Lesson 55: Pictures*
ALTHEA JEANELLE'S POV
As I walk towards our dorm, I saw Shaina mindlessly walking away to the dorm. Tinitigan ko siyang mabuti, did she cry? Pulang-pula kasi ang mata at ilong niya. Lalapitan ko sana siya but I remembered that she doesn't like someone to go near her when she has a problem. She wants to be alone all by herself.
I just continue walking towards our dorm to leave my things there. When I entered our room, I can feel na may kakaiba sa loob ng kwarto namin. I scan around and I saw an open envelope. Tinitigan ko lang ito pero napansin kong ako yung nasa picture kaya naman kinuha ko iyon at tiningnan.
I almost crumpled the picture dahil sa nakita ko. Who send this pictures to her? Such a dirty trick pero alam kong effective naman pagdating kay Shaina. Tinitigan ko ulit ang mga pictures at naalala ko ang mga bagay na ginawa ko noon ng makuha ang pictures na ito.
I was doing some private meetings with the other mafia groups. Ako na ang gumagawa ng mga private meetings dapat nila with appa in order for me to be train. Dapat ang mga guardians ko lang ang kasama ko sa mga meetings na yun pero may makulit sa kanila at pilit pa ring sumasama. And that person is Trace. I already told him that he should not go anymore, but he's a hard-headed person.
I scan again the pictures and I almost fell all the pictures because of what I saw. Whoever took this picture is a professional one. Kumuha talaga siya ng anggulo para magmukhang naghahalikan kami ni Trace.
*flashback*
"We're here." CL announced at nauna na siyang bumaba ng sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa building. I wear an emotionless expression in my face but deep inside me, I was amaze by the things I saw. The whole building was perfectly designed and decorated.
Sumakay kami ng elevator to get to the highest floor, meeting room. Kailangan kong i-close ang deal na ito. It's not an illegal transaction, it's all about the company appa manage. Someone is destroying it slowly and silently. Not too long, nasa harap na kami ng desk ng secretary ng ka-meeting ko ngayon. The secretary led us to their meeting room.
"Please wait for a while, I will call Mr. Jung." paalam nung secretary then lumabas na siya.
"Where are the other three?" tanong sa akin ni CL. Nilingon ko siya ang sighed.
"I ordered them to keep watch. If ever man na dumating si Trace, they will be the one to take care of him." simpleng sagot ko at tsaka umupo ng maayos sa isa sa mga upuan.
"Sorry for the wait." maikling paghingi ng paumanhin ni Mr. Jung.
"It's okay." sagot ko naman. Nag-meeting na kami at laking pasasalamat ko dahil na-close ko ang deal kaagad. Though medyo nahirapan ako dahil mukhang walang tiwala sa akin si Mr. Jung. He said that I look young to become the CEO of that company. Hindi naman talaga ako ang CEO ng company namin, yun lang ang pinakilala ni appa sa kanya.
Pagkatapos ng meeting, lumabas agad kami ng building dahil nag-text sa akin si Adrian na nandun sa baba si Trace. Pagkababang-pagkababa namin, I throw my bag to Shiki and quickly went to Trace. Ng makarating ako sa harap niya, I slapped her hard na dahilan para mapasinghap ang mga taong nasa paligid namin.
Paano ba naman nasa labasan kami ng building, natural na maraming tao dito. Hinawakan ko siya sa kwelyo at hinila papalapit sa mukha ko. Ilang inches na lang, magdidikit na ang ilong namin. Tinitigan ko siya ng mata sa mata.
"I gave you an order that you will never leave her side. I gave you an order that you should not follow us when we were going to meetings. I gave you an order that you should not make her wait for so long when you are going on a date. I gave you an order to take good care of her and never hurt her! Now look at what you are doing! You are creating a doubt on her mind." madiin na sabi ko tsaka ko siya malakas na tinulak palayo. I control myself dahil nagsisimula na akong magkaroon ng heavy breathing because of the anger I am feeling.
Naglakad ako papunta sa sasakyan namin, but before I enter the car I looked back to Trace.
"I don't want to see your face for a while. If I saw you or if you go near me, I swear I don't know what I will do to you." seryosong sabi ko at pumasok na ako ng kotse.
*end of flashback*
Nabalik ako sa realidad ng biglang bumukas ang pinto. I saw Shaina eyeing me then the pictures on my hand.
