Chapter Six
NIYAKAP NI SONDRA ANG SARILI NANG MAALALA IYON. Mapait siyang napangiti. Pagkatapos kasi ng asarang iyon kasama si Maximillian, ilang araw lang ay pinuntahan siya ng lalaki sa kwarto...
Inismiran ni Sondra si Maximillian nang makita ito sa pinto. Pinagpatuloy ang ginagawang pagtaas-baba sa sariling mga binti. Nakalatag ang yoga mat sa sahig ng kanyang silid. She only wore a pair of thin silk night shorts and a spaghetti top that slightly exposed the top of her breasts.
"Sonny," higit nito ng hininga, "ngayon na ang lipat ko."
"I know," matabang niyang sagot, walang tingin-tingin sa lalaki.
Bakit kasi kailangan pa nitong tumira sa condo malapit sa G & C? Okay naman ito sa Hawthorne mansion, ah? Okay rin naman silang dalawa. Hindi naman din ganoon kalayo ang mansyon sa pinagte-training-an nitong opisina.
"Please, don't be mad," he said, sounding tortured.
But how could he be the one tortured? Ito ang may gustong umalis, 'di ba? Ito ang may gustong lumayo sa kanya. Hindi niya alam kung paano naisip na gusto siyang layuan ng lalaki pero kung ayaw nito mapalayo sa kanya, hindi ito lilipat ng ibang titirahan, 'di ba?
Madalang na nga lang silang magkita, mas patitindihin pa talaga iyon ni Maximillian.
Hindi niya ito sinagot. Nakaunat na tinaas-baba lang niya ang mga binti. She even lost count of her leg lifts. Pero tinuloy-tuloy iyon ni Sondra para magmukhang busy at hindi na siya guluhin pa ng lalaki.
"Sonny," puwesto ng lalaki sa paanan niya.
Tinaasan lang niya ito ng paa, ang mga mata niya ay umiwas din dito. She was about to put her feet down when Maximillian caught them.
"Let go," mababa ang tono na utos niya sa lalaki habang matalim ang titig dito.
"Come on, Sonny, huwag mo naman masamain kung gusto kong magsolo ng bahay."
She was not convinced.
"Gusto ko lang matuto na maging independent..." nakikiusap ang mga mata ng binata. "T-That's... That's all."
"Liar," pilit pa rin niyang ibinababa ang mga paa pero humigpit ang hawak nito. "You stammered."
"We'll meet every week, what can you say?"
She rolled her eyes. Alam naman niyang imposible iyon. Magkasama na nga sila sa bahay, madalang nang magkita. What more when they begin living apart? Sondra could whine all she wanted but she had already grown older. Alam niyang walang mararating ang pag-iinarte na ginagawa niya noong bata pa siya.
"Mamaya, may pupuntahan kami ni Mommy na modeling agency," titig niya rito. "I need to get my leg lifts done to be in a very good shape when they see me."
"You'll start modeling now?" hindi niya alam kung bakit may pagkadismaya sa mukha nito.
"Yes."
His right hand unconsciously slid from her feet to her leg. Tila napasong napapitlag ang lalaki at bumitaw sa kanya. He stepped back and swallowed a lump on his throat.
"I'll... I'll support you with that. Huwag mo lang--" turo sa kanya ng lalaki na sinapian na naman ng pagiging authoritative nito, "--pababayaan ang pag-aaral mo, okay?"
"Duh," she rolled her eyes.
Lumuhod ito sa kanyang tabi at binaba sa kanya ang mukha. Everything seemed to freeze around Sondra as his face inched so close, almost a breath away. Maingat na humaplos ang kamay nito sa kanyang noo, inaayos ang kanyang buhok at pinupunasan ang ilang butil ng pawis sa kanyang noo.
"I'll see you."
At ang halik na inaabangan niya, lumapat sa kanyang noo. Mabilis na tumayo ang lalaki, tumalikod at iniwanan siyang nakasunod lang ang tingin dito.
But among those memories, nothing compares to what happened on her 18th birthday...
"Sonny?"
