Lesson 58: The Hunter*

ALTHEA JEANELLE'S POV

Panibagong linggo na naman at ngayon ang unang araw ng klase para sa linggong ito. Naglalakad ako mag-isa sana, kung walang asungot na nasa tabi ko at umaagaw ng atensyon ng maraming estudyante.

I feel that every student we pass by are staring at me and giving me a death glare. I don't mind them dahil wala naman akong ginagawa sa kanila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at napadaan ako sa mga nagkukumpulang mga estudyante. I don't know why pero nakipagsiksikan ako at tiningnan kung ano man ang pinagkakaguluhan nila.

Pakiramdam ko nawala lahat ng dugo ko sa katawan dahil sa nakita ko. Who posted those pictures here? Yung mga pictures na na-receive ni Shaina nung first day of classes. Naramdaman kong tumahimik ang mga nasa paligid ko at nakatingin silang lahat sa akin.

"Oh, the slut is here." rinig kong sabi ng isang estudyante habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

"She's not even beautiful. How dare she do that to our princess." sabi naman ng isa pa. Princess? Did they mean si Shaina? I can't believe na meron pa rin palang ganun dito.

"First is Rob Colfer, the popular soccer player. Next is the R.O.S.E. band. Then, Prince Trace that is boyfriend of Princess Shaina. And now look, Kristoff Huang, a popular actor and model. Such a slut and fame whore." rinig ko pang sabi ng isa. Isa-isa ko namang tinanggal ang mga pictures na naka-post pero napahinto ako sa sinabi ng isa sa kanila.

"Maybe her parents didn't teach her how to be a proper young lady. Or maybe her mother is also a slut just like her." naramdaman kong namilog ang kamao ko at alam kong namumuti na rin iyon dahil sa higpit ng pagkakasara ko dito. Nakusot na rin ang mga pictures na hawak ko. Kinusot ko pa lalo iyon at tsaka ako humarap sa kanila.

I look at them coldly. Nagkamali sila ng binangga. Pwede nila akong laitin pero wag na wag nilang idamay dito ang yumaon ko nang ina. Whether its my biological mom or my foster mom. Dahan-dahan kong nilapitan yung estudyanteng huling nagsalita kanina. Nung nasa tapat na niya ako, tinitigan ko lang siya.

"What?! Did my words hit you because its true? Oh, sorry. I didn't mean to share your dirty secret to everybody." malditang sabi nito. Napataas ang kilay ko. Ang lakas ng loob niyang magsalita ng kung anu-ano dahil nasa Rose Class siya at nasa Regular Class ako.

Inilapit ko lang ang mukha ko sa kanya at tsaka ako ngumiti. Isang klase ng ngiting hindi mo nanaising makita sa tanang buhay mo. I saw fear crossed her eyes.

"Dear, you don't know what you're talking about. So if I were you, I'm going to shut my mouth. Because its dangerous to say something like that to me when you don't know who really I am." bulong ko sa kanya at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Inilayo ko na ang mukha ko at inalis ang ngiti sa mga labi ko.

Bigla na lang natumba ang estudyanteng kinausap ko. Dahil doon ay nagulat ang ibang mga estudyante. Naglakad ako pabalik sa pinagdikitan ng mga pictures at tinanggal lahat ng iyon tsaka kinusot at tinapon sa basurahan. Paalis na sana ako ng maramdaman kong may sumabunot sa buhok ko at iniharap ako sa kanya.

"How dare you!" sigaw niya at sinampal niya ako sa kanang pisngi ko. Napasinghap ang iba dahil sa ginawa niya. Ang iba naman ay nakangiti na parang nasisiyahan sa nakikita nila. This place, nagiging lugar na siya ng mga taong walang alam gawin kundi makipag-away.

Ibinalik ko ang tingin ko sa babaeng sumampal sa akin at binigyan siya ng isang ngiti. Sasampalin na sana niya ako ng biglang may dumating na mga professor at pareho kami ng babaeng dinala sa office dahil kakausapin kami. Tsk, I don't want to be punish. Nakakapagod pa naman ang mga punishment na ibinibigay nila sa mga estudyante. Pagkadating namin sa office, pinaupo nila kami sa upuan na meorn doon at kinausap kami.

"What happened back there?" panimula ng isang professor. He has a small nose while his head is so big.

"She started it first." turo sa akin nung babaeng sumampal sa mukha ko. Tumaas naman bigla ang isang kilay ko sa sinabi niya. How dare her to tell something that is not true. Tiningnan naman ako ng professor at parang hinihintay ang sasabihin ko. I also stared at him then I decided to talk.

"I didn't do anything. She's the one who did something physical." sabi ko naman. Napabuntong hininga na lang ako professor at pareho kaming tiningnan ng babaeng nasa tabi ko.

"What's the reason why you did that?" tanong niya sa babaeng nasa tabi ko.

"Because she's a slut. Look at these pictures." sabi niya at pinakita ang mga pictures sa professor na nagtatanong sa amin. Napatingin ako sa babae at napangisi naman siya ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. Lumingon ako sa professor na nagtatanong sa amin at nakita kong parang nagagalit siya dahil sa nakikita niyang mga pictures.

"Miss Cruz, you are going to be suspended for a week." sabi ng professor na naging dahilan para mapatayo ako sa kinauupuan ko. That's unfair, wala akong ginagawa na kahit ano dito then I will be suspended for a week?

"What? You can't do that." niiritang sabi ko.

