Lesson 69: Accident*

ALTHEA JEANELLE'S POV

"Al!" napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang sigaw na iyon. It's been, what? Almost two months na palagi akong ginugulo ng isang tao. Palagi siyang tatabi sa akin kapag nakikita niya ako or kapag free time niya. He even memorized my schedule para alam niya kung kailan ako walang klase or meron.

"Ano na naman?!" sigaw ko pabalik. Bigla na lang siyang ngumuso at tumabi sa akin. This guy is being clingy for some unknown reason. Samantalang yung ibang kabarkada niya iniiwasan ako.

"Al, galit ka ba sa akin?" tanong niya habang nakanguso pa rin at pilit pinapalaki ang mata niya para magmukha siyang pusa. Cute na pusa to be exact. Pero hindi niya nagaya at nagmukha lang siyang isang taong nasisiraan na ng bait.

"Atay." sabi ko sa kanya.

"Yay! Hindi ka galit sa akin. Tinawag mo akong liver!" sabi niya at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Oliver!" sigaw ko at itinulak siya. Nahulog naman siya sa pagkakaupo niya sa tabi ko. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero tumayo pa rin siya at pinagpagan ang damit niyang narumihan saka umupo ulit sa tabi ko.

"Ngayon galit ka na talaga. Sorry Al!" sigaw niya sa mukha ko. Nakakairita na ang ginagawa niya but I can't stop myself to smile. I bit my lower lip para pigilan ko ang ngiti ko pero nagmukhang naka-smirk ako dahil sa ginawa ko.

"You smiled." manghang sabi niya. Napangiti na ako ng tuluyan sa kanya. Siya ang panibagong dagdag sa listahan ko ng mga taong nginingitian ko. The way he makes me feel happy kahit panandalian lang dahil na rin sa ibang mga bagay na dapat kong asikasuhin.

"Let's eat." sabi niya at tumayo sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.

"Saan naman?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa taas at parang nag-iisip at bigla siyang ngumiti ng malawak.

"You like spicy foods, right?" tanong niya. Tumango ako sa kanya. Bigla niyang hinila ang kamay ko at naglakad papuntang shopping area. Tuesday pa lang kasi kaya bawal pa kaming lumabas ng campus. I can feel the stares of the girls here. Jealous fangirls everywhere. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng isang noodle house. Napatingin ako kay Oliver at nakangiti lang siya sa akin.

"Let's go." sabi niya at hinila ulit ako sa loob. Umupo kami dun sa table na malapit sa bintana since glasswall naman ang noodle house na pinuntahan naman.

"Ramen?" tanong niya. tumango na lang ako sa kanya.

"Alam mo bang maanghang ang ramen nila dito. Kapag sinabi kong maanghang, as in! Yung parang sinusunog na yung dila mo sa apoy dahil sa sobrang anghang." pagkukwento ni Oliver habang may hand gestures pa. Lumapit ako ng kaunti sa kanya at pinisil ang pisngi niya.

"Cute." sabi ko habang pisil-pisil ko pa rin ang pisngi niya. Siya naman ay pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pisngi niya. Tinanggal ko rin naman agad ng makita kong parang naiiyak na siya.

"Ang sakit ng pisil mo Al. Parang lalaking maskulado ang may gawa nun sa akin." sabi niya habang hinihimas ang namumula niyang pisngi. Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Mukha ba akong maskuladong tao? Siguro dahil nagte-training pa rin ako dahil kailangan ko pa ring magpalakas kaya siguro malakas ang pisil ko sa kanya.

"Order ka na lang." sabi ko sa kanya. Tinawag naman niya yung babaeng nagseserve dito sa loob at ibinigay ang order namin. Ng makaalis na yung babae, katahimikan agad ang kumain sa pwesto namin.

"Bakit mo ginagawa ito?" tanong ko sa kanya. Tinitigan lang niya ako habang nakakunot ang noo. Para bang sinasabi niyang 'Anong ibig mong sabihin?'.

"I mean, bakit bigla ka na lang lapit ng lapit sa akin. Hindi ka naman ganito dati, di ba?" pagpapaliwanag ko sa kanya. Bumuntong-hininga naman siya at tumingin sa akin. Tinitigan ko rin siya katulad ng ginagawa niya.

"I just want to be with you. At isa pa, hindi mo ba namimiss ang bestfriend mo?" sabi niya. Wait, di he just said bestfriend? Self proclaim bestfriend na pala siya ngayon.

"At kailan pa kita naging bestfriend?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Ng mapatawa ulit kita noong unang beses nating magkita. Yung ilang weeks ng nag-start ang klase." sabi niya. Sasagot pa sana ako sa kanya ng dumating na yung pagkain. Nanlaki ang mata ko ng makita kong sobrang pula ng ramen nila. Halatang sobrang anghang nito.

