Lesson 26: His side*
ALTHEA JEANELLE'S POV
Nakakainis ang mga tao sa mundo ngayon! Hindi marunong magsabi, tago-tago ng mga bagay-bagay. Maiintindihan ko naman kung sasabihin sa akin, kaso hindi! Tahimik lang akong naglalakad pabalik ng RSU, galing ako sa resto. Kaso pagdating ko dun, bigla na lang akong nagulat sa nalaman ko.
*flashback*
Masaya akong pumasok sa loob ng resto. Ang aga ko ngang pumasok.
"Hello." bati ko sa mga co-workers ko. Tiningnan lang nila ako na parang nagtataka. Anong meron?
Binati nila ako pabalik pero parang nag-aalangan sila. Hindi ko na lang pinansin yung ginawa nila at dumiretso na sa locker ko. Pagdating ko dun, binuksan ko kaagad yung locker ko kaso wala ang mga gamit ko sa pagtatrabaho. Nasaan yung mga yun? Kaya naman nung may pumasok dun sa room na kinaroroonan ko, tinanong kaagad siya.
"Uhm, excuse me. Did you know where my things are?" magalang kong tanong sa kanya.
"Miss Jang didn't tell you?" pabalik na tanong niya sa akin.
"Miss Jang?" takang tanong ko. Wala naman akong maalalang Miss Jang na nagtatrabaho sa resto na ito.
"Miss Gelli Jang." sagot naman niya.
"Oh, I get it. What do you by she didn't tell me?" tanong ko sa kanya.
"Ask her instead. I have work to do. See you later." paalam niya tsaka siya lumabas ng room.
Weird. Kaysa naman mag-isip ako ng kung anu-ano dito, magtanong na nga lang ako para matapos na. Kaya naman dumiretso ako sa office ni Ate Gelli. I find it weird na ako lang ata ang tumatawag sa kanya ng ganun kasi Miss Jang ang tawag pala sa kanya ng mga co-workers ko dito.
Kumatok muna ako sa pintuan ko tsaka pumasok. Naabutan ko si Ate Gelli na may mga binabasang folders. Napatingin naman siya sa pwesto ko at parang nagulat.
"Althea! What are you doing here?" tanong ni Ate Gelli habang itinatabi yung mga folders na binabasa niya.
"Para po magtrabaho?" hindi ko siguradong sagot. Paano naman ako hindi magdadalawang-isip, wala yung mga gamit ko sa locker.
"Mwo(What)? Hindi ba sinabi sayo ng baby brother ko na naka-leave ka ngayon para sa practice niyo sa concert?" nagtatakang tanong ni Ate Gelli.
Naka-leave? Practice sa concert? Baby brother? Eh? Wala akong maintidihan.
"P-po? Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kanya.
Napabuntong-hininga naman si Ate Gelli at para bang may binulong pa siya pero hindi ko narinig iyon dahil sobrang hina.
"Ganito kasi yun, my baby brother, Ezekiel, asked me kung pwede ba kitang bigyan ng leave for a while dahil kailangan ka nila sa concert. And I answered yes to him. Akala ko nagpaalam muna siya sayo bago siya pumunta dito. So I'm expecting na walang darating na Althea at tanging Adrian lang muna, for now." -Ate Gelli
"Mwo(What)?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.
"Pahinga ka na lang muna ngayon, Althea. Baka next year na ang balik mo dito." nakangiting sabi ni Ate Gelli.
Nginitian ko na lang din sila. Kaso naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong pilit yung ngiti ko. Kaya naman lumabas na lang ako ng resto ng nakasimangot.
*end of flashback*
Nakakairita talaga. May nakita naman akong maliit na bato kaya naman sinipa ko yun ng sobrang lakas dahil sa inis ko.
"Ouch!" rinig kong sigaw
Napatingin ako sa harapan ko, may tao pala. Sobrang sakit siguro nun, ang lakas kasi ng pagkakasipa ko. Kaso hindi ko makikila yung taong tinamaan nung bato kasi madilim sa pwesto niya. Pero sure akong babae to.
"Did you do that on purpose?" Galit na tanong nito sa akin.
Now I know kung sino yung babae, si plastic pala. Ang sagwa man ng tawag ko, yun talaga ang nakikita ko sa kanya. Masyado siyang fake.
"No, I didn't mean it. I'm sorry, okay. I'm just pissed today." sagot ko naman sa kanya.
"Liar! I know you really mean it because you're jealous to me." maarteng sagot naman ni Charm
Tsk. Wag mong sabihin na mag-aaway kami dito sa daan. May kaunting hiya pa naman ako sa sarili ko so mas mabuting lumayo na lang ako sa kanya. Kaya naman naglakad na lang ako palayo at nilagpasan siya. Pero hindi pa ako nakakalayo sa kanya, may naramdaman akong humila sa buhok ko.
"Aray!" daing ko.
