Lesson 13: Unexpected things Happened*
ALTHEA JEANELLE'S POV
Kaka-stress naman ng violin na ito, ang hirap pag-aralan. Bakit nga ba kasi nagseself study ako? Wala lang, kasi trip kong mag-aral mag-isa. Naku! Nababaliw na ata ako, pati sarili kong tanong ako na mismo ang sumasagot.
Pumunta na lang ako sa sala at iniwan dun yung violin. Tsaka ako dumiretso sa kusina dahil sa nauuhaw na ako. Pagdating ko sa kusina, kumuha agad ako ng malamig na tubig. Ewan ko pero bigla na lang akong kinabahan.
Habang umiinom ako, may narinig akong tumutugtog ng violin? Tumutugtog ng violin?! Sino kaya yun?
Dali-dali kong inubos yung tubig na iniinom ko at nagmamadaling pumunta ng sala. Pagdating ko dun, nadatnan ko si Kendrick, tahimik na tumutugtog ng violin.
Pinagmasdan ko lang siya habang tumutugtog. Saan kaya niya natutunan tumugtog ng violin? Eh wala naman kaming violin dati. Manghang-mangha pa rin ako habang pinapanood siya ng bigla na lamang siyang tumigil sa pagtugtog.
Siguro naramdaman niya na may nanonood sa kanya. Napatingin siya sa akin at nahihiyang ngumiti.
Ako naman ay nakangiting lumapit sa kanya. Pagkalapit ko sa kanya, bigla ko siyang niyakap at sinimulang guluhin ang buhok niya.
"Ikaw bata ka, saan ka natutong tumugtog ng violin ha? Saan? Sabihin ko sa akin." -ako
"G-grabe naman ate! T-tama na uy! Ang hirap mag-ayos ng buhok. S-sabing tama na eh! Oo na sasabihin ko na kung saan ko natutunan." -siya
Biglang nagliwanag yung mukha ko dahil sa narinig. Sasabihin na niya kung saan siya natuto. This is the moment of truth.
Kaya naman binitawan ko na siya at humarap ako sa kanya. Nakita ko naman na maingat niyang ibinalik yung violin sa case nito. Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya, bigla siyang nagtatakbo palayo sa akin.
Naku! Akala ko sasabihin niya sa akin kung saan niya natutunan, ang daya naman.
"Hoy Kendrick! Bakit tumakbo?! Sabihin mo nga sa akin kung saan ka sabi natuto eh." -sigaw ko sa kanya habang hinahabol siya.
May lahi bang kabayo tong kapatid ko? Ang bilis tumakbo eh.
"Ayaw ko nga. Bleh!" -siya
Aba't... Tama bang belatan ako ng batang ito.
"Kendrick! Lagot ka sa akin kapag nahabol kita!" sabi ko sabay habol ulit sa kanya.
Siya naman tawa ng tawa habang tumatakbo pa rin. Grabe, ang bilis niya pala talagang tumakbo.
Naghabulan lang kami hanggang sa mapagod. Nalibot na nga namin ang buong bahay dahil sa habulan namin.
Nung napagod kami, basta na lang kaming nahiga sa sahig sa may sala.
"Ang sama mo! Pinagod mo pa ako kakahabol sa'yo, kung sinabi mo na kasi kung saan ka natuto." -ako
"Tsk. Ikaw kasi, ginulo mo pa yung buhok ko." -siya
"Ha? Ano naman ngayon kung ginulo ko?" -ako
"Ang hirap kayang mag-ayos." -siya
"Sabihin mo na kasi kung saan ka natuto." pangungulit ko sa kanya.
"Tsk. May nagturo sa akin nung nasa Pilipinas pa tayo. Kaibigan ko ang nagturo." walang gana niyang sagot.
Naku! Ayos ang pagsagot ah. Bangasan ko kaya to? Joke lang, kawawa naman ang face ng ading ko kapag nagkataon.
"Ah okay." yun na lang ang naisagot ko. Eh sa wala na akong maisip na maisagot eh.
Bumangon na ako at nagsimulang ayusin ang sarili ko. Napatingin ako sa wall clock namin.
What?! 9 na ng gabi? Ang tagal ko na palang nandito hindi ko man lang namalayan, enebenemenyen.
Pumunta saglit ako sa kwarto ko para kunin yung bag ko at para mag-ayos ng sarili. Babalik na rin kasi ako ng University.
Pababa na ako ng hagdan ng makita kong nandun sina Mom and Dad.
"Mom! Dad!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanila.
Grabe, namiss ko sila ng sobra. Hindi ko kasi sila naaabutan tuwing umuuwi ako dito sa bahay.
"Hi princess. Kumusta ka na?" malambing na tanong ni mom
"Ayos lang po ako mom. Sayang mom, mukhang hindi na po tayo makakapagbonding kasi kailangan ko na pong umalis. Gabi na rin po kasi. Kailangan ko na pong bumalik ng University." malungkot kong sagot kay mom
"Naku, nag-eemote na naman ang princess namin. Hayaan mo, may next time pa naman eh." nakangiting sabi ni dad
Nginitian ko na lang sila tsaka ko sila parehong hinalikan sa pisngi.
