Lesson 4: First Night in the Dorm*
ALTHEA JEANELLE'S POV
"Sinusundan mo ba ako?"
"Tsk. Ang yabang mo." Sabay pakita sa akin nung kamay niya. Nakita ko na may suot siyang singsing.
"I am also a student of that school. Rose Class."
"Oh, sorry." –ako
Tumalikod na ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Binilisan ko na lang ang paglalakad kasi ayaw kong makasabay ang lalaking yun, nakakahiya kasi yung ginawa ko.
Medyo malapit na ako sa gate ng makaramdam ako ng lumilipad na bagay papunta sa akin kaya naman tumalon ako paabante at tsaka sinipa pababa yung ibinato sa akin.
Nilingon ko yung pinaggalingan nung nagbato at nalaman kong nanggaling yun dun kay Mr. Madaldal.
Napansin kong napanganga siya sa ginawa ko. Sino ba kasing nasa matinong pag-iisip ang gagawa ng ganun? Ang mambato ng ka-schoolmate niya?
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad, pero napalingon ulit ako sa kanya.
"Hey, close your mouth. Magyeyelo yang dila mo sige ka." Sabi ko sabay talikod sa kanya at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
Pagkarating ko sa gate, itinapat ko yung bracelet ko sa scanner at bumukas yung gate. Pumasok na ako sa loob at naglakad papuntang dorm namin.
Wala akong naabutan na Shaina sa room kaya naman nagbihis muna ako ng damit. Isang simpleng t-shirt at jogging pants yung suot ko.
Lumabas ako ng dorm at naglibot sa buong University. Habang naglilibot ako, hindi ako makapaniwala na isa na akong estudyante dito. At ito pa, scholar ako. Ibig sabihin, mag-aral lang akong mabuti libre na lahat.
Umupo muna ako sa isang bench sa ilalim ng isang Cherry Blossom tree dahil nangawit na rin kasi yung paa ko. Hindi ko pa tapos libutin yung buong University.
Habang nakaupo, napatingala ako. Summer pa pala ngayon, malago pa yung puno. Ang ganda naman tignan.
Naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya napalingon ako dun sa taong tumabi sa akin.
"Ang ganda ng cherry blossom di ba?" tanong niya sa akin.
"Oo nga." Sabi ko habang nakangiti at bumalik ulit ng tingin sa puno.
"Hindi ka pa ba inaantok?" –siya
"Hindi pa eh." –ako
"Gusto ko sanang magkaroon tayo ng maayos na pagkikilala. So, ako nga pala si Adrian, Adrian James Castro." Sabi niya sabay lahad sa akin ng kamay niya.
"Althea, Althea Jeanelle Cruz." Sabi ko naman sa kanya sabay abot nung kamay niya at nakipagkamay ako.
"Scholar ka rin ba dito?" –ako
"Ah, hindi. " –Adrian
"Ganun ba? Akala ko kasi scholar ka rin kasi nagtatrabaho ka." –ako
"Nagtatrabaho ako kasi kailangan ko yun para magkaroon ako ng allowance. Ang shoulder lang ng parents ko ay yung tuition fee ko. Yun ang usapan namin." –Adrian
"Ah okay." –ako
"Eh ikaw bakit ka nagtatrabaho?" –Adrian
"Ganun din sa rason mo. Kaso yung tuition ko libre na kasi scholar ako. Kailangan ko lang i-maintain yung grades ko." –ako
"Matalino ka siguro." –Adrian
"Syempre. Ako pa." –ako
"Yabang ah. Ilang taon ka na dito sa Korea?" –Adrian
"Ako, mag-iisang buwan na rin." –ako
Nilingon niya ako tsaka tinignang mabuti.
"Oh? Eh bakit parang ang tagal mo na dito? Samantalang ako, dito ko na tinapos ang high school ko." –Adrian
"Ganun ba? Hindi ko halata yun ah. Sanayan na lang siguro. Mabilis kasi akong masanay sa isang environment basta ba may isang linggo na ako dun. Panigurado, sanay na sanay na ako sa lugar na yun." –ako
"Lumalamig na. Sige, mauna na ako sa'yo." –Adrian
"Okay. Ingat ka. Good night." Sabi habang nakangiti sa kanya.
"Bye. Good night, too." Sabi niya sabay tayo at naglakad palayo.
Nag-stay muna ako dun ng ilang minuto pagkatapos nun ay naglakad na ako pabalik ng dorm. Dinalaw na rin kasi ako ng antok.
