Lesson 38: Seeing Him Again*
RYOJI'S POV
Maaga akong gumising to help the others in preparing the food for the christmas eve. Mas maganda kung tutulong ako sa kanila kaysa sa umupo lang ako sa isang tabi at panuorin silang naghihirap. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko kaagad si CL na hindi maipinta ang mukha.
"Morning." I greeted her pero tiningnan lang niya ako. What's her problem this time. Lately, ang bilis niya nang mag-freak out sa maliliit na bagay.
"Any problem?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Althea is not on her room when I checked her a little while ago." she said and then she sighed.
"Baka naman may pinuntahan." sabi ko sa kanya Tinitigan niya lang ako at tsaka niya ginulo ang buhok ko.
"I am starting to hate myself. I can't do my job properly."
"No, you're doing your job properly. Si Althea lang talaga ang lumalayo at hindi nagpapaalam." sabi ko naman sa kanya
"I really hope her memory will come back already. I'm tired of this set up. Her, as our friend instead of master. And us as the loving and caring friends of her instead of guardians." sabi niya tsaka siya tumayo.
"Wag kang mag-alala, walang mangyayaring masama dun."
"I hope, Ji. I really hope." sabi niya tsaka siya dumiretso sa kusina. Mukhang maghahalungkat na siya ng mga ingredients ng pagkain namin mamaya.
Ano ba kasing nangyayari kay Althea at alis siya ng alis sa bahay. Hindi naman namin siya pwedeng sundan dahil maghihinala ang ibang kasama namin sa bahay. Though, dadalawa lang naman ang maghihinala dahil halos lahat ata kami dito sa bahay ay mas sikretong tinatago. I fished out my phone out of my pocket when somebody called up.
"Hello."
"Hyung." narinig kong sabi sa kabilang linya.
"Wae?"
"Wangja, sabi niya siya na daw muna ang magbabantay kay Gkongju."
"Bakit naman?"
"Hindi ko rin alam, pero sa tingin ko humahanap siya ng tyempo para magpakita kay Gkongju at sabihing ayos lang siya. Nasabi kasi niyang nararamdaman niyang nag-aalala ng sobra ang Gkongju sa kanya kaya naman siya daw muna ang magbabantay."
"Hindi mo ba sasamahan."
"Hyung naman, trabaho ko yun, syempre kailangan kong gawin yun."
"Buti naman, wag mo kaming gayahin dito. Halos di na namin alam ang gagawin namin dahil sa utos na ibinigay sa amin."
"Okay." sagot naman ng kapatid. Buti alam niyang 'Kung anong utos ang ibinigay sa iba, wag ng mangialam pa.'
"Bye, hyung."
"Bye." sagot ko tsaka naputol ang linya.
Tumayo na lang ako at pumunta ng kusina para tingnan si CL, mamaya kung ano na ang ginawa niya dun. Pagdating ko dun, naabutan ko siya kasama si Oli, kumakain. Lakas talagang makaimpluwensiya ni Oli pagdating sa katakawan.
"Ryoji, kain." alok ni Oli habang may pagkain pa sa bibig. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya tsaka dumiretso sa ref para kumuha ng maiinom. Pagkakuha ko ng maiinom ay umupo ako sa tabi ni Oli. Ang lakas kumain ni Oli, parang si Althea lang.
"Hindi ka kakain?" tanong sa akin ni Oli sabay lingon sa pwesto ko. Umiling lang ako bilang sagot.
Matapos nilang kumain, inayos na namin yung gagamitin namin sa pagluluto. Though mamayang tanghali pa ang start ng pagluluto namin, inayos na namin ngayon para walang problemahin mamaya.
"Morning." narinig kong bati mula sa likod ko habang nag-checheck ako ng mga ingredients. Lumingon ako at si Shiki pala yun. Himala ata at binati niya kami ngayon.
"Katapusan na ba ng mundo?!" shock na sigaw ni Oli.
Dahil sa sinabi niya, bigla siyang binato ni CL ng mansanas na hawak niya. Sapol naman iyon sa noo ni Oli kaya napaatras siya ng konte.
"Why did you do that?" galit na tanong niya
"So gay." CL murmured. Napatawa na lang tuloy ako sa sitwasyon ngayon. Sinamaan nila ako ng tingin kaya tumahimik na lang ako.
"I saw Althea went outside a little while ago with a guy." sabi ni Shiki habang nakaupo sa may stool dito sa kitchen. Napahinto naman sa pag-aayos si CL at hinarap si Shiki.
"Who's the guy? Do you know him?" tanong niya kay Shiki.
"It's Rob." singit naman ni Adrian na kakapasok lang ng kusina.
"Rob?" takang tanong ni CL. Malamang hindi niya kilala yun.
"A friend." sagot naman ni Adrian tsaka tinitigan si CL. Hindi na nagtanong pa si CL at nagpatuloy na sa ginagawa niya.
