Lesson 76: Necklace*

AUTHOR'S POV

Hindi pa gaanong sumisikat ang araw ng magising si Althea. Tinatamad mang bumangon ay bumangon pa rin siya dahil sa inaakala niyang may pasok siya para sa araw na ito. Malapit na siya sa CR ng makita niya ang digital clock niya na nakapatong sa ibabaw ng study table niya. Napabuntong-hininga siya ng malalim at bumalik sa pagkakahiga sa kama.

"Nakakainis naman, ang aga kong nagising. Bakit ba kasi maaga ang nakasanayan ng katawan ko." bulong ni Althea habang gumugulong-gulong sa kama niya. Hindi na siya makatulog ulit dahil sa gising na gising ang kaluluwa niya.

Napatingin sa kisame si Althea at nagsimula na naman siyang mag-isip ng kung anu-anong bagay. Naisip niya ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Naisip niya ang mga taong malapit sa kanya na pinatay dahil sa kanya.

"Come to think of it. Apat na tao ang namatay na malapit sa akin. Una at pangalawa doon si Mom at Dad, then si Oliver at ang pinakahuli ay si Rob. Pero wait, diba mismong asassin ko ang pumatay kay mom at dad?" nagtatakang bulong sa sarili ni Althea. Napaupo siya ng wala sa oras at kinuha agad ang phone niya.

Inilagay niya sa schedule niya para sa araw na iyon ang pagpunta sa ama niya at tanungin ang dahilan kung bakit pinatay ang mga tumayang magulang niya ng mawala siya sa totoong mga magulang niya.

"Ano pa ba mga dapat kong gawin ngayon?" tanong ni Althea sa sarili habang pinaglalaruan ang phone na hawak niya. Doon sumagi sa isip niya si Shaina. Hindi pa rin siya kinakausap nito at hindi pa rin sila nagbabati. Kumunot ang noo ni Althea sa kakaisip ng dapat gawin sa sitwasyon nilang dalawa ni Shaina.

Matapos ang mahaba-habang pag-iisip ay napagdesisyunan niyang bigyan na lamang si Shaina ng home-made cupcakes bilang peace offering. Alam niyang wala siyang kasalanang ginawa at isang malaking pagkakamali ang paghihinala ni Shaina sa kanya ngunit hindi na niya inisip iyon. Dahil ang mahalaga ay magkabati silang dalawa ni Shaina. Kahit anong araw pa sila magbati basta ang mahalaga ay magkaibigan na sila ulit bago dumating ang kaarawan niya.

Umalis na si Althea sa kanyang kama at nagsimula ng maghanda ng sarili niya. Matapos niyang maligo at magbihis ng isang disenteng damit ay kinuha niya ang cookbook na nasa kusina ng tinitirhan niya. Hinanap niya ang ingredients sa paggawa ng cupcakes at inilista iyon. Matapos mailista ay kinuha niya ang pitaka niyang nakapatong sa study table niya sa loob ng kwarto niya at lumabas ng private room.

Pumunta siya sa shopping area at isa-isang binili ang mga ingredients na kailangan niya. Medyo natagalan siya dahil sa nahirapan siyang pumili ng flavor na gagamitin niya para sa icing na ilalagay niya sa ibabaw ng cupcake. Ngunit nakapili naman siya ng flavor na alam niyang magugustuhan ni Shaina. Nakangiti siyang naglakad pabalik ng private room niya ng harangin siya ng grupo ng mga babae.

Nandito na naman ang mga babaeng papansin ang nasa isip ni Althea ng makilala niya kung sino ang mga babaeng humarang sa kanya. Tinitigan lang niya ang mga babae at naglakad palampas sa kanila ng biglang hablutin ng mga babae ang hawak niyang bag na may karga ng pinamili niya kanina lang.

Inis na napalingon si Althea sa mga babaeng nakangiting parang aso sa kanya. Hahablutin na sana niya pabalik ang bag sa isang babae ng ipasa niya ito sa kasama niya. Walang sabi-sabing pinuntahan ni Althea ang babaeng pinagpasahan ng bag niya ngunit ipinasa agad iyon sa isa pa niyang kasama. Pupuntahan na sana niya ulit iyon ng may humawak sa kanyang mga braso.

Napatingin siya sa gilid niya at nakita niyang dalawang babae ang nakahawak ng sobrang higpit sa braso niya. Nagpupumiglas siya kaya naman may dumagdag na dalawa pang babae para hindi na siya makakilos at makaalis sa kinatatayuan niya.

Lumingon siya sa harapan niya at nakita niyang binuksan ng isang babae ang bag niya at itinapon lahat ng pinamili niya. Isa-isa nitong ibinuhos sa lupa ang mga pinamili niya at tinapaktapakan habang natatawa dahil sa hitsura ni Althea. Huminga ng malalim si Althea para pigilan ang sarili niya. Bibili na lang siya ulit mamaya kaya hindi niya kailangang patulan ang mga babaeng ito na nakapalibot sa kanya.

Nagtaka naman ang babae dahil nakatingin na lamang si Althea sa mga pinamili niya na parang hindi iyon ganun kahalaga. Nainis ang babae at lumapit kay Althea. Doon niya nakita ang kwintas ni Althea na parehas sa logo ng Rose Class kaya naman hinablot niya iyon. Nagulat si Althea ng makita niyang kinuha mula sa kanya ang kwintas na nakita niya noon sa gazebo na ayon sa naaalala niya ay pagmamay-ari ng tunay na ina niya.

