Lesson 57: The Announcement*
AUTHOR'S POV
Matyagang nagtuturo ang isang professor sa klase niyang mga civil engineering students ng biglang tumunog ang speaker na ang ibig sabihin ay mayroong isang napakahalagang announcement na sasabihin. Ikaapat na araw na ngayon ng klase sa RSU.
"Attention to all students and faculties." narinig ng mga estudyante at maging ng professor na sabi ng announcer. Rinig sa buong university ang magiging announcement dahil sa maraming nagkalat na speaker sa university para sa mga announcement.
"Again, attention to all students and faculties." sabi ulit ng announcer. Huminto sa paglalakad ang mga estudyanteng papunta sana sa kanilang susunod na klase. Ang iba naman ay itinigil ang kasalukuyan nilang ginagawa upang mapakinggan ang sasabihin ng anouncer.
"Please go to the auditorium now. Again, please go to the auditorium now." sabi ng announcer at tumunog ulit ang mga speaker na nagbigay senyales na tapos na ang announcement.
Nagtataka man, pumunta lahat ng students at faculties sa auditorium katulad ng sinabi sa announcement. Hindi rin naman makatakas ang mga estudyante na hindi pumunta doon dahil magkakaroon sila ng record na hindi sila pumunta dahil sa suot nilang singsing, kung hindi man ang singsing ay ang bracelet na binigay mismo ng paaralan.
Unti-unting napupuno ang auditorium at makikita mo doon ang pagkakahiwalay ng dalawang uri ng klase sa paaralan. Ang mga Rose Class students ay nakaupo sa right side ng auditorium samantalang ang mga Regular Class Students naman ay nakaupo sa left side. Ang mga faculties naman ay nakaupo sa pinakaharap.
Maya-maya pa, may lumabas na isang lalaki na nasa 40s ang edad sa backstage at pumunta sa podium sa harap. Nagtataka ang mga estudyante kung sino ang lalaking iyon pero bahagyang yumuko ang mga faculties ng makapunta sa harapan ang lalaki.
"Good morning students and faculties. Sorry for suddenly calling you all here." sabi ng lalaki at nagsimula namang magbulungan ang mga estudyante.
"To those who don't recognize me, I am Scott Cross, the owner of this school." sabi nito na naging dahilan ng mas lalong paglakas ng bulungan ng mga estudyante. Puno naman ng pagtataka ang mukha ng mga faculties dahil kahit isang beses ay hindi nagpapakilala sa student body ang may-ari ng paaralan, tanging sa mga faculties lang.
"I called you all here to tell you something. Something that will make your stay here exciting." sabi nito at tsaka tumingin sa pwesto ng mga Regular Class students.
"Everyone of you thought that I only have a child, am I right?" tanong naman niya sa mga estudyante maging sa mga faculties. Tango lang ang isinagot sa kanila ng mga ito.
"But I have two actually. The other one is high school student while the other is already college. And that child of mine is here with you, students." sabi nito at ngumiti. Nagbulungan naman ang mga estudyante. Karamihan sa kanila sinasabi na baka nasa Rose Class ang anak nito at isa sa mga top students ng klaseng iyon.
"I want you all to find out who that person is and bring that person in my office. No one knows my child's true identity except for 5 people who's also in here. The student who will find my child and bring him or her in my office will have a prize. I will grant your wish, just only one wish. Anything you want to have, just say it. And the search will start today and will end at the end of school year. That's all, thank you." sabi nito at aalis na sana ngunit napahinto at ibinalik ang tingin sa mga estudyante.
"I forgot to tell you something. The four students who are involved in the chaos last Tuesday are not a part of this search anymore as there punishment. But the girl with her mask on is still a part of this search." sabi nito at umalis na sa podium pero may biglang pumigil sa kanyang estudyante.
"Sir, can you give us a clue on how to find your child." sabi ng estudyanteng pumigil sa kanya. Ngumiti ito at bumalik sa harap ng mikropono.
"A symbol and a tattoo. There's a specific tattoo on my child's body and symbol on one of my child's belongings. That's enough for a clue. You can go back to your classes now." sabi nito at tuluyan ng umalis sa harapan ng mga estudyante.
Ang mga estudyante naman ay nagsilabasan na at pumunta sa kanilang mga klase. Sa kabilang banda naman ay hindi mapakali ang mga guardians at maging ang nag-iisang assassin dahil sa ginawang anunsyo ng master nila. Habang naglalakad sila ay naririnig nila ang mga bulungan ng mga estudyanteng nakakasabay nila.
"I wonder who's that student. But I am sure that he or she is one of the Rose Class students."