Napapitlag si Sondra sa narinig na boses. Nagmamadaling pinahid niya ng mga palad ang luhaang mukha. Hinablot na rin niya ang kumot at pinamunas iyon bago siya bumangon.
"Nanay Fely," matamlay niyang ngiti sa katulong na naglapag ng tray sa kanyang night table. There was a tall glass of milk for her.
"Oh, hija," abot sa kanya ng matanda ng baso.
She smiled faintly. "Oh, you don't have to, but thank you." Sumimsim siya ng kaunti.
"Ang bilin ni Sir Maximillian, painumin ka ng gatas para mahimasmasan. Nakainom ka raw kasi."
Tumango-tango siya at nilapag ulit sa tray ang baso. "Y-Yeah..." then she glanced at the digital clock. Lagpas isang oras na pala siyang nakahiga at nagbabalik-tanaw sa kung anu-anong mga alaala habang lumuluha.
"Umalis na ba siya?"
"Sa guest room siya matutulog ngayon, Sonny," upo ni Yaya Fely sa gilid ng kanyang kama. "Mabuti na rin iyon kasi alanganing oras na. Nakakatakot naman kung biglang antukin si Sir Maximillian sa biyahe, 'di ba?"
She nodded. "Yes. Kung sabagay." Binalik ni Sondra ang tingin sa matanda. "Sige po, pasensya na sa abala. Please, get some sleep na, Nanay Fely."
"Ayos lang," ngiti nito. "Si Geraldine talaga ang inutusan ni Sir Maximillian pero ako na ang nagdala niyang gatas kasi nag-aalala ako sa iyo."
Napayuko na lamang siya. Malamang mag-aalala talaga ito. Halos ikalawang nanay na niya si Nanay Fely eh.
"Ilang taon ko na kasing napapansin, hija, na parang simula nung namatay ang mama mo, hindi na kayo magkasundo ni Sir Maximillian." Napayuko ito saglit. "Ayokong manghimasok at matatanda na kayo, pero ako rin kasi ang naaawa kay Sir Maximillian. Nakikita ko naman na concerned lang siya sa iyo. Lahat kami rito, concerned sa iyo, hija."
Inihilig niya ang ulo, naluluhang napatitig sa matanda. Sa ngayon, mas damang-dama niyang ito na lang ang talagang may tunay na concern para sa kanya. 'Yung concern na walang kapalit na anumang heartache... 'yung aruga na hindi siya nito paiiyakin o paaasahin sa kahit ano.
"Mabuti na lang at naiuwi ka ni Sir. Naglasing ka na naman kaya paniguradong kung hindi ka nahanap ni Sir, kinabukasan, kung saan-saan na naman kami maghahanap sa iyo."
"Nanay, I'm already old enough to take care of myself."
"Then you should act like it," wika ni Maximillian na nakatayo sa pinto at madilim ang anyo habang nakatitig sa kanya. "You should stop kissing strangers in clubs and getting wasted and start to get your shit together."
Nakatukod ang isa nitong kamay sa pinto, nakalantad ang matigas na dibdib at ang four-pack abs nito. He was slightly hairy on the arms and chest, a dangerous trail of hair darkened from beneath his belly button all the way below the waistline of his pants.
"At bakit nandito ka?" pilit niyang focus ng mga mata sa mukha nito, pero naliligaw talaga siya sa pecks at abs nito. Bwisit!
"I just checked kung nadala na 'yung gatas mo rito," at tinapunan nito ng tingin si Yaya Fely. "Thank you. Please, leave us alone."
Nagpaalam na ang matanda at umalis.
Great. Hindi pa ba tapos ang lalaki sa panenermon sa kanya? Nagkumot na si Sondra ng hanggang leeg at humiga. Sa ilalim ng kumot ay hinubad na niya ang suot na dress.
"What do you want?" tanong niya habang abala ang mga kamay.
Nanatiling nakatukod lang ang kamay nito sa bukas na pinto. "Did you tell anything to Samuel regarding Renante?"
"What about him?" paniningkit ng mga mata niya rito. Ano na naman kaya ang problema ng lalaki kay Renante? Lagi na lang ito may masamang tinapay sa kaibigan niya.
