Lesson 59: Cooperation*

AUTHOR'S POV

Tahimik lang na naglalakad sa hallway si Kristoff kahit na pinagtitinginan na siya ng mga estudyante dahil sa isa siyang sikat na artista at model. Patuloy lang siya sa paglalakad habang iniisip kung ayos lang ba si Althea.

Hindi niya maalis sa isipan kung magagawa ba ni Althea aang plano niya sa loob lamang ng isang linggo. Isinantabi na lang muna niya ang mga iniisip niya at pumunta sa gazebo na napuntahan na dati ni Althea na nasa loob din ng RSU. Pagdating niya doon, inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng gazebo. Sa gazebo na iyon, doon niya nakita si Althea at doon din nagsimula ang kabaliwan niya sa babaeng iyon.

*flashback*

Naglilibot-libot si Kristoff sa private area ng RSU dahil ayaw niyang makaagaw ng atensyon. Sa mga panahong iyon ay bumisita lamang siya sa owner ng unibersidad at nag-usap na rin ng ilang mga importanteng bagay. Siya ay estudyante rin ng RSU ngunit hindi sa Korea kundi sa China. Mayroon ding RSU sa China ngunit hindi ganun kasikat sa main unit na nasa Korea.

Napadaan siya sa isang gazebo at may nakita siyang isang babae na parang nalilito sa nakikita niya. Lalapitan na sana niya ito ng makita niya sa di-kalayuan ang mga pamangkin ni Mr. Cross na pinagmamasdan din ang babaeng nasa gazebo. Pinanood na lang niya ito habang hawak-hawak ang isang kwintas. Nabighani siya sa kagandahan nito, unang beses na makita niya ito. Nagulat siya ng bigla itong nahimatay. Ngunit bago ito mahimatay, nasalo na ito ng lalaking pamangkin ni Mr. Cross.

Lumingon muna ito sa direksyon niya bago tuluyang umalis sa lugar na iyon. Simula ng araw na iyon, sinubaybayan na niya ang dalaga. Kahit na sa China siya nag-aaral, hindi siya nawawalan ng balita dahil pinapasundan niya ito.

Hanggang sa isang araw, nakatanggap siya ng tawag galing kay Mr. Cross na sinasabing ite-train siya kasama ang isang tao. Noong una ay nag-aalangan siya ngunit tinanggap niya pa rin iyon. Pagdating niya sa bahay nina Mr. Cross, doon niya ulit nakita ang dalagang nakita niya sa may gazebo. Doon din niya nalaman na siya pala ang nawawalang anak ni Mr. Cross.

Kinagabihan ng araw na dumating siya sa bahay nina Althea, kinausap niya si Mr. Cross. Sinabi niyang may gusto siya kay Althea at kung maaari ba niyang ligawan ito. Pumayag si Mr. Cross sa pakiusap niya. Makalipas ng isang linggo, nagulat na lamang siya ng tumawag ang mga magulang niya at sinabing naka-arrange marriage siya kay Althea.

Sobrang saya niya ng malaman iyon ngunit may parte sa kanya na nalulungkot dahil baka hindi siya tanggapin ni Althea. Alam ni Althea na naka-aarrange siya kay Kristoff ngunit parang walang pakialam ang dalaga tungkol dito. Kaya nagsikap si Kristoff na makuha ang loob ni Althea at hindi naman siya nabigo. Naging malapit sila sa isa't isa at mas lalong lumalim ang pagkakahulog niya sa dalaga.

*end of flashback*

Humiga na lamang siya sa may gilid ng gazebo at ipinikit ang kanyang mata. At hiniling na sana ay ligtas si Althea at walang mangyari sa kanyang masama.



ALTHEA JEANELLE'S POV

Palabas na ako ng restaurant at papunta sa sasakyan ko ng mapansin kong may sumusunod sa akin. Kaya naman pumasok agad ako sa sasakyan ko at nagdrive papuntang mall. Kailangan kong iligaw ang taong sumusunod sa akin. Habang nasa daan, tinawagan ko ang assistant ko.

"Hello." narinig kong sabi ng assistant ko ng masagot niya ang tawag ko.

