Lesson 70: Coma*

ALTHEA JEANELLE'S POV

It's saturday! And my saturday was supposed to be some exciting type one. Nakasimangot akong lumabas ng RSU ng bandang hapon dahil gusto ko lang magliwaliw. I am tired because of my works this past few days. Alam niyo yung parang binugbog ako ng isandaang katao sa loob ng isang araw.

Napadpad ako sa park. Napatingin ako sa swing at napangiti ng mapait. I remembered eomma always sit beside me on a swing. Pumunta ako sa swing at umupo. Napatingin ako sa itaas at kahit papaano ay napangiti ako ng makita ko kung gaano kaganda ang kalangitan. The warm colors of orange red eating the whole sky while a drop of dark blue and violet mixed on it.

At dahil nabobored na ako, inilabas ko ang ipod ko at nagpatugtog ng kanta ng sobrang lakas. At kapag sinabi kong sobrang lakas, Wala akong ibang marinig kundi yung kanta lamang mula sa ipod ko. Siguro mga 4 na ang kanta ang tumugtog bago ko naisipang umalis na doon dahil maggagabi na.

Pumunta ako sa gilid ng kalsada at hinintay na mag-green light na nagsasabing pwede ng tumawid ang mga tao. Ako lang ang tao sa gilid ng kalsada at may balak tumawid. Siguro walang masyadong taong nagpupunta dito. With my earphones still on my ears, tumawid ako ng kalsada ng mag-green light na.

Nasa gilid na ako ng kalsada ng parang may nakita akong liwanag na papalapit sa akin at naramdaman ko na lang na may humila sa akin papunta sa gilid. Natanggal ang earphones sa tainga ko at napatingin ako sa gitna ng kalsada. Nakita kong tumakbo lang palayo ang sasakyan at hindi man lang bumaba ang driver para tulungan kami.

Naramdaman kong nanlamig ang batok at palad ko ng makita ko kung sino ang taong nagligtas sa akin. Agad-agad akong tumayo at tumakbo papalapit sa taong nakahandusay sa gitna ng kalsada at naliligo sa sarili niyang dugo.

"Oliver?" mahinang tawag ko sa kanya. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya. Nagsimula na rin akong lumuha. Idinilat niya ang mga mata niya at tumingin siya sa akin. Ngumiti lamang siya sa akin. Mas lalong bumuhos ang luha ko. Until I realize something, kailangan kong tumawag ng ambulansya!

"Oliver, hold on. Tatawag ako ng ambulansya, okay? Wag na wag kang bibitaw." sabi ko sa kanya habang tinatawagan ang ambulansya. Matapos kong makatawag ng ambulansya, tumingin ulit ako sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin na para bang masaya siyang nailigtas niya ako.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko na bumitaw saglit sa kanya dahil tumawag ako ng ambulansya at pilit na hinila iyon papalapit sa kanya. Mas lalo akong napaiyak. I don't want to see someone special to me die in front of me and because of me.

"Althea." mahinang sabi niya habang nakangiti.

"Wag ka munang magsalita, please. Parating na ang ambulansya." Hinila niya pa lalo papalapit sa kanya ang kamay ko kaya naman inilapit ko ang mukha ko sa kanya. May gusto ata siyang sabihin sa akin kaya niya ginawa iyon.

"Sorry kung hindi kita magawang protektahan ng maayos." nanghihinang sabi niya. Hindi ko na mapigilan ang iyak ko at nanlalabo na rin ang mata ko. Naramdaman kong may nagpupunas ng luha ko at nakita ko si Oliver na pilit niyang pinupunasan ang mga luha ko kahit nahihirapan siyang iangat ang kamay niya.

"Oliver." mahinang sabi ko. Nakita ko siyang ngumiti at unti-unting pumikit ang mata niya.

"Oliver!" sigaw ko ng tuluyan ng pumikit ang mata niya at bigla na lang bumagsak sa gilid ang kamay ni Oliver na pumupunas ng luha ko. Naramdaman kong may pilit na lumalayo sa akin sa kanya samantalang si Oliver naman ay inilalagay sa stretcher.

Isinakay rin nila ako sa ambulansya at dinala na kami sa ospital. Itinakbo agad sa ER si Oliver samantalang ako ay naghintay lang sa labas ng ER habang nakayuko at nasa palad ko ang mga mukha ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang mga kabanda niya.

Napasandal ako sa pader ng matapos ko silang matawagan habang nakapikit ang mga mata ko. Bakit hindi ko napansin na may sasakyang paparating sa akin at bakit hindi ko rin napansin na sinusundan ako ni Oliver? Masyado bang lumipad ang isip ko dahil sa mga plano ko at hindi ko na naisip ang mga taong nasa paligid ko. Nakarinig ako ng mga yabag na tumatakbo papalapit sa akin hanggang sa may biglang humila ng kamay ko at marahas akong itinayo.

"What happened to him?" galit at nag-aalang tanong sa akin ni Ezekiel. Umiling lang ako bilang sagot.

"Zekie, Tito and Tita will be here few hours from now." sabi ni Shiki habang nakatingin sa akin. Nagtataka siyang nakatingin pero iniwas ko na lang ang tingin ko at tumingin ulit kay Ezekiel na nasa harap ko at mahigpit na hawak ang pulso ko. Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang isang doctor.

"How is him?" biglang tanong ni Ezekiel sa doctor at binitawan ang pulso ko. Hinilot ko naman ang pulso ko dahil sumakit iyon mula sa pagkakahawak ni Ezekiel.

