Lesson 16: She has What?!*
BRYAN KENDRICK'S POV
Mag-iisang linggo na kami dito sa hospital. Matagal kasing maghilom yung sugat ni ate. Kung bakit kasi ang lalim ng pagkakabaon nung patalim sa tagiliran niya.
Buti na lang at walang masyadong nangyari na komplikado sa kanya. Sadyang naubusan lang siya ng dugo.
Makakalabas na rin si ate sa Wednesday. Saturday kasi ngayon at ako ang nakatokang magbantay kay ate. Since wala naman akong pasok.
Ayos lang sa akin na ako ang magbantay kay ate. Kaso may mga magugulong sumama sa akin. At si ate naman, mukhang nag-eenjoy makasama ang mga ugok na 'to.
Nagpumilit kasi na sumama sa akin yung mga kabarkada ko. Naaalala niyo pa ba yung mga kasama kong pumunta sa bahay dati para magpraktis sana kaso naabutan kami ni ate at sobra ang galit niya sa akin that time dahil ang kalat ng music room niya.
"Earth to Bryan!" sigaw ni Xavier na nagpabalik sa akin sa katinuan.
"What?" naiirita kong tanong.
"Your noona wants to eat. She keeps asking us to buy food for her since you are not listening to her." masungit na sagot ni Simon
I just sigh at lumapit na ako sa ate ko.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko dito
Tiningnan lang niya ako. Eh? Malalaman ko ba ang gusto niyang kainin kung titingnan lang niya ako.
"Ano na?" tanong ko ulit sa kanya.
"Gusto ko ng---" -Ate Jeanelle
"Ng?" -ako
"Gusto kong kumain ng inihaw na isda." Napasapo ako sa noo ko.
Sinasabi ko na nga ba. Sa oras kasi na bumalik ang trauma niya, halos lahat ng gusto niyang kainin ay inihaw. Kung hindi inihaw, prito naman. Ayaw niya ng may sabaw, pati na rin sweets, ayaw niya rin.
Samantalang kapag normal naman siya, ayaw na ayaw niya ng inihaw at mga pritong pagkain.
"Saan naman ako kukuha nun?" tanong ko sa kanya.
"Ipagluto mo na lang ako." Nakangusong sabi niya.
"Di ako marunong magluto."
"Kendrick naman eh, ngayon lang." pangungulit niya
"Di nga kasi akong marunong magluto. Iba na lang." sabi ko sa kanya
"Sige na nga. Ano na lang, ahhmm..." nag-iisip niyang sabi.
"Ano?" naiinip kong tanong. Ang tagal mag-isip. Ang dami namang pagkain na pwedeng bilhin.
"Alam ko na! Bilhan mo na lang ako ng ramen at tsaka kimchi."
Tiningnan ko na lang siya ng masama.
"Ate seriously, maanghang ang kimchi. Bawal sa'yo yun dahil sa sugat. Kung gusto mong makaalis kaagad dito, wag na yun." mahabang litanya ko sa kanya.
Napasimangot naman siya.
"Ramen na lang kung ganun. Bilhan mo na rin ako ng capuccino. Salamat." nakangiting sabi ni ate.
"Okay." sabi ko dito at lumabas na ng pinto.
Pero hindi pa ako nakakalabas, may biglang sumama sa akin.
"Sama na ako sa'yo Bryan." sabi ni France.
Tumango na lang ako at sumunod siya sa akin. Bumili na lang kami sa pinakamalapit na bilihan ng pagkain.
Ayoko naman bilhan ng pagkain si ate sa hospital. Hindi naman sa wala akong tiwala sa hospital na yun, sadyang yun na yung nakasanayan naming pamilya kapag may nahohospital sa amin.
Nang makarating kami dun sa shop, nag-order na lang ako.
Habang naghihintay ng order, biglang nagsalita si France.
"Parang may naaalala na siya, wangja."
Napalingon ako ng wala sa oras sa kanya.
"Hindi natin yan masasabi France. Pero malalaman din natin yan. Hindi nga lang ngayon." seryosong sai ko dito.
"Pero wangja, nag-aalala ako sa maaaring maging reaksyon ni gkongju sa oras na malaman na niya ang lahat." -France
"Kahit naman ako France ay ganun ang nararamdaman. Umaasa lang ako na sana, maintindihan niya ang lahat." -ako
Nahinto ang pag-uusap namin ng dumating na yung order namin. Kinuha ko na lang iyon at naglakad pabalik sa hospital.
