Lesson 60: Fooling Around*
BRYAN KENDRICK'S POV
Natatawang humarap ako sa mga schoolmates ko. Double meaning kasi ang huling sinabi ni ate. Yes, she is the hunter princess of our mafia pero siya rin ang the hunter ng isang banda. Yung band ni ate na nanalo sa battle of the bands, yun yung band kung saan siya nakilala bilang the hunter.
Dami niyang kalokohan sa buhay at binigyan niya ang sarili niya ng nickname para sa banda na iyon. Kung bakit hindi alam ang hitsura niya? Dahil naka-cap siya tuwing tutugtog ang banda nila. At yung cap ay natatakpan ang kalahati ng mukha niya dahil ibinababa niya iyon. Yung tattoo naman, nakita nila iyon after mapunta ni ate sa amin.
Nung time na humingi siya ng tulong kay appa at binigyan siya ng isang linggo para magliwaliw. Sa mga panahong iyon, nagpatattoo na agad siya at palaging madaling araw na siya umuuwi dahil sa palaging tumutugtog sa labas ang banda nila. Nabalik ako sa realidad ng may biglang lumingkis sa braso ko. Tinabig ko iyon at tinignan ng masama ang gumawa nun.
"What's your relationship with the girl a little while ago?" tanong niya sa akin. I just look at her. I don't need to answer her question, its all useless dahil mas lalong silang maku-curious at magtatanong ng marami.
Tinalikuran ko na lang siya at naglakad palayo. Mga babae nga naman, daming kaartehan sa buhay at ang hilig pang gumawa ng eksena. Hindi pa ako nakakalayo may biglang humila sa braso ko at iniharap ako sa kanya. Siya pa rin, yung babaeng pumunit ng damit ni ate.
"What do you want?" puno ng diing sabi ko sa kanya. Naiirita na ako sa ginagawa niya at mas lalong dumarami ang estudyante dito. Malapit na ring mag-time kaya kailangan ko ng umalis dito.
"Just tell me what is your relationship with her." sabi niya rin sa akin. Ang lakas ng loob ng babaeng ito.
"Whatever my relationship with her, it's none of your business." sabi ko at tuluyan ng umalis doon. Naabutan kong naglalakad sa hallway ang mga kaibigan ko kaya sumabay na ako sa kanila papuntang classroom namin.
ALTHEA JEANELLE'S POV
Pagkadating ko ng university, hindi ako dumiretso ng private room ko. Instead, pumunta ako sa lugar kung saan ko nakita ang kwintas ni eomma. Yung lumang gazebo pero parang naaalagaan pa rin. Pagkadating ko doon, nagulat ako sa nakita.
Mahimbing na natutulog doon si Kristoff. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at pinagmasdan ang mukha niya. Ang ganda talaga ng mukha ng taong ito, kakainggit. Matangos na ilong, makinis na mukha, mahahabang pilik-mata at pinkish lips just like a girl's lips. Napaisip tuloy ako, paano kaya siya nasangkot sa gulong kinalalagyan ko ngayon?
Hindi ko naman siya maalala na nakilala ko siya noong bata pa ako. Parang ngayon nga lang siya pumasok sa mundo namin. Nag-squat na lang ako sa harap niya at tinitigan siya habang natutulog. Hindi naman siguro masama itong ginagawa ko tutal fiance ko naman siya.
"Kailan ka ba napasok sa mundo namin?" bulong kong tanong sa kanya. Hindi ko naman inaasaahang sasagot siya dahil tulog siya. Gusto ko lang talagang itanong iyon dahil hindi na kinakaya ng utak ko ang sobrang dami ng iniisip ko.
"Baka matunaw ako sa titig mo." sabi niya. Kanina pa siya gising?
"Kanina ka pa gising?" tanong ko sa kanya. Idinilat naman niya ang mata niya at umupo. Ginulo niya ng kaunti ang buhok niya at humarap sa akin.
"Hindi naman, pero narinig ko ang tanong mo." sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Pinalo ko naman ang braso niya. Hilig niya palaging asarin ako. Ano bang masaya sa pang-aasar ng ibang tao?
"Anong sagot mo?" tanong ko ulit sa kanya. Puro na lang ata tanong ang ginagawa ko.
"Matagal na ako sa mundo, hindi mo lang alam dahil sa China ako pinanganak at lumaki." sabi niya at tumingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inaya niya akong lumapit sa kanya. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Bakit ka dito natutulog?" tanong ko ulit. I'm curious dahil ang alam ko kaming magpipinsan lang ang nakakaalam ng lugar na ito.
"I just want a peaceful place to stay. At itong lugar na ito ang nahanap ko." sagot naman niya. Pinaglalaruan niya ang kamay ko habang sinasagot ang mga tanong ko sa kanya.
"Night." pag-agaw pansin ko sa kanya. Napahinto namn siya sa paglalaro ng kamay ko at lumingon sa akin. Huminga ako ng malalim at nagsimula na akong magsalita.
"Nagsimula na siyang kumilos." sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin na para bang sinasabi niyang ituloy ko lang ang sinasabi ko kaya naman nagsalita ulit ako.
"Alam kong sisimulan niya sa paninira ng buhay ko ang lahat. Gusto niyang mahirapan muna ako bago niya ako tapusin. At alam kong madadamay kayo kapag nangialam kayo. So please, wag na kayong kumilos. Hayaan niyo na lang na ako ang kumilos mag-isa at tapusin ang larong sinimulan niya." sabi ko at ngumiti ng mapait. A sacrifice is needed to end a war.
