Lesson 80: Masquerade Ball*
AUTHOR'S POV
Tahimik lamang na nakaupo si Althea sa harap ng vanity mirror habang inaayusan siya. Ngayon na ang araw na pinakahihintay niya. Ang araw kung saan matatapos na ang laro ng kamatayan. Inabot pa ng 3 oras bago tuluyang maayusan si Althea. Matapos siyang ayusan ay dumiretso na siya sa dressing room para magpalit ng gown.
Ang gown na suot niya ay may sleeves na mahaba ngunit see-through. Ang kulay nito'y pinaghalong puti at asul, at pinaganda rin sa pamamagitan ng iba't ibang disenyo. Nakaharap lamang si Althea sa isang malaking salamin habang tinititigan ang sarili. Masaya na sana ang araw na ito kung hindi lang siya kinukutuban na masisira ang plano niya at may mangyayaring masama.
Napabuntong-hininga na lamang siya sa naiisip saka umupo sa isang couch na nasa loob ng kwarto. Pinaglalaruan lang niya ang maskara na isusuot niya mamaya habang hinihintay ang mga guardian niya. At hindi rin naman siya naghintay ng matagal dahil dumating na agad sila. Napangiti na lamang si Althea ng makita sila dahil naging parang mga prinsipe at prinsesa ang mga ito. Naka-tuxedo ang mga lalaki samantalang si CL ay naka-gown ng serpentina.
"You all look so handsome and beautiful, tonight." nakangiting sabi ni Althea sa mga guardians niya. Napangiti naman silang lahat. Napansin ni CL na hindi pa suot ni Althea ang maskara niya kaya nag-volunteer siya na siya na lang ang magsusuot ng maskara kay Althea. Pumayag naman si Althea. Matapos maayos ang lahat, sabay-sabay na silang lumabas at pumunta sa pagdadausan ng ball. Pagkapasok pa lang nila ng venue ay pinagtitinginan na sila.
"Look, that's the owner's daughter. The one with wearing the blue and white gown." sabi ng isang estudyante sa kasama niya. Rinig na rinig iyon nina Althea ngunit hindi nila iyon pinansin. Kung nagtataka kayo bakit tama ang hula ng mga estudyanteng naroon ay dahil nagpakulay ng buhok si Althea. Kung ano ang kulay ng buhok ni CL ay iyon ang ipinakulay niya at ganun din ang ginawa ni CL. Kaya ang alam ng lahat ay siya si CL at hindi si Althea.
Umupo sila sa assigned table nila at hinintay na magsimula ang ball. Habang naghihintay ay pasimple silang nagmamasid at naghahanap ng mga kahina-hinalang bagay. Ng wala silang mapansin ay tumayo si Althea at sinabing maglilibot-libot na lamang muna siya. Habang naglalakad ay may narinig siyang pamilyar na boses kaya naman napalingon siya roon.
Hindi man niya makita ang buong mukha nito dahil sa naka-maskara ito. Kilalang-kilala niya ang taong iyon dahil iyon ang bestfriend niya, si Shaina. Gusto sana niyang lapitan ito at sabihang sobrang ganda niya sa purple na gown na suot niya ngunit napagdesisyunang wag na lang.
Naglakad pa siya ng kaunti ay may napansin siyang parang kuminang sa may ikatlong palapag ng building na malapit sa kinatatayuan niya. Lumapit pa siya ng kaunti at pasimpleng tumingin doon at nakumpirma niya na isang lalaking may hawak na isang snifing gun at mukhang naghihintay lang ng signal mula sa boss niya.
Napalakad palayo si Althea at pumunta na ulit sa table nila. Pasimple niyang tinext ang mga asassins at spy na nasa ilalim ng utos niya ngayon at sinabihan silang libutin lahat ng building at patumbahin lahat ng kaaway na nasa lugar. Pagkatapos na pagkatapos niyang mag-text ay nagsimula na ang ball.
Nagkaroon ng short program saka itinuloy sa 18 roses. Parang hangin na dumaan ang 18 roses at malaya na ang lahat ng estudyante na magsayaw sa gitna o kaya naman ay kumain. Tahimik lamang na naglalakad-lakad si Althea ng bigla na lamang may bumunggo sa kanya. Napaupo siya sa sahig kaya naman napatingin sa kanya ang lahat ng estudyante. Tumingin si Althea sa bumunggo sa kanya at nagtataka siya dahil iyon ay si Shaina.
Tatayo na sana siya ng bigla na lamang maglabas ng baril si Shaina. Nagulat ang mga estudyante at nagkagulo sila. Pinipilit niilang makaalis ng venue ngunit may mga lalaking nakaharang sa dadaanan nila kaya naman hindi sila makalabas.
"Bakit?" yun lang ang lumabas sa bibig ni Althea. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang galit ni Shaina sa kanya. Hindi sumagot si Shaina ngunit kita sa kanya ang panginginig ng buo niyang katawan. Nagsimula na rin siyang umiyak ngunit hindi iyon mahalata dahil sa maskarang nakasuot sa kanya.
"Shoot her now." narinig ni Althea na utos ng isang babae. Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses at bigla na lamang siyang nakaramdam ng sobrang galit ng makita niya ang taong nagsabi nun.
"Why? Afraid to kill someone?" dagdag na tanong nito. Habang namumuo ang tensyon sa venue, nakaalis naman na ang mga estudyante dahil dumating na ang mga tauhan ni Althea. Sila ang nagpatulog sa mga lalaking humaharang sa daanan palabas ng venue upang makalabas na ang mga estudyante.
Matagal na nagkatitigan sina Shaina at Althea. Kakalabitin na sana niya ang gatilyo ngunit nanaig sa kanya ang pagkakaibigan nila kaya naman itinapon niya palayo ang baril at patakbong yumakap kay Althea.
