Lesson 62: Spy*
AUTHOR'S POV
Tahimik na naglalakad sa hallway si Oliver. Maaga siyang pumasok dahil wala naman ng gagawin sa dorm nila at hindi niya rin makausap ng maayos si Ezekiel. Hawak-hawak niya sa kamay niya ang drumstick niya at pinapaikot ang mga iyon sa mga daliri niya.
Napahinto siya sa paglalakad ng may marinig siyang nag-uusap sa isang bakanteng kwarto. Aalis na dapat siya dahil hindi naman niya gawain ang makinig sa usapan ng may usapan pero napahinto siya dahil sa narinig niya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at mas lalong lumapit sa pintuan na nakaawang ng kaunti upang masilip ang mga nag-uusap.
"She's suspended for a week milady." sabi ng lalaki sa kausap niya.
"So my plan worked." narinig niyang sagot ng kausap nung lalaki. Hindi niya mamukhaan ang lalaki pero wala siyang pakialam doon. Gumilid siya ng kaunti para makita niya ang mukha ng babae at laking gulat niya ng makilala niya kung sino iyon.
"Proceed to the next plan. But this time, let's make it more fun." sabi niya at ngumisi sa kausap niyang lalaki.
"Do whatever you want to do to her. Send her to the hospital because of too much injuries or make her attempt suicide. But don't kill her, yet." nagulat si Oliver sa huling sinabi niya. Hindi sinasadyang nahulog ang mga drumstick na siyang naglikha ng ingay. Napalingon naman ang dalawa sa may pintuan.
"Who's in there?" sigaw ng lalaki. Si Oliver naman ay hindi malaman ang gagawin kaya pinulot niya agad ang drumsticks niya at nagmamadaling tumakbo paalis doon. Hingal na hingal siyang umupo sa bench malapit sa dorm nila at napatingin sa kalangitan.
Hindi niya inaasahan ang mga narinig niya. Hindi niya akalain na kayang gawin iyon ng taong iyon kay Althea. Huminga siya ng malalim at kinuha ang tubig na nasa bag niya at ininom iyon.
Itinago niya ulit ang tubig niya sa bag at tumayo. Nakapagdesisyon na siya, proprotektahan niya si Althea kahit na anong mangyari. After all, magkaibigan naman sila at ayaw niyang mapahamak si Althea dahil napamahal na rin siya rito bilang kapatid.
Sa kabilang banda naman, tahimik lang na tinitira ng isang lalaki ang mga target gamit ang kanyang bow and arrow. Nakagawian na niyang tuwing umaga na mag-archery bilang ehersisyo na rin. Napahinto siya ng may maramdaman siyang taong nanonood sa kanya. Paglingon niya sa likod niya kung saan niya naramdaman ang presensya nito ay wala ito.
Laking pagtataka niyang inilibot ang paningin sa buong arena ng may nakita siyang kumikislap ng bagay na papunta sa kanya. Agad naman niya itong nailagan. Nilapitan niya ang pana na tumama sa dingding at tinitigan iyon. Noong una'y nagtataka siya kung bakit may naligaw na isang pana na pagmamay-ari ng school pero ng titigan niyang mabuti ang pana ay nagulat siya.
"The hunter's back." bulong nito at nilingon ang pinanggalingan noon. Nagulat siya ng makita kung sino ang naroon.
"What do you want?" may riing tanong niya sa taong nakatayo sa gilid ng railing at nakangisi. Itinapon nito ang hawak nitong case sa harapan niya kaya mas lalo itong nagtaka.
"Open it." utos naman nito. Dahan-dahan niya itong binuksan at ng makita kung ano ang karga noon ay tumingin ulit sa taong nasa harapan niya.
"What's this for, Ms. Cruz?" sabi nito. Mas lalong lumawak ang ngisi ni Althea. Hindi niya akalain na ganito kahirap suyuin ang taong nasa harapan niya at matamang nakatingin sa kanya.
"Be my spy." simpleng sagot nito at naglakad papalapit sa kanya. Napailing na lamang ito sa sinabi niya.
"And why would I do that?" nakangising tanong nito.
"Because as far as I remember, Mr. Kim, you are under our mafia group." makahulugang sabi naman ni Althea. Napailing na lang siya.
"I don't accept orders unless the master himself said so." seryosong saad nito kay Althea. Hindi na nakapagpigil si Althea at inatake na niya ang lalaking nasa harap niya.
"Whether you like it or not, you will become my spy." saad nito at biglang tinira ang batok ng lalaki na siyang naging dahilan para mawalan ito ng malay. Bago siya umalis ay may iniwan siyang isang card at inilagay iyon sa mismo kamay ng lalaki. Umalis rin siya pagkatapos niya roon.