Nagpaalam na ako sa kanila at tsaka lumabas ng bahay.
Paglabas ko palang ng bahay, may kakaiba na agad akong naramdaman.
AUTHOR'S POV
Nagpalinga-linga si Althea dahil sa kanyang naramdaman. Ngunit wala siyang nakita.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makalapit na siya sa kanilang gate. Ngunit bigla na lamang siyang napahinto sa paglalakad at biglang napalingon sa kanyang kanan.
Nagulat siya dahil sa may nakita siyang isang pigura. Hindi niya makita ang mukha ng taong iyon dahil sa dilim pero sigurado siya na lalaki iyon dahil na rin sa hubog ng katawan.
"Who's in there?" tanong ni Althea habang papalapit siya sa lugar na kinaroroonan ng lalaki.
Nakakailang hakbang pa lamang siya papalapit dito ng bigla na lamang nitong batuhin si Althea ng isang patalim.
Dahil sa reflex ay nailagan niya ito. Akala niya wala na itong kasunod yun pala ay meron pa.
Binato ulit siya ng dalawa pang patalim. Nailagan niya ang isa ngunit ang isa ay hindi. Bumaon ang patalim sa tagiliran niya.
Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang tagiliran kaya naman napatingin siya doon. Nang makita niya kung ano ang nangyari sa kanya. Tahimik siyang napamura sa sarili.
Pinilit niyang habulin ang lalaki ngunit mabilis itong nakatakas sa kanya dahil sa sugat niya. Pinilit ni Althea na bumalik ng bahay, ngunit hindi niya kinaya at bumagsak siya sa mismong hagdan ng bahay nila.
"D-dad, help." yan ang huling nasambit ni Althea bago nawalan ng malay.
Sa kabilang banda, bigla na lamang nakabasag si Kendrick ng baso habang siya ay umiinom. Natulala siya panandalian ngunit hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan niya at nagtatatakbo siya palabas ng bahay.
Pagdating niya sa labas ng bahay, halos mawalan ng kulay ang mukha niya sa nakita.
Ang ate niya, duguan at nakahandusay sa may hagdan.
Dali-dali niyang nilapitan ito at tiningnan. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasan na maiyak.
"A-anong nangyari sa kanya?" gulat na tanong ng kanilang ama.
Hindi nakasagot si Kendrick dahil sa gulat.
Nilapitan na lamang ng ama nila si Althea at binuhat ito upang dalhin sa pinakamalapit na hospital. Si Kendrick naman ay tinawag ang kanyang ina at sinabi dito ang nangyari.
Nadala kaagad si Althea sa hospital at naagapan nila kaagad ang sugat na natamo nito mula sa patalim.
***
"Charles, kumusta si Althea? Kumusta ang prinsesa natin?" puno ng pag-aalalang tanong ni DIvine, ang ina nina Althea at Kendrick, kay Charles, ang asawa nito.
"Maraming dugo ang nawala sa kanya, pero ayos na daw siya." mahinahon na sagot nito.
Pinuntahan na lamang nila ang kwarto kung saan tahimik na nakahimlay si Althea.
"Kendrick, bantayan mo muna saglit ang ate mo, may pag-uusapan lang kami ng Mom mo sa labas." utos ni Charles kay Kendrick.
Tumango na lamang ito, tsaka sila lumabas. Naglakad sila papuntang garden ng hospital, sa parte kung saan walang gaanong tao na nagpupunta.
"Anong pag-uusapan natin Charles?" tanong ni Divine sa asawa nito
Hindi sumagot si Charles, sa halip ay ipinakita nito ang isang patalim ang patalim na bumaon sa tagiliran ni Althea.
Nagulat si Divine sa nakita niya. Ang patalim na iyon, hindi siya maaaring magkamali, iyon nga ang patalim na ginagamit nila.
"Nahanap na ba nila tayo Charles?" takot na tanong ni Divine
"Sshh.. Mahanap man nila tayo, ipagtatanggol ko pa rin kayo." mahinahon na sagot ni Charles.
***
Sa kabilang banda, ang lalaking nakita ni Althea sa kanilang bahay ay kasalukuyang binubogbog dahil sa pagkakamaling nagawa.
"Next time, be careful with what you are doing? Understand!?!" full of authority na tanong ng pinuno nito sa lalaki.
"Y-yes master." nanghihinang sagot naman nito.
Pinarusahan siya dahil sa pagkakamaling nagawa. Ang trabaho lamang niya ng mga panahong iyon ay hanapin ang kinaroroonan niya at humanap ng tamang tyempo para patayin siya. Ngunit hindi kasama roon ang pangdadamay ng ibang tao.
At mas lalo siyang pinahirapan dahil ang nadamay niyang tao ay ang pinakaiingatan ng grupo nila.
"Tsk." sagot lamang ng pinuno nila at tsaka umalis.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top