Lesson 14: Nightmare*

ADRIAN'S POV

Maaga akong gumising at naghanda na para pumasok. I woke up early because hindi naman talaga ako nakatulog. I really don't know why pero hindi ako binisita ng antok kagabi.

Pakiramdam ko ay may nangyaring hindi maganda. And I have no idea kung ano ang pangyayaring yun.

Tahimik na lang akong naglakad papuntang building namin. At habang papunta ako dun, nakita ko si Rob na nakaupo sa isa sa mga bench na malapit sa building namin kaya naman nilapitan ko ito. Pero nagulat ako ng malapitan ko na siya.

"What happen to your face, bro?" tanong ko kaagad dito, wala ng bati, basta tanong agad.

Aba, sinong hindi magagaya sa akin. Your friend 'daw' ay puro pasa ang mukha at tadtad ng band aid ang kamay at mukha. Wag mong sabihing nakipagbugbugan 'tong lalaking to? Lampa naman pala kung ganun.

"None of your business." he answered my question, coldly.

"Tsk. Why are you here then?" takang tanong ko.

"I wanna see Althea." tsk. nagtanong pa ako. Alangan naman Adrian, sino pa ba ang hahanapin ng ugok na 'to? Wala iba kundi si Althea.

"Why are you looking for her?" Seryoso kong tanong kahit na hindi naman talaga ako seryoso.

"None of your business." Bastos na bata.

Sa halip na makipag-argue sa ugok na yun, I just left him there waiting for Althea.

Pagdating ko sa room namin, wala pang masyadong estudyante. Makalipas lamang ng ilang minuto ay nagsimula ng dumami ang mga estudyante sa room. Hanggang sa time na at nagsimula na ang klase pero wala pa ring Althea na nagpaparamdam.

Asan kaya yung babaeng yun? Hindi naman yung nale-late ah? Mas maaga pa ngang pumasok yun kaysa sa akin. May nangyari kaya sa kanya?

Nakaka-stress! Isinantabi ko muna yung tungkol kay Althea at itinuon ko na lang ang pansin ko sa professor namin na nagdidiscuss sa harap. Pero kahit na anong gawin kong pakikinig, wala pa ring pumapasok sa isip ko.

Nakakainis! Asan ka ba kasi Althea? Pinag-aalala mo naman ako dito eh. Itinuon ko na lang ulit ang pansin ko sa harap kahit na alam ko sa sarili ko na wala akong maintindihan kahit isa.

SHAINA'S POV

Matamlay akong naglakad palabas ng dorm. I don't have enough sleep. Wanna know why? Its because Althea didn't come back in our dorm last night.

I waited for her for almost 6 hours but gaahh! She did not come back and worst she did not even bother to call or text me!

Nag-aalala na ako para sa kanya. Sana naman ayos lang siya.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa bigla na lang akong napatalon sa gulat. Nilingon ko ang walang hiyang nanggulat sa akin. At ng makita ko kung sino yun ay parang nawala lahat ng inis ko dun.

Sa halip ay napalitan iyon ng pity. Paano ba naman kasi puro bruises at cuts ang mukha niya, para siyang binugbog.

Kaya naman napayakap ako sa kanya. Naaawa talaga ako sa taong to.

"What happened to your face, Trace?" nag-aalalang tanong ko dito

Nginitian lang niya ako, isang malungkot na ngiti.

"This? Nothing. Don't mind me." sagot niya sa akin tsaka kumalas sa pagkakayap.

Napasimangot na lang ako bigla, bakit ba kasi ayaw niyang sabihin sa akin? Hindi naman ako bad girl ah, good girl kaya ako.

"Hey, don't be sad okay? Something came up last night and I need to deal with it." sabi niya saka kiss sa forehead ko.

Napapaisip tuloy ako, ano ba ang status naming dalawa? Wait! Why am I thinking about that thing? I should not be thinking about those kind of things.

***

Matatapos na ang buong maghapon pero wala parin akong text o tawag na natatanggap mula kay Althea. Nag-aalala na talaga ako.

At dahil sa sobrang pag-aalala ko, nandito ako ngayon sa harap ng G.O. at magtatanong kung may alam ba sila sa nangyayari ngayon kay Althea.

