Lesson 53: Twilight*

ADRIAN JAMES' POV

"See you later." paalam ko sa karoommate ko. Papasok na ako ngayon. Kinuha ko na lang ang bag ko at naglakad papuntang building namin. Malayo pa lang ako sa building namin, may natanaw na akong pamilyar na pigura na nakatayo sa labas ng building na parang may hinihintay.

Lalapitan ko na sana siya kaso biglang may dumating na dalawang babae at sabay silang pumasok ng building. Binilisan ko pa ang lakad ko at doon ko nakilala ang dalawang babae. Sina Bom at Minzy pala yung dalawang iyon.

Nagtataka talaga ako kung sino ang babaeng kasama nilang dalawa. Pero pamilyar sa akin na pigura nito. Isang babaeng may puting buhok na paalon at may di-gaanong kapayatan na katawan.

"Twilight." mahinang bulong ko sa sarili ko. Hindi ako pwedeng magkamali, si Twilight nga ang babaeng nasa harapan ko. Lakad pa lang at tindig, siyang-siya nga si Twilight. Mas binilisan ko pa ang lakad ko at naabutan ko naman sila.

"Minzy! Bom!" tawag ko sa kanila para tumigil sila sa paglakad. Sabay silang napalingon sa akin.

"Adrian!" nakangiting bati sa akin ni Bom. Nginitian lang naman ako ni Minzy. Naglakad na ako papunta sa kinaroroonan nila at hindi pa rin lumilingon sa pwesto ko si Twilight. Pagdating ko sa tapat nila, ngayon ko lang napansin na parang may kahawig si Twilight kapag nakatalikod.

"Who's this lady with you?" tanong ko sa kanila. Binigyan lang nila ako ng nalilitong ekspresyon ng mukha. Did I asked the wrong question?

"You don't know her?" nagtatakang tanong ni Bom. Tumango lang ako bilang sagot.

"But you are always with her. How come you don't know her?" nagtatakang sabi ni Minzy. Dahil sa sinabi niya, mas lalo akong nalito.

Tiningnan ko na lang ulit si Twilight at napansin kong papalingon siya sa akin. Pagkalingon niya sa akin, binigyan lang niya ako ng isang ngiti.

"Hi Adrian! Nice to meet you again." napaatras ako ng makita ko ang mukha niya. Siya? Siya si Twilight? All this time ang taong hinahanap namin ay kasama na pala namin pero hindi pa rin namin alam?

"A-althea?" paninigurado ko.

"We go ahead now, it looks like you guys will have a long conversation." paalam ni Minzy at sabay na silang umalis ni Bom.

"Oh, hindi mo ako nakilala?" nagtatakang tanong ni Althea. Pero bakas sa mukha niya nang-aasar siya sa akin.

"Hindi." maikli kong sagot. Bakit hindi ko napansing si Althea pala ang tinuturuan namin noong nakaraang buwan. Kaya pala ganun na lang kung makadikit sa kanya si Wangja.

"Mabuti naman. Akala ko hindi nila tutuparin ang hiling ko." sabi niya sa akin.

"Hiling?" nagtatakang tanong ko.

"Shh. Hindi ka dapat tanong ng tanong ng mga bagay. Alam mo iyan." mapang-asar na sabi nito sa akin at tuluyan ng naglakad palayo. So naaalala niya na ang lahat. Sigurado ako doon dahil maging ang isa sa mga rules ng isang guardian ay alam niya.

Sinundan ko na lang siya dahil kapareho ko naman siya halos ng schedule. Nag-start ang klase namin na wala akong ibang ginawa kundi ang sulyapan si Althea na katabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya si Twilight. Sobrang laki ng pinagbago niya magmula ng umalis siya sa bahay.

"Staring is rude." mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya at tumingin na sa harapan. Matapos ang klase, lumapit siya sa akin at may ibinulong sa tenga ko.

"All my guardians plus the asassin, pumunta kayo ng rooftop after class. I don't want to wait long, understand?" napakalamig na bulong niya sa akin. Napatango na lang ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kakilabot ang boses ni Althea.

Kaya naman after class, kinontact ko na ang iba at wala pang limang minuto ay nandito na sila sa building namin. Sabay-sabay na kaming pumunta sa rooftop. Pagdating namin doon, naabutan namin si Althea na nakatayo sa railings. Binabalanse niya ang kantawan niya at parang natutuwa pa siya kapag nawawalan siya ng balanse at muntikan na siyang mahulog.

"Oh, you're all here." nakangiting sabi nito at biglang tumalon. Nabigla kami sa ginawa niya dahil baka mamaya ay mali ang bagsakan niya at mahulog siya sa baba. Naramdaman kong nagulat ang iba ng makita nila kung sino ang nasa harapan namin.

