Lesson 71: Thrown Flowers*

ALTHEA JEANELLE'S POV

Palagi kong binibisita si Oliver. Pero yun ay tuwing walang naiiwan sa room niya para magbantay, only the bodyguards I asked my underling to be there. Usually gabing-gabi na ang oras ng pagbisita ko dahil yun lang ang oras na wala ang mga magulang ni Oliver dahil busy rin sila.

It's been a week simula ng sabihing under coma si Oliver. Ngayon, may dala akong bulaklak para sa kanya. Pagdating ko sa harap ng kwarto niya, nagbigay galang ang mga bodyguards na nandun sa pamamagitan ng pagyuko at tinanguan ko lang sila. Pinagbuksan nila ako ng pinto at nagulat ako ng may makitang tao doon. Napalingon sa akin yung taong iyon, at doon ko lang nalaman na ina pala iyon ni Oliver.

Tinitigan lang ako ng ina ni Oliver pero maya-maya pa ay nakita kong naging galit ang hitsura ng mukha niya. Nakayukong lumapit ako sa kanya at nagbigay galang.

"Good evening po." bati ko sa kanya. Pero ang ginawa lang niya ay tinitigan ako mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha ko. Nakita kong kumunot ang noo niya bago siya tumikhim.

"Are you the girl my son saved?" she ask firmly. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"Yes ma'am." magalang na sagot ko. Tumingin ako sa kanila at mukhang maling desisyon iyon dahil may naramdaman akong dumapo sa kaliwang pisngi ko. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko at doon ko lang na-realize na sinampal pala niya ako.

"That's not enought for what you did to my son." galit na sabi niya sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa boquet ng bulaklak na hawak ko. Kahit na gusto ko siyang bawian, hindi pwede dahil alam kong hindi siya makapag-isip ng tama matapos ang nangyari sa anak niya.

"Sorry." mahinang sabi ko. Sana kahit sa simpleng salitang iyon ay umayos ng kaunti ang pakiramdam nila. Humalukipkip siya sa harap ko at nakangiti ng malademonyo sa harap ko.

"What's your name?" tanong niya sa akin.

"Althea Jeanelle Cruz." maikling sagot ko. Naglakad siya papalapit sa akin ng dahan-dahan at hinawakan ang panga ko.

"Look young lady. Starting today, I'll make your life miserable because of what you did to my son." sabi niya. Where is the logic in that? Hindi ako ang bumangga kay Oliver at lalong hindi ko siya pinilit na iligtas ako.

"I'm sorry for being rude ma'am but I didn't do anything bad to your son. I am also a victim here. Why not make the driver of the car that hit him suffer? Why me?" sunod-sunod na tanong ko sa kanila. Binitiwan niya ang panga ko at tinitigan ako ng mabuti.

"Because the time my son started hanging out with you, bad things started to happen also." sabi niya at umupo sa upuan na kinauupuan niya kanina pagkapasok ko.

"Now, the door is widely open for you. Leave." sabi niya at ibinalik ang tingin sa natutulog na si Oliver. Tumingin muna ako kay Oliver na mahimbing na natutulog bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko, itinapon ko kaagad ang bulaklak na hawak ko sa isa sa mga bodyguards na nandun.

"Throw that thing away." seryosong utos ko sa nagulat na guard. Tumango siya at umalis upang itapon saglit ang bulaklak. I can't believe na ganun ang ugali ng nanay ni Oliver. Dahil kung titignan mo ang ugali ni Oliver, ang layo-layo nun sa ugali ng nanay niya.

Lumabas ako ng hospital at naglakad papuntang park na malapit lang doon. Pero habang naglalakad papunta sa park, may nararamdaman akong sumusunod sa akin. Kaya naman nagpanggap ako na magpapatugtog ng music sa phone sa pamamagitan ng pagsuot ng headset sa tenga ko at pagpipipindot sa phone ko.

Pasimple kong tinext si Xiumin o kilala niyo bilang si Mr. Kim na spy ko para sabihing may sumusunod sa akin at imbestigahan niya ang bagay na iyon. Ibinulsa ko ang phone ko at doon ko lang narealize na nasa madilim na bahagi pala ako ng kalsada.

Naramdaman kong may pwersang papunta sa akin kaya tumalon ako ng paabante para maiwasan iyon at tsaka hinarap iyon. Hindi ko man maaninag ang mukha, alam kong may limang lalaking nasa harapan ko ngayon at lahat sila ay may hawak na armas.

Sabay-sabay silang sumugod. Puro iwas lang ang ginagawa ko at hinahayaan silang mapagod pero parang wala silang kapaguran dahil ilang minuto na rin akong umiiwas sa atake nila ngunit hindi pa rin nababawasan ang lakas ng atake nila. Maya-maya lang ay huminto silang lahat sa pag-atake. Naramdaman siguro nilang hindi nila ako matatamaan kung puro ganun lang ang gagawin nila.

