Lesson 10: Being the New Member*

AUTHOR’S POV

Pagkatapos ng pagtugtog ng apat ay may mga sumunod na tumugtog at lahat ng estudyante ay nag-eenjoy sa kanta.

Sa kabilang banda ay pilit namang sinusuyo nina CL si Althea na sumama sa kanila. Gumagawa talaga sila ng paraan para maisama sa grupo nila si Althea.

“Common Althea, please join our group.” –Minzy

“I-I’ll think about it.” –Althea

“Why think about it? You don’t have to think anymore. Just say yes.” –Bom

“Guys! Don’t mess around with Althea anymore. Let us give her some time to think. *harap kay Althea* We will give you time to think. We will get your answer tomorrow morning. So, see you around tomorrow. sabi ni CL sabay tayo at balik sa upuan niya.

Naiwan namang nanlulumo si Althea. Hindi niya inaasahan na ganun na ang mangyayari. Ang gusto lamang niya ay makatugtog kasama ang ibang tao.

Napansin naman ni Adrian ang pagbabago ng mood ng dalaga pagbalik nito sa upuan nito kaya naman tinanong niya ito.

“What happen? “ –Adrian

“A-ah wala. Wag mo na akong intindihin. “ sabi ni Althea sabay lingon sa ibang direksyon.

Pinagbigyan na lamang ni Adrian si Althea since yun naman yung request niya. Pero hindi maialis kay Adrian ang pagkakaroon ng kaba sa dibdib sa tuwing nakikita niya si Althea na nalulungkot. Ganun din naman ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ang nakangiting mukha ng dalaga.

Sa tingin niya ay may sakit siya at kailangan na niyang magpakunsulta sa doctor sa lalong madaling panahon.

Natapos ang araw sa RSU ng tahimik at matiwasay, ngunit magiging matiwasay pa kaya ito pagdating ng kinabukasan?

ALTHEA JEANELLE’S POV

Another day for me! Pero bangag pa rin ako hanggang ngayon dahil napuyat ako kagabi sa pag-iisip ng isasagot ko kina CL. At hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip na isasagot sa kanila. Bahala na nga lang mamaya.

Habang naglalakad ako papuntang building ng first class ko, may nakabunggo sa akin. Napaupo ako sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabunggo sa akin.

Pagtingala ko, hindi maipinta yung mukha nung nakabungguan ko. Paano ba naman, natapon sa kanya yung iniinom niyang kape. At kitang-kita yun kasi puti ang uniform niya. At ang may puting uniform sa school na ‘to ay walang iba kundi ang Rose Class.

Galit na galit siyang nakatingin sa akin.

“Look at what you did to my uniform!” pasigaw niyang sabi na siyang nakakuha ng atensyon ng ibang estudyante kaya naman napalingon ang mga iyon sa amin.

“Sorry.” Sabi ko sabay yuko.

At hindi pa ako nakakabawi sa pagyuko ko, nakaramdam ako ng likidong ibinuhos sa ulo ko. Napatayo ako ng tuwid at napahawak sa buhok ko, walang hiyang babae! Tinapon sa akin yung kapeng iniinom niya!

“That is only right for you. You are not looking to where you are walking. So next time girl, be careful.” Sabi niya in maarteng way at sabay tapon sa akin nung baso na may laman pang konteng kape, kaya naman natapon sa akin yung kape.

Narinig ko na lang na may tumatawa sa paligid ko. Tsk. Tinatawanan ako ng mga estudyante dito. Makaalis na nga lang. Habang naglalakad, nahagip ng mata ko ang nakangising mukha ni Charmaine. Para siyang may plinano at nagtagumpay yung plano niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ako sa locker ko. Pagdating ko sa locker ko, napanganga ako sa nakita ko.

Punong-puno ng bubble gum yung locker ko. Maraming nakadikit na bubble gum sa gilid-gilid pati na rin yung mga books ko may nakadikit rin na bubble gum?!

Asar na asar akong nagtanggal ng bubble gum. At yung mga taong napapadaan naman sa akin ay napapasilip sa ginagawa ko at kitang-kita sa mukha nila ang pandidiri.

Naku! Kung sino man talaga ang may gawa nito, sana magka-mumps siya. Syempre, napagod ang panga niya sa pagnguya ng bubble gum kaya ganun.

Malapit ko ng matapos yung pagtatanggal ng bubble gum sa locker ko ng may mahulog na papel galing sa isang libro na nilabas ko saglit. Kinuha ko yun at binasa.

‘Know your place, bitch.’

Yun yung nakasulat sa papel. Ano namang nagawa ko? Bakit ako ginaganito. This is bullying! Hay, akala ko pa naman hindi na ako makakaranas ng ganito dito, hindi pala.

Matapos kong tanggalin lahat ng bubble gum, kinuha ko na yung extra uniform ko. Pagkakuha ko, napansin ko na parang may punit kaya naman tiningnan ko. Pagkatingin ko, punit-punit yung uniform ko. Nag-init bigla yung ulo ko.

Nabuhusan na nga ako ng kape, ay hindi pala nabuhusan, BINUHUSAN pala, may bubble gum yung locker ko, late na ako sa class ko, punit-punit pa yung uniform ko!

