Lesson 29: Everything has a Reason*
ALTHEA JEANELLE'S POV
Napagdesisyunan kong tawagan na lang sina Dad at Mom. Kinuha ko yung phone ko sa drawer at dinial ang number ni Mom. Nakapitong ring muna bago nila sinagot yung tawag ko. Ang tagal naman nilang sumagot.
"Yoboseyo." rinig kong sabi sa kabilang linya.
"Mom, si Althea po ito." sagot ko naman. Pansin ko lang, hindi pala 'hello' ang sinabi ni Mom, kundi 'yoboseyo'. Nag-iimprove sila.
"Althea anak, bakit ka napatawag?" tanong ni mom.
"Mom, sorry po kung hindi ako nakauwi ngayon sa bahay. May nangyari po kasi dito sa school. Sorry po talaga mom, babawi ako sa susunod." paghingi ko ng paumanhin kay mom.
"Ayos lang anak. Tsaka wala naman kami ng dad mo sa bahay, si Bryan lang ang nandoon. Nasa isang business trip ang dad mo. Baka abutin kami ng isang buwan dito." sabi ni mom na parang nahihirapan.
Napataas ang kilay ko sa narinig kong paliwanag ni mom. Maraming dahilan kung bakit ganun ang naging reaksyon ko. Una, bakit hindi agad nila ako sinabihan na nasa business trip sila mom at dad. Pangalawa, kung alam talaga ni Kendrick na nasa business trip sina mom at dad, itetext kaagad niya ako. Pangatlo, bakit parang nahihirapang magsalita si mom sa kabilang linya, may nangyari bang hindi maganda? Nabalik lang akos a realidad ng biglang magsalita si mom sa kabilang linya.
"Anak, ayos ka lang ba? Hindi ka na kasi nagsasalita diyan." nag-aalalang tanong ni mom.
"Ayos lang po ako mom. Sige po, baba ko na po ito, mukhang nakakaabala na po ako sa inyo. Ingat po kayo diyan mom, pakisabi din po kay dad ingat po siya. Mahal ko po kayo. Bye!" sabi ko sa kanila.
"Bye din anak." sabi ni mom sa kabilang linya at tsaka ko binaba ang tawag.
Itinabi ko ang cellphone ko sa side table at tsaka ako humiga. Napabuntong hininga ako ng malalim habang nakapikit, nabibigla ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.
"Have a problem?" napamulat naman ako bigla dahil sa nagsalita.
Tumingin ako sa kanya. Nginitian lang niya ako. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at humarap sa kanya. Nag-indian seat ako sa kama ko.
"Maybe." hindi ko siguradong sagot sa kanya.
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin hanggang sa parang may naalala siya at bigla siyang tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka ako hinila patayo. Nagpatangay naman ako.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Shaina.
"Hmmm. Let's say na yun ang lugar para sa mga katulad mo." sagot naman niya.
Lugar para sa mga katulad ko? Katulad ko na nabibigla at naguguluhan sa mga bagay-bagay na dapat ay hindi nangyayari sa akin? Na dapat ay simpleng buhay lang ang meron sa akin? Nagpahila lang ako sa kanya. Bahala na siya kung saan niya ako dalhin. Parang gusto ko rin kasing mapuntahan ang tinutukoy niyang lugar. Pumunta kami sa labas ng university at sumakay sa isang black car.
"Kaninong sasakyan to?" tanong ko ng makasakay kami.
"Mine. Tinawagan ko na kanina to." sagot naman niya.
Eh? Bakit di ko napansin na tumawag siya? Siguro dahil sa lalim ng iniisip ko. Hindi rin nagtagal, nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Pagkababa ko sa sasakyan, namangha ako sa nakita. Ang ganda ng lugar na ito. Inililibot ko pa ang paningin ko ng bigla akong hilain ni Shaina at dinala sa harap ng isang napakalaking bato.
"Nasaan tayo? At anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya.
"We're on my secret place. At ang gagawin mo dito is ilabas lahat ng nararamdaman mo." sabi niya sa akin.
"Paano naman?" tanong ko pabalik.
Kumuha siya ng isang sanga tsaka iniabot sa akin.
"Alam kong hindi ka mahilig sumigaw, kaya naman ito na lang ako gawin mo." sabi niya.
"Ang alin ba?" kunot-noo kong tanong.
