Lesson 19: Another High Rank*
ALTHEA JEANELLE'S POV
Sa wakas, lalabas na rin ako dito sa hospital bukas. Bored na bored na ako dito dahil buong araw lang akong nakahiga o di kaya naman ay nakaupo. Bawal ang magkikilos at magpwersa dahil baka daw bumuka sugat ko.
Hindi naman ako kagulo, magtata-tumbling lang ako dito sa sobrang bored kapag hindi ako pinagsabihan. Joke lang.
At dahil bawal akong magkikikilos ng parang ewan, nauwi ako sa pagbabasa ng mga notes na binigay sa akin ni Kendrick.
Tinanong ko nga siya kung kanino niya nakuha ito pero ang sagot lang niya ay isa sa mga kaibigan ko.
Hindi ko na lang siya kinulit kung sino kasi kilala ko din agad kung sino yung matyagang gumagawa ng notes para sa akin. Nahalata ko sa sulat.
Di bale, kapag nakabalik na ako sa university, papasalamatan ko siya ng bonggang-bongga. Ang niya kasing magsulat ng panibagong notes para sa akin.
Alam mo yung notes na nasa sa akin, 1/4 ng isang notebook. Oh diba, kay dami. Take note, makapal yung notebook. Halo-halo rin yung mga subject.
Paano kaya siya gumagawa ng sarili niyang notes? Wag mong sabihing nagpupuyat siya sa paggawa ng notes na to? Nakakahiya naman, pero thankful pa rin ako sa kanya.
Nagbasa lang ako ng nagbasa hanggang sa na-bored na rin ako at hindi ko na tinapos yung binabasa ko. Mababaliw ata ako sa sobrang bored.
Mag-isa lang kasi ako dito, walang nagbabantay sa akin. Pero binibisita naman ako nina mom at dad, ganun din si Kendrick.
Itulog ko na lang ata.
Kaya naman inayos ko muna yung pagkakapwesto ko sa kama, at tsaka na humiga. Habang nakapikit, pinagdadasal ko na sana ay hindi ako managinip ng masama at makatulog ako ng matiwasay.
BRYAN KENDRICK'S POV
Nandito ako ngayon sa classroom namin. Nakakatunganga sa kawalan habang nakaupo sa tabi ng bintana. Wala akong magawa dito, mamaya-maya pa naman ang klase.
Kanina pa ako nakatingin dito sa bintana hanggang sa may makita akong anino ng isang tao na nasa itaas ng puno at nakaharap sa akin.
Nawala tuloy ang pagiging bored ko at naging alerto pero hindi ko pinakita iyon. Tinitingnan ko yung punong kinalalagyan niya at pinakikiramdaman ko kung ako nga ba ang tinitingnan ng taong yun.
Makalipas pa ng ilang minuto, tumayo na ako at lumabas ng classroom. Pupuntahan ko yung punong yun.
Pagdating ko dun, tumingala agad ako sa taas. Pero wala akong naabutan na tao dun. Hmmm. Saan kaya pumunta yun.
Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa makarating ako sa fountain ng school. May nakita akong nakatayo dun at nakatalikod siya sa akin.
Nang makalapit siya sa akin, bigla itong humarap sa akin.
AUTHOR'S POV
Pagkagulat ang rumehistro sa mukha ni Bryan. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
"Since when are you here?" takang tanong ni Bryan
Nginitian lamang siya ng taong yun. Isang lalaki na mas matanda sa kanya.
"Is that the way you greet me?"
"Just answer my question." -Bryan
"Since Phoebe came here."
"I thought you were in China." -Bryan
"Yes, I was there last month. But something came up so we, my sister, need to go here as soon as possible."
Napaisip si Bryan sa sinabi ng lalaki.
"Something came up?" takang tanong ni Bryan
"I don't have any authority to tell you about those things. All I can say now is that we are going to stay here until everything is alright."
