Lesson 28: Liar*
ALTHEA JEANELLE'S POV
"Lan?"
"Oh, bakit parang gulat na gulat ka diyan. Ano, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya habang natatawang nakatingin sa akin.
"A-ah, ayos na ako." sagot ko naman sa kanya.
"That's good to hear." -Lan
Napatingin ako sa may bintana, mataas na pala ang sikat ng araw.
"Uhm Lan, anong oras na?" tanong ko sa kanya.
"Almost 1 pm na." sagot niya habang nakatingin sa wrist watch niya.
Napahawak naman ako sa tiyan ko, hindi pa pala ako nag-aalmusal. Tapos late pa ata akong makakapaglunch.
"Ginugutom ka na ba? Gusto mo bang bilhan kita ng pagkain?" -Lan
Tumango lang ako. Gutom na ako. Nagwawala na nga ang mga alaga ko sa tiyan.
"Sige, dito ka muna. Bibili lang ako saglit ng makakain mo." sabi niya sabay tayo.
Pero hindi pa siya nakakalabas ng pinto ay pinigilan ko siya.
"Lan." tawag ko sa kanya.
Napalingon naman siya sa akin at parang nagtatanong kung bakit ko siya tinawag.
"Paano pala ako napunta dito? Kanina kasi---- Ah basta, paano?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti muna siya bago sumagot sa tanong ko.
"Nakita kita kanina sa may soccer field. Naglalakad ka na nun palayo kaso bigla kang nawalan ng malay. Buti na lang at nasalo kita. Nung bubuhatin sana kita papuntang clinic, may pumigil sa akin at sinabing siya na raw ang magdala sa'yo dito. Sa pagkakaalala ko, briton yung lalaki. Pero sabi ko, ako na, kaibigan mo naman ako. Pumayag naman siya na ako na ang magdala sa'yo dito kaya nandito ka na ngayon. Sabi nga kanina ng nurse, baka kaya ka daw nawalan ng malay ay dahil sa stress. Kaya ikaw, wag mo masyadong i-stress ang sarili mo, arasso?" mahaba niyang sagot sa tanong ko.
Tumango ako bilang tugon sa tanong niya at ngumiti. Ngiting hindi man lang umabot sa mga mata ko. Pagkatapos nun ay lumabas na siya. Pagkalabas niya, napabuntong hininga ako at napapailing na lang sa nangyari kanina lang. Kinapa ko ang aking bulsa at kinuha ang isang kwintas, kwintas ng pinagsamang simbolo ng Rose Class at Regular Class.
"Orlando, paano mo nagawang magsinungaling sa akin?" bulong kong sabi.
Paano niya nagawang itago sa akin ang katotohanan? Pinagkatiwalaan ko siya, pero ito pa ang ginawa niya. Itong kwintas na hawak ko, ebidensiya na nanggaling nga ako sa lugar na iyon, lugar kung saan ko nakita ang mga simbolo at iba't ibang pangalan ng tao.
Naiinis ako sa sarili ko, ang bilis kong ma-figure out kung nagsisinungaling ba ang isang tao o may itinatago ito mula sa akin. At dahil sa katangian kong iyon, nagsimula akong kamuhian ang mga nagsisinungaling.
I hate liars. Pero mukhang sa lugar na ito, punong-puno ng mga ganitong klase ng tao. Kahit ang mga taong nakakasalamuha ko, alam kong may inililihim sila mula sa akin. Napangiti ako ng mapait, mukhang ganito na talaga ang kapalaran ko. Ang pagtaguan ng mga bagay-bagay at ako mismo ang dapat na tumuklas niyon.
Itinago ko na lang ulit ang kwintas sa bulsa ko at nahiga ulit sa kama. Parang ayoko nang magtiwala. Dahil mismong pinagkakatiwalaan ko, may tinatago mula sa akin. Mas malala pa ay nagsinungaling siya.
Pwede namang hindi na siya sumagot, pero hindi, nagsinungaling siya. Mapapatawad ko naman siya, basta sabihin niya sa akin ang totoo at ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa.
Mapagpatawad akong tao, pero sa oras na maabot na nila ang limitasyon ko, hindi ko alam kung ano na ang magagawa ko. Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag sumobra na sa limitasyon ko ang lahat.
Tumingin ako sa bintana, nakakabaliw namang mag-isa dito. Ang dami-dami kong naiisip. Babangon na sana ako para lumabas doon ng biglang lumabas ang pinto at pumasok sa loob si Lan dala ang mga pagkain.
