihip ng hangin. Ang tanging ilaw lamang na nagbibigay ng liwanag sa paligid ay ang malaking buwan at ilang mga nagkalat na lamp post.
Sigurado ba ako sa ginagawa ko?
I tried to track where the sound was coming but I couldn't. Parang naririnig ko iyon sa lahat ng parte ng academy. I closed my eyes so I could focus. I remembered what Hearlet told me no'ng tinulungan niya akong ilabas ang kapangyarihan mula sa aking katawan. Baka sakaling mahanap ko kung saan nanggagaling ang boses.
"Common!" I bit my lower lip because I still couldn't find it.
Creator of air
and creator of the eleven winds,
bring the sight that I may see,
send your owl unto a tree.
Let it listen to the leaves
and bring their message to me.
As I cast the spell, an owl flew towards me.
Ilang sandali lang din ay lumipad na iyon palayo sa akin kaya sinundan ko hanggang sa makarating ako sa harap ng kakahuyan.
Tumingala ako't sinubukang abutin ng paningin ko ang dulo ng mga naglalakihang puno sa harapan ko. Bigla akong napalunok dahil hindi na iyon kaya pang abutin ng paningin ko. The place gave me a creepy feeling. Parang gusto ko na lang umatras, pero kinakabahan ako para kay Celeste.
Paano kung siya iyon? Paano kung may nangyaring masama sa kaniya? A lot of what if's started to get into my mind. The thoughts made my hand tremble. Siguradong kakainin lang ako ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kaniya. But I was afraid to take the risk. Paano kung isa lang pala itong patibong?
"Be observant." Bigla kong naalala ang paliging sinasabi sa akin ni Hearlet.
"Don't trust anyone else because, at the end of the day, they will be your opponents, too."
Napaatras ako nang bahagya palayo sa kakahuyan, but I suddenly heard the shout of the siren again. Kaya humakbang din ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina dahil hindi ko maiwasang maisip si Celeste.
My mind and feelings were now fighting, and I was torn about which one I would follow. I was the girl who would always take the safest way of everything. But I didn't know what to do this time. I was not that brave, pinipilit ko lang para kina mom and dad.
"You are powerful, Green, you just need to let it out. Fear can also trigger it, so if you do something you know that you are afraid of, just go and do it."
Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Hearlet no'ng unang beses kong sinubukang palabasin ang kapangyarihang mayr'on ako. Bagaman napalabas at nagamit ko na iyon n'ong pinagtangkaan akong pagsamantalahan ng mga pulis ay nahirapan pa rin akong gawin iyon. Ngunit tama nga si Hearlet at napalabas ko ang kapangyarihan ko dahil sa nararamdamang takot n'on.
I took a deep breath before I stepped my feet into the dark woods. Rinig na rinig sa paligid ang bawat tunog ng pag-apak ko sa mga tuyong dahon na nagkalat sa lupa. Paulit-ulit akong natalisod sa mga nagkalat na mga sanga at mga nakaangat na ugat ng mga puno dahil hindi ko makita ang nilalaran ko. Madilim ang paligid kaya nahihirapan akong magkalad.
Dapat pala nagdala ako ng kahit flashlight man lang. Pero 'di ko naman kasi inaasahan na rito ako dadalhin ng mga paa ko.
Hanggang sa makatanaw ako ng liwanag mula sa malayo. Nakarinig din ako ng mga tinig na mukhang nagmumula r'on, kaya dali-dali akong naglakad papalapit d'on. Habang papalapit ako nang papalapit ay mas lalo pang lumakas ang mga tinig na aking naririnig, at sa muling pagkakataon ay narinig ko na naman ang sigaw na iyon sa tainga ko.
Nang masiguro ko na sa liwanag nga nanggagaling ang sigaw ay mas binilisan ko pa ang paglalakad patungo ro'n. Nagtago ako sa malaking puno at sumilip para tingnan kung sino-sino ang mga nilalang na naroçn sa liwanag.
"Finally, the tenth member is here!" narinig kong sabi ng lalaking nasa harapan ng . . . apat pa na mga lalaki at limang mga babae.
Hindi ko sila makilala dahil mga likod lamang nila ang aking nakikita mula rito sa pinagtataguan ko. Hanggang sa sabay-sabay silang napalingon sa kanilang paligid dahilan upang makilala kung sino ang isa sa kanila, si Celeste.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siyang ligtas, ngunit nawala rin ito nang mapatanong ako sa sarili kung ano'ng ginagawa nila rito.
Like, hello? 12 AM lang kanina n'ong nagising ako at siguro mag-aala una pa lang ngayon. Saka madilim pa ang paligid, ano'ng ginagawa nila rito?
"Green Lemon." I heard someone called my name. "We've been waiting for you here for a while. Show yourself." Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig.
Ano'ng kanina pa nila ako hinihintay?
Punong-puno man ng pag-aalinlangan ay lumabas ako mula sa pinagtataguan kong puno at agad akong sinalubong ni Celeste.
"Welcome to Clandestine," aniya nang nakangiti bago ako yakapin.
"C-Clan-" I was unable to continue what I was about to say when I suddenly heard a woman shout behind Celeste. She looked angry, and I didn't know why.
"A legacy in the class Clandestine? Seriously?" She laughed sarcastically and glared at me, then walked away from us.
"Will you stop that, Leaves? She's a Spirit Goddess, it's not surprising anymore . . ." the man in authority who was standing in front of them said before he walked towards me.
"Welcome to my class, Green . . . the Class Clandestine," he said with a smile.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top