Lesson 8: Meeting Bryan's New Friend*

ALTHEA JEANEALLE’S POV

*phone rings*

Napabangon ako sa kama dahil sa may tumatawag sa phone ko. Kahit nakapikit yung mata ko, sinagot ko na yung tawag, baka kasi importante.

“Hello” –ako

“……”

“Hello.”

“H-hello.”

“Who’s this?”

“uh….”

Ang tagal niyang sumagot. In-end ko na lang yung call. Prank call, umagang-umaga pa.

Since hindi na ako makatulog ulit dahil sa tumawag kanina, bumangon na ako at kumuha ng mga damit. Maliligo na ako.

Pagkatapos kong maligo, kinuha ko na yung bag ko at umalis na ng dorm. Uuwi ako ngayon ng bahay. Panigurado parang binagyo yun dahil wala ang tagalinis palagi ng bahay.

Sana lang talaga ay hindi ganun kalala ang kalat sa bahay, dahil kung hindi mababatukan ko ang puno’t dulo ng pagiging magulo ng bahay. Si Kendrick ang taga-gawa ng kalat.

BRYAN KENDRICK’S POV

Yo! My first POV in the story. Nice! Let me introduce myself formally.

I am Bryan Kendrick Cruz, younger brother of Althea Jeanelle. Yep, siya ang bida sa story na to, at ako lang naman ang kanyang gwapong kapatid. 14 years old, turning 15 this year. 3rd year high school. At katulad ni ate, mahilig sa music.

“Hey Bryan, can we use the instruments upstairs?”

Napalingon ako sa kasama ko.

“Yeah sure.” Sabi ko

Nandito yung mga bago kong kaibigan sa bahay. Nag-aya sila na magpraktis daw kami. May something big kasi na mangyayari next month. Yeah it’s next month pero kailangan na daw naming mag-prepare ngayon para mapili kami.

Sumunod na ako sa kanila sa taas. Pagdating ko sa taas, nakisali na rin ako sa kanila. They were still deciding what song to play.

“Hey Bryan, help us choose what song we should play.” –Simon Night

“Yeah, we are having a hard time already choosing what song we should play.” –Xavier Kang

“Ito yung mga napili namin, what do you think about it?” –France Kwon

Tiningnan ko yung mga kanta. Hindi pamilyar sa akin yung mga kanta.

“I don’t have any idea what are these songs. I-I don’t know these songs.” –ako

Tiningnan lang nila ako with confusion.

“Tsk.” Tsaka ako umalis. Bahala muna sila diyan. Ayusin ko muna yung kalat sa sala at kwarto ko bago ako bumalik dun.

After kong linisin ang dapat linisin, nakaramdam ako ng gutom. I check the time and it’s already 11 in the morning. Tsk. Dapat hindi ginugutom ang mga katulad kong gwapo.

Tinawag ko silang lahat. Sabi ko sumunod sila sa kusina.

“What now?” –Simon

Inilahad ko lang yung palad ko sa harap nila.

“Para saan yan?” –France

“Ambag-ambag. Magpapadeliver ng food.” –ako

“Can’t you just cook food.” –France

“Don’t know how to cook delicious food. I always fail in cooking.” –ako

Mabigat sa loob nilang nag-abot ng pera sa akin.

After a while, may narinig kaming sumigaw.

ALTHEA JEANELLE’S POV

Nakarating na ako sa bahay before mag 11. Bumili pa ako ng ingredients para sa lunch namin. At hindi ko rin alam kong bakit ako bumili. Pakiramdam ko lang na magpapakain ako ng mgaraming tao o baka imagination ko lang yun.

Pumasok na ako ng bahay at ibinaba yung pinamili ko sa table sa may sala, saglit lang naman. I check the house at malinis naman.

Dinala ako ng paa ko sa kwarto ko sa taas, yung pinagtataguan ko ng instruments ko. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako sa nakita ko.

“Kendriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiick!”

Inis kong sigaw. Bakit naman ako hindi maiinis kung maabutan mong magulo ang kwartong iniwan mong maayos.

Yung keyboard nakasaksak sa amplifier at hindi man lang pinatay. Yung drumsticks ko nagkalat sa lapag. Yung acoustic guitar ay nakalapag sa sahig samantalang may lagayan naman yun. May nakapatong pang mga music sheet sa ibabaw nun. Yung electric guitar ko naman nakasandal sa pader.

