Lesson 73: Too Late*
AUTHOR'S POV
Lahat ng estudyante ay napapatingin sa kanya sa tuwing dumaraan siya sa pasilyo. Napapatingin sila hindi dahil sa nagagandahan sila sa kanya, kundi sa aura na inilalabas niya at pinaparamdam sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Walang buhay na naglalakad sa hallway si Althea papunta sa susunod niyang klase. Para siyang isang lalagyan na walang karga, at walang sinumang mangahas na ibalik ang karga nito. Walang ekspresyon ang kanyang mga mata at gayun din ang kanyang mga labi. Walang ngiti o simangot na makikita rito.
Nagdadalahamti siya sa kaloob-looban niya dahil sa pagkamatay ni Oliver. Hindi man niya sabihin, naging malaki rin ang epekto ng binata sa dalaga. Hindi na niya namalayan kung paano lumipas ang oras at kung paano niya napasukan lahat ng klase niya gayung parang wala siya sa sarili.
"Althea." tawag pansin sa kanya ni Kristoff ng makarating ang dalaga sa private room ngunit hindi siya sumagot. Tinawag ulit siya ngunit hindi niya ulit ito pinansin. Nainis na si Kristoff kaya mahina niyang tinulak si Althea paalis ng kanyang upuan na naging dahilan upang bumalik siya sa realidad.
"What do you want?" mahinang tanong ni Althea.
"Don't think about it." sagot naman ni Kristoff. Nalilitong tumingin si Althea kay Kristoff habang nakakunot ang noo.
"Wag mo ng isipin ang pagkamatay ni Oliver. Isipin mo ang buhay na susunod nilang kukunin mula sa'yo." malalim na sabi ni Kristoff bago binigyan ng isang tapik sa balikat si Althea at saka umalis.
Napabuntong-hininga si Althea at inisip ang sinabi ni Kristoff. May punto siya, kung mananatili man si Althea sa nakaraan at hindi aabante, mas maraming buhay ang mawawala mula sa kanya. At siya ang sisisihin ng lahat kapag nangyari iyon. Kinuha ni Althea ang kanyang cellphone at tinawagan si Ryoji. Pagkatapos ng tatlong ring saka lang nasagot ang tawag niya.
"Ji." mahinang sabi ni Althea.
"Why gkongju?" seryosong tanong ni Ryoji mula sa kabilang linya. Rinig ni Althea ang hininga ng binata at nagtataka siya kung paano nila nagagawang kumalma sa mga nangyayari ngayon sa kanila.
"Protect Ezekiel. Wag na wag niyong iiwan ang tabi niya. Kayong dalawa ni Shiki ang gumawa nun since pareho kayong kabanda ni EZekiel." sagot ni Althea makalipas ang ilang segundong pag-iisip niya.
"Okay. Meron pa bang iba?" tanong ulit ni Ryoji mula sa kabilang linya. Huminga ng malalim si Althea bago sabihin ang mga salitang matagal ng dumadaan sa isipan niya.
"Tell Trace to watch Shaina, for me." mahinang sagot ni Althea.
"Okay." sagot ni Ryoji bago tuluyang naputol ang linya. Itinago ni Althea ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at pumunta siya sa kwarto niya para magpalit ng damit. Lumabas siya ng private room at didiretso sana ng garden ng biglang mag-ring ang phone niya. Nagtaka siya dahil unknown number ang nakalagay pero sinagot pa rin niya ang tawag.
"Hello?" wala sa sariling sinabi ni Althea.
"Althea." mahinang sabi ng nasa kabilang linya.
"Who's this?" takang tanong ni Althea. Paano nalaman ng iba ang phone number niya?
"Help Althea. Help." nanghihinang sabi ng nasa kabilang linya. Nagsimula ng kabahan si Althea pero pinilit niya ang sariling kumalma para makapag-isip siya ng maayos. Nakarinig siya ng mga yabag ng paa at isang napakalakas na sigaw.
"Help! Althea, help!" doon lang kumilos si Althea at dali-daling pumunta ng control room ng university.
"Track this call." sabi niya at iniabot ang kanyang cellphone. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napuputol ang tawag at rinig na rinig niya ang sigaw ng taong tumawag sa kanya. May kutob siya na kakilala niya ang taong tumawag sa kanya dahil pamilyar ang boses nito. Hindi nga lang niya maalala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Ma'am, its in Gangnam." pagbibigay inpormasyon sa kanya.
"Exact location?" tanong niya. Sinubukang alamin ng lalaki kung saan ng biglang maputol ang linya kaya hindi nila nakuha kung ano ang eksaktong lokasyon. Naiinis na tinignan ni Althea ang cellphone niya at nakita niyang dead batt na pala ito. Nagmamadaling umalis doon si Althea at pumunta sa boys dorm. Pinagtitinginan siya ng mga lalaking lumalabas at pumapasok ng dorm dahil alam nilang bawal ang babae doon ngunit walang pakialam si Althea.
"Could you please call Xiumin?" pakiusap ni Althea sa nagbabantay. Tumawag ang nagbabantay sa telepono at maya-maya pa ay lumabas na rin si Xiumin. Nagpasalamat muna sila sa nagbabantay bago sila Umalis ng dorm.
"Why did you call for me?" tanong ni Xiumin.