"Twilight." mahinang bulong ni Shiki. Pero hindi ko mabakasan ng pagkagulat ang mukha niya. Parang alam niyang si Twilight ay si Althea.

"Nice to meet you again, my dear trainers." sabi nito tsaka yumuko sa harap namin.

"Hindi mo kailangang yumuko." sabi ko.

"Hmm, bakit? Masama bang gumalang sa mga guro ko?" nakangising sabi nito.

"I can't believe this." wala sa sariling sabi ni CL.

"You should believe this, Sky. This is the truth." natatawang sabi ni Althea at tsaka naglakad papunta malapit sa amin. Huminto siya mga ilang hakbang na lang ang layo sa amin. Doon ko lang napansin na seryoso ang mukha nito.

"I'll give my first command to all of you." seryosong sabi ni Althea. Naramdaman kong biglang bumigat ang atmosphere dito sa taas.

"What is it, gkongju?" sabay-sabay naming sabi. Wala kaming ibang magagawa kundi tanggapin ang utos niya.

"A game has been started, kahit hindi pa bumabalik ang alaala ko. And someone is playing behind a mask." sabi niya tsaka tumalikod sa amin at naglakad papuntang railings. Humarap ulit siya sa amin at isinandal ang likod niya doon.

"I will play that game, and will make sure to win it." seryosong sabi nito.

"What game is it?" nagtatakang tanong ni Ryoji.

"It's a death game. At isa-isa na niyang pinapatumba ang lahat ng nasa daan niya. We need to stop that person. Bago pa umabot sa puntong lahat ng taong konektado sa akin, sa amin, ay mamatay. Kabilang na ang mga pamilya niyo." sabi niya sabay turo sa amin.

"What's your plan then?" seryosong tanong ni Trace. Talagang iyan ang tatanungin niya, dahil asassin siya. Sumusunod lang siya sa plano na ibibigay sa kanya at kikilos lang siya sa paraan na sasabihin sa kanya. Nakita kong napangiti siya at dahan-dahang lumapit sa amin.

"The plan? Ito lang naman iyon." sabi niya at inilahad na niya sa amin ang mga plano niya.



SHAINA'S POV

Kanina pa ako lakad ng lakad dahil hinahanap ko si Trace. He said that I should wait sa parking lot pero naiinip na ako sa kakahintay sa kanya kaya naman hinahanap ko na siya.

Sinubukan kong pumunta sa Regular Building dahil naalala ko, he's Adrian's friend. Maybe nandun siya to talk to him about something. Hindi pa ako nakakarating sa building na iyon, nagulat na ako sa nakita ko.

He's with Althea. They're talking about something. At mukhang seryosong usapan ang ginagawa nila dahil hindi man lang nilang nagawang tumingin sa dinadaanan nila. Naramdaman kong bigla akong nainis kay Althea. Why is she like that?

Pinakalma ko na lang ang sarili ko at huminga ng malalim. He's here to talk to Althea about something. Maybe he's asking Althea's help about something. Nagpapatulong ba siya para sa akin? Maybe, yan sana ang sagot sa mga tanong ko.

And Althea is talking to him only to help. Wala ng iba. Naglakad na lang ako papalapit sa kanila habang nakangiti. Pagdating ko sa harapan nila, niyakap ko kaagad si Trace at tiningnan si Althea. Nakatingin lang din siya sa akin.

"Hi Althea." bati ko sa kanya.

"Hi." tipid nitong sagot.

"Mauna na ako sa inyo, may gagawin pa ako." paalam niya. Pero bago pa siya umalis, tumingin muna siya kay Trace tsaka naglakad palayo sa amin.

"I told you to wait for me." mahinang sabi nito sa akin.

"I can't wait any longer there. You were late for more than an hour." naiirita kong sabi sa kanya.

"Sorry, okay?" sabi nito at tsaka niya ako niyakap. Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa niya. Lagi na lang siyang ganyan, hindi na magtatanong ng kung anong problema at bigla na lang magsosorry.

"Let's go." aya niya. Tumango na lang ako bilang sagot. At sabay kaming pumunta sa parking lot.



AUTHOR'S POV

Mula sa malayo, mayroong isang taong nanonood sa mga pangyayari. Makikita sa mukha nito ang tuwa sa bawat eksenang kanyang nakikita.

"I didn't thought it will be this easy." nakangising sabi nito. Kitang-kita niya mula sa malayo kung paano magselos si Shaina kay Althea.

"If I can't do it, I will use Althea." mahinang bulong nito sa sarili at nagsimulang maglakad palayo sa lugar na iyon. Natutuwa siya dahil umaayon sa kanya ang lahat. Hindi niya akalain na magiging ganun kadali ang lahat. Ang kailangan na lamang niyang gawin ay paikutin sa kamay niya si Shaina. At magagawa na niyang maipanalo ang larong matagal ng nasimulan. A death game that will erase the while blood line of the Cross Mafia.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top