Lesson 65: Hurt*

ADRIAN'S POV

Naglalakad na ako papuntang practice room kung saan kami mag-uusap-usap ng mga kapwa ko guardians. Pagdating ko doon, naabutan ko silang seryoso ang mukha. Maybe CL already told them what had happened.

Ibinaba ko muna ang gamit ko sa isang upuan at umupo sa harap nila. Tinitigan lang nila ako, waiting for me to speak up. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang isang plastic. Inilapag ko iyon sa table na nasa harapan namin.

"Hunter is alive?" hindi makapaniwalang tanong ni Ryoji.

"That is what we also thought first." sabi naman ni CL.

"But when we saw the wound of the victim, we already knew that the hunter didn't do it." pagpapatuloy niya pa sabay pakita ng isang litrato kung saan naroon ang sugat na nakita namin sa biktima.

Napatingin ako kay Shiki na parang balewala lang sa kanya ang lahat at parang tinatamad na makinig sa sinasabi namin. Napataas tuloy ng wala sa panahon ang kilay ko at umupo at diretso.

"Care to say something, Shiki?" tanong ko. Napatingin siya sa akin at sa arrow na nasa harap ko.

"Althea's the one who knocked the guy down." sabi niya.

"How can you be sure? The wound says it all that it is not Althea who killed that guy." naiiritang sabi ni CL. We cannot blame her for reacting like that, remember that reading symbols and clues is her specialty.

"Nakita ko silang maglaban kahapon. And as what I have said, she's the one who knocked the guy down. That means hindi siya ang pumatay kundi iba." sabi ni Shiki habang nakatingin ng seryoso kay CL. Napapailing na lang si Ryoji.

"Kaya ka ba wala kagabi sa kwarto? Kasi nandun ka sa Regular building?" tanong ni Ryoji. Tumango na lamang si Shiki.

"I find Althea's moves this week mysterious. Kaya naman sinusundan ko siya." sabi nito at isinandal ang likod sa upuan.

"Who killed the guy then?" takang tanong ni CL.

"A spy. Pero hindi ko masyadong nakita ang mukha niya. Siya ang gumamit ng bow and arrow ni Hunter. At base sa napanood ko kagabi, Althea's the one who hired that spy." sabi nito at nakita kong naikuyom niya ang palad nito.

"Siya rin ba ang naglagay ng sugat sa bangkay?" tanong ko. Umiiling si Shiki bilang sagot.

"I was the one who did that. Dahil alam kong may pinaplano si Althea." sabi niya.

"Then why are you blocking her plan?" sabat naman ni CL at napatayo na siya sa kinauupuan niya.

"I am not. Dahil kung ayaw man niya ng ginawa ko, dapat ay pinatumba na rin niya ako dahil nakita niya ako ng gabing iyon. Pero pinabayaan niya ako at parang sinasabing gawin ko lang ang gusto kong gawin sa bangkay na iyon." sagot naman ni Shiki at napatayo na rin siya.

Pinaghiwalay silang dalawa ni Ryoji at pinaupo. Nagpamaywang si Ryoji at tinitigan ng masama si Shiki. Tinitigan lang din siya ni Shiki.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya kay Shiki.

"For you to know that a spy did that and not Althea." simpleng sagot niya. Napabuntong-hininga na lang siya. Samantalang ako, nanonood pa rin sa pinaggagagawa nila.

"Sinabi mo dapat agad sa amin. Lumabas tuloy kami bilang isang guardian sa harap ng maraming tao." nagrereklamo kong sabi kay Shiki.

"Someone commanded me to shut my mouth up. Magsasalita lang daw ako kapag kayo na mismo ang gumawa ng hakbang para malaman kung sino ang gumawa nun." sabi niya.

"Sino?" takang tanong ni Ryoji.

"I am not allowed to tell who that person is." sabi niya at tumayo.

"Kung wala na tayong pag-uusapan, I need to go. Kailangan ko pang gumawa ng assignments ko." sabi ni Shiki at lumabas na ng room. Lumabas na rin ng room sina Ryoji at CL. Itinago ko na lang muna sa bag ko ang arrow at picture saka lumabas ng practice room.

Naglakad ako pabalik sa dorm habang iniisip ang ang mga nangyari kanina. Something's really wrong here. Dapat humingi si Althea ng tulong namin kung may pinaplano man siya pero hindi niya ginawa. Instead she hired a spy, at ang spy na iyon ay hindi namin kilala.



AUTHOR'S POV

Tahimik lamang na nagmamasid si Althea habang nakaupo sa itaas ng puno sa garden. Pinapanood niya ang mga estudyante na naglalakad papuntang shopping area. Hindi naman siya napapansin ng mga ito dahil sa malago ang dahon ng puno at nakapwesto siya sa pinakamataas na sanga ng puno.

Isasandal na sana ni Althea ang kanyang likod sa puno at ipipikit ang mga mata niya dahil sa sawa na siyang magmasid ng makarinig siya ng pamilyar na boses. Hinanap niyo kung saan iyon at nanggagaling at nakaramdam siya ng lungkot ng makita ang taong iyon.

Mabigat ang pakiramdam ni Althea habang pinapanood si Shaina na masayang nakikipagkwentuhan kay Charmaine. Ngunit napalitan naman ito ng inis at kakaibang pakiramdam ng lumipat ang tingin niya kay Charmaine. Hindi niya alam pero naiinis siya sa tuwing nakikita niya ang babaeng iyon.

"Where's Althea? Why is she not hanging out with you this past few days?" narinig niyang tanong ni Charmaine kay Shaina. Alam ni Althea na hindi na dapat siya makinig dahil alam na rin naman niya ang isasagot ni Shaina pero parang may sariling isip ang kanyang katawan at patuloy pa rin itong nakinig sa pag-uusap nina Charmaine at Shaina.