"He's already stable but he's in coma. You can see him in room 183." sabi ng doctor at umalis na. Pero bago siya mawala sa paningin ko, tinignan ko ang pangalan niya at tinandaan. Kakausapin ko siya mamaya pero sa ngayon ay kailangan ko munang puntahan si Oliver.

Nagmamadali kaming pumunta sa kwarto niya halos matumba ako sa pagkakatayo ko ng makita ko ang sitwasyon niya. May oxygen tank na nakakonekta sa kanya. May iba pang machine na naka-connect sa kanya. Naka-cast din ang kanang paa niya at puno ng benda ang katawan niya. Maging ulo niya rin ay meron. Nilapitan ko siya agad at hinawakan ang kamay.

"Nakakainis ka Oliver. Dapat ako ang nakahiga diyan hindi ikaw. Bakit mo ba ako niligtas?" mahinang bulong ko sa kanya. Naramdaman kong may humila sa akin ulit at marahas na iniharap ako sa kanya. Nasalubong ko ang galit na mata ni Ezekiel.

"Anong ginawa mo sa kanya?" mariin niyang tanong sa akin.

"Iniligtas niya ako. Patawid ako ng kalsada ng bigla na lang may sasakyang mabilis na tumatakbo papunta sa akin. Hindi ko iyon napansin at naramdaman ko na lang na---" naputol ang sasabihin ko ng maramdaman kong mahigpit niyang hinawakan ang mga balikat ko at malakas na sumigaw sa mukha ko.

"Dahil sa katangahan mo, sa halip na ikaw ang nakahiga sa kamang iyan si Oliver ang pumalit sa pwesto mo!" galit niyang sigaw sa akin. Nakita ko na papalapit sana sa amin sina Shiki at Ryoji pero tinitigan ko sila na parang sinasabing wag silang makikialam. Wala silang nagawa kundi panuorin kaming magsagutan ngayon. Ibinalik ko ang tingin ko kay Ezekiel at ngumiti ng mapait.

"Tama ka nga. Sana ako na lang ang nandyan at hindi siya." mahinang sabi ko sa kanya. Bigla siyang napangisi at mas lalong humigpit at hawak niya sa balikat ko. Napangiwi ako sa sakit ng hawak niya pero hindi ko pa rin pinuputol ang tinginan naming dalawa.

"Dapat lang na maisip mo yan. You're making a move without thinking kaya nangyari ang lahat ng ito!" sigaw niya ulit sa mukha. At ang sinabi niya ngayon, hindi ko na matatanggap ang mga yan. I am not someone like that.

Hinawakan ko ang mga kamay niya na nakahawak sa balikat ko at mahigpit na hinawakan iyon. Naramdaman kong bumaon ang mga kuko ko sa balat niya pero wala akong pakialam. Sumobra na siya. Tanggap ko na ako ang sisihin nila sa nangyari ngayon, pero may mga bagay na sumobra na siya. Narinig kong napahiyaw siya kaya naman marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko at binitawan ang kamay niya.

Umalis agad ako sa kwartong iyon at nagpunta sa information desk para tanungin kung saan ang office ng head doctor ng hospital. Ibinigay naman siya sa akin kahit na medyo nagtataka siya kung bakit ko hinihingi iyon. Pinuntahan ko iyon at marahas na binuksan ang pinto at isinara ng makapasok na ako.

"What are you doing here?" medyo inis at nagtatakang tanong ng doctor. Tinitigan lang niya ako at alam kong nakita niya ang ilang dugo sa damit ko kaya napatayo siya at lalapit sana sa akin ng bigla akong lumapit sa table niya at pinalo iyon ng malakas. Napaupo bigla ang doctor at natatakot na tumingin sa akin.

"What do you want?" nauutal na tanong niya sa akin.

"Order the doctor named Kim Tae Do to do his best in saving my friend or this whole hospital will face its downfall." seryosong sabi ko. Bigla namang napatawa ang doctor. Iniisip niya siguro na isa akong deperadang babae at walang ng ibang maisip na gawin kundi ang takutin ang doctor na gawin niya ang lahat ng makakaya nila.

May kinuha ako sa bag ko at ibinaba sa table ng doctor. Tinitigan ko siya habang bigla na lang siyang namutla at tumingin sa akin. Tumalikod na ako at naglakad palabas kahit na naririnig ko pang tinatawag niya ako. Tapos na ako dito, at bawal naman akong bumalik sa kwarto ni Oliver dahil baka masaktan ko lang si Ezekiel.

Pumunta ulit ako sa information desk at sinabing ilipat sa isang private room si Oliver at sa akin na i-charge ang bayad. Ibinigay ko ang bank card ko at doon na nila ibinawas ang pambayad sa hospital bills ni Oliver. Hanggang dito lang ang kaya kong gawin para sa'yo Oliver, sorry.

Lumabas na ako ng hospital pero napahinto rin ng may maalala ako. Tinawagan ko ang isa sa mga mafioso na hawak ko at inutusan silang magpadala ng magiging gwardiya sa labas ng kwarto ni Oliver maging sa palibot ng hospital. Nararamdaman kong sinadya ang pagsagasa dapat sa akin pero naligtas ako. At alam kong papatayin nila si Oliver para mabawasan sila ng mga poproblemahin ng mapadali ang pagkuha nila sa buhay ko.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top