"Oh, nakita mo pala iyan." sabi niya sa akin.
"I can't believe that you would do those things to me." dagdag pa niya. I stand up at lalapit na sana ako sa kanya pero sumenyas siya na wag ko siyang lalapitan.
"So tell me, totoo ba ang mga nasa pictures?" she asked me as if I killed a person brutally,
"Yes. Totoong magkasama kami pero---" naputol ang sinasabi ko dahil bigla siyang sumigaw.
"You! You dare do that to me. Nagawa mong pikutin si Trace sa akin! Anong ginawa mo ha? Siguro may ginawa kayong kababalaghan." she said habang pinipigilan ang galit niya. What she said hit something below the belt. I am not like that, she know that. I give her a smile, a smile that will surely send some goosebumps.
"You're having a conclusion now, Shaina. Katulad ng sinabi ko kanina, yes, totoong magkasama kami pero hindi ko siya inaagaw sa iyo at wala kaming ginagawang masama behind your back." I casually said.
"Then how are you going to explain this picture? Huh?" tanong niya sa akin sabay pakita ng huling picture na nakita ko kanina. That fake "me kissing Trace" picture.
"That's not true. Kaya kong patunayan ang mga sinabi ko." sabi ko sa kanya.
"At sinong magsasabing hindi totoo ito, si Trace. He will surely take your side dahil paniguradong ayaw niyang malaman ko ang mga kabalbalang ginagawa niyo behind my back." pasigaw na sabi nito sa akin. Nagulat ako sa paraan ng pagsasalita niya sa akin.
"Did someone tell ridiculous things about me and Trace to you?" naghihinalang tanong ko. Dapat maniniwala agad siya sa akin kapag nagpaliwanag ako pero hindi, she didn't believe me a bit. And that only means that someone put some salt on the wound.
"So natatakot ka ngayon dahil may nakakakita pala sa inyong dalawa? Dapat lang! Akala ko mabait ka at mapagkakatiwalaan pero hindi. Pinikot mo si Trace sa akin. Whore. Kaya mula ngayon, don't you ever dare to go near me. I don't want to see your face." she said to me mockingly while her arms are cross on her chest. Huminga ako ng malalim habang nakapikit at tumingin ulit sa kanya.
"Hindi na ako makikipagtalo sa'yo. You're angry at hindi ko pwedeng salubungin ang galit mo ng galit ko. Okay, fine. Lalayo ako sa'yo, hindi ako magpapakita sa'yo para lang mawala yang galit na nararamdaman mo sa akin. If you still don't believe me regarding that picture, ask Ryoji. He knows the truth. He's with me that time. Sorry sa mga nadulot kong hindi maganda sa'yo, sorry. I hope mawala agad yang galit na nararamdaman mo sa akin." I said then smiled to her. Though the smile is a sad smile, I can't help it. She's my friend, my bestfriend to be exact, but she didn't believe me. Tumalikod na ako sa kanya at kinuha ang mga gamit ko. Matapos kong makuha ang mga gamit ko at mailagay ang iba sa extra bag ko, I quickly leave the room.
Kinuha ko lahat ng gamit ko sa kwartong iyon, leaving none. I fish out my phone from my pocket and called someone.
"I'll be going to my private room. Please open it for me. I'll be going to stay there for good." sabi ko sa kabilang linya.
"Why? You don't like your dorm room? Your roommate? What's wrong so that I can fix it." mahinahong tanong ng nasa kabilang linya. I sighed.
"None. I just want to be alone in a room. I want to have more private time by myself." sagot ko.
"Okay. Just wait outside your dorm. I will pick you up." malumanay na sabi ng taong nasa kabilang linya.
"Okay. Bye." sabi ko naman.
"Bye." at naputol na ang linya.
Pagkadating ko sa baba, pinagtitinginan ako. Sinong hindi mapapatingin sa akin. Dapat paakyat na ako sa kwarto to fix my things pero hindi, nandito ako naghihintay sa labas para umalis ng dorm. Ilang saglit pa ay may humintong sasakyan sa harap ko at lumabas doon ang taong pinakahihintay ko.
"Hi." he greeted me then kiss me on my cheek. I greeted him back then kinuha niya sa akin ang mga gamit ko at inilagay sa compartment ng sasakyan niya.
"Isn't that Kristoff Huang?" narinig kong bulong ng isang babae malapit sa amin. Kinikilig pa siya habang sinasabi niya iyon.
