Lesson 51: Two Night*
RYOJI'S POV
Ako ang huling makakalaban ni Night bago siya makarating sa tuktok ng bundok. At kanina pa ako naghihintay ng mga signals nila pero tanging kay CL pa lang ang naririnig ko.
Iniayos ko na ang hawak kong mga kutsilyo. Bawal kaming gumamit ng mas malakas na sandata kaya hanggang sa ganito lang ang magagamit namin. Maya-maya pa, may narinig na akong signal. Pero hindi ko naintindihan dahil sabay silang nagbigay ng signal nila.
Makalipas lamang ng ilang minuto, may lumabas galing sa masukal na parte ng gubat. At hindi lang isa, kundi dalawa sila. Hindi sila pareho ng pinanggalingan pero pareho sila ng ayos at suot. Sino ang totoong Night sa kanilang dalawa?
Ang nasa kaliwa ay mas matangkad kaysa sa kabila at punit-punit din ang damit nito. Nanggaling siya sa lugar kung saan nakaassign si CL. So, ito ang nakalaban niya. Samantalang ang nasa kabila naman ay basa ang damit at punit-punit din.
Pareho rin silang kulay puti ang buhok. Nalilito na talaga ako. May alam ba tungkol dito si master? Nakita kong nagkatitigan ang dalawa at bigla na lang napangisi. Kahit na nakatakip ang bibig at ilong nila, gayundin ang buhok na nagiging dahilan para ang makita lang sa kanila ay ang kanilang mata at bangs, alam kong ngumisi sila at may masama silang binabalak.
Nagbigay ako ng signal sa iba ko pang mga kasama sa pamamagitan ng pagpito. Biglang napatingin sa akin ang dalawa. Poporma pa lang sana ako pero bigla na lang sumugod sa akin ang mas matangkad sa kanila. Sobrang lakas ng ginagawa niyang pagpalo ng stick na hawak niya.
Nakita ko naman ang isa pa ay pumwesto at inasinta sa akin ang pana niya. Nakita kong binitawan niya ang pana niya at alam kong didiretso sa akin iyon ngunit may nakapigil nun. Tiningnan ko kung sino ang gumawa nun at si Trace pala. Nandito na silang lahat. Ngunit napansin kong halos matumba si Shiki sa pagkakatayo niya at si Adrian naman ay puno ng dugo ang damit niya. Ano ba talagang nangyayari?
"Bakit dalawa ang Night?" takang tanong ni Adrian.
"Hindi ko rin alam, basta na lang sumulpot ang dalawang ito sa harapan ko ng sabay." sagot ko naman sa kanila.
"Who is the real Night, then?" tanong ni CL na parang nadismaya sa nakita niya. Nasayang ang lakas niya at paghihirap dahil baka ang pekeng Night ang nakalaban niya.
Sasagot na sana ako ngunit hindi natuloy dahil bigla na lang akong tinira ng mas maliit sa kanila. Umilag ako sa panang papalapit sa akin pero hindi ko napansin na malapit pala sa akin ang isa pa kaya nahataw niya ako ng stick na hawak niya.
"Ryoji!" sigaw ni CL.
AUTHOR'S POV
Sumugod na ang iba dahil delikado ang dalawang taong nasa harapan nila ngayon. Naglaban sila ng matagal at patas ang makikitang resulta ng laban nila. Umaatras saglit sina Adrian at may binulong sa kanila si CL. Tumango lang ang apat at umatake ulit. Nagkatingin naman ang dalawang misteryosong tao na tahimik lang na nagmamasid sa lima.
Inilabas ng isa ang mga karayom niya at sinimulan na niyang paulanan ang lima. Pilit na umiilag ang iba dahil nasabihan sila ni Shiki ng kayang gawin ng mga karayom na iyon. Pumasok naman ulit si Trace sa loob ng gubat at humanap ng isang mataas na puno. Gamit ang hawak niyang mga kutsilyo, isa-isa niya itong ibinato sa dalawa ngunit naiilagan din naman nila agad iyon.
"Ang hirap naman nilang patumbahin!" Naiinis na sigaw ni Adrian.
Sumugod ulit sila sa dalawa ngunit umatras lang ang dalawa at nagtalikudan. Ngayon, napapalibutan na nilang lima ang dalawa.
"Sumuko na kayo." hinihingal na sabi ni Shiki. Hindi pa rin kasi bumabalik ang lakas niya kanina pero sumama na siya sa pagsugod.
Umiling lang ng sabay ang dalawa at tsaka sabay na sumugod. Napunta kay CL at Trace ang mas maliit sa dalawa at kay Ryoji, Shiki at Adrian naman ang mas matangkad.
Mano-manong lumalaban ang kalaban nina CL at Trace dahil hindi nito magamit ang pana na hawak niya dahil malapitan ngayon ang labanan. Alam ng dalawa na lamang sila dahil may hawak silang sandata. Sabay na sumugod sina CL at Trace. Nadaplisan nila ang kalaban nila pero hindi nila nagawang mapatumba ito.
Gutay-gutay na ang damit nito at nagulat sila sa nakita nila. Nakasuot pala ng makapal na damit ang kalaban nila kaya hindi makita ang hubog ng katawan nito. At base sa hubog ng katawan nito, babae ang kalaban nila. Sumugod ulit ang dalawa at parehas sila ng plano ngayon, at iyon ay tanggalin ang maskara ng taong kalaban nila.