"There must be another way. Hindi mo kailangang pasanin ang lahat." sabi naman niya sa akin. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"No. Ako lang ang kailangan niya kaya naman ako lang ang dapat na humarap. Oo nga, may ibang paraan para matapos ang gulong ito. Pero kung sa ibang paraa na iyon ay masasaktan kayo, hindi ko na pipiliing gamitin ang planong iyon." sabi ko naman sa kanya. Bumuntong-hininga na lang siya at pinisil ang kamay ko.
"Basta, kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami. Handa kaming tumulong sa iyo. At kung kailangan mo ng masasandalan, nandito lang ako. Handang maging kaagapay mo hanggang sa huli." sabi niya at ngumiti na puno ng sinseridad.
Tumango na lang ako. Humiwalay ako sa kanya at tumayo. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Anong meron sa kamay ko at gustong-gusto niyang hawakan? Hinila ko na lang siya patayo tuloy. Nakakangawit na kasi.
"Balik na tayo ng private room, nagugutom na ako." sabi ko.
"Sige. Pa-deliver na lang tayo." sabi niya at binitawan na ang kamay ko. Sa wakas naman at nagsawa na siya. Pero mas nadisappoint ako sa ginawa niya. Umakbay siya sa akin at mas inilapit ako sa kanya.
"May napapansin na ako sa'yo. Masyado ka ng clingy. Para kang babae at alam mo umaabuso ka na." sabi ko sa kanya at tiningnan siya ng masama. Tinawanan lang niya ako at mas lalo akong inilapit sa kanya.
Pagkarating namin sa private room, biglang may tumawag sa akin. Nagpaalam ako kay Kristoff na sasagutin ko lang ang tawag at pumunta ako sa kwarto ko para sagutin ang tawag.
"Hello." sabi ko.
"Ms. Cruz, I already found someone." sabi ng nasa kabilang linya. This must be Mr. Zhang.
"Who is he?" tanong ko naman. Kailangan ko talaga ang tulong niya pagdating sa mga ganito, sa paghahanap ng mga tao.
"He's known in the name of..." nagulat ako sa sinabi niya. What a small world. Napangiti ako ng lihim dahil doon. Mas mapapadali ata ang lahat.
"Thank you Mr. Zhang. The payment will be sent on your bank account." sabi ko naman. Malaking pera rin ang nagamit ko sa kanya. Ibinaba ko na ang tawag at lumabas ng kwarto. Naabutan kong nakasandal siya malapit sa pintuan ko.
"Are you eavesdropping?" tanong ko sa kanya. And for some unknown reason nagsimulang kumulo ang dugo ko sa ginawa niya. Hindi siya sumagot sa akin at tinitigan lang ako.
"Are you eavesdropping?!" medyo tumaas na ang boses ko dahil hindi ko na talaga makontrol ang sarili. I hate this feeling. Hindi ko pa rin makuha ang full control sa sarili ko. I hate this.
"Hindi mo ako sasagutin? Fine!" sabi ko at pumasok ulit ng kwarto ko sabay kuha ng violin. Playing my violin became my outlet of anger. Lumabas agad ako ng kwarto at hinarap siya.
"Don't you dare to follow me. Don't you dare." mariing sabi ko at naglakad na palabas doon. Naglakad lang ako at dinala ako ng paa ko sa rooftop ng Regular Building. Sobrang lamig ng hangin na dumadampi sa mukha ko at unti-unti na ring linalamon ng dilim ang kalangitan.
Binuksan ko na ang case ng violin ko at inilabas ang violin ko. Pagkakita ko dito, hindi ko maiwasang maalala si eomma. She's good in playing a violin. Palagi siyang tumutugtog ng violin para lang mapatulog ako. She always play a solemn music. Hindi siya katulad ni Lan na walang alam na tugtugin kundi mga modern songs sa kanyang violin.
Huminga ako ng malalim at pumikit. Nagsimula na rin akong tumugtog. I let my hand to slide on the strings of the violin and create a sound. Wala akong concrete na piece na tinutugtog. Kung ano man ang magalaw ng kamay ko, yun na yun.
Habang tinutugtog ang violin, I started to remember the past. Yung mga panahon na buhay pa si eomma at kalong-kalong niya ako sa mga binti niya habang nakangiti. Yung mga panahon na walang sawa kaming naglalaro ni Kendrick sa garden na parang walang problemang kinakaharap.
Naalala ko rin ang mga panahong nakilala ko ang mga guardian ko. Iba-iba ang mga personality na pinakita nila sa akin pero sila ang mas nagustuhan ko dahil totoo ang ipinapakita nilang ugali. Nakita ko ang imahe kung paano pinatay sa harapan ko si eomma. Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Kasalanan ko ang lahat.
Hindi ko namalayan na mabilis na pala ang paraan ng pagtugtog ko. Napahinto ako ng may maramdaman akong nanonood sa akin. Pagdilat ko ng makita ko, lumingon agad ako sa kinaroroonan ng nanonood sa akin. Halata sa mukha niya ang pagkagulat na makita ako. Doon ko lang napansing basa pala ang mukha ko dahil sa mga luha ko.
Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang nalaman. Ibinalik ko na lang agad ang violin ko sa case nito at nagmamadaling umalis doon. Kailangang hindi niya ako maabutan. Alam kong pupuntahan niya ako dahil sa nakita niya. Nakalabas na ako ng building at maglalakad sana palayo ng bigla siyang humarang sa harapan ko.
"Why are you crying?" tanong niya sa akin. Umiling lang ako at lalagpasan na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko.
"Why are you crying?" tanong ulit niya. Umiling lang ulit ako bilang sagot at yumuko. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at nilagpasan siya. Pero sadyang makulit lang ata talaga ang taong ito at hinawakan niya ulit ang braso ko. Napalingon ako sa kanya at tinitigan siya.
"Please Zekie, not now." sabi ko at tinanggal ulit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Matapos kong matanggal ang pagkakahawak niya, naglakad na ako palayo sa kanya.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top