Lesson 20: New Found Friend *Part 2**

ALTHEA JEANELLE'S POV

Nag-start ang klase namin na ang katabi ko ay si Lan. Hindi naman siya ganun kadaldal na katabi kaya naman nakapakinig ako ng maayos kanina nung nagdiscuss ang professor namin.

Pagkatapos ng mga subjects namin dun, dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at nagpaalam na kay Lan na aalis na ako.

Habang naglalakad ako papuntang pinto, narinig kong may tumawag ng pangalan ko pero hindi ko yun pinansin at sa halip ay dire-diretso lang sa paglalakad.

Nakalabas na rin ako sa pinto pero may makulit pa rin na tumatawag sa pangalan ko. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

Napalingon lang ako sa tumatawag sa akin ng bigla niyang hilahin ang braso ko kaya napilitan akong humarap sa kanya.

"Anong problema mo?" inis na tanong ko sa kanya.

"S--so--" utal-utal niyang sabi

"Ano?!" inis ko ng sigaw sa kanya.

Feeling ko nagp-pms ako. Sorry, ayaw kong pagbuntunan ka ng kabaliwan ko pero nagawa ko na.

"Mianhaeyo." sabi niya habang nakayuko sa harap ko pagkatapos niyang huminga ng malalim.

Tinitigan ko lang siya. Tinitigan lang din niya ako.

"Totoo ba yan?" pagtataray ko

"Syempre naman." sagot niya

"Okay." sagot ko tsaka ako naglakad palayo.

Bahala na siyang intindihin ang sinabi ko.

"Bati na tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin habang nakasunod sa akin.

"Alam mo para kang si Rob, ang bagal umintindi." sabi ko sabay lakad palayo.

Bastusing bata ba? Hindi naman, pms lang. Confirm na talaga.

"So kumusta ka na?" -Adrian

"Ito, nandito sa tabi at humihinga pa." sagot ko sa tanong niya

"Okay. Kumusta ang bagong kaibigan?" -Adrian

"Ayos lang naman si Lan.. Lan... Ano na ulit yung apelyido niya?" sabi ko sabay sa kanya.

"Lan Wong."

Oh, Lan Wong. Chinese na chinese ang pangalan.

"Full chinese ba siya?" tanong ko kay Adrian

"Sa kanya mo na lang tanungin."

Ang sama naman.

"Bahala ka na nga diyan." sabi ko sabay lakad ng mabilis.

Malapit na ako sa garden ng may biglang tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako sa pinaggalingan nun.

"Althea!!!" masayang tawag sa akin ni Bom.

Remember the three girls na nakasama kong tumugtog sa music room? Sila yung tumatakbo ngayon papalapit sa akin.

"Waah!!! We miss you Althea!!" sabi sa akin ni Minzy sabay yakap.

Ang higpit ng yakap niya.

"Hey. Stop hugging her tight." awat naman sa kanya ni CL.

Kumalas naman sa pagkakayakap si Minzy.

"Althea, how are you?" tanong ni Bom

"I'm fine already."

"By the way Althea, the band audition will be on Friday. Are you ready for that day?" -CL

"Audition?" nalilitong tanong ko sa kanila

"Yup, audition. We are one of the auditionees there because I already registered us last week." -Bom

"W-wait. You mean the audition will be on Friday, but we don't practice yet." -ako

"Don't worry. I know that you can easily catch up. The only problem is that, you are still not allowed to play drum. It will make you exert force." -Minzy

"If that's the case, then you will be the one to play the drums and I will be the one who will play the bass guitar." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Me? Play the drums? I think I can't do that." -Minzy

"I know you can do it Minzy. Playing bass guitar is the same as playing drums. I'll teach how to play it. I know you can easily learn how to play it." -ako

Alinlangang tumingin si Minzy sa akin. Kaya naman nginitian ko lang siya. Si Bom naman ay tinapik lang ang balikat niya at si CL naman ay inakbayan siya.

"We all know that you can do it Minzy. Just trust Althea and yourself." -CL

Ngumiti na lang si Minzy na parang sumasang-ayon siya sa desisyon namin.

"Then its settled then. We are going to start the practice after class later. Room 21, okay?" -CL

Tumango lang ako at umalis na sila pagkatapos nun.

Room 21, ang layo naman. Pero di bale, hindi na lang ako mag-iinarte. Magtyaga na lang ako, para naman hindi nakakahiya sa kanila at para makabawi ako. At isa pa pala, hindi ko natanong kung anong kanta yung tutugtugin namin. Kahit sana may background ako tungkol dun sa kanta, kaso wala na, nakaalis na sila.