"Sorry Miss Cruz, but my decision is final. Both of you can go out now." sabi nito at tumalikod sa akin. Lumapit sa akin yung babae at bumulong.

"See you next week, bitch." sabi niya at nauna ng lumabas ng pinto. Huminga ako ng malalim para pigilan ang inis na nararamdaman ko, I need to calm myself. Planado lahat ng nangyari kanina, dahil kung hindi man dapat sana ay wala siyang dalang kahit anong mga picture. Whoever planned this, hahanapin ko siya. Pagkalabas ko, sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kristoff. Bakit ko ko nakalimutan na kasama ko pala ang taong ito.

"Anong sinabi nila?" tanong nito sa akin habang hawak ako sa magkabilang balikat ko.

"Suspended for a week." mahinang sabi ko at isa-saing inalis ang mga kamay niya sa balikat ko.

"What?! Hindi nila pwedeng gawin yun. Sandali lang, kakausapin ko si papa tungkol dito." sabi niya at nagmamadaling umalis pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Pabayaan mo na. Ayos lang ako. And besides, tamang-tama lang ang isang linggo para sa dapat na gawin ko." sabi ko sa kanya. Lumambot naman ang ekpresyon ng mukha niya at niyakap niya ako.

"Althea, kung kailangan mo man ng tulong. Nandito lang ako, kami, handang tumulong sa'yo." sabi niya at kumalas na sa pagkakayakap sa akin. Nginitian ko na lang siya.

"Sige na, punta ka na sa klase mo. Masungit pa naman yung professor sa subject na yun." sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at naglakad na palayo. Ako naman ay naglakad na pabalik sa private room para magpalit ng damit since suspended naman ako ng isang linggo.

Lumabas ako ng school at pumunta sa isang lugar malapit doon kung saan nakatago ang sasakyan ko. Pumasok na ako sa loob at pinaandar iyon. Sisimulan ko na ang mga gawain ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang assisstant ko.

"Hello. Arrange a lunch meeting with Mr. Zhang." sabi ko at in-end ko kaagad ang call.



AUTHOR'S POV

Nakarating si Althea sa isang mamahaling restaurant. Nasa loob ng restaurant na ito ang taong kakausapin niya at alam niyang makakatulong sa kanya.

"May I help you ma'am." sabi ng isang waiter. Napatingin naman sa kanya si Althea.

"A reservation for Althea Jeanelle Cruz." sabi niya at dinala siya naman nito sa isang table. Nandun na ang kakausapin niya at may kasama pa ito. Tumayo ito at nakipagkamay sa kanya. At pagkatapos ay inayang umupo. Sabay-sabay silang umupo at umorder na sila ng pagkain.

"So, what business are we going to talk about young lady?" tanong ni Mr. Zhang kay Althea.

"Just call me Althea. And, can I talk to you more privately?" sabi ni Althea pertaining to the girl who's sitting beside Mr. Zhang.

"Don't worry, we can trust her and she's my fiancee." sabi niya kay Althea. Hindi naman nagulat si Althea dahil bata pa lang ang hitsura ni Mr. Zhang. Kung titignan mo ay baka nasa edad 25 to 27 ang edad niya.

Ngumiti na lamang si Althea at tinitigang mabuti si Mr. Zhang.

"I need your help." maikling sabi nito.

"You need my help? What kind of help? Finances?" natatawang tanong ni Mr. Zhang kay Althea. Bigla na lamang itong napahinto sa pagtawa ng biglang itusok ni Althea ang knife na kasama sa mga utensils na nasa harap niya sa lamesa at daplis lang ang kamay ni Mr. Zhang. Biglang sumeryoso ang mukha ni Mr. Zhang dahil sa ginawa ni Althea. Never in his life na may gumawa sa kanya nun habang may nakapalibot sa kanyang mga tao.

"Who really are you?" tanong ni Mr. Zhang. Alam niyang hindi pagkaraniwang babae ang nasa harapan niya at sa presensyang ibinibigay pa lamang nito ay nalalaman niyang makapangyarihan ito.

"Who really am I? Its for you to know, but I was known before as the Hunter." may diin na sabi ni Althea sa bawat salitang binibitawan niya.

"Hunter? As far as I remember, she's already gone for 14 years now." sabi naman ni Mr. Zhang na parang hindi naniniwala sa sinasabi ni Althea. Hindi siya naniniwala na si Althea ang 'Hunter' na nawala 14 years ago dahil kinidnap ito. Bata pa lang siya ay alam na ng mga magulang niya ang kapalaran niya kaya binigyan siya ng titulong 'Hunter'.

"You don't believe me? Well I don't care if you don't want to believe. All mafiosos are like that. Believing that all the words they hear were all lie." sabi naman ni Althea.

"I will not lend you any help if I don't know who really are you." sabi naman ni Mr. Zhang. Naramdaman niyang humigpit ang hawak ng fiancee niya sa kamay niya kaya napatingin siya rito. Nag-aalalang ngumiti ito sa kanya at ginantihan niya rin ito ng ngiti.

May iniabot si Althea na card kay Mr. Zhang at tinignan lang iyon ni Mr. Zhang. Nagulat siya sa nakita niya. Matagal na panahon na ng huling makita niya ang card na iyon.

"So, are you going to help me?" tanong ni Althea. Napatingin naman sa kanya si Mr. Zhang.

"Okay, I will lend you my help." sabi nito at ibinalik ang card kay Althea. Napangiti naman si Althea sa narinig niya. Hindi niya inaasahan na mapapadali ang lahat.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top