Lesson 45: Appa, Help Me*
BRYAN KENDRICK'S POV
After 2 hours of driving, nakarating na rin kami sa wakas sa bahay. I park my car and get out. Binuksan ko ang pinto sa likod para gisingin si ate.
"Hey, ate, wake up now." paggising ko sa kanya.
"Ate, wake up." sabi ko ulit habang tinatapik ang pisngi niya. Hirap niyang gisingin, ang hirap ding manggising. Gumalaw siya ng kaunti bago minulat ang mata niya.
"Hmm, Kendrick. Nakarating na ba tayo?" tanong niya habang umuupo ng maayos at humihikab pa.
"Yeah, kaya ayusin mo na sarili mo at lumabas na diyan." sabi ko tsaka ako lumayo sa may pinto para makalabas niya. Ilang saglit lang ay lumabas na rin siya.
"Ang laki naman ng bahay." sabi niya
"Yeah, sobrang laki nga ate." sabi ko habang tinitignan din ang bahay. This house was a happy house before, but now it became gloomy and scary.
"Stop calling me ate." She suddenly said to me.
"At bakit? Anong gusto mong itawag ko sa iyo. Althea?" tanong ko sa kanya.
"Call me noona(big sister)." nakangiti niyang sabi sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. At bakit ko naman siya tatawagin nun?
"Kung ayaw mo 'di wag." naiinis niyang sabi sa akin tsaka naglakad palayo. Nagtatampo na naman si ate.
"Okay, n-noona." sabi ko, hindi na ako sanay na tawagin siyang ganun.
Napalingon siya sa akin at tsaka napangiti. Lumapit ulit siya sa akin at kumapit sa braso ko habang nakangiti.
"Let's go inside?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Dapat ako ang nagtatanong sa kanya nun.
Tahimik kaming naglakad papasok ng bahay. Kinuha ng mga katulong ang bag ni Althea-noona at dinala na sa kwarto niya habang kami ay nanatili dito sa may salas. Tahimik lang siyang nagmamasid habang nakakapit pa rin sa braso ko.
"You're here son." narinig kong sabi ng isang tao sa likuran ko kaya naman napalingon ako dun. It's appa(father).
Tumayo ako para magbow sa kanya. Nakita ko ring ganun din ang ginawa ni Althea-noona. Naaalala niya na kaya si appa, or not?
"Are you not going to introduce me to this beautiful young lady?" tanong sa akin ni appa kaya naman umayos ako ng tayo. I can see the happiness in his eyes the time he laid his eyes on Althea-noona.
"Mr. Scott Cross, this Althea Jeanelle Cruz. Noona, this is Mr. Scott Cross." nakangiti kong sabi
"Mr. Scott Cross, you mean... The owner of the the RSU?" takang tanong niya
"Ah yes, I own RSU. Why? Are you a student in there?"
"Yes sir." sabi ni Althea-noona sabay pakita ng bracelet niya. Hindi ba nakikilala ni ate si appa? Punong-puno ng pagtataka ang isipan ko pero hindi ko iyon pinahalata sa kanila.
Inaya kami ni appa na umupo kaya naman ginawa namin iyon. Pagkaupo namin, in-entertain kaagad ni appa si Althea-noona. Nagkwentuhan lang sila ng kung anu-ano samantalang ako ay nakikinig lamang sa usapan nila. Wala akong balak sumabat sa usapan nilang sila lang din naman ang nagkakaintindihan. Maya-maya pa ay dumating ang isang katulong dala ang hinandang merienda para sa amin.
"So, why are you here by the way?" takang tanong ni appa kay noona. Napatingin ako kay noona na nakatingin din sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa kinikilos niya.
"Mr. Cross, if its fine with you, can you help me find myself?" nakatungong sinabi ni ate kay appa.
"What do you mean?" tanong ni appa tsaka siya uminom ng juice na nasa harapan niya.
Biglang tumayo si Althea-noona at lumuhod sa harapan ni appa. Napasinghap ako sa ginawa niya. Anong binabalak niyang gawin. Nakita kong hinawakan niya ang kamay ni appa tsaka ito tumingin sa mga mata nito.
"Mr. Cross, help me find my true self. I want to bring back the memories I've lost. I want to know everything about me. How I live when I was still 3 years old? Who are my childhood friends? Do I have cousins or not? I want to know everything about me. Can you help me? A-appa?" lumuluhang sambit ni noona kay appa.
Itinayo ni appa si Althea-noona mula sa pagkakaluhod at pinaupo ito sa tabi niya tsaka niyakap.
"Yes, I will. I will help you, my princess." nakangiting sabi ni appa habang hinihimas ang likuran nito upang mapatahan si Althea-noona sa pag-iyak.