"I don't know and I don't care." sagot naman ni Shaina. Naramdaman ni Althea na nanikip ang dibdib niya sa sagot ni Shaina. She misses her bestfriend so much pero mukhang wala itong pakialam sa kanya.

"I thought she's your bestfriend." sabi naman ni Charmaine. Hindi makapaniwala si Althea na maririnig niya iyon mismo sa bibig ni Charmaine.

"Nope, you're wrong. She's not my bestfriend anymore. After what she did, I don't want to recognize her as my bestfriend anymore." sagot naman ni Shaina at tuluyan na silang nakalagpas sa punong kinauupuan ni Althea.

Napahawak naman si Althea sa puno ng sobrang higpit na para bang matutuklap na niya ang balat nito. Ayaw niyang maniwala sa narinig niya pero sinasabi na mismo ng isip niya na iyon talaga ang sinabi ni Shaina at itinatakwil siya nito bilang bestfriend.

Napabuntong-hininga ng malalim si Althea. Hindi niya akalaing masisira ang pagkakaibigan nila ng dahil lang sa mga pictures na iyon at dahil na rin kay Trace. Hindi niya akalain na ganun kababaw ang tiwala sa kanya nito. At si Trace naman, ayaw niyang makinig sa mga sinasabi ni Althea kaya umabot sa ganito ang nangyari.

Ng maalala niya ang mga pagsuway ni Trace sa mga utos niya, hindi niya maiwasang magalit. Pero wala na siyang magagawa pa dahil nangyari na. Ang kailangan na lang niyang gawin ngayon ay makuha ulit ang tiwala ni Shaina sa kahit na anong paraan.

Isinandal na lang ni Althea ang ulo niya sa puno at tumingin sa kalangitan. Sobrang kalmado nito na para bang may paparating na kalamidad sa susunod na mga oras. Napabuntong-hininga na lang ulit si Althea at kinuha ang kanyang headset. Isinalpak niya iyon sa kanyang phone at nagpatutog ng kanta sabay pikit ng mata. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya itaas ng puno.

Nagising siya ng maramdaman niyang may tumutulo sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang headset at napakusot ng mata. Nanlaki ang mata niya ng makitang umuulan pala. Dali-dali siyang bumaba ng puno at tumakbo papunta sa Regular building dahil iyon ang pinakamalapit na pwede niyang masilungan.

Basang-basa siyang nakarating sa Regular building. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa na sa kabutihang palad ay hindi basa. Ipinunas niya iyon sa kanyang katawan. Napatingin siya sa labas ng building at nakita niyang mas lalong lumakas ang ulan. Hindi naman niya pwedeng sugurin ang ulan dahil malayo ang private room nila sa Regular building.

Napansin niyang may nakasabit sa leeg niya at nakita niya ang kanyang headset. Doon niya naalalang may phone pala siyang dala. Dali-dali niyang kinuha iyon at buti na lang ay hindi rin nabasa katulad ng panyo niya. Hinanap niya agad sa contact list niya ang pangalan ni Kristoff at tinawagan. Makalipas ng ilang ring ay sa wakas sinagot na ni Kristoff ang tawag.

"Hello?" rinig niyang sabi ni Kristoff mula sa kabilang linya.

"Kristoff, nasaan ka ngayon?" tanong naman ni Althea. Kailangan niya munang malaman kung nasaan si Kristoff. Dahil baka mamaya ay nasa isang practice room ito kasama ang mga kaklase niya at gumagawa ng group activities.

"Nandito sa private room, bakit?" sagot naman ni Kristoff. Napangiti siya sa narinig niya.

"Pwede mo ba akong sunduin? Wala kasi akong dalang payong at sobrang lakas ng ulan." sabi naman ni Althea. Nakarinig siya ng mga yabag na nagsasabing naglalakad na palabas si Kristoff ng private room.

"Where are you right now?" tanong sa kanya ni Kristoff.

"Regular building." sagot naman ni Althea.

"Wait for me there. I'll be there in five minutes." sabi naman ni Kristoff.

"Okay. I'll wait for you." sabi ni Althea at pinatay ang tawag. Umupo si Althea sa may itaas ng hagdan malapit sa bungad ng Building dahil napagod na rin siyang tumayo. Kaya parang nasa second floor na siya dahil sa lugar ng hagdan na inupuan niya. Hinintay niya si Kristoff habang yakap-yakap ang mga tuhod niya dahil nilalamig na rin siya.

Ngunit lumipas na ang limang minuto ngunit wala pa rin si Kristoff. Nagsimula na ring mag-alala si Althea. Nawala ang pag-aalala niya at unti-unting napalitan ng kaba ng makarinig siya ng malakas ng yabag papunta sa kanya galing sa taas.

Lumingon siya at iiwasan na sana ang atake ng taong iyon ngunit huli na ang lahat at tinamaan siya ng atakeng iyon. Nahulog sa hagdan si Althea at nanghihinang tumingin sa taong sumuntok sa kanya. Hindi niya makita ng mabuti ang hitsura ng taong iyon dahil nanlalabo ang paningin niya. Dahil na rin siguro sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya at idagdag pa na nahulog siya sa hagdan.

Tatayo na sana ulit siya ngunit bigla na lamang siyang sinipa ng taong iyon sa tiyan niya. Napahawak siya doon sa sobrang sakit ng pagsipa ng ginawa sa kanya. Naramdaman na lang niyang parang umangat siya sa sahig dahil binuhat na pala siya nito at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top