Lesson 30: Practice*

"There is a grain of truth in every lie." ~The Secrets of Immortal Nicholas Flemmel

~~~

AUTHOR'S POV

Kakatapos lang ng klase ni Althea at hapon na rin.Naglakad na papunta sa practice room si Althea. Mag-isa siyang naglalakad ng maramdaman niyang may nakasunod sa kanya kaya naman lumingon siya. Nakita niya si Lan na nakangiti sa kanya at papalapit sa kanya.

Tinitigan niya lang ito at nagpatuloy naman sa paglalakad papuntang practice room. Sa kabilang banda naman, nawala ang ngiti ni Lan at naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Ng makarating si Althea sa practice room, naabutan niya doon si Oliver na nakaupo sa harap ng drum set at pinaglalaruan ang drum sticks.

"Annyeong!!" nakangiting bati ni Althea

Lumingon naman sa kanya si Oliver at binati rin siya.

"Annyeong Althea." nakangiting bati nito pabalik kay Althea.

"Hello there Lan." pahabol na bati ni Oliver sa lalaking kakarating lang.

Tinaas lang nito ang kanang kamay nito tsaka ngumiti kay Oliver tanda ng pagbati niya kay Oliver.Nakahalata naman si Oliver na parang wala sa mood ang binata kaya naman pinabayaan niya na ito.

Pumunta naman sa isang sulok si Althea at nanahimik doon. Si Lan naman ay sa kabilang dulo, nararamdaman kasi niyang ayaw siyang kausapin ni Althea. Pero wala siyang kaalam-alam sa dahilan ni Althea kung bakit siya iniiwasan.

Medyo nahihirapan na si Oliver sa dalawa dahil hindi siya sanay na tahimik sa paligid. Alam niyo naman, isang madaldal na tao si Oliver. Kaya naman nilapitan niya si Althea. Napatingin naman sa kanya si Althea na makikita sa mukha ang pagtataka sa paglapit ni Oliver sa kanya.

"Why?" takang tanong ni Althea kay Oliver

"Wala lang, gusto ko lang ng makakausap." sabi niya sabay upo sa sahig na kaharap lang ni Althea.

"Uy wag ka diyan, dito ka na sa tabi ko. Baka marumihan pa yang damit mo." natatarantang sabi ni Althea. Ngayon lang kasi niya nakitang umakto ang taong ito. Lagi kasi itong arogante tingnan at napakatalim ng tabas ng dila.

"No, its okay. Mas gusto kong dito umupo para hindi ka mahirapang tumingala." nakangising sagot ni Oliver.

Nanlaki bigla ang mata ni Althea at makikita mo sa mukha niya na parang nairita siya sa sinabi ni Oliver.

"Sinasabi mo bang maliit ako?" nakataas kilay na tanong ni Althea.

"I didn't say anything. Ikaw na mismo ang nagsabi." makahulugang sabi ni Oliver.

Napabusangot tuloy si Althea sa sagot ni Oliver. At yun ang naging dahilan para pisilin ni Oliver ang pisngi niya.

"Kyeopta!" nanggigigil na sabi ni Oliver.

Samantalang si Althea naman ay pilit na tinatanggal ang kamay ni Olver sa kanyang pisngi dahil sobrang sakit ng pagpisil nito dito.

"Y-yah~! S-stop now, please." nahihirapang sabi ni Althea dahil hanggang sa oras na iyon ay pinipisil pa rin ni Oliver ang pisngi niya.

Pagkasabi ni Althea ng mga salitang iyon, binitawan na ni Oliver ang pisngi ni Althea. Hinimas-himas naman ito ni Althea. Sobrang pula na ng pisngi niya at medyo naiirita na siya kay Oliver.

"Tingnan mo yung ginawa mo sa pisngi ko." sabi niya habang himas-himas pa rin yun.

Tumayo naman si Oliver mula sa pagkakaupo at tsaka tinanggal ang kamay ni Althea sa pisngi niya.