Hindi sila nagtagumpay sa balak nila pero ang natanggal nila ay ang tela na nagtatakip sa buhok ng kalaban nila. Pagkatanggal nila, lumaglag sa balikat ng kalaban nila ang isang mahabang puting buhok na umalon-alon pa dahil sa matagal din itong nakapusod.
Napahinto sa pagsugod ang babaeng kalaban nila at tumakbo ito papalapit sa kalaban ng tatlo. At ganun din ang nangyari sa kalaban ng tatlo, natanggal din ang tela na nagtatakip sa buhok nito at masasabing lalaki ito. Ngunit hindi nila nagawang matanggal ang telang nagtatakip sa bibig at ilong ng dalawa kaya hindi pa rin nila makilala ito.
"Sino kayo? Sino ang totoong Night sa inyo?" galit na tanong ni Adrian.
"Both of us, we are Night." simpleng sagot ng lalaki.
Nagulat ang lima dahil sumagot ang nakalaban nila. Iyon ang unang beses na narinig nila ang boses ni Night.
"Both of you?" takang tanong ni CL.
"Yes, both of us." nakakalokong sagot ng lalaki at bigla na lang tumakbo palayo ang dalawa papunta sa tuktok ng bundok. Hinabol nila ang mga ito ngunit sobrang bilis nilang tumakbo.
Pagdating nila sa tuktok ng bundok, nakapagbihis na ang dalawang Night na nakalaban nila. Ang babae ay nakasuot ng isang maayos na itim na damit. Hapit na hapit sa kanya ang damit kaya kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Nakalugay din ang buhok nito at may takip pa rin ang bibig at ilong nito. Ang lalaki naman ay ganun din ang duot na damit.
Nakaitim din ito. Hindi ganun kaganda ang katawan ang lalaki ngunit hindi din naman iyon payat. Nasa katamtaman lamang ito. At katulad ng sa babae, nakatakip din ang bibig at ilong nito. Lumapit ang lima at nagbigay galang sa master nila.
"Its good to see that these two didn't kill you all." nakakatakot na sabi ni Mr. Cross.
Natigilan ang lima at napatingin sa master nila.
"I want to formally introduce these to you, this is Night." sabi ni Mr. Cross sabay turo sa lalaki.
"And this is Twilight." sabi ni Mr. Cross sabay turo sa babae.
"Excuse me master, then who is the one we trained?" magalang na tanong ni Shiki.
"Both of them. You train Night in the morning and Twilight in the afternoon." walang kaemo-emosyong sabi ni Mr. Cross sa lima.
"Let's go home now. Its getting late already." pag-aaya ni Bryan kay Mr. Cross.
Tumango lamang ito at naglakad palayo. Sumunod naman sa kanya sina Twilight at Night. Tumingin muna sa kanila si Bryan bago sumunod sa tatlo. Hindi nakaligtas sa mata ng lima ang ginawa ni Bryan.
Ipinulupot nito ang kanyang braso sa bewang ni Twilight ngunit parang walang pakialam si Twilight dahil hindi niya iyon pinansin. Pagkaalis ng apat, napagdesisyunan na din nilang umalis. Habang nasa byahe, hindi mapigilan ni Adrian na magtanong.
"Anong relasyon nina Twilight at Wangja?" puno ng kyuryosidad na tanong ni Adrian.
"Hindi din namin alam. Dahil katulad mo, nagulat din kami sa nakita namin." simpleng sagot naman ni Shiki.
Pinabayaan na lamang nila ang mga tanong na nabuo sa isipan nila dahil alam nilang bawal ang mangialam sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa master nila, maging sa anak nito at mga kamag-anak. Tahimik na lamang silang bumyahe pabalik sa main house.
TWILIGHT'S POV
"You should have seen there face." natatawang sabi ni Night sa akin. Kanina pa siya salita ng salita tungkol sa mga mukha ng lima ng makita nilang ipinulupot ni Bryan ang braso niya sa bewang ko.
"Shut up." naiinis kong sabi kay Night. Mukhang natakot naman ito at tumahimik na. Hindi naman nakaiwas sa pandinig ko ang pagtawa ni Bryan. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumahimik na rin siya sa pagtawa. Ngayong nasa loob kami ng sasakyan, tinanggal na namin ang telang nagtatakip sa bibig at ilong namin.
"Ang galing niyong magpanggap bilang iisang tao." sabi ni Bryan.
"Syempre kami pa, wala ka bang tiwala sa amin?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Hindi naman sa ganun. Pero anong klase silang mga guardian kung hindi naman nalaman agad na dalawang tao ang tinuturuan nila." natatawa niyang sabi at sinabayan naman ni Night ang tawa niya.
Sinuntok ko ng malakas ang braso niya kaya napahinto siya sa pagtawa at sinimulang himas-himasin ang braso niya. Tumalikod ako sa kanila at humarap na lang ako sa may bintana. Naging tahimik ang buong sasakyan dahil sa ginawa ko. Naramdaman ko na lang na tumabi sa akin si Bryan at niyakap ako.
"Hey, nagtatampo ka kaagad? Sorry na, okay? hindi na ako magiging sutil." mahinang bulong niya habang nakayakap sa akin. Hindi ko pa rin siya pinansin at nakatingin pa rin ako sa may bintana. Umalis na lang siya pagkakayap sa akin at lumayo sa akin.
"Mamaya sa bahay, babawi ako sa'yo. Sorry talaga." mahinang bulong ni Bryan sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinayaan kong makatulog ako sa byahe.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top