"Why do you have this kind of necklace?" takang tanong ng babae habang pinaglalaruan iyon sa kamay niya. Hindi sumagot si Althea ngunit masama ang tingin na ipinupukol niya sa babae. Napansin ng babaeng mahalaga ang kwintas na iyon kay Althea kaya naman itinapon niya iyon sa lupa at tinapakan. Nadurog ang pendant ng kwintas at nagkalakat sa lupa ang mga piraso nito.

Napakagat sa labi niya si Althea. Pinipigilan niya ang sarili niyang magalit dahil hindi tamang labanan niya ang mga taong mas mahina sa kanya at walang alam gawin kundi manikit ng ibang sa tingin nilang mas mahina sa kanila. Nakita ni Althea sinipa ng babae ang durog na pendant at tinapaktapakan ulit iyon.

Napapikit na lang si Althea. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya at nagtagumpay naman siya sa pagpapakalma sa sarili niya. Sa mga panahong iyon ay nakokontrol na ni Althea ang sarili niya at nagagawa na niyang pakalmahin agad-agad ang sarili niya na hindi niya magawa noon dahil sa mga stress na nakukuha niya.

"Are you not going to freak out or something?" inis na tanong ng babae. Inaasahan niyang magwawala si Althea at isusumbong nila ito sa dean upang masuspend ulit ito ng ilang araw o linggo. Ngunit kabaliktaran ang ipinapakita ni Althea sa inaasahan niya kaya mas lalo siyang naiinis.

Lumapit siya kay Althea at sinampal ito ng malakas sa kaliwang pisngi. Napabaling sa kabila ang ulo ni Althea dahil sa impact ngunit hindi pa rin siya nagwawala. Sinampal niya ulit si Althea ngunit wala pa rin. Kaya naman pinagsisipa niya si Althea sa binti at hita samantalang ang mga babaeng may hawak naman kay Althea at pinagsasabunot ang buhok nito.

Maya-maya pa ay may dumating na mga professor at pinaghiwalay silang lahat. Dinala silang lahat sa guidance office at doon na kinausap. Hindi nagsasalita si Althea pero ang mga babaeng humarang sa kanya ay nagrason ng nagrason na hindi sila ang nauna kundi si Althea. At inaasahan ng mga babaeng kakampihan sila ng professor na nasa office na iyon dahil hindi nagsasalita si Althea.

Nagulat ang mga babae ng inilapag ni Althea sa lamesa ang durog na pendant ng kwintas niya kasama ang tali nito. Tinitigan ng professor ang kwintas at napaatras siya ng makilala niya ang kwintas. Ganun ang kwintas na laging suot ni Mr. Cross.

"Where did you get this young lady?" tanong ng professor kay Althea. Tumingin si Althea sa professor at nagsalita.

"That's my necklace, sir. That's my mother's necklace to be exact." pagpapaliwanag ni Althea sa professor. Napatingin naman ang professor sa grupo ng mga babae na nakaupo sa kabilang gilid ng office.

"Who destroyed this necklace?" tanong ng professor sa grupo ng mga babae. Yumuko silang lahat at walang nagsalita. Tinanong nito si Althea at itinuro naman ni Althea ang dumurog ng pendant ng kwintas niya.

Napatayo ng diretso ang professor at humarap sa lahat ng estudyanteng nasa loob ng office. Kinuha niya ang durog na kwintas at marahan na tinitigan ng malapitan saka ipinakita sa mga estudyante sa harapan niya.

"As fas as I know, this necklace worth one billion won." mahinang sabi ng professor. Napasinghap naman ang mga babae sa narinig nila at napayuko si Althea. Sa isip-isip niya ay aabot talaga sa ganun ang halaga ng kwintas dahil sa isang tracking device ang kwintas na iyon. Alam niyang tracking device ang kwintas na iyon at alam niyang ang ina niya ang unang nagsuot nun kaya mahalaga sa kanya ang kwintas na iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit niya suot palagi ang kwintas na iyon.

"You must be kidding, right?" maarteng tanong ng isa sa mga babae. Umiling lamang ang professor at iniabot kay Althea ang durog na pendant ng kwintas. Itinago niya iyon sa bulsa niya tumingin sa professor.

"You girls are suspended for a month. As for you Ms. Cruz, you can go and continue what you're suppose to do." sabi ng professor at pinalabas na ang mga babae sa office. Inis na pumunta sa dorm ang mga babae samantalang si Althea naman ay bumalik sa shopping area upang bumili ulit ng mga ingredients na kailangan niya. Matapos bumili ay bumalik agad siya upang mag-bake ng cupcakes.

Inilagay niya sa isang magandang box ang tapos ng cupcakes at pumunta siya sa dorm ng girls. Pumunta siya sa dating kwarto niya at laking pasasalamat niya ng bumukas pa rin iyon ng ma-scan ang bracelet niya. Ipinatong niya ang box ng cupcake sa kama ni Shaina. Inilibot niya ang paningin niya sa buong kwarto at doon niya napansin kung gaano kalungkot ang kwartong iyon.

May napansin siyang nakakalat na papel sa sahig at nagulat siya ng mabasa niya ang nakalagay doon. Ibinalik niya agad iyon kung saan niya iyon nakita at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Patakbo siyang bumalik ng private room at nagkulong sa kwarto niya.

Nakita ni Kristoff ang mga ikinilos ni Althea kaya naman nagtataka siyang tumingin sa harap ng pintuan ni Althea. Kumatok siya ngunit puro sigaw ni Althea ang nakukuha niya na pinapapaalis muna siya at hayaan muna niyang mag-isa si Althea sandali. Walang nagawa si Kristoff at iniwan muna si Althea at nagtungo sa kusina para magluto ng makakain.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top