"So red. Does it hurt?" tanong ni Oliver

Tumango na lang si Althea tsaka yumuko. Ayaw niya kasing kinaaawaan siya. Pakiramdam niya sobrang hina niya. Sa kabilang banda naman, halos hindi na maipinta ang mukha ni Lan dahil sa nakikita niya. Halos hindi siya mapakali sa kinauupuan niya at parang gusto na niyang puntahan ang dalawa at paghiwalayin.

"I should be the one making the Princess happy, not like this." mahinang bulong niya.

Napatingin siya ulit sa dalawa at nagulat siya sa ginawa ni Oliver. Bigla nitong hinawakan ang mukha ni Althea at hinalikan ang magkabilang pisngi nito tsaka ngumiti ng malapad.

"I hope that will make your cheeks okay." nakangiti nitong saad.

Hindi na nakayanan ni Lan ang nakikita niya at lumabas na ito ng practice room.

"Bakit ba kasi wala pa ang iba." naiiritang bulong niya sa sarili niya.

Samantalang sa kabilang banda, namula ng sobra si Althea dahil sa ginawa ni Oliver.

"Hey, are you okay? Pulang-pula ka kasi." nag-aalalang sabi ni Oliver.

"A-ayos lang ako." nahihiyang sagot naman ni Althea tsaka niya tinakpan ang mukha niya. Bumalik naman si Oliver sa harap ng drum set at saktong pagdating naman ng iba.

"Althea, bakit pulang-pula ka diyan? May nangyari ba?" takang tanong ni Shaina.

Umiling lang si Althea. Nalipat naman ang tingin niya kay Oliver na kakaupo palang sa harap ng drum set. Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.

"May ginawa kayong dalawa ni Oliver, noh?" nakangiti niyang nakakaloko habang palipat-lipat ng tingin sa dalawa.

"wala no!" depensa ni Althea.

"Defensive." mapang-asar na sabi ni Shaina

"Actually, I kiss her." sabat naman ni Oliver na naging dahilan para mapalingon lahat sa kanya ang atensyon.

"Hindi sa lips, uy. Mga isip niyo. Sa p-pisngi lang." nahihiyang sabi ni Althea

"Wae?" taas kilay na tanong ni Shaina kay Oliver.

"Nag-pout kasi siya, tapos nacute-an ako sa kanya kaya pinisil ko ang pisngi niya. Napasobrahan ata ako sa pagpisil kaya nung binitawan ko yung pisngi niya, parang naiiyak na siya. Sa wala akong maisip na paraan para mawala yung sakit ng psngi niya, kiniss ko na lang." sagot naman niya tsaka ngumisi.

"Lakas lang makachansing pare?" nakakalokong tanong ni Ryoji

Binato naman siya ni Oliver ng drum stick pero nasalo niya ito. Binelatan lang niya si Oliver.

"Let's start." walang kabuhay-buhay na sabi ni Ezekiel

"Wala pa si Lan, paano yan?" sabat naman ni Shaina

"Kanina nandito siya." takang sabi ni Oliver.

"Baka naman nagselos dahil sa ginawa mo kay Althea." sagot naman ni Shiki na naging dahilan para tumaas ang isang kilay ni Althea

"At bakit naman siya magseselos?" malamig na tanong ni Althea

Naramdaman iyon ng iba kaya naman tumahimik na lang sila at nagsimula na silang magpractice kahit wala doon si Lan.

'This is really weird, really really weird.' isip-isip ni Ryoji.

Nasa kalagitnaan sila ng practice ng biglang dumating si Lan. Binati nilang lahat ito maliban kay Althea. Binigyan lamang niya ito ng isang malamig na tingin tsaka nagpatuloy sa pagpapractice.

"What is happening to her?" bulong ni Ryoji kay Oliver

Nagkibit-balikat lang ang binata at nagpatuloy sa pagpapractice. Sumabay na rin sa pagpapractice si Lan. Kung kanina, nakangiti si Althea habang nagpapractice, ngayon naman ay naging blangko ang ekspresyon ng mukha nito at hindi na umiimik.