"So you are also going to attend RSU?" -Bryan
"Yes. But I will not let them know my identity. I will be in the regular class."
"So that means..." -Bryan
"Yes. I better go now. I just checked on you if you are doing good. And I guess you're alright."
"Bye. Take care." -Bryan
Nginitian lamang siya ng lalaki at naglakad na ito palayo. Samantalang si Bryan naman ay naiwang lito dahil sa sinabi ng lalaki.
Naglakad na siya pabalik ng classroom nila habang iniisip ang lahat ng sinabi ng lalaki kanina.
Pero isa lang ang pinakatumatak sa isip niya. Isang malaking pangyayari ang nalalapit na mangyayari kaya nandito ang lalaking iyon. Dahil hindi siya basta-basta lumilipad papuntang ibang lugar kung hindi sobrang importante iyon.
ALTHEA JEANELLE'S POV
Naalimpungatan ako dahil sa may naramdaman akong humawak sa kamay ko at humalik sa noo ko. May narinig din akong boses.
'You're already a lady now. We really miss you. Please come back already.'
Yun yung narinig kong sinabi nung boses. Pang lalaki pa nga yung boses pero hindi pamilyar sa akin yung boses. Ngayon ko nga lang narinig yung boses na yun.
Pagkamulat ng mata ko, wala naman akong nakitang tao sa loob ng kwarto. Pero bukas yung bintana. Kaya naman dahan-dahan akong bumangon at naglakad papuntang bintana.
Pagkalapit ko dun, sumilip agad ako baka kasi may makita akong tao dun, kaso wala akong nakita. Napatingin ako sa table malapit sa bintana, may papel na naiwan dun.
Nilapitan ko yun, note siya. Pero wala namang nakasulat.
Ang nakalagay lang dun ay isang symbol, isang symbol ng araw. Yung parang ethnic style na araw, ganun yung nakalagay sa note.
Sino naman kaya ang nag-iwan nito dito, at ano naman ang nais niyang iparating kaya niya ito iniwan?
Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip tungkol dun sa note na yun, kaya naman kinuha ko yung notes ko at iiipit ko sana dun yung note ng may biglang pumasok na mga alaala sa isip ko na hindi ko naman alam kung saan ko nakuha.
Isang lalaki na nakangiti habang nakalahad ang kamay niya sa akin. Isang tattoo kung saan ang araw na nakita ko sa note ay parte nun. Isang magkakaibigan na masayang nagkakantahan. At isang salitang sinabi ng lalaki. 'Gkongju'
Naramdaman ko na lang ang matinding pagsakit ng ulo ko. Ito na naman, ano ba talaga ang nangyayari sa akin?
Pinilit kong bumalik sa kama ko. Malapit na ako ngunit hindi ko na kinaya at nawalan na ako ng malay.
AUTHOR'S POV
Oras na ngayon para sa pag-inom ng gamot ni Althea kaya naman may pumuntang isang nurse sa kwarto niya. Ngunit laking gulat nito ng hindi makita ang dalaga sa kama niya.
Hinanap niya ito at nakita niya itong nakahiga sa sahig kaya naman ay tinawag niya ang doktor na naka-assign sa dalaga at pati na rin kapwa nurse para mabuhat siya pabalik ng kama.
Nagsidatingan naman agad ang doktor at mga nurse. Tiningnan ng doktor ang kalagayan ni Althea. At nakahinga naman siya ng maluwag ng malamang ayos lamang ang dalaga at nahimatay lamang ito dahil sa may naalala ito.
Pinaalis na niya ang mga nurse. May nakita naman ang doctor na isang notebook kaya naman pinulot niya iyon. Pagkapulot niya dun, may biglang nahulog na note.
Nagulat siya sa nakita niya.
"A-another high r-rank." bulong niya sa sarili.
Binalik na lang niya ang note at iniwan yun sa side table. Pagkatapos nun, nagmamadali itong lumabas ng kwarto dahil hindi na niya kaya ang mga nalalaman niya.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top