Wala akong nagawa kundi bumalik ng dorm para dun na magpalit ng uniform at para maligo ulit. Arrghhh!!!! Nakakainis ang araw na to!

SHAINA’S POV

Lunch time na at naisipan kong ayaing kumain si Althea. Ititreat ko sana siya kasi syempre, as a friend, proud na proud ako para sa kanya. Kung bakit ako proud sa kanya, syempre nabalitaan naming yung nangyari kahapon nung music class nila.

Ano kaya ang feeling na mapanood siya na tumutugtog sa harap tapos marinig mo pa siyang kumanta? My gosh! Siguro magtatatalon ako dun tapos magsisisigaw katulad nung ginawa ko minsan na nakita ko siyang tumugtog.

Nagpatuloy na ako sa paghahanap kay Althea, tinext ko na siya kanina pero hindi pa siya nagrereply. Sa paghahanap ko, nakasalubong ko si Trace.

”Hi Shaina! Looking for me?” –Trace

Binigyan ko lang siya ng isang confused look pero sa loob-loob ko kinikilig ako. Lakas lang bumanat eh.

“Eh? Me, looking for you? Nope. I am looking for Althea. Did you see her?” sabi ko sa kanya.

“No. How about I’ll help you look for her.” –Trace

Tumango na lang ako. Sinamahan niya akong maghanap, ang saya-saya. Naputol yung pag-iisip ko ng biglang lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

Naramdaman ko na lang na uminit ang mukha ko. At bigla na lang siyang nag-smirk at mas lalong inilapit ang mukha niya sa akin. What does he think he is doing?

“H-hey! What do you think y-you are doing?” –ako

Pero sa halip na sumagot, mas lalo niyang inilapit ang mukha niya kaya naman gumana na ang reflex ko.

“A-aww!!!” –Trace

Sabi niya habang tumatalon-talon. Err. Tinapakan ko lang naman yung feet niya. At alam kong masakit yun, coz I am using heels, pin heels.

“U-uhm. Sorry! Err.. “ –ako

Bigla na lang niya akong tiningna ng masama. Uh-oh. Wag naman sanang ganyan.

“Sorry?! Do you think first before you do something? Or you just do whatever you want to do without thinking?” –Trace

Now that is something below the belt.

“You know what. I am not… Aish! Sorry for what I did. Sorry!” sincere kong sabi tsaka ako umalis.

I don’t want to talk to him for now. He hit something below the belt. I am not like that, I always think first before I make a move.

Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Charm.

“Hey Shaina, what happen?” –Charm

“Nothing.” Sabi ko

Pero pinilit pa rin niya akong magkwento kaya napakwento ako. Kinomfort naman niya ako pero hindi ko ramdam ang pagcomfort niya. Parang palabas lang lahat, or nagsosobrahan lang ako sa pag-iisip kaya ganun.

Aish! Pabayaan na nga muna natin yan. Na-miss ko tuloy yung family ko. Mabisita nga sila this Saturday.

ALTHEA JEANELLE’S POV

Sa 3rd class na ako nakapasok. Ang tagal kong nagpakalma ng sarili ko. Hirap na hirap pa man din ako pagdating sa mga ganung bagay.

Pagkatapos ng klase, lunch break na. Habang naglalakad, nakasalubong ko sina CL. Nginitian nila ako.

“Hi Althea! So about what we talked last time, what’s your decision?” –Bom

“A-ahh… Okay, I’m in.” sabi ko

Nakita kong lumawak yung ngiti nina Bom at Minzy, pero kakaiba yung ngiti ni CL, nakakakilabot. Pero hindi ko na yun pinansin.

Inaya nila akong mag-lunch kaya naman sumama na ako sa kanila. Habang nagla-lunch, nagkwentuhan na rin kami.

At habang nagkukwentuhan kami ay mas lalo naming nakikilala ang isa’t isa. Napag-alaman ko na isang fashionista si Bom, mahilig namang sumayaw si Minzy at si CL naman ay parang ate sa aming lahat. Ang mature niyang mag-isip.

Napag-alaman ko rin na kaya pala nila ako niyayang sumama sa kanila dahil malapit na daw yung band battle. Yung parang battle of the bands. Pero yung band battle, ang kalaban naming ay taga-ibang school. Gusto daw nilang makasama dun kaya naman nag-eensayo na sila.

Buti pa sila, may mga plano sila sa pag-stay nila dito sa school na to. Pero ako, just go with the flow lang. Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ako ng pag-aaral dito, ayaw kong gawing komplikado ang buhay ko dito. I want a simple life.

Pero mukha atang hindi ko na maiiwasan yun, kasi yung unang tapak ko palang dito, pumasok na ako sa isang komplikadong daan ng buhay. I just really hope I can survive this journey.

SOMEONE’S POV

I am reading some documents when my phone rang. Sinagot ko yung tawag.

“Mr. Cross, she already agreed.”

“Really? Just keep an eye to her. And protect her. Since that is your work as one of the guardians.”

Sabi ko tsaka putol ng linya. Looks like the plan is working out smoothly. Everything will settle to its rightful place when the time comes. And when that time comes, She will know everything about herself.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top