Lesson 22: Audition Day*
ALTHEA JEANELLE'S POV
Nakabusangot akong pumasok sa room namin. Hinahanap ko kasi kaninang umaga pagkagising ko yung sketchbook ko pero hindi ko pa rin nahahanap. Saan ko kaya nalagay yun? May kailangan kasi akong nakalagay doon.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang room. Pagpasok ko dun, nakita ko si Lan na ang layo ng tingin kaya naman nilapitan ko ito.
"Lan." agaw pansin ko sa kanya.
"Oh, Althea, hi." nakangiting bati niya.
Bakit ba hindi nagsasawang ngumuti ang taong to?
"Hello. Ang layo ng iniisip natin ah." -ako
"Hindi naman, bored lang talaga ako." -Lan
"Ahy oo nga pala." sabi ko ng may maalala ako.
"Ano yun?" tanong sa akin ni Lan.
Inabot ko sa kanya ang isang paper bag na bitbit ko.
"Ano to?" -Lan
"Coat mo. Thank you pala kahapon." nakangiti kong sabi
"Ah yun ba? Wala yun. Gusto ko lang tumulong. Alam mo naman, nakakadagdag pogi points yung ganun." sabi niya sabay pogi sign.
"Argh, ayos na eh, ayos na talaga. Dinagdag mo pa yung gwapo ka. Tsk. Saang parte Lan? Saan? Dali turo mo sa akin, baka sakaling magbago ang pananaw ko." sarkastiko kong sabi.
Sinimangutan lang niya ako. Ang cute naman, kaso hindi. Hindi cute nakikita ko, gwapo.
"itigil mo nga yan, hindi bagay sa'yo." -ako
"Sabihin mo, nagwagwapuhan ka lang sa akin." -Lan
"Lakas ng hangin." pokerface kong sabi.
"Ha? Paanong malakas ang hangin samantalang sarado ang mga bintana at AC gamit natin." takang tanong niya.
Napasapo na lang ako ng noo ko. Ang mga taong ganito, sarap isako at itapon sa ilog.
"Joke lang. Ito naman di mabiro." nagpipigil ng tawa niyang sabi.
"Ha-ha-ha. Oo na, sige na, punta na ako sa upuan ko." paalam ko sa kanya.
"Geh." -Lan
*after classes*
Naglakad na ako papuntang Room 21, last practice namin ngayon. At kahit second day pa lang ng practice namin, masasabi ko naman na ayos na yung audition piece namin, yung composer lang ang hindi. Nagpractice lang kami buong gabi. Umabot ang practice namin hanggang 8:25 ng gabi. Pagkatapos ng practice namin, nagkayayaan kaming kumain.
Hindi pa kasi kami nagdidinner. Papasok na sana ako sa isang Korean Resto kaso bigla nila akong hinila at dinala sa isang Filipino Resto. Gusto nilang kumain ng Filipino food? Ang galing naman.
Naghanap kami ng mauupuan at sa kabutihang palad naman ay nakahanap kami agad. Ang dami kasing tao ngayon dito. Hindi ko alam kong marami ba talagang Pilipino dito o sadyang nasasarapan sila sa luto dito. Pagkaupo namin, biglang nagtanong si Minzy.
"What Filipino food are we going to order?"
"I want bulalo. Oh sweet corn." nakangiting sabi ni Bom. Mas gusto niya yung sweet corn na nakalagay sa bulalo kaysa sa mismong baka.
"Hmm. I want vegetable for today." -CL
"Then pinakbet would do." nakangiti kong sabi sa kanya
"Okay. I want that one." -CL
"What is di-dinu-dinuguan?" nahihirapang tanong ni Minzy.
Nakatingin kasi siya sa menu at mukhang nakaagaw pansin sa kanya yung putahe na yun.
"How to say this. Dinuguan is--- *sigh* something with blood." -ako
Napangiwi na lang sina Minzy at Bom. Si CL naman, poker face naman.
"I will go with what Bom want." -Minzy
Tinawag na lang namin yung waiter at sinabi yung order namin.
"Two bulalo, one pinakbet and one bicol express." sabi ko dun sa waiter pagkalapit niya.
Inulit ng waiter namin at tsaka umalis. Gutom na ako. Nagkwentuhan pa kami ng kaunti at hindi nagtagal, dumating na yung inorder namin. Kumain na kami. Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami agad sa dorm para magpahinga. Kailangan kasi namin ng lakas para bukas. Sana naman makapasok kami.
AUTHOR'S POV
Friday na ngayon. Halos lahat ng estudyante ay dumidiretso sa gym ng paaralan kung saan gaganapin ang audition. Sabay-sabay na pumunta doon sina Althea, CL, Bom at Minzy. Halatado sa mukha ni Minzy na kinakabahan ito.
"Minzy, don't be nervous. Just enjoy the song, okay?" pagpapagaan ng loob na sabi ni Althea.
Tumango lang si Minzy at tsaka ngumiti. Pagdating nila sa loob, sobrang dami ng tao. Malapit na ngang mapuno ang gym nila. Napatingin ang grupo sa may entrance ng biglang magtilian ang mga kababaihan. Dumating pala ang 'The R.O.S.E.'
Ngunit nagtaka bigla si Althea kung bakit nandoon ang banda samantalang puro Regular Class ang mga nandun. Nasagot naman ang tanong nilang iyon dahil umupo ang mga ito sa upuan para sa mga judges. Parte pala sila ng mga judges para sa audition.