"Is that girl his girlfriend? She's pretty." narinig kong sabi ng kasama nung babaeng bumulong kanina. Tumaas bigla ang kilay ko sa narinig ko. Haharap na sana ako sa mga babae kaso biglang hinawakan ni Kristoff ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya.
"Hey, go inside the car now. You're going to tell me what really happen when we reach there." seryosong sabi niya then pinagbuksan ako ng pinto. Ng makasakay na ako, isinara niya agad ang pinto at dumaan siya sa may harap ng sasakyan para makapunta sa driver's seat. He entered the car and started the engine. He drived papuntang likod ng university papuntang isang building kung nasaan ang private room ni appa.
Pagkarating doon, tinulungan niya akong magbuhat ng gamit ko papuntang private room ko which is ilang hakbang lang ang layo mula sa kanila at inayos ang gamit ko sa loob. Parang condo unit ang dating ng private room ko. May sala, kitchen, dining rooom, cr and two bedrooms.
Pumasok ako sa isa sa mga bedrooms at inayos ang mga gamit ko. Tinulungan naman akong mag-ayos ni Kristoff ng mga gamit ko. Ng matapos naming mag-ayos, naisipan naming magmeryenda kaya naman nagpadeliver na lang ako dito. Pagkadating ng pagkain, kumain agad kami. While eating, he said something na naging dahilan para mabilaukan ako.
"I will be staying here also. Doon ako sa kabilang room. Pumayag na ang papa." sabi nito. Tinitigan ko siya na parang nagtatanong kung seryoso ba siya pero tanging ngiti lang ang iginanti niya sa akin.
"At bakit ka naman dito titira? Di ba may dorm kayong mga lalaki at hindi ka dito nag-aaral?" tanong ko sa kanya habang nasa bewang ko ang mga kamay ko.
"Para mabantayan kita. Ayaw mo ba nun? Makakasama mo ang fiancee mo dito sa university at hindi mo na ako mamimiss." nakangising sabi niya. Binato ko siya ng throw pillow dito sa sala. Dito kasi kami sa sala nagmeryenda. Natatawang sinalo niya lang yung binato ko.
"Hindi. Hindi ka pwede dito." masungit na sabi ko sa kanya. Mas lalo namang lumawak ang ngisi niya sa labi na para bang nagsasabing ako ang talo sa usapan namin.
"Sorry, naayos ko na ang mga gamit ko sa kabilang room. At isa pa, si papa mismo ang nagsabing samahan ko ang fiance ko dito." sabi niya tsaka lumapit sa akin para yumakap. Pero tinulak ko kaagad siya bago pa man siya makayakap sa akin. Abuso ang isang ito.
"Sinabi mo kay appa? Ang daldal mo para sa isang lalaki." naiinis na sabi ko sa kanya. Naramdaman niya atang nainis na ako sa kanya kay biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Kailangan kong sabihin kay papa ang dahilan kung bakit ko hinihingi ang susi ng private room mo at isa pa kailangan mo ng taong magbabantay sa'yo dito. Dito na rin pala ako mag-aaral. Naayos ko na ang mga papers ko." sabi niya sa akin at tsaka uminom ng juice.
"So, Rose Class ka? Edi hindi pa rin tayo magkasama." nakasimangot na sabi ko.
"Nope. Nagpalipat ako sa Regular Class. Hindi naman umangal si papa dahil alam niya ang intensyon ko." nakangiting sabi niya sa akin.
"Agaw atensyon na naman." parang nagrereklamong sabi ko. Paano ba naman, itong lalaking nasa harapan ko ay isang sikat na model at young actor.
"Hindi yan." sabi niya tsaka siya lumapit sa akin at sumandal sa balikat ko. Niyugyog ko ang balikat ko para paalisin siya pero hindi pa rin siya umalis. Bahala siya sa buhay niya.
"Ano palang dahilan mo at umalis ka ng dorm niyo?" tanong niya sa akin.
"Sasabihin ko rin sa'yo sa tamang panahon. Basta sa ngayon, tatahimik na lang muna ako." sabi ko sa kanya. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kaliwang kamay ko kung nasaan yung engagement ring na ibinigay niya sa akin after ng training namin. Ngumiti na lang ako sa kanya ng makita kong nakatingin siya sa akin. Ngumiti rin siya pabalik sa akin.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top