Lesson 72: Dead Friend*

AUTHOR'S POV

Malalim na ang gabi at tahimik ang buong hospital. Ang tanging maririnig mo lamang ay ang tunog ng mga makinang tumutulong na bumuhay sa mga pasyente. May maririnig ka ring mga yabag ng paa na nanggagaling sa mga nurse at doctor na binibisita ang ibang pasyenteng kailangang bigyan nila ng sapat na pagbabantay.

Lingid sa kaalaman ng mga taong nasa loob ng hospital, may isang pasyente palang nagising na mula sa mahimbing na pagkakatulog. Dahan-dahan siyang bumangon at inilibot ang paningin sa paligid niya. Napatingin siya sa kamay niya kung saan may nakatusok na karayom. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan itong tinanggal. Matapos matanggal ang karayom na nakatusok sa kanya, walang ingay siyang bumaba ng kanyang higaan at kinuha ang cellphone niyang nasa lamesa sa gilid.

Kahit masakit ang katawan, pinilit niyang maglakad papuntang pintuan at sinilip kung may tao ba sa paligid. Ng masiguro niyang walang tao, buong ingat siyang pumunta sa fire exit dahil alam niyang hindi siya pwedeng gumamit ng elevator at baka mahuli siya.

Sa oras na makapasok na siya sa fire exit, pumunta muna siya sa hagdan at dahan-dahang umupo. Ramdam niya ang pagkirot ng tagiliran niya. Huminga siya ng malalim ng mabawasan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman niya at hindi naman siya nabigo. Inilabas niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kaisa-isang taong pwede niyang hingan ng tulong.

"Hello." narinig niyang sabi sa kabilang linya ng masagot ang tawag.

"Help me get out of here. I'm here in the fire exit, third floor. Bring also some clothes." mahinang sabi niya. Isinandal niya ang ulo niya sa gilid dahil nanghihina pa rin siya.

"Okay." narinig niyang sagot ng tinawagan niya at naputol na ang linya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ini-relax ang katawan niya. Hindi siya pwedeng mabinat ng sobra dahil baka bumuka ang sugat niya. Makalipas lang ng ilang minuto, dumating na ang taong tinawagan niya. Iniabot ng lalaki ang mga damit na dala niya sa kanya.

"Thank you, Mr. Kim." mahinang sabi niya at kinuha ang damit. Biglang kumunot naman ang noo ng lalaki dahil sa sinabi niya.

"Stop calling me Mr. Kim. Just call me Xiumin. I am not that old to call me that." naiiritang sabi ni Xiumin sa kanya.

"Okay Xiumin." sagot niya at ngumiti. Tumango lang siya.

"Can you turn around?" tanong niya kay Xiumin.

"And why would I do that?" nagtatakang tanong ni Xiumin sa kanya. Ipinakita naman niya ang damit na hawak niya at naintindihan agad ni Xiumin ang ibig niyang sabihin. Tumalikod si Xiumin at sinimulan naman niyang magbihis. Matapos magbihis ay tinapik niya ang balikat ni Xiumin.

"Let's get out of here." sabi niya at tinulungan siya ni Xiumin na bumaba ng hagdan. Inabot sila ng kalahating oras sa pagbaba ng hagdan dahil sa nanghihina siya at hindi niya pwedeng biglain ang sarili niya. Sumakay agad sila sa sasakyan ni Xiumin at umalis na sila palayo sa hospital.

Sa kabilang banda naman, bumalik na ang lalaking nagbabantay sa kanya sa hospital at hindi maipinta ang mukha niya ng makita niyang wala sa higaan ang pasyenteng binabantayan niya. Dali-dali niyang tinawagan ang mga kasama niya at sinabing nawawala ang pasyente. Tinawag rin niya ang doctor at nurse na naka-assign sa pasyente at sinabi sa kanila ang problema.

Dali-daling hinanap ng lalaki ang pasyente sa buong hospital at tinulungan din siya ng mga kasama niya ng agad dumating ilang minuto matapos silang tawagan nito. Inabot sila ng mahigit isang oras sa paghahanap ngunit walang nakakita sa pasyente. Nanlulumong humarap ang lalaking nagbabantay sa pasyente sa mga kasama niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya at kung ano ang isasagot niya sa mga tanong nila. Ipinagdadasal na lang niya na hindi siya maparusahan sa kapabayaan niya.