Kumatok muna ako tsaka pumasok. Nakangiti akong binati yung counselor at sinabi dito ang pakay ko.

"So you're looking for Ms. Cruz, right? She can't attend school for now because she's confined in the hospital."

What?!

ALTHEA JEANELLE'S POV

Napamulat ako ng mata ko. Puro puti lang ang nakikita ako. Siguro nasa hospital ako.

Pero napabangon ako bigla dahil hindi naman mukhang hospital ang nakikita ko. At tama nga ako, hindi nga ito hospital. Nasa isang garden ako.

Ang tahimik ng buong lugar, pero sa malayo ay may naririnig akong umiiyak. At parang nagkaroon ng sariling pag-iisip ang paa ko dahil naglakad ito papunta sa lugar kung saan nagmumula ang iyak.

Kung hindi ako nagkakamali, iyak yun ng isang batang lalaki. Naglakad pa ako ng kaunti at napahinto ako sa kinatatayuan ko. Para akong nanigas dito.

Yung batang lalaki, umiiyak siya dahil sa takot. Takot sa taong ngayon ay hawak siya at may hawak na baril.

Iyak lang ng iyak yung batang lalaki. Biglang napalingon sa pwesto ko yung batang lalaki.

"Noona!" sigaw nito.

Dahil sa pagsigaw niya, nataranta ako. Paano ba naman ay biglang lumingon sa pwesto ko yung lalaking may hawak ng baril.

Pero mas nagulat ako ng may biglang sumulpot na batang babae mula sa likuran ko at nagtatatakbo papunta sa batang lalaki tsaka niyakap ito.

"Noona! *hik* I'm scared." iyak ng batang lalaki sa batang babae.

"Hush now little brother, Noona is here for you." pagpapakalma nung batang babae sa batang lalaki.

Nagulat ako ng biglang itutok ng lalaki ang baril na hawak niya sa dalawang bata. Pero hindi nagpatinag ang batang babae at iniharang niya ang katawan niya sa bunso niyang kapatid.

"Don't you dare hurt my brother! Old hug!" sigaw nito sa lalaki.

At para namang nairita ang lalaki dahil lalapitan sana niya ito ng biglang may sumipa sa kanya mula sa likuran. Isang di-katandaang babae ang sumipa dito.

Naglaban ang dalawa. Makikita mo na mahusay ang dalawa sa pakikipaglaban dahil pareho nilang naiilagan ang atake ng bawat isa.

Pero kinakabahan pa rin ako dahil sa sitwasyon ng dalawang bata. Baka kasi madamay pa sila. Kaya naman dali-dali akong lumapit sa dalawa at inilayo sila doon.

Nagpupumiglas naman ang dalawa.

"Waah!!! Divine-unnie, let me go! I need to save eomma!" sigaw ng batang babae habang nagpupumiglas ito.

Divine-unnie? Hindi naman Divine ang pangalan ko ah. Di ba Althea ang pangalan ko?

Nahinto ang pagmumuni ko ng makarinig ako ng putok ng baril.

Natulala ako at dahil dun ay nabitawan ko ang dalawang bata. Nagtatakbo ang dalawa pabalik sa pinanggalingan namin kanina.

"Eomma!!!" iyak ng batang babae.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko. Yung babae kanina. Yung nakikipaglaban kanina, nakahandusay na siya ngayon sa lupa at naliligo sa sarili niyang dugo.

Biglang lumingon sa pwesto ko yung lalaking may baril at naglakad papalapit sa akin. Ewan ko pero hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. At nagulat ako sa sumunod na ginawa nung lalaki. 

Bigla na lamang niya akong niyakap at hinila papalabas ng lugar na iyon. Isinama din niya ang dalawang bata. Pareho itong nawalan ng malay dahil sa nakita nila kanina.

Patuloy lang kami sa pagtakbo palayo ng may narinig akong putok ng baril.

"Divine!" sigaw sa akin ng lalaki. 

Dun ko lang narealize na nabaril pala ako. Unti-unti akong natumba sa lupa.

Pero nagulat ako ng hindi ako natumba sa lupa kundi dire-diretso akong nahuhulog sa bangin.

