Lesson 56: Combat*

RYOJI'S POV

Napabalikwas ako ng bangon sa kama dahil sa malakas na pag-ring ng phone ko. Nakapikit na hinanap ko ang phone ko sa kama ko pero hindi ko mahanap. After ilang beses ng paghalungkat sa kama ko, finally nahanap ko na rin. Sinagot ko kaagad yung tawag ng hindi tinitignan kung sino ang caller.

"Hello." inaantok na sabi ko. Napatingin ako sa digital clock na nasa side table ko. 3 o'clock pa lang ng umaga. Lumipas pa ang ilang minuto pero hindi pa rin nagsasalita ang nasa kabilang linya.

"If you're not going to talk, I'm going to end this call." sabi ko. Ilalayo ko na sana sa tenga ko yung phone ko pero nahinto yun dahil sa narinig ko.

"Subukan mo. Tingnan lang natin kung anong mangyayari sa'yo." napatingin ako sa caller at nagulat ako sa nabasa ko.

"Gk-gkongju." mahinang bulong ko.

"Be here in the combat arena within 15 minutes." pagktapos niyang sabihin yun ay biglang naputol ang linya. Nagmamadali akong bumangon at dumiretso ng banyo. Pagdating ko doon, hindi lang pala ako ang nag-iisang nasa cr.

"Tinawagan ka rin niya?" tanong ko sa kanya.

"Tsk. Oo, dalian mo na lang diyang maligo. Tapos na ako." sabi ni Shiki at nagmamadaling nagpunas ng sarili niya at lumabas na ng cr. Nagmamadali naman akong naligo at bumalik ng kwarto para makapagbihis. Matapos kong magbihis, tumatakbo akong papunta ng hagdan. Hindi ko na mahihintay pa ang elevator na yan.

Tatakbo na sana ako pababa ng hagdan ng may biglang nahulog galing taas. Hindi pala nahulog, tumalon galing taas. Si Adrian pala yun. Ginaya ko na lang ang ginawa niya. Bakit ba kasi may gumamit ng elevator ng ganito kaaga. Pagdating ko sa baba, tumingin ako sa may elevator at lumabas doon si Shiki.

Nakangisi siyang lumapit sa akin at tinapik ang likod ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ngumisi lang ulit siya at nagsimula na siyang tumakbo. Tumakbo na rin ako. I looked on my watch to see what time is it already. At nagulat ng makita ko 3:12 na. 3 minutes na lang ang naiiwan sa amin.

Malapit na kami sa arena ng makasabayan namin sa pagtakbo papunta roon si CL. Hindi niya kami pinansin at mas binilisan pa ang pagtakbo niya. Bumilis rin ang pagtakbo nina Adrian at Shhiki.

"Last 1 minute na lang, Ji. Dalian mo!" sigaw ni Adrian sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya so I run as fast as I could. Hinihingal kaming nakarating ng arena. Binuksan na ni CL ang pinto at laking gulat namin ng biglang may pana na papunta sa pwesto namin.

"You're late for 1 minute." seryosong sabi ni gkongju at nagsimulang tirahin ulit kami ng mga pana niya. Puro ilag lang ang ginagawa namin.

"What happened to her? Why is she being like this?" takang tanong ni CL ng magkatabi kami habang umiiwas sa mga tira niya.

"Anger?" sagot naman ni Shiki na nasa likuran na pala namin.

"Common, fight back. I don't want weak guardians." malamig na sabi niya at itinapon sa isang tabi ang bow and arrows niya. Naglakad siya ng dahan-dahan papunta sa amin. Huminto siya sa tapat ng lagayan ng mga katana at kumuha ng isa.

"Wag mong sabihing magiging labasan tayo ng sama ng loob?" kinakabahang sabi ni Adrian at sinang-ayunan naman agad ng dalawa.

"This is bad." sabi ko naman. Kakaibang lumaban si gkongju kapag galit. Aakalain mong lumaban ka sa isang halimaw na hindi pa natatalo at sobrang lakas.

"Yeah, really bad." pagdudugtong naman ni CL sa sinabi ko. Nagulat na lang ako ng may biglang lumipad na isang dagger papunta sa mukha ko. Umiwas kaagad ako pero nadaplisan ang mukha ko.

Ngayon ko lang napansin, nakamaskara pala si gkongju. Tanging mata lang niya ang nakikita at nakasuot rin siya ng P.E. uniform ng regular class. Ano bang binabalak niya?

Sumugod ulit siya at puro ilag lang ang ginagawa namin hanggang sas nadaplisan na si CL. Nagkatinginan kaming apat at wala na kaming ibang choice kundi tapatan ang bawat atake niya. Isa iyon sa mga rule na ibinigay sa amin, kapag out of control na ang master namin, kailangan na namin siyang pigilan sa lalong madaling panahon.



KRISTOFF'S POV

I wake up early to prepare some breakfast. Alam ko naman kasing hindi makakapagluto si Althea dahil sa problemang bumabagabag sa kanya kahapon. Matapos kong magluto, naligo muna ako bago ako pumunta sa harap ng pintuan ng kwarto ni Althea at ginising siya.

Kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot kaya napagpasyahan kong buksan na lang ang pinto at tignan siya sa loob. But I was dismayed with what I saw. She's not in her room. And then biglang pumasok sa isip ko ang problema niya.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng private room niya para hanapin siya. I know her, she will do stupid things just only to ease the pain that she is feeling. Habang patuloy ako sa paghahanap sa kanya, may narinig akong mga bulungan.

"Hey! Let's go to the combat arena. There's a fight happening right now. Let's take a look." sabi ng isang babae kasama niya habang umiinom sila ng coffee, I think?

"Why Should we go there? Is there any interesting in there?" takang tanong ng kaibigan niya.

"Of course! Two of the R.O.S.E. band are there!" mataray na pagsagot ng babae.

Napaisip ako bigla. Two from R.O.S.E. band are there? Bigla akong napatakbo papuntang combat arena dahil sa naisip ko. If I am not mistaken, two of Althea's guardians are from that band. If they are there, there's a possibility that Althea is in there.

Pagkadating ko doon, maraming estudyante ang nanonood sa labas. At dahil sa matangkad ako, nakikita ko ang mga nangyayari sa loob. The whole guardians are fighting someone. Nakamask ang taong iyon kaya hindi makilala kung sino siya. But I know that person. Base from the way that person fights, I really know her. That's Althea.

Nakita kong titirahin sana siya ni CL sa mukha gamit ang katanang hawak niya pero nakailag ito. Kaso nga lang ay nataman ang telang bumabalot sa ulo niya dahilan para matanggal iyon at lumadlad ang paalon-alon niyang puting buhok.

Nagulat ang ibang estudyante sa nakita nila. Ngayon alam na nilang babae ang kalaban ng apat dahil sa pangyari. At panigurado na hahanapin nila siya pagkatapos ng insidenteng ito dahil sa galing niyang makipaglaban. Paniguradong isasama siya sa iba't ibang organization dito sa school.

"What the?! At first I can't believe that a regular student could do that, but to know that that person is a girl. I can't hardly believe it." narinig kong sabi ng lalaking nasa tabi ko.

Doon pumasok sa isipan ko kung bakit ako nandito ngayon. Pumunta ako sa may pintuan pero may humarang sa aking isang lalaki.

"No one is allowed to enter." seryosong sabi niya. Nakipagtitigan ako sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinapasok. Wala na akong nagawa kundi bigyan siya ng isang napakalakas na high kick para mapaalis ko siya sa daan.

I feel that the students were shocked with what I did but I don't care. Pumasok agad ako pero napayuko ako dahil may lumipad na dagger papunta sa akin. Napalingon naman ang apat sa akin at nagulat.

"Night?" takang tanong ni Adrian. Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang isang wushu stick sa tabi ko at naglakad papalapit kay Althea. Ramdam ko ang mga tingin ng students sa amin, specifically sa akin.

Sumugod siya kaya naman sumugod na rin ako. Isang bagay na nalaman ko kay Althea, mapapatigil mo lang siya kapag sumugod ka rin sa kanya. Naglaban lang kami ng naglaban at nararamdaman kong humihina na rin ang mga atake niya sa akin.

Ginamit ko iyong pagkakataon para makalapit sa kanya at magamit ang itinuro sa akin ni Ryoji. Hinawakan ko siya sa may batok niya at bigla na lang siyang nawalan ng malay. Binaba ko ang stick na hawak ko at binuhat si Althea. Makakalabas na sana kami ng arena ng biglang pumasok si papa, or should I say the father of Althea, Mr. Cross.

"What happened here?" malamig na tanong niya sa amin.

"I don't know either. Ask them." sagot ko naman sa kanya at sabay tingin sa apat na taong nasa likuran ko. Nagsiyukuan naman agad sila ng tumingin sa kanila si Mr. Cross.

"Take her to her room." mahinang sabi ni Mr. Cross pero sapat na para marinig ko. Tumango na lang ako at dinala siya sa kwarto niya. Bulungan naman ng mga estudyante ang sumalubong sa akin paglabas ko ng arena.

Sinamaan ko na lang sila ng tingin at nagsilayuan naman sila. Tahimik ko lang dinala sa kwarto niya si Althea. Inihiga ko siya sa kama niya at hinawakan ang kamay.

"Althea, what's happening to you? Nasasaktan ako kapag nagiging ganyan ka. Don't you ever forget na nandito pa ako sa tabi mo para sa'yo." bulong ko sa kanya at tsaka ko siya hinalikan sa noo. Lumabas na ako sa kwarto niya at pumunta sa office ni Mr. Cross. Kailangan ko siyang matanong tungkol sa nangyayari kay Althea. I know that he knows everything about his daughter.



AUTHOR'S POV

Napangisi siya dahil sa nakita niya. Althea's being weak right now is what she wants. Alam niyang hindi parte ng plano niya yun pero naalala niya ang mga nangyari noon na naging dahilan para gawin niya iyon.

Tama, siya ang nagpagdala ng mga litrato kay Shaina at siya rin ang nagbibigay impormasyon kay Trace kung nasaan man si Althea. Siya ang dahilan kung bakit nagulo ang pagkakaibigan nina Shaina at Althea.

"Is everything ready?" tanong niya sa kasama niya.

"Yes. Everything is settled." sagot naman ng kasama niya. Mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"This time, I'll make your life miserable Althea. I'll make you feel how to be humiliated by everyone around you." puno ng poot na sabi niya at tuluyan na siyang umalis sa kinaroroonan niya.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top