Yung designs nun, baka masira. Inilagay ko sa stand yung electric guitar. Napaatras ako ng konte at may natapakan akong parang butil. Paglingon ko, oh shit. Yung bass guitar ko, muntik ko ng matapakan, ang natapakan ko yung napagpag na design nun.

Pinulot ko yun at inilagay sa stand niya. Napansin kong nabuksan yung cabinet ko. Binuksan ko yun at may nawawala dun.

“Bryan Kendrick Cruz, pumunta ka ngayon din dito!” sigaw ko

May narinig akong yabag ng mga paa. MGA PAA?? Maraming pares ng paa. Naihilamos ko na lang ang palad ko sa mukha ko. Stress na stress na ako!

Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nun si Kendrick, may kasama pang 3 lalaki. Sinenyasan ko silang pumasok at pumasok din sila.

“You! You! You! And *turo kay Kendrick* you! What did you do to my instruments?” naiirita kong tanong sa mga batang nasa harap ko.

Yung isa hindi na alam ang gagawin niya, yung isa naman sa iba nakatingin, yung isa nakatingin lang ng diretso sa akin at ang pinakahuli, ang magaling kong kapatid, nakangiti sa akin.

“Haisst! Clean this room and..” –ako

“And???” tanong nung mahaba ang buhok

“Follow me downstairs. And oh before I forgot, bring back all my picks, arasso?” –ako

Tumango lang sila. Tsaka na ako lumabas ng kwarto at dumiretso ng sala.

After ilang minutes, sumunod na rin sila dito sa sala.

“So, what are you guys doing here in our house?” Tanong ko sa kanila.

“Uhm, we are having a practice.” Panimula nung singkit. At nag-explain na sila ng mabuti sa akin. Aba! Kailangan ko ang explanation nila.

After that conversation, tinanong ko sila kung may pagkain na sila, sabi nila wala pa. Balak sana nilang mag-order kanina kaso narinig nila yung sigaw ko.

Sinabi ko na lang sa kanila na magluluto na lang ako. Pinayagan ko na rin pala silang gamitin yung instruments ko, basta iingatan nila.

Pagkatapos kong magluto, tinawag ko na sila. Sabi ko mauna na silang kumain. Mamaya na lang ako. So, ako na lang ang naiwang mag-isa sa kwartong yun. Tiningnan ko yung mga music sheet na nagkalat. Hindi naman maganda yung mga nandito na kanta.

Patuloy ako sa pag-scan. Hanggang sa may nakakuha ng attention ko. Binasa ko yung nakalagay dun. Parang maganda yung kanta tong kantang to.

I switched on the mic at sinaksak ko sa speaker yung acoustic ko. No choice ako ngayon dito.

I started strumming.

*LOVE Girl by CNBlue* #A/N:play the video on the side

BRYAN KENDRICK’S POV

Napahinto kami sa pagkain nung marinig naming may kumakanta.

“Is that your nuna Bryan?” Simon

Tumango lang ako. Bakas sa mukha nila ang pagkamangha. Natural na sa kanya yan. Sadyang magaling pagdating sa pagtugtog. Idagdag mo na rin ang magandang boses niya.

“Why not we ask her to teach us. The song that she picked was good. I really hope she can help us.” -Xavier

Tumango na lang ulet ako. Pagkatapos naming kumain, umakyat na kami sa taas at kinausap si ate. Grabe, nakakabawas ng kagwapuhan ko ang paghingi ng tulong. Pero di bale na, basta ba may mapapala ako sa paghingi ng tulong.

Pumayag naman si ate, at tinuruan na niya kami. Hindi naman ganun kahigpit magturo si ate, ang bilis nga naming natuto eh. Pagkatapos nun, nagluto ulit si ate ng dinner at sabay-sabay na kaming kumain nun.

Pagkatapos nun, nagpaalam na si ate at kailangan na daw niyang bumalik sa RSU. Ayaw daw niyang magpaabot ng curfew. Kasabay ng pag-uwi niya ay ang pag-uwi rin ng mga kabarkada ko. Pero ang nakakapagtaka, bakit parang kilala ni ate si France, ano kayang meron?

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top