ALTHEA JEANELLE'S POV

Tahimik lang akong naglalakad papuntang room ko. It's been a week simula ng masasaksak ako at nahospital. Naalala ko tuloy ang mga mukha ng mga guardian ko, para silang napunta sa langit ng makita nila ako na tahimik na nakatayo sa harapan nila. And their reaction is what I expected dahil sino ba namang hindi giginhawa ang pakiramdam kapag ang taong hinahanap mo nasa harapan mo na pala at tinititigan ka.

Malapit na ako sa room ko ng makasalubong ko si Xiumin. Nginitian ko siya at tinanguan lang niya ako. Lalagpasan ko na sana siya ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Napalingon ako sa kanya.

"Why?" mahinang tanong ko sa kanya. Tinitigan niya ako bago ako hinila papuntang rooftop. Ng makarating kami doon, pumwesto siya sa pinakadulo at sinenyasan akong sumunod sa kanya. Sumunod naman ako sa kanya at huminto siya sa pinakasulok ng rooftop saka humarap sa akin.

"Do you have something private to say?" tanong ko ulit sa kanya. Dahil kung simpleng bagay lang, pwede na niyang sabihin sa akin iyon kanina. Pero hindi niya ginawa at dinala niya ako dito sa rooftop. Nagsimula na akong kabahan ng makita ko ang hitsura niya. Parang may masamang balita siyang sasabihin sa akin. Huminga siya ng malalim at tumingin ng diretso sa mata ko.

"Oliver's dead." nagulat ako sa sinabi niya. Tinitigan ko siya para malaman kung nagbibiro siya pero seryosong mukha ang pinapakita niya.

"Are you kidding me?" natatawang tanong ko sa kanya. Nararamdaman kong nanunuyo na ang lalamunan ko at humahapdi na rin ang gilid ng mga mata ko. Umiling lang siya bilang sagot.

"When?" mahinang tanong ko sa kanya. Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina ng tuhod ko.

"Last night. They said that his body cannot continue anymore. But I doubt it, I know that something is going on." narinig kong sabi niya at umupo siya sa tapat ko. Marahan niyang hinawakan ang balikat ko.

"I think someone killed him." dagdag niya sa mga sinabi niya kanina.

"How can you say so?" tanong ko sa kanya. Dahil kung pinatay siya, bakit hindi nagreport sa akin ang isang sa mga guard na nagbabantay sa labas ng kwarto niya.

"Both of the guards went missing and found there dead bodies blocks away from the hospital." pagpapaliwanag niya sa akin. Unti-unting naging bilog ang kamao ko at bumaon ang mga kuko ko sa palad ko dahil sa sobrang diin.

"So they're eradicating unnecassary things on their way." natatawang sabi ko pero sa loob-loob ko ay gusto kong patayin ang may gawa nun at pagpirapirasuhin ang kanyang katawan saka ipakain sa leon.

Tumingin ako kay Xiumin at ngumiti. Nakita kong nagulat siya. Naramdaman ko na lang na may tumutulong tubig sa kamay ko. Napahawak ako sa mukha ko, umiiyak ako. Umiiyak ako, hindi dahil hindi ko nabantayan ang taong nakakaalam kung sinong humahabol sa akin para patayin, kundi dahil sa nawalan ako ng kaibigan. Isa sa mga matatalik na kaibigan na meron ako sa lugar na ito. Isang normal na kaibigan.

"Who will be the next target?" tanong ko sa kanya.

"What?" balik tanong niya.

"The next target. The one they will kill." sagot ko sa kanya. Napaisip siya ng malalim at maya-maya ay tumingin siya sa akin.

"Ezekiel Jang." mahinang sabi niya.

"Okay. See you later." sabi ko at tumayo na. Pinunasan ko ang mga luha ko at naunang bumaba ng rooftop kaysa sa kanya. Pumunta muna ako ng CR para maghilamos, at least kahit papaano mababawasan ang pagkapula ng mata ko. Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko. Hindi mo aakalain na ako ay isang kakaibang tao. Iniyuko ko ang ulo ko at tinitigan ang tubig na umaagos mula sa faucet.

They're weak. Pinapatay nila ang mga taong nasa paligid sa halip na ako mismo. At hindi ko papayagang ubusin nila ang mga taong nasa paligid ko. Poprotektahan ko sila sa lahat ng makakaya ko.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top