"But how are we going to find that person when we don't know how the tattoo looks like?"
"Maybe it looks like the logo of our school."
"Or not."
Hindi na lamang nila iyon pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ng makita nila si Althea sa harapan nila. Sinamaan ng tingin ng mga guardians si Trace na parang sinasabing lumayo na siya dahil hindi na nila pipigilan ang master nila sa kung anuman ang gagawin nito kay Trace.
Tumango na lamang ito at lumiko na lang upang hindi makasabay sa paglalakad ang apat. Sina Ryoji at Shiki ay sumabay na kina Ezekiel at Oliver samantalang sina Adrian at CL naman ay hinabol si Althea at sinabayan ito.
Ngayon ay magkasabay na silang tatlong naglalakad at nginitian lang ng dalawa si Althea. Ngumiti naman pabalik si Althea pero saglit lamang. Maya-maya pa ay may lalaking lumapit sa kanila at hinarang ang daan nila.
"You're Althea, right? Althea Jeanelle Cruz." sabi nito kay Althea. Tinitigan lang ni Althea at lalaki.
"I saw the way you used your bow and arrow last Tuesday and it is perfect. Do you want to be a part of our group? Group of archers to be exact who compete with the other schools." sabi ng lalaki. Napalingon naman si Althea kina Adrian at CL at biglang ngumisi. Natakot naman ang lalaki sa paraan ng pagngisi ni Althea pero hindi siya nagpadala sa takot. Kailangan niyang maisali sa grupo nila si Althea dahil malaki ang matutulong nito sa pagkikipag-compete sa ibang paaralan.
"Sure." sagot ni Althea. Bigla namang nagliwanag ang mukha ng lalaki at nagpasalamat kay Althea. May iniabot siyang card kay Althea. Information iyon about sa grupong pinasukan niya at contact number na rin. Nagpaalam na ang lalaki at umalis sa harapan nila na masaya.
"Bakit mo tinanggap?" pabulong na tanong ni Adrian.
"I'm bored. At alam kong may mangyayaring hindi maganda kaya sisimulan ko ng patatagin ang imahe ko sa harap ng maraming estudyante." sabi nito at naglakad ng muli. Nalilito man ay sinundan na lamang nila si Althea papuntang building nila.
ALTHEA JEANELLE'S POV
Tinignan ko ulit ang hawak kong card para masigurong tama ang napuntahan kong room. It's Friday already at tuwing Friday ay nagkakaroon sila ng meeting. Kumatok ako at isang lalaki ang nagbukas ng pinto. Siya yung nagyaya sa aking sumama kahapon sa grupo nila. Pinapasok niya ako at dinala sa harap ng mga kasama niya.
"Guys. We have a new member." tawag pansin niya sa mga kasama niya. Lumingon naman silang lahat sa aming dalawa at karamihan sa kanila ay nagulat. Anong nakakagulat?
"Hello. Althea Jeanelle Cruz." pagpapakilala ko sa sarili ko.
"We all know." sabi ng isang babae na parang si Minzy.
"Let us introduce ourselves, I am Mir." sabi ng lalaking nag-aya sa akin kahapon sabay ngiti.
"I am Fei." sabi ng babaeng may kulot na buhok at may matangos na ilong.
"Xiumin." sabi ng lalaking may malaking pisngi. Ang sarap lang kurutin.
"Hi beautiful lady, I'm Vi." sabi naman ng isang lalaki sabay kuha sa kamay ko at halik sa likuran nito.
"Min." sabi naman nung babaeng parang si Minzy at ngumiti. So bale mga limang silang lahat na nandito.
"This group is only compose of 5 members?" tanong ko sa kay Mir. Tumango lamang ito bilang sagot. Pinaupo nila ako sa isa sa mga upuan at pinaliwanag na sa akin ang lahat ng bagay na may kinalaman sa grupo nila. Ang grupo nila ay tinatawag na Red Archers dahil iyon ang kulay na nagrerepresent sa university. At marami pa silang sinabi na hindi ko binigyan ng pansin dahil sa wala akong pakialam.
Sinukatan din pala nila ako para sa uniform ng group namin at sinabi nilang tuwing Thurday ay may nangyayaring practice. Pagkatapos naming mag-meeting ay hinatak nila ako sa shopping area ng university para daw kumain ng dinner at para mag-celebrate dahil nadagdagan na naman daw sila ng isa. Nagpahatak na lang ako dahil ayaw ko pang bumalik sa private room ko dahil makikita ko lang ang parang kulang sa tulog na mukha ni Kristoff.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top