"Boo!" napalundag ako sa sobrang gulat.

Napalingon ako sa nanggulat sa akin at sinamaan siya ng tingin.

"Anong problema mo?" -ako

"Wala.Lalim kasi ng iniisip, nagulat ka tuloy." cool lang niya na sagot tsaka umakbay sa katabi niya.

"Whatever." sabi ko sabay lakad palayo.

"Hey. Stop!" sabi niya sabay yakap sa akin patalikod.

"A-ano ba? Lan, bitawan mo nga ako." nahihiya kong sabi sa kanya. Pinagtitinginan na kami.

"There is a flag of Japan, Althea. Wear this." sabi niya sabay sa akin ng coat niya.

Akala ko pms lang ako, meron na pala talaga ako.

"Sa-salamat." nahihiyang pagtanggap ko dun sa coat niya.

Napatingin ako sa taong nasa likuran niya. Nakangisi ang loko.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?" nakasimangot kong tanong.

"Wala. Punta ka na ng dorm niyo, magpalit ka na." -Adrian

"Hmp." tsaka ako nagmartsa palayo. Narinig ko pang nagtawanan ang dalawa. Mga bastusing bata.



SHAINA'S POV

Naglalakad ako pabalik ng dorm, may babalikan kasi ako. Hindi naman sa nakalimutan ko siyang dalhin, sadyang iniwan ko lang yun kasi mabigat at tsaka mamaya pa namin gagamitin kaya pwedeng-pwedeng balikan.

May 3 hours pa ako bago ang next class ko, kaya marami pa akong oras.

Pagdating ko sa room namin ni Althea, nagulat ako kasi may babaeng naka-bathrobe na nakaupo sa kama ni Althea. Sino tong babaeng ito?

I don't know whoever she is. Ang masasabi ko lang, hazel brown ang buhok niya at maputi siya dahil nakatalikod siya sa akin.

"Who are you?" tanong ko kaagad dun sa babae.

Humarap sa akin yung babae at nagulat ako ng makilala ko kung sino yung babae.

"Althea?" takang tanong ko.

"Yes? Bakit? May problema ba? Bakit para kang nakakita ng multo diyan." nakasalubong ang kilay na sabi sa akin ni Althea.

Dali-dali akong tumakbo sa kanya at dinamba siya ng yakap.

"Yah! I really miss you Althea! I really do. Sobrang boring nung wala ka dito." parang batang nagsusumbong kong sabi sa kanya.

Tumawa lang siya ng mahina sa sinabi ko.

"By the way, how are you? What happen to your hair? Bakit yung straight black hair mo naging curly hazel brown ngayon?" dire-diretso kong tanong.

"Hindi halatang miss mo na ako noh? Isa-isa nga lang ang tanong. Magbihis muna pala ako." sabi niya sabay kuha ng mga damit niya at dumiretso ng cr sa labas.

Pagbalik niya, nakaayos na siya.

"So, ano na?" -ako

"I'm fine already. Magaling na rin yung sugat ko. Pero bawal pa rin akong magpwersa ng sobra dahil baka magdugo ang sugat ko. At itong buhok kong ito? Kagagawan to ng magaling kong kapatid." nakasimangot niyang sagot.

"Bakit ka malungkot?" -ako

"Ayaw ko ng ganitong buhok. Nagmumukha akong maarte na ewan." naiirita niyang sagot.

Tinawanan ko lang siya.

"Kanina niyo pa ako pinagtatawanan ah. Anong nakakatawa?" -Althea

"You." -ako

Tiningnan niya lang ako.

Sa halip na magsalita pa ako, niyakap ko na lang ulit siya.

"Grabe, nakakamiss ka Althea. Ang daming nangyari sa loob ng isang linggo. Mga pangyayaring hindi ko akalaing mang-mangyari." pagkasabi ko ng huling salitang iyon, nagsimulang bumagsak ang mga luha ko.

"H-hey, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Althea

Sa halip na sagutin ang tanong niya, niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

"Kahit anong mangyari, nandito lang ako sa tabi mo. Dadamayan kita." pag-aalo sa akin ni Althea.

Tiningnan ko siya at hinawakan sa balikat niya.

"S-sorry. Althea, sorry." umiiyak kong sabi sa kanya.

"Bakit ka nag-sosorry?" takang tanong niya. Halata sa mata niya ang pag-aalala.

"Basta, sorry Althea. Sorry." sabi ko sa kanya tsaka ko siya niyakap ulit.

Sorry, Althea. Sorry kong naging option lang kita.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top