Lesson 35: New Home*

ALTHEA JEANELLE'S POV

Nagising ako dahil may naramdaman akong tumatapik sa pisngi ko. Hindi naman masyadong malakas, mahina pa nga ang pagkakatapik niya sa pisngi ko. Pagdilat ko ng mata ko, napasigaw ako bigla dahil sobrang lapit ng mukha ni Ryoji sa mukha ko. Nakita ko namang nagulat siya ginawa kong pagsigaw.

Nagtalukbong ako bigla. Natakot ako sa ginawa niyang yun. Alam kong kinakain ako ng takot ngayon. Nararamdaman ko ring nagbabasa na yung mukha ko. Althea, wag kang umiyak. Maging matapang ka. Pero kahit anong gawin kong pagpigil sa iyak ko, wala talaga. Dad, sorry, nagiging mahina na naman ako.

"What happen?" narinig kong may nagsalita.

"Tinakot mo ba siya?" narinig ko ulit na tanong ng isang tao.

"Althea..." rinig kong tawag sa akin. Wait, si CL yun ah. Tinanggal ko ang pagkakataklob ko tsaka ko siya niyakap ng sobrang higpit. Parang kapatid ko na rin ang babaeng to bukod pa kay Shaina.

"CL~" iyak ko sa kanya.

"What happen?" tanong niya habang hinahagod ang likod ko.

"It happen again. It happen again." iyak ko sa kanya. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin tsaka niya ako tinitigan sa mata. Hinawakan niya yung kamay ko tsaka ito pinisil ng marahan.

"I will help you. Just trust me. Trust us, your friends." sabi sa akin ni CL habang nakatingin sa akin. Tumango na lang ako.

"CL, where am I?" tanong ko sa kanila. Napahawak rin ako sa leeg ko, may benda na ito.

"I-in our house." mahinang sabi ni Ryoji pero sapat na para marinig ko. Tumingin ako sa kanya. Nakakahiya yung ginawa ko kanina. Napayuko ako dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"Sorry. Naabala ko pa kayo." paghingi ko ng tawad sa kanila.

"No, it's okay." sagot naman ni Ryoji.

"Let's go downstairs. We prepared food for you." panghihila naman sa akin ni CL. Nagpahila na lang ako sa kanya dahil wala akong lakas na pumalag sa paghila niya sa akin.

Paglabas namin ng kwarto, dun ko lang napansin na marami pa lang tao dito sa bahay nila. Akala ko nung una kaming 3 lang ang nandito. Nandito din pala ang buong banda, Trace at Adrian. Weird, Adrian at CL sa lugar na ito? Hmm, magkakaibigan kaya sila?

"What happen to your neck?" tanong sa akin ni Ezekiel. Napahawak naman ako sa leeg ko. Ayaw kong magkwento ngayon, tumingin ko kay CL na nakatingin din sa akin.

"Ahmm, pwede bang akin na lang muna kung anong nangyari sa akin?"

"Okay?" hindi siguradong sagot ni Ezekiel.

Pagdating namin sa dining room, may mga pagkain na nakahanda. Nagugutom tuloy ako lalo. Wala pa pala akong kinain simula kanina. Pumwesto na kami sa may lamesa at nagsimula na kaming kumain.

"Bakit pala nandito si Althea?" tanong ni Ezekiel habang nakatingin siya kay Ryoji.

"Ahhmm..." hindi makasagot si Ryoji at nakatingin lang siya sa akin. Napatingin tuloy sa akin si Ezekiel. Ano ba yan! Ayoko ng nasa hot seat ako. Nakakairita at nakakakaba.

"My parents were killed right after the concert." sagot ko sa kanila. Napahinto naman silang lahat sa pagkain.

"You're parents were killed?" paninigurado ni Ezekiel Tumango na lang ako.

"Is that the reason why kung bakit may benda ka sa leeg mo?" pagtatanong niya ulit. Umiling lang ako.

"Nope. It's another dreadful story." sabi ko sabay ngiti. Pero alam kong hindi naman umabot ang ngiti ko sa mata.

"Hey, kain na nga kayo. Masyado kayong seryoso." pagpapagaan ko ng sitwasyon. Masyado kasi nilang sineseryoso ang nangyari sa akin. Dapat nga ako ang maging sobrang seryoso, kaso hindi ko magawa. Ewan ko kung bakit, pero parang may kailangan akong hanapin at alamin pero di ko malaman kung ano yun.

"Can I ask you something, Atlhea?" paghingi ng permiso ni Shiki.

"Sure." sagot ko sabay kain ulit. Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain.

"Where's your younger brother?" pagtatanong niya

Nabitawan ko naman bigla yung hawak kong kutsara. Nakagawa iyon ng sobrang lakas na ingay. Nahulog pa nga sa lapag yung kutsara. Pinulot ko na lang yung kutsara tsaka nilagay sa gilid ng lamesa.

"I-I don't know." simpleng sagot ko habang kumukuha ulit ng bagong kutsara.

"What do you mean by you don't know?" pagtatanong niya ulit. Ano ba yan, hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Alangan na sabihin kong hindi ko nahabol yung dumukot sa kanya at hindi ko siya napagtanggol? Yun ba ang dapat kong sabihin? Na naging mahina ako?

"Shiki, mamaya na yan. Kain na lang muna tayo." pang-aawat naman ni Ezekiel kay Shiki.

"Mamaya ko na lang ikukwento." sabi at tsaka kami nagpatuloy sa pagkain.