"I really want to reconcile with you, noon pa. Kaso tinatakot niya akong papatayin niya ang mga magulang ko kapag hindi ako sumunod sa kanya." umiiyak na sabi nito kay Althea. Patuloy lang siyang pinapatahan ni Althea. Napahinto lang sa pagpapatahan si Althea ng makarinig siya ng pagkasa ng isang baril.
Napaatras siya ng makita niyang may baril na nakatutok sa kanila ngayon. Ang taong iyon ay nakangisi lamang sa kanilang dalawa. Seryosong nakatingin lamang si Althea sa taong iyon gunit si Shaina ay takot na takot na pasulyap-sulyap.
"Aw, such a melodramatic scene. I think I am about to cry, because of laughing so much!" sabi ng taong iyon habang tumatawa ng mala-demonyo. Naramdaman ni Althea na hunigpit ng sobra ang paghawak ni Shaina sa kamay at braso niya. Pinisil na lamang niya ang kamay nito saka ibinalik ang tingin sa taong nasa harapan nila.
"Why are you doing this, Charmaine?" pagtatanong ni Althea. Napataas naman ang kilay ni Charmaine sa tanong ni Althea sa kanya. Ang alam niya ay alam ni Althea kung ano ang atraso niya sa kanya.
"You don't know? Oh common, stop playing around." inis na sabi ni Charmaine habang nakatutok pa rin ang baril niya sa pwesto nina Althea at Shaina. Umiling lamang si Althea. Dahil doon ay napatawa ng pagak si Charmaine.
"Because of your group, uhm no, because of you! My mom died and my father don't love me anymore." naiiyak na sabi ni Charmaine. Pagkasabi niya roon ay kinalabit na niya ang gatilyo at sobrang inis niya lang ay nakailag sina Althea at Shaina.
Pinaulanan ni Charmaine sina Althea hanggang sa maubusan siya ng bala. Ng maubusan siya ay nakipagmano-mano siya ng pakikipaglaban kay Althea. Tinanggal niya ang palda ng gown niya at naging nakafitted pants na siya. Ganun rin ang ginawa ni Althea kaya pareho na silang handa sa pagsasagupaan.
Atake ng atake si Charmaine at ilag lang ng ilag si Althea. Ayaw labanan ni Althea si Charmaine dahil napaka-walang kwenta ng rason niya para gawin lahat ng ito. Hindi namalayan ni Althea ang mabilis na kamao ni Charmaine kaya naman natamaan siya sa mukha at napadausdos siya sahig.
Pinunasan ni Althea ang dugong nasa labi niya bago tumayo ulit. Sa oras na iyon ay naging seryoso na si Althea. Buong lakas niyang nilabanan si Charmaine. Sa bawat pinapakawalan niyang suntok ay palakas ng palakas iyon habang tumatagal. Kitang-kita sa mukha ni Charmaine na nahihirapan na siyang saluhin ang mga suntok ni Althea.
Habang naglalaban sila ay may nakita si Althea na isang lalaking nag-aasinta kay Charmaine. Nakita niyang kinalabit nito ang gatilyo kaya naman hinala niya si Charmaine at yinakap upang harangin ang bala.
Napasigaw si CL na abala sa pagbabantay sa mga estudyante at nilalabanan na rin ang iba pang mga kalaban na nagtatangkang lapitan ang mga estudyante. Tatakbo na sana siya papalapit ng bigla siyang pigilan ni Ryoji. Nagpupumiglas siya sa hawak ni Ryoji ngunit sinenyasan siya na tignan kung anong ginawa ni Althea at nanlaki ang mata niya ng makitang napatumba na ni Althea ang taong bumaril sa kanila. Humarap siya kina Shaina at Charmaine habang nakangiti.
"Even if you think of me as you're enemy, you're still one of my best of friends." mahinang sabi ni Althea ngunit sapat na upang marinig nina Charmaine at Shaina. Itinaas ni Althea ang kamay niya at gumawa ng isang senyas. Nakarinig sila ng napakaraming yabag at nagsilabasan ang mga asassin at spy, at sinimulang habulin ang mga nakatakas at hulihin naman ang mga naiwan sa venue.
Napunta sa mga ito ang atensyon ng lahat at hindi nila napansin na biglang natumba si Althea, buti na lang at may nakasalo sa kanya. Mapupungay na tumingin si Althea sa taong sumalo sa kanya. Napangiti na lamang siya.
"Hold on, Althea." narinig niyang bulong nito sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya at pinilit na hawakan ang mukha ng taong iyon.
"Kristoff, no matter what happen, stick to the plan I gave to you." mahinang bulong ni Althea. Tumango na lamang si Kristoff habang mahigpit pa rin na hawak si Althea. Hindi magkandaugagang binuhat niya ito at isinakay niya sa kotse. Nagmamadali siyang nagmaneho papuntang ospital.
Pagkarating niya sa ospital ay pasigaw niyang tinawag ang doctor. Hindi naman malaman ng doctor ang gagawin niya dahil nakita nag-aagaw buhay na ang pasyente niya. Nakadagdag naman sa tensyon na nararamdaman ng doctor ng makita niya ang tattoo ni Althea.
Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga guardians ni Althea kasama sina Shaina at Charmaine. Masama ang tingin na ipinupukol ni Shaina kay Charmaine ngunit umiiwas lamang ito. Inabot sila ng ilang oras sa paghihintay saka lang lumabas ang doctor mula sa ER.
Malungkot ang aura ng doctor ng ito'y lumabas at natatakot na tumingin kay Kristoff. Tinignan niya muna isa-isa ang mga taong naroon bago tumikhim upang masabi ng maayos ang nangyari sa pasyente.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top