Lesson 75: Decision*
AUTHOR'S POV
Tahimik na naglalakad sa loob ng campus si Althea ng may biglang yumakap sa kanya ng sobrang higpit. Sisikuhin na sana niya ang yumakap sa kanya ngunit huminto siya ng marinig niya ang boses ng yumakap sa kanya.
"Althea I miss you!" masayang sigaw ni Bom. Matagal na rin kasi ng huli silang magkita. At hindi rin sila madalas magkita dahil iba ang kurso ng dalawa at nagkakasalungat ang schedule ng dalawa.
"I miss you, too." mahinang sabi ni Althea. Sapat ang lakas niyon para marinig ni Bom. Bumitaw sa pagkakayakap si Bom at pumunta sa harapan ni Althea sabay hawak ng kamay nito.
"Do you know the latest news?" tanong ni Bom kay Althea. Kunot-noong umiling si Althea. Sumimangot naman si Bom sa sagot ni Althea. Sa isip-isip niya ay lagi na lang huli sa balita ang kaibigan niya.
"This year's year-end event will be a ball, masquerade ball." masayang sambit ni Bom. Napataas naman ang kilay ni Althea dahil walang sinasabi sa kanya ang kanyang ama tungkol sa bagay na iyon.
"And?" takang tanong ni Althea. Ipinakita niya na lang kay Bom na hindi siya interasado, katulad ng ginagawa niya dati bago pa niya maalala ang lahat.
"And?! You should feel happy. We can buy our ball gowns and take our own date for that day." nagtatampong sabi ni Bom. Hindi siya makapaniwala na ganun ang magiging reaksyon ng kaibigan niya tungkol sa balitang sinabi niya. Ang inaasahan niya ay magtatalon ito sa tuwa at sabay silang bibili ng ball gown sa isang magandang botique.
"By the way, why masquerade ball?" nagtatakang tanong ni Althea.
"From what I heard, it's a masquerade this year because the owner's daughter will be 18th this year on December." simpleng sagot ni Bom habang hinihila si Althea papunta sa shopping area para kumain. Napahinto naman si Althea sa paglalakad at napatingin kay Bom. Napahinto rin si Bom sa paglalakad dahil huminto si Althea.
"Owner's daughter's 18th birthday." mahinang bulong ni Althea sa sarili ngunit narinig naman ni Bom.
"Yep. So every student will be required to attend the ball. And don't you find it an opportunity to find out who is the owner's daughter?" excited na sabi ni Bom. Tinignan na lamang siya ni Althea at nagpatuloy sila sa paglalakad.
"I don't find it an opportunity." seryosong sabi ni Althea habang nakatingin pa rin ng diretso sa dinadaanan nila.
"You don't want the reward?" takang tanong ni Bom. Umiling na lamang si Althea bilang sagot at mas binilisan pa ang paglalakad. Binilisan din ni Bom ang kanyang paglalakad para makasabay niya si Althea.
"Boys will start to ask girls next week, I'm sure of that." kinikilig na sabi ni Bom.
"Why is that?" tanong naman niya.
"Because next week is the official week where that announcement will be announce." sabi naman ni Bom. Napailing na lamang si Althea dahil kitang-kita niya kung gaano kagusto ni Bom ang ganung klaseng kasiyahan na siya namang kabaliktaran niya.
At tama ang sinabi ni Bom, dahil makalipas ang isang linggo ay naglipana na ang iba't ibang lalaki na inaaya ang iba't ibang babae. Mayroon na lamang silang dalawang buwan bago ang ball kaya naman kanya-kanya na sila ng diskarte kung paano nila mapapayag ang babaeng natitipuan nila.
Sa kabila ng dami ng lalaking nagtatanong sa mga babae, ni isa ay walang lumapit kay Althea. Sa paningin ng iba ay may naaawa at may iba namang nasisiyahan dahil walang nagtatanong sa kanya. Ngunit para kay Althea, ayos lamang iyon dahil meron naman na siyang date sa gabing iyon at iyon ay walang iba kundi si Kristoff.
Tumayo na mula sa pagkakaupo sa isang bench sa ilalim ng puno dahil sa naiirita na siya sa tingin ng mga babaeng estudyante sa kanya. Pumihit siya pakaliwa at nagulat siya ng makita niya si Ezekiel sa harapan niya at nahihiyang nakangiti.
"Uhm, may date ka na ba para sa masquerade ball?" tanong sa kanya ni Ezekiel. Tinitigan ni Althea si Ezekiel bago sumagot.
"Yup." maikling sagot niya. Nakita ni Althea ang lungkot na dumaan sa mata ng binata ngunit hindi niya na lang pinansin iyon.
"Ganun ba? Pwede bang malaman kung sino?" nag-aalinlangang tanong ni Ezekiel.
"It's a secret." mahinang sabi ni Althea. Ngumiti na lamang si Ezekiel at nagpaalam na kay Althea. Aalis na sana siya ng pigilan siya ni Althea.
