48: ADVICE
Hope's POV
"Kanina ka pang lunch tahimik, Constansia. Anyare?" saad ni Zak.
Pauwi na kami ngayon. Hindi namin kasabay si Kale kasi may pupuntahan pa raw siya.
"Wala," sagot ko.
"Eh kumusta na ba kayo ni East?" sagot niya.
"He's bugging me this past few days," sagot ko.
Naglalakad lang kami pauwi dahil malapit lang ang village namin sa school. Tipid na sa pamasahe at extra exercise pa.
"Bakit ka naman ginugulo?" sagot niya.
"Ewan ko ba roon. Gusto niya raw ng chance. Pati si Kale nirereto ang hilaw na 'yon," sagot ko.
Binuksan ko ang phone ko at pinakita sa kaniya ang mga past messages ni Sebastian sa akin. Hindi pa man ako nakaka-scroll ay tumunog na ang phone ko.
Unknown number calling...
"Pustahan si Easton 'yan!" saad niya.
"Hindi. Si Kale 'to," sagot ko at sinagot na ang tawag.
"Hello, Constansia!" bati ni Kale.
"Si Kale nga," I mouthed.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang kausap ko sa telepono si Kale.
"Mhie, may nagpapatulong sa akin, survey lang," she said.
"Ano 'yon?" sagot ko.
"If you were to set a date with someone... Saan 'yon?" sagot niya.
Weird... Hindi siya nagtatanong ng mga ganitong bagay sa akin noon.
"Bakit? May rereto ka na naman ba?" sagot ko.
"Wala! Survey nga lang eh!" sagot niya.
"Oh sige-sige! If I am going to set a date with someone I'll bring him in my favorite coffee shop and read a book with him with a coffee on the side."
"G ka ba kung si East makakasama mo riyan?" sagot niya.
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig na naman ang pangalan niya. Pati si Zak ay napahinto rin nang makita niyang huminto ako.
"Bakit ka huminto?" saad ni Zakiya.
Sumenyales lang ako ng 'sandali lang' para sagutin siya dahil hindi ko pa rin talaga maproseso ang sinabi niya.
"Ano?" sagot ko.
"Si Easton, gagawin niyo 'yang dream date mo!" sagot niya.
"Ha? Baliw! Pass na nga ako kapag si Sebastian!" tanggi ko.
"Advice ko sayo; don't close the doors. Malay mo siya na pala pero pinalampas mo pa. Pagbigyan mo naman 'yong sarili mo para hindi na laging patay ang characters mo! Malay mo si East na pala ang babago sa takbo ng kwento mo," sagot niya.
"Let me think about it. I'm just being careful you know? Sige na, uwi na kami ni Zak! Bye!" Binaba ko na ang tawag dahil ayoko nang masundan pa ng kung ano ang sasabihin niya.
"Uwi na tayo?" saad ni Zak.
Tumango ako. Naglakad na kami pauwi sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay okupado pa rin ng sinabi ni Kale ang utak ko. Paano kung tama pala siya? Paano kung mapalampas ko ang pagkakataon na 'to at sa huli ay pagsisihan ko?
Nawala ang isip ko nang tabihan ako ni Mama sa sofa. Nakabukas ang laptop ko at dapat nagsisimula na ko sa school works ko pero 'di ako makapagsimula kasi iniisip ko ang mga sinabi ni Kale kanina.
"Anak, anong problema?" saad ni Mama.
"Ma, paano niyo po ba nalaman na gusto niyo na si Papa?" sagot ko.
"Hmmm... Hindi siya nawala sa isip ko. Palagi niya pa ako binabagabag noon sa telepono namin!"
"Eh paano niyo po nalaman na deserving siya sa chance para sa puso niyo?"
"Anak, biglang dumadating lang 'yon. Magmukha mang padalos-dalos ang desisyon pero ganoon naman talaga ang pag-ibig. Minsan kailangan natin magdesisyon agad kahit 'di tayo sigurado. Ang pagsugal sa pag-ibig ay parte ng pagmamahal. Walang mawawala, anak. Ano man ang maging desisyon mo sa buhay, nandito lang kami lagi para sa iyo." Niyakap niya ako.
"Salamat po, Ma!" sagot ko.
Marami nang nagsasabi na sumugal ako pero hindi ko makakayang sumugal hanggat hindi ko alam ang dahilan niya. Baka kapag nalaman ko ang dahilan mas tumibay pa ang loob kong pumayag. Unti-unti niya nang natitibag ang pader na binuo ko. Sana lang tama ang kahantungan nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top