Nakita kong paatake na sa akin ang lalaking may hawak na baseball bat kaya umatras ako pero nakaramdam ako ng kirot nung makaatras ako. Tumingin ako sa likuran ko at may isang lalaking may hawak na patalim ang umatake sa akin mula sa likod. Kaya ngayon ay may malalim akong sugat sa tagiliran.

Bumwelo ako at sinipa ang lalaking iyon. Lumipad naman palayo ang lalaki dahil sa lakas ng sipa ko. Nakita kong nabitawan niya ang hawak niyang patalim kaya pinulot ko iyon. Nanghihina akong humarap ulit sa apat na lalaking natitira sa harapan ko. Sumugod ulit sila, pero ngayon ay tig-isa na silang sumusugod. Kung kanina ay puro ilag lang ako, umaatake na ako ngayon para matapos na agad ito dahil alam kong bibigay na rin ako maya-maya dahil sa sugat ko.

Sumugod sa akin ang isang lalaki at naiwasan ko ang atake niya. Agad kong isinaksak sa dibdib niya ang patalim na hawak ko at natumba siya. Sumunod naman ang isa at umikot ako papunta sa likuran niya tsaka hiniwa ang leeg niya. Tumalsik sa mukha ko ang dugo niya at saka lang iyon natumba.

Dalawa na lang ang natitira. Sabay ang dalawang umatake kaya naman yumuko na lang ako at sinugatan ang isa sa paa para hindi na siya makalakad. Tumumba naman siya agad kaya ginamit ko iyong pagkakataon para saksakin siya sa dibdib.

Nanghihinang tumayo ulit ako at hinarap ang nag-iisa ko na lang na kalaban. Umatake ito at puro ilag lang ang ginawa ko. Akmang sisipain niya ako sa mukha kaya naman yumuko ako na siyang pagkakamali ko dahil bigla niya akong pinalo sa likod. Bumagsak ang katawan ko sa malamig na kalsada at nakita kong papalapit sa mukha ko ang paa ng lalaki.

Itinaas niya ang hawak niyang tubo at ipapalo na sana niya sa akin ng bigla itong tumumba sa harapan ko. Tinitigan ko ang katawan niyang nakahandusay sa tabi ko at may nakita akong arrow na nakatusok sa katawan niya. Hindi nagtagal ay may lumabas na isang lalaki mula sa dilim at seryosong nakatingin sa akin.

"Sorry for being late." sabi niya sa akin. Iniikot ko ang sarili ko upang maging pahiga ang posisyon ko at hindi padapa. Tinitigan ko lang siya at nginitian.

"It's okay. You save me from this ugly goon so I owe you one." mahinang sabi ko. Nararamdaman kong kumikirot ang tagiliran ko dahil sa sugat na natamo ko kanina. Narinig ko siyang napatawa ng kaunti at lumapit sa akin.

"Rest for now princess, I'll bring you to the hospital." sabi niya at binuhat ako. Naramdaman kong bumibigat na rin ang talukap ng mga mata kaya tumango na lang ako at ikinawit ang braso ko sa leeg niya para hindi ako mahulog.

"Thanks Xiumin." mahinang sabi ko sa kanya bago tuluyang linamon ng kadiliman ang paningin ko.



AUTHOR'S POV

Dali-daling dinala ni Xiumin si Althea pabalik ng hospital. Pagdating doon, may nurse agad na nag-assist sa kanila at pinahiga si Althea sa isang higaan. Dinala agad si Althea sa ER samantalang naghihintay lang sa labas nun si Xiumin. Naisipan ni Xiumin na tawagan ang kaisa-isang taong nakakaalam ng ginagawa niya kay Althea.

"Hello. Who's this?" narinig ni Xiumin mula sa kabilang linya. Huminga muna si Xiumin bago sumagot.

"You don't need to know who I am, Ice. But your master is in the hospital right now. In the ER specifically." sagot ni Xiumin sa taong nasa kabilang linya.

"What's the name of the hospital?" tanong agad ng taong nasa kabilang linya, which is Shiki. Sinabi naman ni Xiumin kung saan at ibinaba na ang tawag. Pumunta si Xiumin sa information desk.

"If ever there is someone that will look for 'Althea Jeanelle Cruz', please give this to them." sabi ni Xiumin at ibinigay ang isang nakatuping papel sa nurse. Tumango lang bilang sagot ang nurse at bumalik si Xiumin sa ER. Saktong pagbalik niya ay lumabas na ang doctor sa ER.

"Are you the family of the patient?" umiling lang si Xiumin at sinabing kaibigan siya nito. Sinabi ng doctor na ayos na ang lagay ni Althea at namamahinga na siya sa isa sa mga kwarto roon. Nagpasalamat si Xiumin at pinuntahan si Althea. Lumabas rin siya agad ng kwarto ng makita niyang maayos ang lagay ni Althea at nagpunta sa kabilang bahagi ng hallway.

Doon ay hinintay niyang dumating ang mga guardians ni Althea. Ng makita niyang nandun na sila ay tumalikod na ito at umalis. Sa ngayon ay tapos na ang isa sa mga gawain niya. Kailangan na niyang gawin pa ang iba.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top