Lesson 79: Three Days Before*

ALTHEA JEANELLE's POV

Hindi ako mapakaling lakad papunta at pabalik sa harap ng ER. Hindi ko malaman kung magiging maayos ba si Ezekiel o hindi. Napansin ko namang nakasunod ng tingin sa akin si Kristoff at Shiki. Hindi namin kasama sina CL, Ryoji at Adrian dahil sila ang naghihintay sa labas ng ER kung saan naroroon si Trace.

"Relax Althea, will you?" seryosong sabi ni Kristoff habang sinusundan pa rin ako ng tingin. Huminto ako sa harap niya at tinitigan siya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya kaya naman tumitig lang ako sa kanya.

"He will be okay." pag-agaw naman ni Shiki ng atensyon namin ni Kristoff.

"I know him, he will always fight and will only give up if he can't fight anymore." sabi niya habang nakatingin pa rin sa aming dalawa ni Kristoff. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa gitna nina Kristoff at Shiki saka yumuko habang nakapikit ang mata. Kinakabahan talaga ako ng sobra at hindi ko makakaya kung hindi man makaligtas si Ezekiel, gayun din si Trace.

Makalipas lang ng ilang minuto may lumapit sa amin kaya napatingala ako at nakita ko si Ryoji na hinihingal. Tumakbo ata siya papunta dito. Malayo kasi ang ER kung saan naroroon si Trace kay Ezekiel.

"Trace needs a blood donor. Bloodtype A." hingal na sabi ni Ryoji. Biglang tumayo si Shiki at sinabing type A siya. Sumama siya kay Ryoji kaya naman kaming dalawa nalang ni Kristoff ang naiwan. Hindi rin nagtagal ay may dumating na isang di-gaanong katandaang babae. Base sa hitsura niya ay nag-aalala siya.

"Are you the one who saved my son Ezekiel?" tanong nito kay Kristoff. Napailing na lamang si Kristoff sabay turo sa akin. Napatingin naman sa akin ang babae at biglang kumunot ang noo niya.

"Are you the one who caused the death of Oliver?" mapagbintang nitong tanong sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nanahimik na lamang ako at yumuko. Pagkayuko ko ay biglang bumukas ang pinto ng ER at may nagmamadaling lumabas ng doctor.

"Who's the relative of the patient?" tanong ng doctor. Nagtaas naman ng kamay ang babae kaya nilapitan siya ng doctor.

"We need a blood donor. The patient lost a large amount of blood and his bloodtype is hard to find. His bloodtype is AB." sabi ng doctor sa babae. Namutla bigla ang babae.

"I'm not type AB, I'm only type A." sabi niya. Lumapit ako sa doctor at sinabing parehas kami ng bloodtype ni Ezekiel. Sinabi niyang sumunod ako sa kanya upang makuhaan ako ng dugo ngunit pinigilan ako ng babae. Ngumiti na lang ako sa kanya at dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko upang makasunod ako sa doctor.



AUTHOR'S POV

Matapos ang insidente sa combat arena, balik sa dati ang sitwasyon nina Althea at ng guardians niya. At this week na rin ang masquerade ball. Dapat ay masaya si Althea ngunit hindi niya magawa dahil hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Ezekiel. Pinipilit niya lang na ngumiti upang hindi mapansin ng iba na nalulungkot siya.

Sa kabila nun ay may maliit na parte sa kanya na masaya dahil ayos na si Trace. Nakapasok na siya at lagi na ulit siyang nakabuntot kay Shaina. Nagpunta si Althea sa administrator's office dahil pinapatawag siya ng kanyang ama. Pagkarating niya roon ay walang pasabing binuksan niya ang pinto kaya naman nagulat siya ng makita ang maraming taong nakaupo sa sofa, ang iba'y inaayos ang gown na nakasuot sa mannequin at ang iba ay kausap ng kanyang ama.

"Oh, Althea, you're already here." sabi ng kanyang ama sabay tayo at lapit sa kanya. Pinakilala siya ng kanyang ama sa mga taong nasa loob ng office. Nagsimula na ring magsukat si Althea at ginawan ng kaunting adjustments ang gown upang saktong-sakto sa katawan niya.