Ng matapos kaming kumain, pumunta kaming lahat sa sala. Nagsimula na rin akong magkwento sa kanila. Pero habang nagkukwento ako sa kanila, pinagmamasdan ko din ang mga reaksyon nila. Medyo kahinahinala kasi ang kilos ng iba sa kanila. Matapos kong maikwento lahat, nakakatakot ang mga ekspresyon ng mukha nila.

"Gusto kong palipitin ang leeg ng lalaking yun at ilagay sa oven." nanggigigil na sabi ni Oli.

"Wag na, hindi mo rin naman makakain yun." sabat ko naman sa kanya.

"Oo nga, pero yung mga asong kalye pwede siyang kainin." sagot naman niya.

"Paano kaya kung dito ka muna tumira. Since mag-isa ka na lang sa bahay niyo at delikado pa doon. Ano guys, payag kayo?" suggestion ni Oli.

Napatingin naman silang lahat sa akin. May point naman siya, mag-isa na lang ako at baka balikan pa ako dun sa bahay namin. Kaso puro lalaki sila dito, baka kung anong gawin nila sa akin. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, kaso pangit lang talagang tingnan na may isang babaeng nakatira sa bahay ng lalaki. At higit sa lahat, hindi pa magkaano-ano.

"Pero, mag-isa lang akong babae dito kung sakali." sagot ko naman sa kanila.

"Then I will stay here with you." pagsingit naman ni CL sa usapan.

"Wait, you can understand Filipino?" takang tanong ko. Tumango lang siya. So all this time naiintidihan niya yung buong conversation namin. Kaya pala hindi siya masyadong nagtatanong at nagsasalita, dahil naiintidihan niya pala kami.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"You're not asking." nakangiting tanong niya.

"Mabalik tayo, hindi ba magagalit parents mo?" tanong ko sa kanya.

"Nope, I live here alone. My parents are working overseas." sagot naman niya.

"Ano na? Ayos lang ba Ezekiel?" tanong ni Oli. Tumango na lang si Ezekiel.

"Yes!" sigaw naman ni Oli. Ang saya niya, grabe lang.

"Bakit? Anong nakakatuwa?" tanong ni Ryoji.

"May makakausap na rin ako ng matino." sagot naman ni Oli. Binatukan naman siya ng tatlo.

"So sinasabi mong hindi kami matinong kausap?" nakakatakot na tanong ni Ryoji

"Hindi naman sa ganun, hindi niyo kasi masakyan yung mga trip ko sa buhay. Buti pa si Althea, nakakasabay pa siya." cool na sagot niya sabay akbay sa akin. Sa sobrang gulat ko ata sa ginawa niya, napalipit ko ang braso niya.

"Ah!" hiyaw niya dahil sa sakit. Napabitaw naman agad ako sa kanya dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Sorry." nahihiyang sabi ko sa kanya habang aabutin ko sana yung braso niya pero lumayo siya sa akin na parang natakot siya ng sobra sa ginawa ko.

"Sorry, Oliver." sabi ko

"A-ah, ayos lang yun ano ka ba. Punta muna akong kwarto ko, may kukunin lang pala ako." sabi naman ni Oli tsaka siya umalis. Hindi ko naman sinasadya yun, nabigla lang talaga ako. Siguro dahil sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraan. Napatingin sa akin yung iba.

"Ahm, yung kwarto mo pala Althea, yung tinulugan mo kanina." sabi ni Ezekiel sa akin. Tumango na lang ako sa kanya.

"Wag mong pansinin si Oli, mamaya kakausapin ka na ulit nun. May topak din minsan kasi yun, parang ikaw lang din." sabi ni Ryoji sabay ngiti. Di ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o hindi.

"Maiba tayo, December 22 na pala ngayon. Anong balak niyo sa para sa christmas eve?" tanong ni Ezekiel

"Syempre maghanda." sagot naman ni Adrian.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Dito naman ako nakatira." sagot naman niya.

"Ha?"

"Kasama ko kapatid ko dito." sabi niya sabay akbay kay Trace. Mas lalo akong nalito sa ginawa niya. Kapatid niya si Trace? Ano?

"He's my half-brother." bored na sabi ni Trace.

"Okay." sabi ko na lang.

"Order na lang tayo ng pagkain." sabi ni Shiki. Napalingon naman kami sa kanya. Order? Hindi ba dapat niluluto ang hinahanda para mas espesyal.

"No, luto na lang tayo. Tulong-tulong na lang." suggestion ko sa kanila.

Napaisip naman yung iba at sa huli ay napatango naman sila. Galing! Pumayag sila. Pagkatapos naming mag-usap, sinamahan ako ni Ezekiel na kumuha ng damit ko sa bahay namin at ilang gamit na rin. Sabi ko naman kanina, ako na lang mag-isa. Kaso ayaw nilang pumayag at kailangan daw na may kasama ako kaya pumayag na lang ako.

Matapos naming kumuha ng dami, diretsong uwi agad din kami para maiayos ko yung gamit ko dun sa kwarto. Ngayon ko lang nalaman na sama-samang naninirahan sa bahay ang buong banda, kasama sina Adrian at Trace.

At hindi pa rin ako makapaniwala na magkapatid yung dalawa. Kasi naman, inosenteng tingnan si Adrian, pero si Trace ay nakakatakot kapag tumitig siya sayo. Pero malay mo recently lang sila naging magkapatid kaya hindi si magkapatid.

Isinantabi ko na lang tong mga iniisip ko at inisip ko na lang kung paano ako makakabili ng mga regalo ko para sa kanila ng hindi nila malaman kung ano yung regalo para sa kanila.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top