"Let's eat." sabi niya at sinimulan na niyang kainin yung noodles niya. Tinitigan ko pa ng kaunti yung akin bago ko sinubukang tikman. Sumubo ulit ako ng isa pa matapos kong matikman yung noodles dahil masarap. Maanghang yung noodles pero may kakaiba doon kaya naging sobrang sarap niya.

Patuloy lang ako sa pagkain ng maramdaman kong nakatingin sa akin si Oliver, kaya naman tumingin rin ako sa kanya. Alanganin akong ngumiti sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. May narinig akong sinabi niya pero hindi ko maintidihan kung ano iyon.

"Pwedeng pakiulit ang sinabi mo?" tanong ko sa kanya. Kailangan kong malaman ano yung sinabi niya. Pakiramdam ko kasi may kinalaman yun sa akin.

"Wala yun. Sabi ko ang cute mo palang kumain." tumango na lang ako sa kanya at kumain ulit. Sobrang anghang nito! Kinuha ko ang baso ng tubig na nasa tabi ko at uminom. Matapos naming kumain, umalis kami kaagad doon at bumalik na siya sa dorm nila samantalang ako naman ay dumiretso sa private room.

Nadatnan ko doon ang nakasimangot na si Kristoff habang nakatingin sa akin. Okay? Anong nangyari sa taong ito at nakasimangot ng ganito sa akin? Lalapitan ko sana siya pero bigla na lang siyang lumayo at dumiretso sa kwarto niya.

Pumunta na lang muna ako sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos kong magbihis, dumiretso ako sa harap ng kwarto ni Kristoff at kumatok. Kakausapin ko na ang isang ito. Nung isang araw ko pa siya napapansing nagkakaganito.



OLIVER'S POV

It's already saturday! That means it's 'Stalking Althea' Day! Hindi naman talaga ako stalker, but I just found myself stalking Althea dahil after a month ko siyang makausap ulit parang laging siyang balisa at wala sa sarili.

Nagsuot ako ng damit na hindi masyadong mag-i-stand out sa harap ng maraming tao dahil ayaw kong malaman ni Althea na sinusundan ko siya. Though I can feel that she already knew about it pero hindi lang siya nagsasalita.

Pumunta agad ako sa labas ng RSU at pumunta malapit sa crossing para hindi niya ako mahalata. Naghintay pa ako doon ng mga ilang minuto at nakita ko na siyang naglalakad. Himala ata at naglakad siya ngayon, usually kasi nakasasakyan siya.

Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa mapadpad kami sa isang park. Okay? Anong meron sa park ngayon at dito siya nagpunta. Umupo siya sa isa sa mga swing at tumingin sa langit. Oh, maggagabi na pala. The sky is filled with dark orange color.

Ng medyo madilim na, naglakad ulit siya. Susundan ko na sana siya ng may narinig akong boses galing sa di-kalayuan.

"She's already near there. Remember, make sure she's injured badly that she will be hospitalized for a month or more." Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Si Althea ba ang pinag-uusapan nila?

I quickly ran at hinanap si Althea. I saw her near the road and is about to cross the street ng makita ko ang isang sasakyan sa malayo at at mabilis na tumatakbo papunta kay Althea.

"Althea!" I called her pero hindi siya sumasagot. Tumakbo pa ako ng mas malapit sa kanya at tinawag siya ulit.

"Althea! Stop!" sigaw ko pero wala pa rin, hindi niya ako naririnig. Nakita kong sobrang lapit na ng sasakyan sa kanya kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanya at itinulak siya sa kabilang side ng kalsada.

Naramdaman kong tumama sa akin ang sasakyan at lumipad pa ako palayo dahil sa bilis ng takbo nito. Naramdaman ko ring namanhid ang buong katawan ko at parang may umaagos galing sa ulo ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko. May nakita akong babaeng tumatakbo papalapit sa akin at umiiyak.

"Oliver?" iyak niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Oliver, hold on. Tatawag ako ng ambulansya, okay? Wag na wag kang bibitaw." sabi niya at sinimulan na niyang tumawag ng ambulansya. Hinawakan ko ang kamay niya kahit nahihirapan akong igalaw ang katawan ko. Napatingin siya sa akin at umiiyak pa rin siya.

"Althea." mahinang tawag ko sa kanya.

"Wag ka munang magsalita, please. Parating na ang ambulansya." sabi niya. Hinila ko papalapit sa akin ang kamay niya kaya naman inilapit niya ng kaunti ang mukha niya.

"Sorry kung hindi kita magawang protektahan ng maayos." bulong ko sa kanya ng makalapit siya. Mas lalong siyang umiyak. Iniangat ko ang kamay ko at pinunasan ang mukha niya gamit ang hinlalaki ko.

"Oliver." sabi niya. Ngumiti ako sa kanya at unti-unti ng kinain ng kadiliman ang paningin ko.

"Oliver!" yan ang huling narinig ko bago ako tuluyang makain ng kadiliman.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top