Kapag tinatanong ito, ang tanging sagot nito ay tanging tango at iling, at kung minsan at nagkikibit-balikat lang ito.

Ng matapos ang practice nila, hindi mapakali ang iba dahil sa ikinikilos ng dalawa. Parang gumagawa ng inivisible wall si Althea sa pagitan nilang dalawa ni Lan na ayaw namang mangyari ng iba. Dahil alam nila kung sino talaga si Lan at bakit siya lumalapit kay Althea.

Kaya naman napagdesisyunang kausapin nilang lahat ang dalawa. Tinawag nila ang dalawa at sinabing may pag-uusapan silang mahalaga. Walang kamalay-malay si Lan sa pag-uusapan pero si Althea ay may hula na kung ano ang mangyayari.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ni Lan kay Ezekiel.

"Umamin nga kayong dalawa. Kayo ba ay nag-away?" tanong ni Ryoji

Nagkatinginan ang dalawa at ang unang umiwas ng tingin ay si Althea

"No." maikling sagot ni Althea

"Ganun naman pala, bakit kayo hindi nagpapansinan?" tanong naman ni Shaina. Alam kasi niya na maliban sa kanilang dalawa ni Adrian, malapit din si Althea sa binata.

"Hindi naman sa ganun, I just hate liars." mahinang sagot ni Althea pero rinig naman ng lahat.

Naging dahilan yun para mapatingin sa kanya si Lan na gulat na gulat.

"You m-mean, I am a liar?" takang tanong ni Lan

"Bakit, hindi ba?" pabalik tanong ni Althea

Nagkatitigan lang sila ng matagal. Umiwas na ulit ng tingin si Althea at tsaka huminga ng malalim.

"Kailan ako nagsinungaling sa'yo?" kalmang tanong ni Lan. Alam niyang ayaw talaga ng prinsesa ng mga sinungaling. Simula pagkabata, ayaw na ng prinsesa sa mga ganung klaseng tao. At hindi siya makapaniwala na naging kabilang siya doon.

"That time, in the clinic." maikling sagot ni Althea tsaka naman tumingin ng masama kay Lan.

Nanlamig naman bigla si Lan, hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. Ang iba naman ay tahimik na nakikinig sa usapan ng dalawa at ayaw nilang magsalit upang hindi sila maistorbo.

"W-what do you mean?" maang-maangan ni Lan

"Tsk. You lied to me. I know what really happen before you bring me in the clinic." madiin na sabi ni Althea

"Y-you mean..." hindi na natapos ni Lan ang sasabihin niya ng biglang sumabat si Althea

"I know everything. Alam ko na nasa gazebo ako ng mawalan ako ng malay at alam kong sinalo mo ako that time. Alam ko rin na kanina mo pa ako pinapanood pero hindi mo ako nilalapitan that time for I don't know reason. Nararamdaman ko rin na may kasama kang iba that time, pero hindi ko marecognize kung sino iyon dahil her aura is unfamilar to me." mahabang sabi ni Althea

Napanganga naman si Lan, ganun din ang iba. Hindi makapaniwala si Lan na malakas pa rin pala hanggang ngayon ang pakiramdam ng prinsesa.

"And I have a proof na nanggaling ako sa lugar na iyon." sabi ni Althea sabay pakita ng kwintas na nakuha niya sa gazebo.

Biglang nanlamig si Lan, ganun din sina Shiki, Ryoji at Shaina. Samantalang sina Oliver at Ezekiel ay nalilito sa naging reaksyon ng iba ng makita nila ang reaksyon ng iba, ganun din ang reaksyon ni Althea, nalilito rin.

"That necklace..." mahinang bulong ni Ryoji na narinig naman ng katabi nitong si Ezekiel

"What's with the necklace?" malakas na tanong ni Ezekiel kay Ryoji na naging dahilan para malipat ang atensyon ng lahat sa kanya.

Napalunok naman ng napakaraming beses si Ryoji, hindi niya akalaing mapapasok siya sa ganitong sitwasyon.

'Wrong choice of words..' sabi niya sa sarili niya.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top