Lesson 42: The Killer is a Friend*

AUTHOR'S POV

Pinuntahan ni CL si Althea sa kanyang kwarto. Nakailang katok na siya ngunit wala pa ring sumasagot mula sa loob kaya naman napagdesisyunan na niyang pasukin ang kwarto. Inaasahan niyang nasa kama lang si Althea pero wala siya doon. Maayos na nakalukot ang kama nito, maging ang ibang gamit sa kwarto.

"Where could she be?" bulong niya sa sarili niya.

Naglakad pa siya ng kaunti hanggang sa makarinig siya ng tumutulong tubig mula sa cr. Lumapit siya doon at kumatok.

"Althea." tawag niya sa kaibigan.

Ngunit walang sumasagot. Naisip niyang baka hindi siya nito naririnig dahil sa tunog ng tubig. Kaya naman minabuti niyang maghintay na lang muna sa loob ng kwarto. Makalipas ang mahigit kalahating oras, hindi pa rin lumalabas sa loob ng cr si Althea kaya naman nagsimula na siyang mag-alala. Hindi naman kasi ganun katagal maligo ang dalaga.

Pumunta siya sa baba para kunin ang susi ng cr ni Althea. Hindi niya ipinakita sa iba na natataranta na siya upang hindi na sila maistorbo. Pagkakuha niya ng susi ay umakyat din siya kaagad sa kwarto ni Althea. Bubuksan na sana niya ang cr gamit ang susi ng bigla itong bumukas at tumambad sa harap niya ang isang mukhang lubog at maitim ang ilalim ng mata at namumutla ang labi.

"Althea, what happen to you?" nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

"Ah, ito ba?" turo naman ni Althea sa mukha niya.

"Hindi lang ako nakatulong ng maayos nung mga nakaraang araw kaya ganito ang hitsura ko. Sobrang pangit ko na ba?" nakangiting tanong niya kay CL. Umiling lang ang dalaga.

"Let's eat breakfast together." sabi naman ni CL

"Okay, wait me here. Ayusin ko lang saglit ang sarili ko." sabi naman ni Althea.

Matapos mag-ayos ni Althea sa sarili niya, sabay na silang bumaba ni CL papuntang dining room para kumain. Hindi katulad ng dati, madalang ng magsalita si Althea at palaging wala sa sarili.

Naging ganun palagi ang sitwasyon niya sa loob ng dalawang linggo. Sasagot lang sa tanong ng iba at pagkatapos nun ay hindi na magsasalita. Tutulong sa mga gawaing-bahay pagkatapos ay pupunta sa garden dala ang isang lapis at sketchbook.

"She's acting really weird lately." mahinang sabi ni Ezekiel sa mga kabanda niya na kasalukuyang nasa balcony sa taas at pinagmamasadan si Althea na nasa garden.

"Baka naman nangungulila na siya sa kapatid niya, at pati na rin sa magulang niya." sagot naman ni Ryoji.

"Nangungulila?" takang tanong ni Oliver.

"What does that mean?" dugtong pa nito.

"Missing someone." maikling sagot naman niya.

"Where did you learn that word?" out of the blue-ng tanong ni Shiki

"Books." sagot naman nito. Tumango lang si Shiki at pinagmasdan ulit ang babaeng tahimik na gumuguhit sa garden.



ALTHEA JEANELLE'S POV

Nararamdaman ko nag-aalala ang lahat sa akin. Hindi ba sila sanay na tahimik ako. This is me when I was still in high school. Kakausapin ko lang ang mga taong unang kumausap sa akin. I didn't mean to be silent, hinahanap ko pa kasi ang sarili ko. And I am restraining myself from being out of control again. Lagi na kasi akong naa-out of control, which is bad.

Kaya I always draw and draw para mabaling sa iba ang galit o lungkot o kung ano man ang nararamdaman ko. Katulad ngayon, busy ako sa pagdrawing ng may biglang tumabi sa akin.

"Ang ganda naman niyan." nakangiting sabi ni Ryoji.

Tumango na lang ako at ngumiti.

"Kailan ka nagstart magdrawing?" tanong niya sa akin.

"Elementary." sagot ko naman sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pagdrawing.

"Oh, that's cool." comment naman niya

"Ikaw ba, alam mo bang magdrawing?" tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at tsaka umiling.

"Hindi naman masyado. Mas magaling ka nga sa akin."

Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"Hindi ka naniniwala sa akin?" takang tanong niya.

"Hindi. Paano mo ako mapapaniwala samantalang ang galing tumugtog ng bass. Kapag magaling kang tumugtog, may malaking chance na magaling ka ring gumuhit at maganda ang mga gawa mo." sagot ko sa kanya. Napansin ko namang namula ang tenga niya. Hindi ko tuloy mapigilang matawa ulit.