"Remember this morning?" kampante nitong ngisi, pero alam ni Sondra na defense mechanism iyon ng lalaki. The more he concealed his real expression and reaction, the more advantageous for him. "I asked you for a metal supplier aside from the Romualdez'. And you suggested the Villaluz' to me."
"So what about it?"
"You mentioned that to Samuel?" interesanteng taas nito ng mga kilay.
Napalabi siya. Kung madalang silang magkita ni Maximillian, aba, mas lalo na ng sarili niyang ama!
"No," tipid niyang sagot at hinila ang dress pababa sa kanyang mga paa. Inangat ni Sondra ang dulo ng kumot, hinila iyon bago initsa sa kung saan.
He suddenly looked scandalized. "Are you undressing while I'm here?"
"I have a blanket on me, thank you!" ayos niya ng higa at ang clip naman ng suot na bra ang inabot para tanggalin.
"Why?"
"Because I can't reason with you," she grunted, struggling a little to reach her back before she successfully unclasped her bra. "If I tell you I want to get changed and go to the bathroom, you'll think I am dodging your sermon or whatever topic you want to talk to me about."
At initsa na niya ang bra na lumanding sa paanan nito. His hands clenched on a fist, tensing his arms to emboss his veins. His face darkened as his eyes shifted from her bra on the floor to her on the bed.
She let out a chuckle, unaware of his reactions. "Woops."
Pagkatapos, hinigpit niya ang kumot sa kanyang buong katawan. Mula sa leeg ay balot na balot siya. Sondra curled into a ball and peeked at him.
"Are you done now? Can I sleep now?"
"Are you sure?" nagtitimpi nitong wika, bumabalik sa orihinal na topic. "Wala kang binigay na idea kay Samuel na i-consider ang mga Villaluz bilang supplier ng mga bakal?"
"Wala nga!" panlalaki ng mga mata niya sa lalaki. "Ano ba ang malay ko sa mga nego-negosyo na iyan? Let me sleep now, okay?"
"Yung gatas mo," paalala lang nito bago tumalikod at maingat na sinara ang pinto.
Nilingon ni Sondra ang tall glass sa night table at inubos ang laman niyon.
.
.
.
***
.
.
.
KINABUKASAN, sinaluhan ni Maximillian sa pag-aalmusal si Samuel. Kapwa sila maaga gumising, hindi tulad ni Sondra na kadalasan magtatanghali na bago makabangon ng higaan.
Nakagayak na ang ginoo. Naka-suit ito at siya naman ay gayundin. Sa totoo lang, hindi talaga komportable si Maximillian na nakasuot ng suit sa trabaho, ngunit dahil sadyang tradisyunal pa rin si Samuel at ang karamihan sa mga matatanda sa corporate industry (tulad ng mga bahagi ng board of directors sa mga kumpanyang hawak niya) tila automatic code of ethics na para sa mga ito na naka-suit and tie palagi.
Maximillian was currently wearing his yesterday's attire. Dadaan na lang siya sa sariling condo unit mamaya para magpalit bago dumiretso sa opisina.
Tahimik lang silang kumain at pinag-aralan muna ni Maximillian ang kasalo. Samuel seemed to be in a neutral mood.
"Sam," panimula niya, "about my engagement with Yrina, everything is going according to plan." Sumaglit ang mga mata niya sa sariling pinggan. "The preparations for the wedding are being processed by now."
"Good to hear," tipid na sagot ng ginoo, habang sumusulyap sa hawak nitong diyaryo at nagkakape. Susundan iyon ng pagdampot nito ng toast at pagkagat nang kaunti.
"You don't think they will increase prices before our deal signing, right?" tingin niya sa lalaki.
Umiling ito. "No, they won't."
"I hope so," baba niya ulit ng tingin. "I don't want to revise the contract draft we already sent to them. In the next five years, other car companies will struggle with the increase of prices and we won't through our deal with them."
Binaba na nito ang diyaryo at natatawang hinarap siya. "You know, what? You worry too much, eh?"
