Lesson 64: Dead Body*

ADRIAN JAME'S POV

Naglalakad ako papuntang first class ko. Come to think of it, 3 days ko ng hindi nakikita si Althea at hindi nakikita sa klase. Kahit na 2nd year na kami, our schedule were still the same. Her father maybe arranged it. Ang nakikita ko lang sa klase ay yung fiance niyang si Kristoff.

Since sa second floor pa ang class ko, umakyat ako ng hagdan. Pero hindi ako makaakyat ng hagdan dahil ang daming estudyante. Anong meron ngayon? May artista ba kaming kaklase?

Nakipagsiksikan na lang ako at nakarating naman ako sa second floor ng buhay. Though may nakatapak ng paa ko dahil nga sa siksikan at gusto nilang umabante. Maglalakad na sana ako papunta sa room ko ng may biglang humarang sa aming mga lalaki. Tinitigan ko sila at nakilala kong isa sila sa mga guards ng mafia.

Nilingon ko ang hallway na hinaharangan nila at nagtaka ako ng may makita akong patay doon. Bakit hindi agad nila nilinis ang kalat na yun? At sino ang may gawa nun? Lalapit na sana ulit ako ng maalala kong nakaharang ang mga lalaking ito sa daan and they don't know that my rank is higher than them. Umalis na lang ako doon at nagpunta sa cr.

Pagdating ko ng cr, hinintay ko munang lumabas ang ibang estudyante at ng mawala na sila ay ni-lock ko ang pinto. I just want to make sure that no one will see me. After locking the door, ibinaba ko ang bag ko sa sink and I started to unbutton my coat. Tinanggal ko iyon at tinupi ng maayos tsaka nilagay sa bag. Tinanggal ko rin ang waist coat ko at inaayos katulad ng ginawa ko sa coat ko.

I unbutton the first button of my long sleeves at binago ko ng kaunti ang ayos ng buhok ko. Itinaas ko ang buhok ko to look like a businessman. Kinuha ko ang shades ko at isinabit muna sa damit ko dahil aayusin ko pa ang sleeves ng damit ko. Itinupi ko ang sleeves ko hanggang siko para makita agad nila ang tattoo ko.

My tattoo is the same with the other guardians. Kaso iba ang tattoo namin sa tattoo ng mga assassins. My tattoo is on my right arm katulad din ng tatlo ko pang kasama. Nilagay siya sa right arm namin para ma-recognize agad nila kung sino ang master namin. Ryoji ang Shiki uses something to cover the tattoo na ginagawa rin namin ni CL kapag hindi long sleeves ang suot namin. Yung telang parang bracelet pero hapit siya sa braso, ganun.

Wangja's guardians have their tattoo on their left arm. Ouji's guardians have them on their right leg while Oujo's guardian have them in their left leg. Sa amin mga guardian ng wangja and gkongju ang hassle pagdating sa pwesto ng tattoo dahil palagi itong nakikita, hindi katulad sa mga guardian nina ouji and oujo na madaling itago.

Pagkataas pa lang ng long sleeves ko, kitang-kita na agad ang tattoo ko. Tinitigan ko ito saglit at ibinalik ang atensyon ko sa pag-aayos ng sleeves ko. After fixing my sleeves, isinuot ko na ang shades ko at naglakad palabas ng cr. Inilagay ko ang bag ko sa locker ko at naglakad papunta sa hallway kung saan may nakahandusay na bangkay.

Nasa malayo pa lang ako ay nakita ko ng napatingin sa akin ang isa sa mga nagbabantay ng hallway kaya naman kumaway ako gamit ang kanang kamay ko para makita niya ang tattoo ko. Mukhang nagulat pa siya pero kinausap niya ang mga kasama niya at hinawi nila ang daan para makadaan ko.

Habang dumadaan ako, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Nagtataka siguro sila kung sino ang dumating at bigla na lang silang nagbigay daan sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso sa bangkay. Pagkalapit ko doon, may nag-abot sa akin ng plastic gloves kaya namang tinanggap ko iyon.

Umupo ako para makita ng malapitan ang katawan at masasabi kong nasa late 20s na ang edad ng lalaking ito. Itinuon ko ang pansin ko sa arrow na nakasaksak sa likod nito. Hinawakan ko ito at tinanggal. I heard some gasps galing sa mga estudyanteng nandito.

Tinitigan ko ang arrow na hawak ko. Para kasing pamilyar ito pero hindi ko maalala kung saan ko nakita iyon. Tinignan ko ang dulo ng arrow at dahil sa gulat ay nabitawan ko iyon. Napatingin naman sa akin ang mga lalaking nagbabantay ganun din ang mga estudyante. Lalapitan sana ako ng isa sa kanila pero sinenyasan ko siyang wag.