ALTHEA JEANELLE'S POV
Ang tagal naman ni Kendrick, gutom na gutom na kasi ako. Bakit kasi ang daming bawal kapag nahospital ka. Nakakainis. Sa tingin ko, second time ko pa lang nahohospital. Yung first time ay yung---
Wag na nating pag-usapan yun. Ayoko nang maalala yung pangyayaring yun.
Nung nagising ako last time dahil sa panaginip na yun, nagsimula akong kainin ng takot.
Mas lalo pa akong natakot ng makita ko si dad. Paano naman kasi, si dad yung lalaki sa panaginip ko. Yung pumatay dun sa babae. Yung tumawag sa akin na princess sa panaginip.
Pero ang nakapagtataka, bakit kasama sa panaginip ko si dad?
At ito pa ang nagpapalito sa akin, narealize ko lang 'to kahapon nung naalala ko ulit yung panaginip na yun.
Yung batang lalaki ay si Kendrick at ang batang babae ay ako.
Nung una nga ayaw kong maniwala sa sarili ko. Pero nung nakita ko yung picture ko nung bata ako, masakit man tanggapin ay ako nga talaga yun.
Napapaisip tuloy ako, baka naman memories ko yun nung bata pa ako. Wala kasi akong maalalang memories ko nung 5 years old ako. Nagsimula lahat ng memories ko nung 6 years old na ako.
Pero bakit yung babaeng yun ang tinawag kong mom? Samantalang ang mom ko ay may pangalang Di---
What?!
"Hey Althea-noona. What happen? You look so pale." alalang tanong ni Simon.
Umiling lang ako. pero sa loob-loob ko, sobra na akong nalilito.
Ano ba talaga ang totoo? Kailangan kong magkaroon ng time na mahanap ang sarili ko.
Naramdaman ko na lang na biglang sumakit ang ulo. No, not again.
"Ate!!" yan ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.
AUTHOR'S POV
Nakabalik na sina Kendrick at France sa kwarto ng ate niya. Ang naabutan niya dun ay umiiling ang ate niya.
Nilapag niya yung binili niyang pagkain sa table katabi ng kama ng ate niya dahil kakainin naman ito nito.
Pero nagulat siya ng bigla na lamang napahawak sa ulo niya ang ate niya at biglang nawalan ng malay.
"Ate!!" sigaw nito.
Dali-dali namang timawag ni France ang mga doktor. Makalipas lang ng ilang sandali ay nagsidatingan na ang mga doktor at tiningnan ang kondisyon ng ate niya.
Pagkatapos naman nilang i-check si Althea, ay humarap ito kina Kendrick.
"How is she?" nag-aalalang tanong ni Kendrick
"She's okay. Right now, she needs to take a rest. And this things are normal for her." nakangiting sagot ng doctor
"Normal for her?" takang tanong ni Kendrick
"According to the results of the tests that we conduct on her, she has amnesia. And this scene was normal because she is starting to remember everything. But it will take her long time to recover all her memories."
Nagulat naman ang mga kabarkada niya, maliban kay France na nakatitig lang.
"She has amnesia?" takang tanong ni Xavier.
Tumango lang si Kendrick.
"Uhm Doc, could you please keep this one as a secret to our parents. This amnesia thing." nakikiusap na sabi ni Kendrick sa doktor
"Why would I do that? Isn't your parents should know this things and be happy about it?" takang tanong ng doktor.
"Tsk. Shut your mouth. You should obey him. You lowly creature." sabat naman ni France
Nagulat ang doktor sa inasal ni France. Sasagot na sana ito ng biglang magtanggal si Kendrick ng jacket niya at may pinakita sa doktor.
"I know you know this tattoo well. Specifically this kind of tattoo. Now, can I trust you in this matter?" tanong ulit ni Kendrick matapos ipakita ang tattoo niya.
Nanginginig na sumagot ang doktor.
"Yes w-wangja."
"One more thing, do not also tell anyone about my real identity, get it?" seryosong tanong ni Kendrick.
"Yes wangja." sabi nito sabay yuko.
"Good. You can go now." he said dismissively.
Umalis naman ang doktor. Sina Xavier naman at Simon ay parang natulala sa nakita nila.
"W-wangja?" sabay nilang tanong
Napasapo naman sa noo niya si Kendrick. Sa isip-isip niya, panibagong problema na naman ito.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top