He shrugged. "I just like being certain about things." At makahulugan ang naging pagsalo niya sa titig ng matanda. "Wala naman siguro kayong kino-consider na iba pang kumpanya maliban sa mga Romualdez, 'di ba? Kasi kung may ibang kumpanya, and you think we'll have a better deal or agreement with them, then it'll be nice if I will get a head's up. Para hindi na matuloy ang kasal."
"I thought you are fine with marrying Yrina?" dampot ulit nito sa dyaryo.
"For Gold Gears, yes," pailalim niyang titig kay Samuel, nakataas ang sulok ng labi. "But again, if there is a better other option, why waste my time with being married to Yrina, right?"
"With better options or not, don't you think, an alliance with the Romualdez' is already good enough of a deal to have?"
Napailing-iling na lang siya, pigil ang matawa nang pagak sa sinabi ng lalaki. Mukhang dalawa sila ni Sondra na sabay nitong gagamitin para lang mas lumakas sa industriyang nasasakupan ng mga kumpanya nila.
"With your kind of questioning, seems like someone overheard me in the office room last night," tusong huli ni Samuel sa kanyang mga mata.
Nginisihan niya lang din ito. "Care to tell me now?"
"Well," he sighed, "napansin lang namin ni Ronaldo na nagkakamabutihan sina Sondra at Renante. We figured, why don't we suggest them to marry with each other?"
"They're only twenty-eight," he said lowly, calculating eyes awaiting the older man's reaction.
"Only twenty-eight?" natatawang sandal ni Samuel. "I figured that my daughter needs a man to tame her rebellious ways. I know you understand. You encounter her stubbornness most of the time."
"You want to know what I think, Samuel?" nagtitimping baba niya sa hawak na kutsara at tinidor. She is not meant to be tamed.
"What?" angat nito ng tingin sa kanya, may talim ang mga mata.
"I think that's my job," he shrugged coolly. Sinalinan niya ng tubig ang sariling tall glass. "When she's already well-behaved and tamed like what you are saying, that's when she's ready to marry."
"You think so?" kunot-noo nito.
"Yes, Sir," he smiled. Ganoon ang ngiti niya kapag alam na makukuha na rin ang gusto. Maluwag at kampante. May kaunting pagmamayabang. "Imagine Sondra's attitude, tapos pagsasamahin mo sila ni Renante sa iisang bubong?"
"They seem to get along to me."
Binaba ni Maximillian ang pitsel at inangat ang baso malapit sa kanyang labi. Tumingin muna siya sa matanda.
"Of course," sagot niya. "That's because they're, let's assume, dating. Relationships are always like that, right? Magka-date kayo at akala niyo kilala niyo na ang isa't isa. Pero kapag nasa iisang bubong na, doon lumalabas ang tunay na kulay ng isa't isa. Mag-aaway na ang mag-asawa at magkakasakitan. Gusto mo bang mapahiya tayo sa mga Villaluz? You want them to think that Sondra had terrible parents?"
At uminom na siya ng tubig.
"Ronaldo knew her bad points," taas saglit ng mga balikat nito, "some of her bad reputation and he didn't seem to mind."
"Because he wants power... Alliance," he chuckled and set down his glass. "What about Renante? If Renante likes Sondra so much, bakit hindi sila naging magkarelasyon? Maybe because he knew they won't work out anyway. Remember, you have to make Renante and Sondra agree on this."
Natahimik na lang ang matanda.
"Nasa sa iyo pa rin ang desisyon," ngiti niya rito. "Pero ang sa akin lang, siguraduhin nating handa na si Sondra. Na hindi siya magiging kahiya-hiya i-prisinta sa mga Villaluz. Then, pwede na nating ituloy ang plano na ipakasal siya kay Renante."
Katusuhan ang maaaninagan sa pagtaas ng sulok ng kanyang labi. Mabuti na ring hangga't hindi pa ito alam ni Sondra ay nabago na niya ang isip ni Samuel tungkol sa balak nito.
"So, when do you think am I ready to beengaged with Renante?" matabang na tanong ni Sondra na umikot sa mesa. Inokupanito ang upuan sa bandang kaliwa ng tatay nito, sa tapat ng mismong kinauupuanng gulat na si Maximillian.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top