Sinabihan rin siya ng ama niya na wag ng pumasok bukas dahil sa susunod na araw na ang ball. Tumango na lamang si Althea saka nagpaalam. Lumabas na siya ng office at napaatras siya sa gulat ng makita niya si Shaina na matamang nakatingin sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan. Ngumiti na lamang si Althea sa kanya saka naglakad palayo. Ngunit kakalagpas niya palang kay Shaina ay hinawakan na siya nito sa braso. Napahinto si Althea at marahang humarap kay Shaina.

"What are you doing there?" takang tanong ni Shaina. Alam ng lahat ng estudyante na bawal pumunta sa administrator's office pansamantala dahil may kausap na importanteng tao ang may-ari ng school.

"Uhm, napadaan lang ako kanina tapos nakita nila ako. Inutusan nila ako." pagpapaliwanag ni Althea kay Shaina. Sinimangutan siya ni Shaina saka tuluyang umalis. Nakahinga naman ng maluwag si Althea dahil hindi na nagtanong pa si Shaina.

Nagmamadali siyang naglakad palayo habang inililibot ang paningin upang malaman kung may nakakita ba sa kanya o hindi. Napabuga siya ng hangin ng marating na niya ang classroom niya at saka pabagsak na umupo sa upuan niya. Napatingin sa kanya si Adrian gayun din si Kristoff dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

"Anong nangyari?" pabulong na tanong ni Kristoff. Luminga muna si Althea sa paligid at bubulong na sana na mapansin niya ang isa sa mga kaklase niya na pasimpleng nakikinig sa kanila. Kaya naman nilabas na lang niya ang phone niya at nag-message na lang siya kay Kristoff. Nakibasa naman si Adrian at pareho silang napatingin kay Althea.

Nag-send si Kristoff na nagsasabing baka gusto na ni Shaina na makipagbati kaso hindi niya alam kung paano at saan kaya niya sinundan si Althea. Takang napatingin si Althea kay Kristoff. Umaasa na sana ay tama si Kristoff, ngunit posible rin na mali ito dahil sa inasta kanina ni Shaina. Ngumiti na lamang siya kay Kristoff at inilagay ang atensyon sa librong nasa harap niya. Wala silang klase sa oras na ito dahil sa may pinuntahan ang professor na magtuturo sana sa kanila.

Parehong nagkibit balikat sina Kristoff at Adrian, saka bumalik sa mga ginagawa nila kanina. Tahimik lang na nagbabasa si Althea ng biglang mag-vibrate ang phone niya kaya napahinto siya. Tinignan niya kung sino ang nag-message sa kanya at laking gulat niya ng makita na galing iyon kay Shaina. Binasa niya iyon at para siyang nabuhusan ng sobrang lamig na tubig. Namutla rin bigla ang mukha niya.

"I can't believe that you hide your true identity to me, Ms. Cross." mahinang pagbabasa ni Althea. Kaklase nila ng oras na iyon si Minzy at buong pagtatakang lumapit ito kay Althea ng makita ang mukha nito.

"Are you okay?" tanong ni Minzy kay Althea. Tumango lang si Althea habang itinatago ang phone niya sa bulsa. Tinanong ulit siya ni Minzy kung sigurado siya at tumango lang siya habang nakangiti ng malapad. Bumalik na si Minzy sa upuan niya samantalang si Althea ay napayuko at tulala.

Iniisip niya kung paano nalaman ni Shaina ang tungkol sa bagay na iyon. Nakita niya kaya siya na kausap si Mr. Cross? May nagsabi kaya sa kanya? O baka narinig niya sa isa sa mga guardians niya? Paano ba niya nalaman.

Napakuyom na lamang ng palad si Althea dahil mas lalo siyang mahihirapan na makipagbati kay Shaina. Walang kaalam-alam si Althea na nakikita pala ni Kristoff ang pagkuyom ng kamao niya. Napabuntong-hininga na lang si Kristoff at pabulong na humiling na sana ay maayos na ni Althea ang mga problema niya.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top