Kinuha ko ulit ang arrow at tinitigan. This arrow is Hunter's. Pero matagal ng patay ang mother ni Althea. So sino ang gumamit ng bow and arrow niya at pinatay ang lalaking ito. Tumayo ako at ibinaliktad ang lalaki. Nakita kong sabog ang mukha nito na para bang binugbog siya ng walang humpay. May nakita rin akong sugat sa balikat niya.

Napansin ko iyon dahil sa may tuyong dugo sa parte na iyon. Tinanggal ko ang damit niya sa parteng iyon at nakita kong sinaksak pala siya sa parteng iyon. Maya-maya lang ay may lumapit sa akin na babaeng may mahabang buhok. She's wearing an all black clothes pero hindi naman siya mukhang makikilibing. Napadako ang tingin ko sa braso niya at doon ko nalaman na si CL pala ang babaeng nandito sa tabi ko.

"What happen to him?" tanong niya sa akin ng habang sinusuot ang plastic gloves na binigay din sa kanya.

"Murdered. And you won't believe with what I found out." sabi ko sa kanya sabay pakita ng arrow. Pagkakita niya palang sa arrow, nanigas agad siya at parang namutla siya. Hindi pala siya nakilala agad dahil nakalugay ang buhok niya at nakasuot siya ng contact lens.

"Hunter." mahinang bulong niya. I know that would be her reaction. It's her specialty after all. Lahat kaming mga guardian, may kanya-kanyang specialty. Ryoji is good in offense. Alam niya lahat ng vital points ng isang tao at yun palagi ang inaatake niya ng matapos agad ang isang laban. As for Shiki, we can call him an anti-spy. He was trained to stop and kill a spy. Maybe that's reason why he's always silent. As for CL, she's good at reading symbols or secret messages, which is the easiest task of all. At ang sa akin naman, they trained me in medicine and biology. If something bad happen, I can always act as the nurse. If Althea was poison, then I can make an antidote immediately to save her.

"Who would dare to use Hunter's things in doing this horrible thing?" galit na tanong ni CL na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.

"I don't know either. But I am not yet done in investigating this body." sabi ko. Tinanggal ko ang pang-itaas na damit ng bangkay at nagulat kaming dalawa sa nakita namin.

"Gkongju did this?" takang tanong niya. Paano ba naman ay may sugat sa dibdib nito at ang sugat ay parang iginuhit doon. Katulad ng tattoo ni Althea ang sugat kaya siya agad ang paghihinalaan.

"Wait, we cannot easily pinpoint someone right now." pagpapaalala ko kay CL. Tinitigan lang niya ako at tumingin lang ulit sa sugat. Maya-maya lang ay bigla niya akong siniko.

"What?" tanong ko. Busy rin kasi ako sa pag-check ng mga sugat at bruises ng bangkay. Matinding labanan ang nangyari bago namatay ang isang ito? Dahil sobrang itim ng mga pasa niya na para bang nakatanggap siya ng sobrang lakas na suntok.

"It's not gkongju, Blade. Look." sabi niya at itinuro ang sugat.

"Gkongju's tattoo has four swords which represents us, her guardians." sabi niya at itinuro ang apat na espada na nasa sugat.

"But look at this, the sword is pointing to the upper right. All of the swords should be pointing at the rose but this sword is pointing somewhere." sabi niya. Tumango na lang ako sa kanya.

"What are you trying to say then?" takang tanong ko sa kanya.

"A replica did this. Replica of the hunter or gkongju, either of the two. Or maybe someone that has the same rank with gkongju but belongs to different mafia group. Or a spy from our mafia itself." sabi niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Let the investigators do there job now. Let's call them to bring this dead body there." sabi ko. Tumango lang si CL at tinawag ang isang lalaki. Pumunta agad ito sa amin at may kasama pang ibang lalaki. Binuhat nila ang bangkay at umalis na doon. Ang mga natirang lalaki ay nilinis ang mga dugong nakakalat sa sahig. Then after that, hinayaan na nilang dumaan ang mga estudyante.

Kaming dalawa naman ni CL ay naghiwalay na dahil may klase rin kami na papasukan. Mag-uusap-usap na lang kami mamaya after classes. Pero mas mabuting sa amin muna ito hangga't hindi pa namin nalalaman kung sino ang may gawa nun. Sasabihin na lang namin kay Althea kapag may enough information na kami tungkol sa pangyayari at sa gumawa nun.

Nakaramdam ako ng kaba ng may naalala akong isang rule na sabi ng mga mas matatanda sa amin sa mafia na si Althea mismo ang gumawa.

Kapag may nangyaring patayan sa teritoryo ko, you already declared a war. So be ready.

Napahinga ako ng malalim. Kailangan naming malaman agad kung sino ang pumatay para hindi lumaki ang gulo.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top