Bigla na lang bumigat ang tensyon sa loob dahil sa pagdating ng banda. Ang iba ay sobrang kinabahan dahil hindi nila akalaing dadating ang banda at magiging judges.
Alam ng lahat kung gaano kapili at kaarte ang mga ito pagdating sa pagpili sa mga mananalo sa audition. Marami silang napapansin na pagkakamali sa isang auditionee kaya naman todo ang pagdadasal ng iba na sana ay hindi sila pumalpak sa audition nila.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating na rin ang iba pang judge at nagsimula na ang audition. May nag-audition bilang banda, meron namang solo, may nagduet din. Ngunit lahat ng iyon ay hindi napansin ng grupo nina Althea dahil sa kaba. Hindi nila napapansin ang mga sumubok mag-audition dahil sa tumutubong kaba sa dibdib nila.
Ngunit bigla silang napatingin sa harap ng may marinig silang kumanta na isang babae. Sobrang ganda ng boses niya, sobrang taas. Hindi siya katulad ng ibang mang-aawit na puro kaartehan ang meron sa pagkanta nila. Simple lang ang pagkanta niya. Makikita mo sa kanya ang mga salitang 'magaling na mang-aawit'.
"That's Vanessa, right? The girl with a golden voice?" narinig ni Althea na sabi ng katabi niya sa kaibigan nito.
"Yes! That's Vanessa Siena. So the gossips about her is true. She really has a golden voice." sagot naman ng kaibigan nila.
"That's our classmate, right?" tanong ni Bom kay CL.
"Yes." -CL
"What a beautiful voice." manghang sabi ni Minzy
"I know." -CL
Pagkatapos kumanta ni Vanessa, nagsipalakpakan ang mga estudyante. Umakyat naman na sa stage sina Althea dahil sila ang susunod at pinakahuling auditionee.
Pag-akyat nila ng stage, napansin ni Althea na nakangiti sa kanya ang mga miyembro ng R.O.S.E. Hindi na lang niya iyon pinansin, sa halip ay kinuha na lang niya ang instrumento na tutugtugin niya at saka pumwesto sa harap ng isang mic.
Narinig niyang nagbulungan ang mga estudyante, paano ba naman, kilala rin sila sa buong Regular Class. Ang alam ng lahat ay si Althea ang tutugtog ng drums at si Minzy naman sa bass guitar ngunit nagkabaliktaran ang dalawa.
Hindi na lang nila pinansin iyon at nagsimula na silang tumugtog. Ramdam sa kanila ang kaba, ngunit katulad nga ng sabi ni Althea, enjoy the song. Kaya naman in-enjoy na lang nila ang kanta at tinugtog ito ng maayos.
Ang ilan sa kanila ay nagsisimula ng umiyak. Ang iba naman ay ibinaling sa iba ang atensyon upang hindi madala sa emosyon ng kanta. Sobrang nakakaiyak ang kanta dahil sa buong puso itong kinanta ni Bom. Na para bang may malalim siyang pinanghuhugutan ng emosyon na yun.
Samantalang sina CL naman at Althea ay nagsesecond voice na lang upang hindi masapawan ang puno ng emosyong boses ni Bom. Si Minzy naman ay halatang nag-eenjoy na sa ginagawa niya. Natapos naman nila ang kanta ng matiwasay.
Nagsipalakpakan ang mga estudyante. Nag-bow muna ang grupo bago bumaba ng stage. Makalipas ng ilang sandali ay umakyat na sa stage ang 'The R.O.S.E.' dahil sila ang mag-aannounce ng mga mananalo at makakasama sa battle of the bands sa susunod na taon.
Nagtatatalon sa tuwa sina Althea dahil nakapasok sila. Sobrang saya nila. Aalis na sana sila kaso may pahabol na sinabi ang banda.
"Do you guys know the popular internet artist?" -Ryoji
"Oh is that Lena?" -Shiki
"Yes, that's Lena. Did you guys know that she is here right now? Standing somewhere and listening to us?" -Oliver
Mapalingon ang apat sa stage at si Althea naman ay halos mawalan ng kulay sa mukha dahil sa rebelasyong nangyayari sa stage ngayon. Nakita niyang may nilabas na bass guitar si Ezekiel.
"Woah. That's Lena's bass guitar right?" tanong ng babaeng katabi nila.
"Yes. That's true. How did they get that? Do they know who is Lena?" tanong ulit ng babaeng katabi nila
"Maybe." sagot naman ng kaibigan nito.
"Miss Lena girl, come out already, or else I will destroy this beautiful bass guitar of yours." -Ezekiel
Napasinghap naman ang mga nakarinig ng sinabi ni Ezekiel. Samantalang si Althea ay hindi alam ang gagawin.
"Naku! Paano niya nakuha yun? Binilinan ko naman sina dad at mom, pati na rin si Kendrick na huwag na huwag ibibigay kahit kanino ang mga instrument ko ah. Aish! Bahala na nga lang." bulong ni Althea sa sarili niya.
Nakita niyang itinaas ni Ezekiel ang bass guitar at parang naka-ready na itong wasakin ang intrumento. Wala sa sariling napasigaw siya.
"Stop! Please!" napakalakas niyang sigaw na nakaagaw atensyon ng mga estudyante.
Napatingin naman ang mga ito sa kanya at nakita niyang ngumisi si Ezekiel.
"Uh-oh, hindi maganda ito." mahinang bulong ni Althea sa sarili niya.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top