"Namumula ang tenga mo. First time mo bang masabihang maganda ang mga drawing mo?" tanong ko sa kanya.

"Actually, hindi yun. First time kung masabihan na marunong akong magdrawing. Kahit hindi mo pa nakikita ang mga gawa ko, nasabi mo pa na maganda ang gawa ko and magaling akong magdrawing."

Nginitian ko lang siya. Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano hanggang sa hindi na naman namalayan na dumidilim na.

"Pasok na tayo sa loob, madilim na dito." sabi niya tsaka siya tumayo. Palakad na sana siya palayo ng hawakan ko ang braso niya. Dahil dun ay napalingon siya sa akin.

"Thank you." Thank you dahil tinulungan mo akong makalimutan ang mga problema ko kahit saglit lang. Yun sana ang gusto kong sabihin pero hindi pwede. Wala silang alam sa mga nangyayari sa akin. Ngumiti siya sa akin at tsaka ako hinila papasok sa loob ng bahay.

*kinabukasan*

Hindi pa sumisikat ang araw, nagising na ako. Ang bigat ulit ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Isinantabi ko na lang iyon at dumiretso sa banyo para maligo. Tiningnan ko kung anong oras and its only 6 in the morning. Ang aga ko naman ata masyado. Hindi ko na lang pinansin ang oras at naligo na ako.

Pero habang naliligo, parang nagsisisi ata ako dahil maaga kung ginawa ang pagligo.

"Lamig." sabi ko habang naliligo. Sobrang lamig ng tubig at kahit na may heater ang banyo, ramdam ko pa rin ang lamig na nanggagaling sa labas dahil sa ventilation ng cr.

Dinalian ko na lang ang pagligo at nagsuot ng t-shirt at 3/4 pants. Since maaga naman na akong nagising, naisipan kong ilutuan na lang sila ng almusal. Bumaba na ako at dumiretso ng kusina. Sobrang tahimik dito sa loob ng bahay dahil tulog pa ata ang tao dito.

Naputol ang pag-iisip ko ng may marinig akong tunog na nanggagaling sa kusina. May gising na? Dahan-dahan akong pumunta ng kusina at sinilip kung sino ang nandun. Sa unang silip ko, wala akong nakita hanggang sa napansin kong may tao pala sa harap ng ref kaya nilapitan ko iyon.

Sino kaya ang taong to? Naglakad pa ako papalapit sa kanya pero napahinto ako sa paglalakad at nagsimulang manlamig ang mga palad ko. No, hindi totoo ito.

"Oh, Althea. What are you doing here? Its still early." narinig kong sabi niya.

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nilapitan ko siya at pinilit siyang pinatalikod. Pumapalag siya sa ginagawa ko pero buong pwersa ko siyang pinatalikod at bumalandra sa harap ko ang isang tattoo.

"Shit." I heard him murmured

"This tattoo, since when did you have this?" tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin at itinulak ako palayo.

"Its none of your business."

"Really? Its none of my business?" sabi ko sabay lapit sa kanya at hawak sa braso niya ng sobrang higpit.

"Well, its my business now since you and him have the same tattoo. Tell me, are you the one who killed my parents?" may diing tanong ko sa kanya Naramdaman kong nagulat siya sa sinabi ko. Marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Yes, I am. Now, what can you do?" sabi niya sa akin sabay smirk.

Nagdilim bigla akong paningin ko sa sinabi niya. Sinugod ko siya pero mabilis siyang nakaiwas. Puro atake lang ang ginagawa ko sa kanya at siya naman ay puro ilag lang. Paikot-ikot lang kami sa loob ng kusina hanggang sa makakita ako ng kutsilyo. Kinuha ko iyon at ginamit sa pag-atake. I will avenge my parents. Buhay ang kapalit ng buhay.

"Althea?!" narinig kong tawag sa akin mula sa may pinto ng kusina kaya napatingin ako doon.

Saktong pagtingin ko s pinto ay ang malakas na suntok na nanggaling sa kanya. Tumilapon ako dahil sa lakas ng suntok niya at nabitawan ko ang kutsilyo. May naramdaman akong lumapit sa akin at ikinandong ako. Nakapikit pa rin ako dahil sa sakit ng sikmura ko.

"Ano ba talagang nangyayari dito?! Bakit nagpapatayan kayo?!" naiinis na sigaw ni Ryoji, ang taong kumandong sa akin sa mga binti niya.

"Caesura is over." rinig kong sabi niya.

Caesura? Di ba ibig sabihin nun ay panandaliang pananahimik? Bumangon ako at humarap ako sa kanya. Pero nagulat ako dahil may hawak na siyang baril at nakatutok iyon sa akin. Images starts to flood my memory.

"Stop." mahinang bulong ko habang hawak ko ang ulo ko.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top