Napangiti na lang ako sa nakikita ko. At least I know that my family is already complete. Kahit na patay na si eomma(mother), kahit papaano ay magkakasama kami ngayon sa iisang bahay at nagkakaroon ng bonding sa isa't isa.
"Drick, can you help Althea with her things? She will go to her room now." appa caught my attention. I just nod and took her things, and then went upstairs. Tinuro ko kay noona ang kwarto niya at iniwan na lang ang gamit niya sa tabi ng kama.
"I'll leave now noona. My room is just beside your room, so if you need anything, just knock on my door." sabi ko sabay turo sa kanan dahil nasa kanan na bahagi ang kwarto ko.
"Okay. Thanks for helping me." nakangiting sabi sa akin ni noona.
"You're always welcome noona." sabi ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
Paglabas ko ng kwarto ay tumambad sa akin ang mukha ni appa na puno ng katanungan. Napabuntong-hininga ako dahil doon. Alam kong magtatanong ito tungkol sa nangyari kay noona. At alam ko rin na hindi niya ako tatantanan hangga't di ko sinasabi sa kanya ang mga pangyayaring iyon.
Sumunod na lang ako kay appa papunta sa library. Nakita kong umupo siya sa isang swivel chair at tsaka humarap sa akin. Umupo naman ako sa upuan sa harap ng lamesang nasa harapan din ni appa.
"Tell me everything that you know." appa commanded so I started telling him the things I know. Kinwento ko sa kanya lahat ng kinwento sa akin ni noona. While telling him everything, I can't see any emotion in his eyes.
It was as if he is hiding it very deep inside him. He doesn't want me to feel jealous. That's all that I know for now. He is trying to be fair and square between me and noona. He doesn't want us to fight just only because of jealousy we feel with each other.
"Is that all?" appa asked me after I told him everything I knew.
"Yes." I said politely.
"I have a plan." he said while looking at me.
"What is it, appa?" puno ng pagtatakang tanong ko sa kanila.
"Let's train Althea. Train her to be the princess of the mafia." appa said.
"That's a good plan. But, is she going to agree?"
"Maybe, I don't really know. But I think that is what she's asking a little while ago."
"So, if ever she will agree, when will her training starts?" I asked while looking at him intently. Alam ko kung anong klaseng training ang mangyayari. At alam kong pahihirapan at mahihirapan si Althea-noona sa gagawin nila.
"Next week, if possible." he answered.
"I will give this week to hers. Let her rest and do whatever she wants to do. Give her time to decide and choose. But next week, her training will start." dagdag pa niya na parang kahit tumanggi pa si Althea-noona ay mayroong training pa rin na mangyayari.
"Okay."
"You may go now and take some rest." sabi ni appa. Sumunod naman ako at nag-bow muna sa harap nila bago umalis sa library.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagulat ako dahil nandun si Althea-noona.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang naglalakad papuntang kama ko.
"Kanina pa ako kumakatok, wala namang sumasagot. Nung sinubukan kong buksan ang pinto, bumukas naman. Kaya pumasok na lang ako sa loob at napag-isipang dito ka na lang hintayin." mahabang pagpapaliwanag niya habang nakatungo at pinaglalaruan ang kamay niya.
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko ulit sa kanya.
"I'm hungry." nakasimangot niyang sagot sa tanong ko.
"Tumawag ka na lang sana sa baba. May telepono sa kwarto mo na pwede mong gamitin kapag may kailangan ka dito sa loob ng bahay." sabi ko naman sa kanya.
Bumuntong-hininga siya tsaka naglakad papalapit sa akin at umupo sa tabi ko.
"Hindi ko naman alam ang pipindutin ko dun. Kakarating ko pa lang dito, remember?" nakangusong sabi niya sa akin.
Napataas ang kilay ko sa inasal niya kanina. Hindi ganyan kumilos ang Althea na kilala ko. Ang kilala kong Althea ay mature mag-isip at pinapakita palagi sa akin na siya ang mas matanda sa aming dalawa kaya dapat siyang igalang at sundin.
Pero ngayon ang Althea na nakikita ko ay isang Althea na isip-bata at hindi kayang makipagsagutan sa akin. Parang kabaliktaran siya ng Althea na kilala ko.
"Bakit nakataas ang kilay mo? Bakla ka ba?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Kinikwestyon mo ba ang pagkalalaki ko?" naiinis na tanong ko.
"Binibiro lang naman kita." sabi niya tsaka tumungo. Napabuntong hininga ako. Tumayo ako at nilahad ang aking palad sa harap niya. Napatingin siya dito at nagtataka akong tinignan.
"Halika na, kain na tayo sa baba." yaya ko sa kanya. Inabot naman niya ang kamay ko at tsaka tumayo. Sabay kaming bumaba at pumunta ng dining room para kumain.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top