Saktong pagpasok ko ng dorm ay saktong papasok palang si Shaina kaya naman sabay na kaming pumunta ng room namin.
OLIVER'S POV
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang bilis naman ng reflexes niya. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo dun. Hindi pa rin kasi ako maka-get over dun sa nakita ko.
Hinawakan ko bigla yung ulo ko ng may maramdaman akong pumalo doon. Batukan ba naman ng pagkalakas-lakas.
"Tulala ka diyan. What happen to you?" –Zekie
Tiningnan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Bakit ba kasi bawal magpasok ng sasakyan dito sa RSU.
"Hey! What happen?" sabi niya ulit. But this time siniko naman niya ako.
"Nakakasakit ka na." sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama.
"Tsk. Nagtatanong lang. Hindi mo naman ako sinasagot. What's wrong with you? Para kang nakakita ng multo kanina." –Zekie
"Mamaya ko ikukwento sa'yo sa dorm." –ako
Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
*inside the boys dormitory*
"Bwahahahahahahahaha!!!!" tawa nilang lahat.
Isa-isa ko silang binatukan. Tama bang pagtawanan ako.
"Ho! grabe. Bakit mo kasi binato ng bote?" –Shiki
"I am pissed. Sabihan ka kaya na stalker ng taong yun, anong mararamdaman mo?" –ako
"Tsk. Wala naman siyang sinabi na stalker ka Oli. Ang sabi niya, 'Bakit mo ako sinusundan?' Hindi niya sinabing,' Stalker ka ba?' See the difference?" –Ryoji
"Wait lang. Paano mo nalaman yun Ryoji?"-ako
"Syempre, nandun ako. Hindi lang pala ako, kami pala ni Zekie ang nandun." –Ryoji
"Ano?! Nandun ka rin? Bakit nauna ka dito?" –ako
"Sa sobra atang gulat mo, hindi mo napansin na dumaan na ako sa harapan mo." Sabi niya habang nagpipigil ng tawa.
Binatukan ko nga ulit.
"Oliver." –Ryoji
Huminto na ako. Ibig sabihin kasi nun galit na siya.
"By the way guys, I already watch the covers of that Lena girl. And I discover something about her." –Zekie
"What is it?" –Shiki
"She is a student of RSU." –Zekie
"Really? How did you know?" –Ryoji
"She's wearing a RSU bracelet. And I only saw her having that bracelet with her in one of her covers. I also listen to her voice, what I mean is when she sung one of our songs, I can say she is good enough to be our special guest since she is so popular in the internet." –Zekie
"That's great then. But a Regular Class? How come that she is a Regular Class if she is talented. She should be in the Rose Class instead." –me
"I really don't know. Maybe she is trying to lay low. But since we already knew that she is studying in RSU, we can easily find her." –Zekie
"Yes, your right." –Shiki
We talk and talk hanggang sa mapagod kami. But I never thought that we can easily get information to that Lena girl. Zekie is indeed a keen observer.
ALTHEA JEANELLE'S POV
"Hey, Shaina, saan ka galing?" tanong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok namin ng kwarto.
"Ahh, Ano, I-I just walk outside." –Shaina
"Yah, you're hiding something. Hey, what is it? Tell me!" pangungulit ko sa kanya.
"I-I walk outside with..." –Shaina
"Trace, right?" –ako
Nakita kong nag-blush siya. So cute.
"Where did you two meet?" –ako
"Uhm, just outside the dorm." –Shaina
"Eh? He fetch you?" –ako
"Yeah." –Shaina
"How did he do that happen?" –ako
"He messaged me." –Shaina
"He stalked you?!" –ako
Tinakpan lang niya yung bibig ko. Ang sakit ng pagkakagawa niya.
"Sshhh... No, that's not it." –Shaina
"Then, how did that happen?" –ako
"Remember the day we met him, after 2 days, we met again. And that time, he asked me my number." –Shaina
"And you gave it?" –ako
Tumango lang siya at nagpipigil ng kilig pero pulang-pula na ang mukha niya.
"Yiieeee.. You're blushing. So cute." –ako
"Hey stop it." Sabi niya sabay tayo at lumabas. Pupuntang cr siguro.
Humiga na lang ako ng higaan. Napatingin ako sa side table ko at nakita ko yung libro na binili ni dad. Kinuha ko yun at nagbasa muna saglit. At habang nagbabasa, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top