"Someone's in danger. I need your help." seryosong sabi ni Althea at lumabas sila ng University. Ginamit nila ang sasakyan ni Althea at pinuntahan ang lokasyon ng tumawag sa kanya.
"We need to find someone. He's in Gangnam, though I don't know where in that place did they took him." seryosong saad ni Althea habang nagmamaneho. Ihininto niya ang sasakyan sa isang kainan at doon muna iniwan para kung sakaling may mangyari ay madali nilang mapupunta ang sasakyan. Nagsimula na silang maghanap sa buong lugar ngunit wala silang nahanap. Sinubukan din nilang puntahan ang ibang lugar ngunit nabigo pa rin sila.
"He must be somewhere here." hindi mapakaling sabi ni Althea. Napatingin si Xiumin sa itaas niya at may nakita siyang lumang kable. Sinundan niya ng tingin ang kable at huminto ito sa isang lumang gusali. Hinila niya si Althea papunta doon. Sinubukan nilang buksan ang pinto ngunit hindi nila mabuksan iyon. Naghanap sila ng ibang madadaanan at may nakita silang bukas na bintana na hindi naman ganun kataasan kaya madaling akyatin. Naunang pumasok si Xiumin saka sumunod si Althea.
Madilim sa loob ng gusali ngunit naaaninag pa rin nila ang kanilang dinaraanan dahil sa ilaw na nanggagaling sa labas. Pumunta pa sila sa pinakaloob at bumungad sa kanila ang isang bahagi ng gusali kung saan may ilaw at makikita mo mula sa baba ang nasa ikalawang palapag dahil sa malaking butas sa ceiling.
Pupunta pa sana sila sa gitna ng may biglang mahulog mula sa itaas kaya napahinto sila sa sulok na madilim. Nakita nilang katawan iyon ng isang lalaki, lalapitan sana nila ng makilala kung sino ito ng bigla na lang pumihit ang ulo nito paharap sa kanila. Dali-daling tinakpan ni Xiumin ang bibig ni Althea dahil alam niyang sisigaw ito.
Nagpupumiglas si Althea sa hawak ni Xiumin ngunit mas hinigpitan pa niya ang hawak niya kay Althea. Naramdaman ni Xiumin na may umaagos na mainit na likido mula sa mukha ni Althea at kahit hindi niya tignan iyon ay alam niya kung ano iyon. Umiiyak si Althea dahil sa kaibigan niya.
Ng maramdaman ni Xiumin na hindi na niya kayang pakalmahin si Althea ay hinila na niya ito palabas ng building. Medyo nahirapan siya dahil sa malikot ito at dahil na rin sa bintanang lalabasan nila ngunit nagawa pa rin nilang makalabas.
Hinila niya sa pinakamalapit na tindahan si Althea at pinaupo siya sa labas nun. Tumawag siya sa pulis at sinabi ang nangyari sa kanila. Maya-maya pa ay may pulis ng dumating sa building kaya naman pumunta doon si Xiumin. Si Althea naman ay sumunod lang sa kanya habang may mabigat na pakiramdam sa dibdib niya.
Pinasok na ng mga pulis ang building ngunit wala silang nakita kahit isang tao. Tanging ang bangkay lamang na nakita nila sa loob at isang cellphone. Bumalik na sila sa presinto dala ang bangkay at isinama na rin nila sina Xiumin at Althea.
"How did you know that a killing happened in that place?" tanong ng isang pulis kina Xiumin at Althea ng makarating sila sa presinto. Tumingin si Xiumin kay Althea na parang wala sa sarili kaya naman tinapik niya ito. Bumalik naman agad sa sarili si Althea at tumingin sa pulis.
"Someone called me and asking for my help." mahinang sabi ni Althea. Naalala niya ang pagtawag sa kanya ng biktima at kung paano ito humingi ng tulong sa kanya.
"What time did they called you?" tanong ng pulis kay Althea. Napatingin si Althea sa wall clock na nakasabit sa pader sa likuran ng pulis at pilit inaalala ang oras ng pagtawag ng lalaki.
"About 6 in the evening." hindi siguradong sabi ni Althea.
"Did the killer told you the place?" tanong ulit ng pulis. Umiling lang si Althea bilang sagot. Nagtatakang tumingin ang pulis kay Althea.
"How did you know then?" takang tanong ng pulis. Hindi sumagot si Althea at tumingin na lamang ito sa baba. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang totoo dahil alam niyang baka mapahamak din ang pulis kapag nalaman niya.
"Are you one of the killer?" pagsususpetya ng pulis kay Althea. Bigla namang napatayo si Xiumin at hahablutin na sana ang pulis mula sa upuan nito ngunit napigilan siya ni Althea. Hinila niya ito paupo ulit at naiinis na umupo ang lalaki.
"If she is one of the killer, then why is she here with me when I am the one who called you?" galit na sabi ni Xiumin sa pulis. Nagulat ang pulis sa paraan ng pagsasalita ni Xiumin ngunit na lamang niyang pinansin iyon. Tinitigan niya ulit si Althea at tinanong ulit.
"How did you know?" tanong ulit ng pulis. Huminga ng malalim si Althea at tumingin ng diretso sa mata ng pulis.
"It's a private matter. Mind talking about it more privately?" sagot ni Althea sa pulis. Mas lalong tinitigan ng pulis si Althea ngunit wala itong nagawa kundi pagbigyan ang kagustuhan ni Althea upang magsalita ito.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top