"Ezekiel." tawag pansin ni Althea kay Ezekiel. Lumingon naman si Ezekiel kay Althea na sana ay hindi niya ginawa sa isip-isip niya.
"Ihinto mo na yang nararamdaman mo." seryosong sabi ni Althea. Hindi nagsalita si Ezekiel at tumingin lang kay Althea.
"Ihinto mo na iyan. You deserve someone better than me, Ezekiel." sabi ni Althea ng makalapit siya kay Ezekiel. Nagulat ang binata sa sinabi ng dalaga. Hindi niya akalain na alam ng dalaga ang nararamdaman niya para rito.
"How did you know?" takang tanong ni Ezekiel.
"You're an open book, Ezekiel. Please, stop that already. I cannot return your feelings." sabi ni Althea habang nakatingin ng diretso sa mata ni Ezekiel.
"Why? Meron na bang nagmamay-ari ng puso mo?" tanong ni Ezekiel. Umiling lamang si Althea at ngumiti.
"Wala pa, pero nakatadhana na ako para sa isang tao at kilala ko na kung sino iyon. Sa ngayon, magkaibigan pa lang ang turingan namin. Baka nga ako lang ang may tingin nun. Pero alam ko, sa paglipas ng panahon, ang pag-ibig ko sa kanya bilang magkaibigan ay lalampas pa roon at magiging pag-ibig para sa taong gusto kong makasama habang buhay." paliwanag ni Althea kay Ezekiel. Nakita niyang mas lalong lumungkot ang hitsura ni Ezekiel.
"Bakit hindi na lang ako?" tanong ni Ezekiel kay Althea. Hinawakan ni Althea ang kamay ni Ezekiel at marahan itong pinisil.
"Ezekiel, hindi tayo nararapat para sa isa't isa. Iba ang mundong ginagalawan mo sa ginagalawan ko. At higit sa lahat, hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo." sabi ni Althea bago tuluyang binitiwan ang kamay ni Ezekiel.
"Naiintindihan ko." bulong ni Ezekiel saka ngumiti ng isang malungkot na ngiti bago tumalikod kay Althea at naglakad palayo. Hindi pa siya nakakalayo kay Althea pero bumagsak na ang luha niya. Dali-dali niyang kinuha ang panyo niya at pinunasan ang luha niya. Tumatakbo siyang pumunta ng practice room ng banda nila at doon siya umiyak ng mag-isa at tahimik.
Sa kabilang banda naman ay nakatingin pa rin si Althea sa lugar na pinuntahan ni Ezekiel. Alam niyang nasaktan niya ang damdamin ng binata ngunit kailangan na niyang putulin habang maaga pa ang nararamdaman ni Ezekiel para sa kanya dahil hindi iyon maganda. Hindi man niya gusto si Ezekiel, ngunit kapag nalaman iyon ng taong gustong pumatay sa kanya ay gagamitin nila ang inpormasyon na iyon upang manipulahin si Ezekiel. At ayaw niyang mangyari ulit iyon sa mga kaibigan niya. Sapat ng nangyari iyon minsan kay Shaina, hindi na niya makakayahan kung madadagdagan pa ng isa.
Naglakad sa kabilang direksyon si Althea papunta sa gazebo kung saan niya nakita ang kwintas ng ina niya. Gusto niyang mapag-isa muna sandali habang nag-iisip ng mga dapat niyang gawin. Malapit na siya ng lugar na iyon ng may maalala siya. Kaya naman nag-iba siya ng direksyon at nagpunta sa opisina ng kanyang ama.
"What brought you here?" tanong ni Mr. Cross ng makita niya si Althea. Huminga ng malalim si Althea bago niya sabihin ang pakay niya na naging dahilan ng pagtayo mula sa upuan ni Mr. Cross. Nagulat siya sa sinabi ni Althea at hindi niya maintidihan kung bakit niya iyon hiniling kaya naman hiningi niyang magpaliwanag si Althea.
Walang alinlangan namang nagpaliwanag si Althea kay Mr. Cross. Sinabi niya kung ano ang dahilan sa pagsabi niya ng bagay na iyon at ang iba pa nilang gagawin kung sakaling mangyari man iyon. Nanghihinang napaupo si Mr. Cross sa upuan niya at nanghihinayang na tumingin kay Althea. Hindi niya akalain na ganung klaseng plano ang pinaplano niya matagal na.
Masakit man para kay Mr. Cross ay pumayag siya sa plano ni Althea at sinunod ang pakiusap nito sa kanya. Nagpasalamat naman si Althea at nagpaalam na aalis na ng opisina. Hindi pa nakakalabas si Althea ay may naramdaman siyang yumakap sa kanya.
"Princess, stop negotiating with death reaper. It's bad for you who is still alive." malalim na sabi ni Mr. Cross kay Althea. Hindi nagsalita si Althea at dahan-dahang tinanggal ang braso ni Mr. Cross na nakayakap sa kanya. Nagpaalam ulit siya at lumabas ng opisina.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top