EPILOGUE*
SHAINA'S POV
"What happened to the princess, mom?" tanong sa akin ng anak kong babae habang kalong-kalong ko. Ngumiti muna ako sa kanya bago ko sinagot ang tanong niya.
"She died, baby." malungkot kong sagot sa kanya. Napasimangot naman bigla ang anak ko. Nakanguso siyang tumingin sa akin habang nakakunot ng noo.
"Why did Princess Althea died if she is strong and can fight any bad people?" takang tanong niya. Hinaplos ko ang napakahaba niyang buhok saka siya niyakap. Hindi ko na mapigilan ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Alalang-alala ko pa kung ano ang nangyari ng araw na iyon sa hospital.
*flashback*
Seryosong nakatingin sa amin ang doctor but you can see on his face na hindi maganda ang naging resulta ng operasyon. Tumikhim ang doctor bago siya nagsalita.
"We're very sorry. We did our best but the patient gave up." seryosong sabi nito bago yumuko saka umalis. Nanginginig akong napaupo sa sahig. That's not true, she is alive. I can feel it, she's alive.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nasasaktan ako, sobra. Bestfriend ko ang nawala, hindi lang kung sinong tao na walang pakialam sa akin. Bestfriend ko siya, siya na nakakaalam lahat ng ayaw at gusto ko pati na rin ng mga sikreto ko.
May naramdaman akong tumapik sa balikat ko kaya naman lumingon ako kung sino iyon. Lumingon ako at nakita ko si Zekie na malungkot na nakatingin sa akin. He hugged me kaya naman mas lalo akong naiyak. Narinig kong gustong makita nina Ryoji at Shiki ang katawan ni Althea ngunit biglang dumating si Mr. Cross at sinabing bawal makita ang katawan ni Althea.
*end of flashback*
"Mommy, are you crying?" takang tanong sa akin ng anak ko. Umiling ako saka pinunasan ang mga luha ko. Ngumiti muna ako bago ako humarap sa kanya.
"No, baby. Mommy just remembered something." maikling sagot ko sa kanya. Tinitigan ko ang anak ko at may napansin akong nakasuot sa leeg niya.
"Baby, can mommy borrow your necklace?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at tinanggal ang kwintas bago ibinigay sa akin. Nanginginig ang kamay kong inabot ang kwintas. Iniangat ko ito upang tignang mabuti at nagsimulang magsilabasan na naman ang mga luha ko.
"Baby, where did you get this?" umiiyak na tanong ko sa anak ko. Yung kwintas na suot ng anak ko ay yung kwintas na kapares ng kwintas na ibinigay sa akin ni Althea. Nagtataka namang tumingin sa akin ang anak ko ngunit sumagot pa rin siya sa akin.
"That's from a beautiful young lady. She said that she gave me that necklace because I looked like her bestfriend." takang sagot niya sa akin. Napatayo ako bigla habang buhat-buhat ang anak ko.
"Where did you meet her?"
"In the park, mommy."
"Is she always there everyday?"
"Yes, mommy. Uhm, right now she's in there sitting in the swing." inosenteng sagot niya sa akin. Pumunta agad ako sa sala at nakita ko doon ang asawa ko na prenteng nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape at nanonood ng TV.
"Trace, can you drive us to the park?" hindi mapakaling sabi ko sa kanya. Takang napatingin siya sa akin pero ng makita niya ang kwintas sa kamay ko ay alam na niya agad ang dahilan kung bakit ako ganun kabalisa. Sumakay agad ako ng kotse at kung anu-anong tanong na lang ang pumapasok sa isip ko. Bakit nila sinabing patay na si Althea? At kung buhay talaga siya, bakit ngayon lang siya nagparamdam makalipas ang 7 taon?
Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nasa park na pala kami. Bumaba agad ako at hinanap ang lugar kung nasaan ang mga swing. May nakita akong isang babae na tahimik na nakaupo sa swing habang nakatingin sa langit.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hindi ako makapaniwalang buhay siya, buhay si Althea. Nasa tabi na niya ako pero hindi pa rin niya ako napapansin. Lumapit pa ako sa kanya saka lang niya naramdaman na nandun na pala ako. Napangiti siya ng makita ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at laking gulat niya ng bigla ko na lang siyang yakapin. Sobrang miss ko na talaga ang taong ito. Umiiyak ako habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Nakakainis ka! Alam mo ba iyon! You lied about your death." umiiyak na sabi ko sa kanya. Narinig ko naman siyang tumawa kaya bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Why are you laughing?" nakasimangot kong tanong sa kanya. Sa halip na sagutin ako ay pinisil niya ang pisngi ko ng sobrang higpit.
"Ah, hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago. May anak ka na ngayon, pero kung sino si Shaina noon ay siya pa rin si Shaina ngayon." sabi niya habang nakangiti pa rin. Sinimangutan ko siya saka inirapan. Kailangan niyang magpaliwanag sa akin. Narinig ko siyang napabuntong-hininga saka kinuha ang kamay ko at pinisil ng marahan.
"Yung tungkol sa pagsabing namatay ako, actually na-coma ako. At isa sa mga plano ko before mangyari ang lahat ng iyon ay kung may mangyari man sa akin, i-declare nilang namatay ako dahil sa pangyayaring iyon. Reason? Para mapadali ang paghuli sa tatay ni Charm ganun din sa mga kasabwat niya. I didn't mean to hurt you, kailangan ko lang talagang gawin iyon." malumanay na sagot ni Althea. Tinitigan ko siya bago ko siya niyakap ng sobrang higpit.
"I miss you, bestfriend." sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa.
"I miss you, too, bestfriend." sabi din ni Althea sa akin. Humiwalay kami sa pagkakayap at saka naman dumating ang mag-ama ko.
"Mommy, that's the beautiful lady who gave me the necklace." nakangiti niyang sabi habang nakaturo kay Althea.
"I know." nakangiti kong sabi sa kanya. Napakunot naman ang noo niya at litong tumingin sa akin. Ano nga ba ang maiintindihan ng isang 3 years old na bata pagdating sa mga sinabi ko.
"She's my bestfriend, baby. Here name is Althea." biglang nanlaki ang mata ng anak ko.
"Mommy she's Princess Althea in the story?" tanong niya. Tumango ako.
"You said she died, then why is she alive?" takang tanong niya habang nakatingin ng mabuti kay Althea.
"Because she defeated the evil witch of death." nakangiting sagot ko sa kanya. Bigla na lang siyang nagtatatalon sa harap namin.
"Yes! Princess Althea is alive! And now she can live happily ever after." masayang sabi niya habang nakangiti ng sobrang lapad.
*THE END*
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top