Pumunta siya sa labas ulit ng school at ginamit ang sasakyan niyang nakatago lang sa malapit. Nagdrive siya papunta sa isang mall. Since wala pa naman siyang natatanggap na kahit anong tawag, magliliwaliw muna siya.
Tahimik lang siyang naglalakad-lakad ng may makita siyang isang bagay kaya napatitig siya roon. Isa iyong turtle dove figurine. Naalala niya ang pagkakaibigan nila ni Shaina. She can't believe na masisira lang iyon ng isang maling akusa. Napangiti siya ng mapait at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Inabot siya ng ilang oras sa paglilibot sa loob ng mall.
Napatigil siya sa paglalakad ng may nakita siyang isang pamilyar na pigura sa di kalayuan. Nilapitan niya agad ito at ng makumpirma niya kung siya ba talaga iyon ay bigla niya itong dinamba ng yakap.
"Rob!" masayang sabi ni Althea ng mayakap niya ang lalaki. Halata namang nabigla si Rob pero nakabawi siya agad kaya niyakap niya pabalik si Althea. Nakangiting humarap si Althea kay Rob, nginitian din siya ni Rob.
ALTHEA JEANELLE'S POV
I am so glad dahil nakita ko si Rob. Ang tagal na rin since ng huli ko siyang nakita. I wonder what happen to him at hindi ko na siya nakikita sa university. Hinila ko siya at dinala sa isang restaurant ng makausap ko siya ng masinsinan. Hindi naman siya umangal.
"How are you?" tanong ko sa kanya ng makaupo na kami.
"I'm fine. You?" balik tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako bago sumagot sa tanong niya.
"Fine also. What happen to you? I don't see you anymore in RSU." sabi ko. napayuko naman siya. Doon ko napansin na wala siyang suot na RSU bracelet. Don't tell me---
"I transferred to another school." sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.
"What? Why?" takang tanong ko sa kanya. Tumingin ulit siya sa akin at tipid na ngumiti.
"Personal matters." sagot niya. Napasimangot naman ako sa sagot niya. Nagulat ako ng bigla niyang pinisil ang pisngi ko.
"You're still cute." sabi niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at parang nagulat siya sa sinabi niya dahil napahinto siya saglit. Napakamot na lang siya sa batok niya at ngumiti sa akin.
"Let's order." sabi niya. Tumango na lang ako at umorder na kami ng makakain namin. Pagkaorder namin, katahimikan ang bumalot sa amin.
"So, how's your new school?" tanong ko sa kanya. Pambasag na rin ng katahimikan.
"It's okay. But RSU is still better." sabi niya. Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"How about you. How's RSU and why are you here when students are not allowed to go out the campus?" takang tanong niya. Napansin niya rin palang naglilibot ako dito samantalang bawal lumabas ng campus ng ganitong araw.
"Suspended for a week." sabi ko sabay simangot. Naalala ko na naman yung ginawa nung babae sa office. At yung professor naman, nagpauto.
"What happened?" tanong niya. Napailing na lang ako. Ayaw kong magkwento dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mailabas ko ang galit ko ng wala sa panahon.
"Since when are you suspended?" tanong niya ulit. Tinitigan ko siya.
"Since yesterday. Everything happened yesterday." sagot ko sa kanya. Magtatanong pa sana siya ngunit napahinto siya dahil dumating na yung food namin. Tahimik lang kaming kumain pero comfortable naman ang katahimikang iyon.
Matapos kumain, naglibot pa kami ng kaunti pero nagpaalam din siya agad dahil malapit na daw mag-start ang afternoon classes niya. Kaya naman naiwan na lang akong mag-isa dito sa mall. Naglakad na lang akong papuntang parking lot para puntahan ang kotse ko ng makaalis na ako ng may biglang tumawag sa akin. Unregistered number siya pero hindi ako nag-alinlangang sinagot iyon.
"I will accept your command. I will be your spy." sabi ng nasa kabilang linya na naging dahilan para mapangisi ako.
"Okay. Don't participate anymore in the little game of my father, I will give a reward if you make your work done properly." sabi ko.
"Got it. So what will I do now?" tanong niya sa akin. Napalinga ako sa paligid ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang sasakyan ko at sumakay.
"I will meet you at the Regular building rooftop after classes." sabi ko na lang at ibinaba ang tawag. Nakangiti akong nagmaneho pabalik ng RSU. I can't believe na bibigay din siya agad ng dahil lang sa isang card. Ganun ba talaga kahalaga ang card na iyon at napapasunod nun halos lahat ng mafioso tuwing nakikita iyon?
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top