Sobrang sakit ng anit ko. Hindi ako magaling sa sabunutan para lang sa kaalaman niyo. Msyadong pangbabae at pangmaarte. Kaya naman kahit masakit sa anit, umikot ako para makaharap siya tsaka ko siya sinikmuraan.
Narinig ko siyang dumaing dahil sa sobrang sakit ng ginawa ko pero hindi pa rin siya bumibitaw. Tuko ata tong babaeng to at kamukha pa niya. Hindi ako mapanglait na tao pero lumalabas ang pagiging ewan ko kapag galit ako.
Bumwelo ako ng kaunti at tsaka ko siya sinipa ng malakas. Napabitaw naman siya at napahawak sa may binti niya. Alangan naman na sa tiyan niya, hindi ko maabot yun, hawak niya buhok ko.
"You bitch!" galit na sigaw niya.
"Me? Bitch? Are you sure? I didn't do anything to you and I have no idea why you hate me that much. And you are the one who made me do that thing to you, so don't tell me that I am a bitch cause you are the one." malumanay na sabi ko sa kanya tsaka umalis.
"Beware princess!!!!" sigaw niya nung nasa malayo na ako.
I don't know why pero bigla akong napahinto sa sinabi niya. Wala namang princess ang pangalan ko pero parang pamilyar ang pangalang princess sa akin. Hindi ko na lang yun pinansin at pinagpatuloy na lang ang paglalakad. Habang naglalakad, nagsusuklay din ako ng buhok. Grabe ang pagkakasabunot sa buhok ko, ang hirap suklayin.
Pagkarating ko sa harap ng gate, sakto rin na tapos na akong magsuklay. Dumiretso na lang ako sa dorm at kinuha ko yung violin. Lumabas ulit ako pumunta ako sa isang practice room. Pwede naman kaming pumasok dito as long as wala pang tao ang nag-ooccupy nito.
Since marami namang practice room, naghanap na lang ako ng vacant. Pagkapasok ko sa loob, inilapag ko yung case sa table tsaka binuksan. Pinakiramdaman ko yung violin, malamig siya, parang walang buhay at hindi nagagamit.
"Sorry, ngayon lang ulit kita magagamit. Na-hospital kasi ako." nakangiti kong sabi habang hinihimas yung violin. Kinuha ko na lang yung violin tsaka ipwenesto ito.
Ang totoo niyan, basic pa lang ang alam ko, at ang nagturo sa akin ay si Kendrick. Sinimulan ko ng tumugtog, pero hindi ko rin tinuloy dahil sa sintunado ang pagtugtog ko.
"Need some help." napalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Lan.
"Yeah. I don't know how to play this one properly." Sabay taas ng violin na hawak ko.
"Let me tell you something." sabi niya sabay lapit sa akin at kuha ng violin.
"Instruments, parte sila ng mga musician. Sila ang bumubuo ng pagkatao ng isang manunugtog. Kaya naman, kailangang magtiwala ng musician sa sarili niya, at sa instrumentong hawak niya."
Nakangiti siya kabang sinasabi niya yan. Para bang may naaalala siya na isang masayang alaala habang hawak niya yung violin.
"I remembered someone said that to me nung nag-give up ako sa pagtugtog ng violin." sabi niya sabay tingin sa akin.
"Is that someone very important to you?" tanong ko. Dahil base sa pagsasalita niya, parang napakaimportante ng taong iyon.
"Yes. Actually pinsan ko siya. Nung mga bata pa kami, siya lagi ang kasama ko at kalaro. Actually, kaming magpipinsan ang palaging naglalaro. Kaso bigla na lang siyang naglaho." malungkot niyang sabi.
Hindi ko alam pero gusto ko siyang i-comfort. Nalulungkot din ako katulad niya. Kaya naman sa halip na tanungin ko kung sino ang taong iyon, niyakap ko na lang siya. I can feel that his body stiffened.
"This is the only thing I know I can do to comfort you. Kung nasaan man ang pinsan mong yan, alam kong na-mimiss ka na rin niya." nakangiti kong sabi sa kanya.
Nginitian niya lang din ako.
"So, where are we? Ah, right. Ang violin, dapat tinutugtog mo siya ng buong puso. Katulad din ng pagtugtog mo ng bass." sabi niya sa akin.
"And dapat, hindi ka matakot na magkamali. Trust yourself and this violin. You two have connections since ikaw ang owner ng violin na ito."
Tumango lang ako. Tinuruan niya rin ako kung paano ang tamang posture kapag tutugtog. Tamgn paghawak ng violin at marami pang iba. Nalilibang nga ako sa pagtuturo niya. I am very happy today at unti-unting nawawala yung inis dahil sa ginagawa ko ngayon.
"Thank you." yun lang ang nasabi ko kay Lan. He's so helpful and kind. And that is the only thing that I know that I can do in return to him. Maybe next time, kapag nakahanap ako ng tyempo, ako naman ang tutulong sa kanya. Sa ngayon, nagpapasalamat ako ng sobra dahil tinutulungan niya akong matuto.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top