"Someone's following me. Stop him." sabi ko at ibinaba ko na ang tawag.

Lumiko ako sa isang kanto at nandoon na ang kapareho kong sasakyan. Sa kabila ito dumaan at ako naman ay mas binilisan ang pagpapatakbo. May pinindot ako at alam kong tinakpan nun ang plate number ko. Nakita ko sa side mirror ko na yung kapareho kong sasakyan ang sinundan na nung sumusunod sa akin. Buti naman, ang bilis naman niyang malito.

Pumunta ako sa school nila Kendrick. Hindi naman ako pinigilan ng guard at hinayaan lang akong pumasok ng school. Marami pang estudyanteng nasa labas dahil hindi pa tapos ang lunch break nila. Pinarada ko na ang sasakyan ko at tsaka lumabas.

Napansin kong napalingon sa akin ang ibang estudyante ngunit ang iba naman ay walang pakialam. Naglakad na lang ako papunta sa pinakamalapit na building dahil sobrang init. Pagkadating ko doon, may nakasalubong akong estudyante kaya naman sa kanya na lang ako nagtanong.

"Excuse me." tawag pansin ko dun sa babae.

"Yes?" tanong niya pabalik.

"Do you know Bryan Kendrick Cruz?" tanong ko. Kumunot ng kaunti ang noo ng babae at bigla siyang napa-'ah' na para bang may naalala.

"The one who compete in the battle of the bands and won?" tanong nito. Nanalo ba sina Kendrick? Ang alam ko oo kaso hindi ko sigurado. Tumango na lang ako. Tinuro naman nung babae kung nasaan si Kendrick.

Naabutan ko siyang kumakain sa cafeteria kasama ang mga kaibigan niya. Naglakad ako palapit sa kanila at umupo sa tabi niya. Naramdaman kong nagulat siya kaya naman tiningnan ko siya at nginitian.

"Hi!" sabi ko sa kanya. Kumunot bigla ang noo niya.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya sa akin.

"Suspended for a week." sabi ko at sumimangot.

"Bakit naman? May ginawa ka bang kalokohan?" sabi naman niya. Aba! Mukha ba akong may gagawing kalokohan sa buhay. Sipain ko kaya itong batang ito.

"Hindi kaya. May nagpost lang ng mga walang kwentang litrato sa bulletin board na may kinalaman sa akin." sabi ko. Tumaas naman bigla ang isang kilay niya.

"At ano naman iyon?" tanong niya at humarap sa akin.

"Nagtanong ka pa. Alam ko namang alam mo na kung anong meron sa pictures na iyon." sabi ko. Narinig ko kasing pinag-uusapan ako ng ibang estudyante dito ng makita nila ako. Sinabi nila na ako yung umagaw kay Trace kay Shaina. Nung marinig ko nga iyon gusto ko ng bangasin ang pagmumukha nila pero hindi ko na ginawa dahil ayaw ko namang madumihan ang mga kamay ko ngayon.

"What do you need?" tanong niya sa akin.

"I need your help." sabi ko at tumingin sa kanya ng seryoso. Hindi ko kailangang sabihin lahat dahil nandito ang ibang kaibigan niya. Bumuntong-hininga lang siya at tumayo. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya at umalis na kami doon. Dinala niya ako sa may field at umupo kami sa ilalim ng puno.

"Anong klaseng tulong ang kailangan mo?" tanong niya pagkaupo naming dalawa.

"Your cooperation. Sisimulan ko na ang plano ko. Alam mo naman na iyon, di ba?" sabi ko naman sa kanya. Tumango na lang siya habang nakatingin sa field.

"Bakit cooperation lang ang kailangan mo galing sa akin. Ayaw mo bang tulungan kita sa ibang bagay, ate?" tanong niya sa akin. Ngumiti na lang ako at tumingin na rin sa field.

"Ayaw kong mas madamay ka pa dito. Kaya ko naman na ito. Basta ang kailangan ko lang, cooperation mo sa plano ko. Umayon ka lang sa mga nangyayari at umaktong parang walang alam katulad ng ginagawa mo dati pa." sabi ko sa kanya.