ALTHEA JEANELLE'S POV
Naghahalo ako ngayon ng mga ingredients para sa cupcake. Yun kasi ang balak kung ibigay sa mga taong nasa bahay mamayang gabi. Wala na kasi akong maisip na ibang pwedeng ibigay.
"Need some help?" tanong sa akin ni Rob. Nagpasama ako kay Rob dito sa dating bahay namin, sa bahay kung saan namatay ang magulang ko. Dito na lang ako gumawa since ang alam nila ay hindi ko kayang pumunta dito dahil sa nangyari. Umiling lang ako sa kanya.
"Just sit and watch there. If I did something wrong, correct me." sagot ko tsaka ko ipinagpatuloy ang paghalo. Pagkatapos nun, nilagay ko na siya sa tray at nilagay sa oven.
Napahinto ako ng maalala kong hindi ko pala alam gumawa ng icing. Sa lahat ng bagay na hindi ko alam, paggawa pa ng icing. Patulong na lang siguro ako sa lalaking to.
"Rob, can you help me make some icing?" tanong ko sa kanya. Tumango siya tsaka siya kumuha ng mga kailangan sa paggawa ng icing. Matapos niyang gawin yung icing, saktong naluto na rin yung cupcakes.
Nilagyan ko na ng icing yung mga cupcakes. Yung mga nilagay ko sa cupcakes ay iba't ibang klaseng bulaklak. Wala lang, trip ko lang yung ganung design dahil yun lang naman ang alam kong gawin.
"It's done." sabi ko ng malagyan ko na ng icing lahat ng cupcakes. Kumuha ako ng isa at inabot kay Rob.
"Have a taste, chef." biro ko. Tumawa naman siya ng mahina. Kumagat na siya dun sa cupcake. Ako naman ay hindi mapakali dito sa kinakatayuan ko dahil baka mamaya hindi pumasa ang ginawa ko sa isang culinary student. Iba pa naman taste ng mga ganung klaseng student.
Nginitian niya lang ako at nag-thumbs up. Napangiti ako ng malawak dahil sa resulta ng ginawa kong cupcakes. Inayos ko na sa maliliit na box yung cupcakes para maging presentable. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng may marinig ako kumalabog sa may sala. Parang pintong isinara yung tunog. Naalarma ako dahil dun, sino naman kaya ngayon ang papasok dito sa bahay?
"Who's that?" tanong ni Rob sa akin. Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ko rin kasi kilala kung sino man yung pumasok.
Kinuha ko yung frying pan sa gilid ko at dahan-dahang naglakad papuntang sala. Nakasunod naman sa likod si Rob. Nakita ko na yung anino ng tao, at base sa anino lalaki yung pumasok. Mas lalo akong kinabahan dahil dun. Nakita kong papalapit sa pwesto namin yung lalaki kaya naman nagtago kami sa gilid at nag-ready ako sa pagpukpok kung pumunta man siya sa gawi namin.
Pagtapat sa amin nung lalaki na kasalukuyang nakatalikod sa amin ay papaluin ko na sana kaso hindi nasa ere palang yung pan ay bigla niyang itong sinipa palayo. Nung nakaharap siya, nagulat ako ng makilala ko yung lalaki. Nagsimulang mangilid ang luha ko. Dali-dali ko siyang niyakap ng mahigpit. Sobrang saya ko at nakita ko siya ulit.
"Ading..." iyak ko sa kanya. Naramdaman kong hinahagod niya ang likod ko.
"Ate, ayos lang ako. Wag ka nang mag-alala sa akin." sabi niya at tsaka siya kumalas sa yakap.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Paano ka nakatakas? Kailan pa?" dirediretso kong tanong.
"Ayos lang ako ate, pero sa ngayon hindi mo pa ako pwedeng makasama." sabi tsaka siya lumayo sa akin. Doon ko lang napansin na pinapanood pala kami ni Rob.
"Ah, Bryan, this is Rob. Rob, this is Bryan, my brother." pagpapakilala ko.
Makikipagkamay sana si Rob kaso tinitigan lang ni Kendrick ang kamay ni Rob. Bastusing bata. Mukhang napahiya si Rob kaya binawi niya yung kamay.
"Ate, kailangan ko ng umalis. Mag-iingat ka palagi. Tandaan mo ate, nandyan lang ako sa malayo, palaging nakasuubaybay sayo at binabantayan ka." sabi niya tsaka ako niyakap ulit at umalis.
Hindi ko maintindihan lahat ng mga sinabi ni Kendrick. Tinandaan ko na lang ang mga iyon at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng cupcakes sa small boxes. Matapos kong ayusin lahat ng cupcakes, umalis na kami dun sa bahay at hinatid na ako ni Rob sa bahay nina Ryoji.
"Thanks Rob. Merry Christmas." sabi ko ng makababa na ako sa tapat ng bahay. Tumango lang siya tsaka niya pinatakbo papalayo ang kanyang sasakyan. Umakyat muna ako sa kwarto ko at iniwan dun yung mga cupcakes tsaka ako pumunta ng kusina para tumulong sa pagpe-prepare.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top