"Nakikita mo yang bato na yan, ipalo mo lang diyan yang stick na yan. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo sa stick at bato na yan. Alam kong makakatulong yan sa'yo." nakangiti niyang sabi.
Ngumiti ako sa kanya at tsaka humarap sa malaking bato sa harapan ko. Hanggang tenga ko yung bato at malaki rin ito. Hinigpitan ko ang hawak ko sa stick at nagsimulang hampasin yung bato.
"Ah!!!!!!" Sigaw ko habang hinahampas yung bato. Naghahalo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Sakit, lungkot, panghihinayang, pagkalito, pagtataka, at inis, mga emosyong hindi ko napigilang lumabas sa akin.
Hindi ko namalayang napaupo na pala ako habang umaagos ang mga luha ko. Ang sakit, nasasaktan ako. Naguguluhan na ako, litong-lito na ako. Nung oras na nagsimula na akong managinip tungkol sa mga bata sa isang garden, nagsimula ring gumulo ang buhay ko.
Isa-isa ring nagsusulputan ang mga taong hindi ko naman alam kung mapagkakatiwalaan ko ba. Pati ang mga simbolo, anong kinalaman ko sa mga iyon. At itong mga alaala na nakikita ko, kanino ba ito? Akin ba ang mga ito?
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Humarap ako sa kanya para mayakap ko rin siya. Naramdaman kong namamasa yung balikat ko. Dun ko narealize na umiiyak din siya. Pareho kaming umiiyak habang magkayakap.
"Kung ano man ang bumabagabag sa'yo, tandaan mo na lang na everything has a reason." sabi niya sa pagitan ng hikbi niya.
Tumango na lang ako. Hindi ako makapagsalita. Iyak pa rin ako ng iyak. Nanatili kami sa ganung posisyon ng matagal. Magdidilim na nga ng maghiwalay kami. Ang tagal kasi naming umiyak at ramdam ko rin na may problema rin katulad ko si Shaina kaya siya napaiyak ng ganun.
Hay, sana parehas naming maresolba kaagad ang mga problema namin ng maging maayos na ang buhay namin. Pagkatapos ay bumalik na kami sa university. Mga mugto mga mata namin pagpasok namin dun kaya naman pinagtitinginan kami. Para kaming galing sa isang iyakan na sobrang haba, which is true naman.
Nagkatinginan lang kami ni Shaina tsaka naglakad ulit papunta sa dorm namin. Pagdating namin sa room, nagshower kami tsaka bumaba para humingi sa may lobby ng ice pack. Ilalagay namin yun sa may mata namin para matanggal ang magkamugto. Singkit na nga kami, nawalan pa kami ng mata dahil sa pagkamugto. Nakakatawa tuloy ang hitsura namin.
Pagkakuha namin nun, umakyat kami ulit taas at kumuha ng kutsara. Ipinatong namin yung kutsara sa may yelo na nasa ice pack tsaka inilagay sa mata namin habang nakapikit.
"So cold." mahinang sabi ni Shaina.
Napatawa na lang ako ng mahina.
"Bakit ka tumatawa?" sabi niya sabay tanggal nung kutsara sa mata niya.
"Para tayong ewan dito, kutsara na nilagay sa mata. Masyadong makaluma." sabi ko abang tumatawa.
"Kaya nga, bakit kasi ito pa naisipan mong solusyon? It seems na ikaw ang old sa ating dalawa." sagot naman niya.
Tinaasan ko na lang siya ng kilay tsaka ko nilagay ulit yung kutsara sa mata ko.
"Taray." bulong niya.
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa ginagawa ko.
"Our practice for the concert will start tomorrow. Are you ready?" tanong niya sa akin habang nakatakip yung kutsara sa mata niya.
"Maybe." sabi ko habang nilagay sa ice pack yung kutsara, hindi na kasi malamig. Nung malamig na, inilagay ko ulit sa mata ko.
"Wae?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko pa kabisado yung mga kanta na nasa mp3 tapos hindi ko masyadong alam ang gagawin natin dun." sagot ko naman.
"Ah, okay." sagot naman niya.
Makalipas ang ilang sandali, itinigil na namin ang ginagawa namin.
"Gosh, effective pala yung ginawa natin." sabi niya habang nakatingin sa salamin. Tumango lang ako sa kanya. Inaya ko na siyang matulog, inaantok na rin kasi ako dahil sa kakaiyak namin kanina.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top