"Ito na yung pagkain, kain kang mabuti ng tumaba ka naman. Mukha ka ng toothpick diyan." nakangiti niyang sabi habang inaayos ang pagkain sa side table.
Tumingin siya sa akin tsaka ako nginitian, pero tinitigan ko lang siya. Hindi ko kayang ngumiti gaya ng ginagawa niya. Hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya. Sa halip na titigan ko siya ng matagal, umiwas na lang ako ng tingin.
Lumapit naman siya sa akin at iniabot ang pagkain. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at kumain na. Pinapanood niya lang akong kumain kaya naman medyo naiilang ako. Hindi ako sanay na may nanonood sa akin habang kumakain.
Inalok ko siyang kumain din pero tumanggi lang siya, busog pa daw siya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi kami nag-usap dahil dire-diretso lang ako sa pagkain. Parang iniiwasan ko na makausap siya, pero hindi naman talaga ganun ang balak ko. Gutom lang talaga ako.
"Bakit naging malamig ka? Anong nangyari nung wala ako?" tanong sa akin ni Lan na naging dahilan ng pagtigil ko sa pagkain.
Napatingin ako sa kanya at tinitigan niya rin ako. Nakikipagtitigan lang ako sa kanya, pero sa huli, umiwas din ako ng tingin.
"W-wala." sagot ko tsaka pinagpatuloy ulit ang pagkain.
"Ganun ba? Kung ano man yang bumabagabag sa isipan mo, tandaan mo na lang na ang lahat ng bagay ay nangyayari dahil sa isang rason." sabi niya tsaka ngumiti ulit sa akin.
Lan, please stop smiling. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil alam kong peke ang ipinapakita mo. Tumango na lang ako pero hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. Pagkatapos kong kumain, nagligpit kami ng kalat tsaka lumabas ng clinic. Inihatid niya lang ako sa dorm at tsaka na siya umalis palayo.
Paakyat na ako papuntang kwarto na mapatingin ako sa digital clock sa may lobby. Napasapo ako ng noo ko at pinagalitan ko ang sarili ko. Sunday ngayon, bakit hindi ko nagawang bisitahin sina Dad? Bahala na nga lang, magpapaliwanang na lang ako sa kanila.
AUTHOR'S POV
Puro hiyaw ng isang lalaking nahihirapan at iyak ng babae ang maririnig sa isang silid na luma at madilim. Pinapahirapan ng tatlong lalaki ang isang di-gaanong katandaan na lalaki dahil sa pagsuway sa utos ng nakatataas sa kanila.
Huminto naman ang mga nagpapahirap ng pumasok sa loob ng kwartong iyon ang nakatataas sa kanila.
"Maybe you already learned your lesson now?" nakakatakot na tanong ng nakatataas
Hindi naman sumagot ang lalaki, tumingin lang siya rito na puno ng inis.
"You should not do any unnecessary move in my plan, you are ruining my game." galit na sabi ng nakatataas
"Please, let us go. We will follow your orders properly. Please, let us go." pagmamakaawa naman ng babae na kanina pa umiiyak.
Umiiyak siya dahil nasasaktan ang kasintahan niya. Hindi naman mapaparusahan ang kasintahan niya kung hindi ito sumuway sa utos.
"Okay, in one condition. Kill the princess, when I already gave you my signal to do so." nakangising sabi ng nakatataas.
Napahinto naman ang babae sa pag-iyak at natulala sa sinabi ng nakatataas. Hindi niya kayang gawin ang bagay na iyon dahil napamahal na siya sa prinsesa. At kung susundin man niya iyon, alam niyang hindi pa siya nakakakilos upang isagawa iyon ay nakahimlay na siya sa malamig na kabaong dahil sa mga nakapalibot na Judges sa Prinsesa.
"B-but...." sasagot na sana ang babae ng pigilan siya ng nakatataas.
"No more buts, that's an order." sabi nito sabay talikod at labas ng kwarto. Bago ito lumabas ay tumango muna ito sa tatlong lalaki at tuluyan ng lumabas ng pinto.
Pagkalabas ng nakatataas, pinakawalan naman ng tatlo ang lalaki at iniwan itong bugbog na bugbog at puno ng sugat sa mukha sa tabi ng kanyang kasintahan.
"Please, wag mo silang sundin." mahinang bulong ng lalaki sa babae.
Umiling lang ang babae. Kahit na masakit sa kanya, kailangan nilang sundin ang utos dahil kung hindi, sila rin ang mahihirapan. Ganun din ang mga pamilya nila. Dahil alam nila kung gaano kalakas ang nakatataas, ganun din ang angkan na kinabibilangan ng Prinsesa.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top