52: PASSION

Hope's POV

As our conversation goes through mas nakikilala ko pa siya. Tama nga ang desisyon ko na magpakita sa kaniya. I admire his bravery when he admitted that he was wrong and hurt Kale. Not all will be like that. Siguro isa siya sa hinangaan ko sa lalaki na 'yon bukod sa pagiging passionate niya sa laro.

"I have a question pala," I said.

"What?" sagot niya.

"What's special about gaming and why are you so passionate about it? Kasi 'di ba I went to your game last time? And then as I was watching you guys play, I saw the burning passion in your eyes. 'Yon bang kahit tutok na tutok sa screen 'yong mga mata niyo makikita mo pa rin na mahal niyo 'yong ginagawa niyo," sagot ko.

E-sports is not like the usual sports we know. Ang e-sports kasi nakaupo ka lang pero parang nasa sports ka na kasi intense 'yong patayan ng bawat characters ng magkabilang panig.

"May thrill! There will be unpredictable moments. Hindi siya sport like basketball na mapapanood o makikita mo 'yong galaw ng kalaban nang harapan. Sa game kasi babase ka lang sa kung anong ginawa nilang move inside the game. You will base the next move on the spot. Saka hindi pwede ang time out kaya after games nagkakaroon kami ng gadget ban para di ma-sacrifice 'yong mga mata namin," sagot niya.

"Sa akin 'di uso ang gadget ban kasi 'yong work ko nasa phone at laptop," sagot ko.

"Ikaw, why are you writing sad endings? Ako kasi nasasaktan sa characters mo eh. Saka ang tagal na noon na palaisipan sa akin," tanong niya.

"Well, life is not always rainbows and unicorns. Thunder and rain are also part of it. Gusto ko ma-realize nila 'yon. Na ang buhay hindi puro sarap, kailangan mo rin maghirap para mag-grow. Saka not all stories are ending happily. For me, our life is like a book and death is it's ending and that's what sad to me," sagot ko.

"Ang deep thinkers niyo talaga," sagot niya.

"Writer things," sagot ko.

Nang maubos ang kape at cake na inorder namin ay nag-decide kami na magpunta sa park na malapit sa ilog. Meron kasing view ng city roon at maganda ang sunset. Isa 'yon sa favorite kong puntahan kapag free ako at gusto ko mag-reflect para sa mga sinusulat ko.

Umupo kami sa isang bench na nandito. Maraming tao ang nandito dahil mahangin at maganda ang tanawin. Tahimik lang naming pinanonood ang mga tao at ang paglubog ng araw.

Hindi ko alam ano ang nagtulak sa akin para pumayag sa date na 'to pero nag-enjoy ako. I enjoyed his company a lot and I am hoping more dates like this will happen.  I want to know more deeply this man. He is so interesting.

Ironically I said ayoko but here I am, wanting for more. Kinain ko rin ang mga sinabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top