"Paano kung mapahamak ka? Wag mong sabihing hindi pa rin kami kikilos ni appa." sabi niya at tumingin na sa akin. Napatingin na rin ako sa kanya.

"Oo, wag na wag kayong kikilos. Hayaan niyo lang, may nakaplano na para sa bagay na iyon." sabi ko. Nakita ko namang parang nairita si Kendrick sa sinabi ko kaya tumingin ulit siya sa field.

"Paano kung nasa bingit ka na ng kamatayan, hindi pa rin kami kikilos?" tanong niya ulit. Ang kulit din ng batang ito.

"Hindi pa rin. Nakausap ko na si appa tungkol sa bagay na iyon at pumayag naman siya. Sabi niya may tiwala siya sa akin at sa plano ko." sagot ko naman. Naramdaman kong napailing na lang siya sa sinabi ko.

"Ibang klase talaga, pinapabayaan niya ang sarili niyang anak na mapahamak." bulong niya pero narinig ko pa rin iyon.

"Basta Kendrick, kahit anong mangyari sumunod ka lang sa plano at magtiwala ka lang sa akin. Tatapusin ko na lahat ng problema ngayon." sabi ko at tumayo. Malapit na rin kasing mag-time at ayaw kong maging dahilan ng pagka-late ni Kendrick. Paalis na sana kami ng harangin kami ng 5 babae. Mga estudyante din ng school na ito.

Napatingin sa akin si Kendrick at bigla na lang siyang napahawak sa noo niya na para bang may naalala siya. Binalik ko na lang ang tingin ko sa limang babae na nasa harapan namin.

"Look who's here. The slut of RSU." sabi nung babae. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Ang yabang nilang magsalita, mas matanda naman ako sa kanila.

"You're right. What would a trash be doing here?" sabi ng kasama niya at saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. Mas lalong napataas ang kilay ko sa ginawa niya.

"Finding a new target maybe. Look, she's with our prince." sabi naman ng isa pa. Napatingin ako kay Kendrick pero walang expression ang mukha niya Tumingin ulit ako sa limang estudyante na nandito.

"A trash should not be here. Stay away from our prince!" sigaw ng isa sa kanila at hinila ako palayo kay Kendrick at tsaka sinabunutan. I hate cat fights, masyadong girly.

Kaya naman sinipa ko sila isa-isa sa paa at napabitaw naman sila sa akin. Pag-angat ko ng tingin, marami na palang estudyanteng nanonood sa amin. Si Kendrick naman ay lalapit na sana pero sinenyasan ko siyang wag ng tumulong sa akin.

"How dare you!" sigaw ng isa sa kanila. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad palayo pero makulit ata talaga ang lahi ng mga babaeng ito at bigla na lang nila hinila ang buhok at damit ko. Napunit ang damit ko at lumitaw ang kaliwang balikat ko. Buti na lang at nakasando ako.

Napahinto sila ng mapatingin sila sa balikat ko. Napatingin din ako sa balikat ako at doon ko naalala na nandun pala ang tattoo ko. Tinanggal ko ang kamay nila na nakahawak pa rin sa punit kong damit at tinignan silang lima. Nakita ko namang natakot sila sa ginawa ko. Pero alam kong mas natakot sila ng makita ang tattoo ko. Nginitian ko sila at naglakad papalapit sa kanila. Narinig kong napasinghap ang ibang estudyante.

"Oh, what happen? Why being so scared all of the sudden?" tanong ko sa kanila. Pero patuloy lang sila sa pag-atras at ako naman ay patuloy sa pag-abante papunta sa kanila. Ng maramdaman nilang wala na silang maatrasan, nagyakap-yakap na lang sila pero nakaharap pa rin sila sa akin.

"Boo." sabi ko sa kanila ng mailapit ko ang mukha ko sa kanila at nagsimula ng umiyak ang limang babae. Naglakad na lang ako palayo sa kanila, pero bago ako tuluyang umalis at humarap ako sa mga estudyanteng naroon na nanonood.

"Try to spread that I came here and I am the Hunter, something bad will happen to all of you." sabi ko at tuluyan ng umalis doon. Hindi ko na pinansin si Kendrick at sumakay na ako sa sasakyan at nagmaneho pabalik ng RSU.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top