"Ahh!!!" sigaw ko habang patuloy pa rin ako sa paghulog. Napapikit na lang ako ng madiin at hinihintay ang malakas na pagbagsak ko.

Pero ilang minuto na ang nakakalipas at wala akong maradaman na pagbagsak ko hanggang sa napamulat ako.

Namangha ako, nasa isang rose garden ako. Puro puting rosas ang makikita mo rito. Ngunit napukaw ng atensyon ko ang isang pulang rosas na nakatanim sa gitna ng garden. Lalapitan ko sana ito ng biglang may lumitaw na isang puti lobo.

Anong ginagawa ng isang lobo dito? Tinititigan lang ako ng lobo at biglang nagbago ang anyo nito at naging isang babae.

Sandali lang, siya yung babaeng nabaril kanina ah. Dahan-dahang lumapit ang babae sa akin. Hinawakan niya ang kamay ako.

"Daughter." sambit nito sa akin.

Nangunot na lamang ang noo ko.

"My sweet daughter." sabi nito at may tumulong luha sa mata niya. Pero kakaiba ang luhang iyon dahil kulay pula ito.

"My sweet daughter. Please do remember me. Do not forget my existence in your world. I know that you can't understand me right now, but I know that someday you will. Always put on your mind and heart that I love you so much and I did everything for you and your brother. Please do remember also that I am always by your side no matter what happen. I will guide you and protect you. Till next time my princess. I love you."  sabi nito habang umiiyak at unti-unting naglaho.

Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na namamasa ang mata ko. Umiiyak na pala ako. Hindi ko alam pero nasasaktan ako ngayon dahil sa paglaho ng babae kanina. Ano ang relasyon ko sa babaeng yun at ganito na lang kasakit ang dulot ng paglisan niya?

Nakita ko ulit ang pulang rosas sa gitna ng garden. Naglakad ako papalapit doon at sinubukan kong hawakan ito, pero hindi ko pa nahahawakan ito, may isang lalaki kaagad ang humawak sa kamay ko.

"No." pabulong ngunit may diin niyang sabi sa akin.

Tiningnan kong mabuti ang mukha nung lalaki pero malabo ito. Pero kahit malabo ang mukha nung lalaki, alam ko sa sarili ko na kilala ko ang lalaking ito dahil napaka-familiar ng postura niya.

Hindi ko siya pinakinggan at sa halip ay hinawakan ko ang pulang rosas. Nagulat ako ng bigla na lamang itong natuyo at unti-unting nalalagas. Pagkalagas ng huling petal nito ay nagsimulang gumapang ang mga tinik nito papunta sa akin.

Tatakbo na sana ako ngunit huli na ang lahat nakapulupot na sa akin ito. 

"A-ahh!!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Bumabaon ang mga tinik nito sa laman ko. Nakikita ko rin na umaagos na ang sarili kong dugo.

Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko dahil sa dami ng dugong nawawala sa akin. May narinig akong bungisngis sa gilid ko kaya napatingin ako doon.

Nagulat ako sa nakita ko. Siya? Anong ginagawa niya dito?

Nakita kong ngumiti siya. Isang malademonyong ngiti.

"Dapat lang yan sa iyo." puno ng poot niyang sabi sa akin

"N-no." hirap kong sabi sa kanya

Bakit siya galit sa akin?

"Die now, princess! Die!!!" sigaw ng isang tao sa likuran niya pero hindi ko ito maaninag dahil nanlalabo na talaga ang paningin ko.

"N-no!! no!!! no!!!" tuloy-tuloy kong sigaw.

Patuloy lang ako sa pagsigaw.

"Ate! Gumising ka ate! ate!"

"No!!!" sigaw ko bago ako tuluyang magising.

Hingal na hingal akong napabangon biglang pero napahiga din ako agad dahil sa naramdaman kong kirot sa tagiliran ko.

"Ate, ayos ka lang? Nananaginip ka." alalang sabi sa akin ni Kendrick

Nginitian ko na lang siya. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Makalipas ang ilang oras ay may pumasok na mga doctor at nurse at tiningnan ang kalagayan ko.

Napapaisip na lang ako. Bakit ganun ang napanaginipan ko? Bakit parang totoo ang mga ito at talagang nakita ko na ang mga iyon?

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top